DLP - Esp - Grade 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

(Ugaling Pilipino: Pagsunod sa Tuntunin ng


Pamayanan)
Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao
I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mag aaral ay inaasahang;


1.1. Matutukoy ang mga alituntunin sa sariling komunidad;
1.2. Makapagbibigay ng mga halimbawa ng pagtupad at paglabag sa mga
alituntuning ito;
1.3. Maihahambing ang epekto sa pamilya at sa komunidad ng pagsunod
at paglabag sa mga alituntunin; at
1.4. Mailalarawan ang epektong dulot ng pagtupad at hindi pagtupad ng
mga tungkulin sa komunidad.
II. Paksang Aralin

Paksa: Ugaling Pilipino: Pagsunod sa Tuntunin ng Pamayanan


Kagamitang Panturo: Laptop, powerpoint presentation,
Sangunian:
Maria Carla M. Caraan et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao - ikatlong baitang : kagamitan ng
mag-aaral sa sinugbuanong binisaya. Unang Edisyon. Edited by Erico M. Habijan at Irene C.
De Robles. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat,
2014, 2-16. CG, P48,
Maria Carla M. Caraan et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao - ikatlong baitang : kagamitan ng
mag-aaral sa sinugbuanong binisaya. Unang Edisyon. Edited by Erico M. Habijan at Irene C.
De Robles. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat,
2013, 2-16. 3ppp-IIIc-d – 15, unang Edisyon 2014.
Essential Question: Sa paanong paraan natin maipapakita at maisasabuhay ang pagsunod sa
tuntunin ng pamayanan?
Value Statement: “Ang pagsunod sa utos ay isang tanda ng mabuting paguugali ng tao ”
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Bata


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Magandang araw mga bata bago natin


simulan ang ating leksyon sa araw na ito,
tayo muna’y manalangin.
Opo, Ma’am Rica.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito


Amen. Santo. Amen.

Diyos na Makapangyarihan sa lahat, lumalapit Diyos na Makapangyarihan sa lahat,


po kami sa panalangin sa araw na ito. lumalapit po kami sa panalangin sa araw
Nagpapasalamat po kami sa buhay at kalakasan na ito. Nagpapasalamat po kami sa buhay
na taglay naming ngayong araw. Humihingi po at kalakasan na taglay naming ngayong
kami ng kaunawaan para matutunan ang aming araw. Humihingi po kami ng kaunawaan
leksyon sa online class. Gayundin, patnubayan para matutunan ang aming leksyon sa
po ninyo ang aming mga guro para makapagturo online class. Gayundin, patnubayan po
po sila ng maayos. Ang lahat ng ito, pakisuyong ninyo ang aming mga guro para
tanggapin at dinggin tangi lamang sa pangalan ni makapagturo po sila ng maayos. Ang lahat
Jesus, Amen. ng ito, pakisuyong tanggapin at dinggin
tangi lamang sa pangalan ni Jesus, Amen.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo.
Amen. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito
Santo. Amen.

2. Pagtse-tsek ng mga Lumiban

Lahat ba ay narito ngayon?

Magaling! Opo, Ma’am!

3. Pagbabalik-tanaw sa mga Panuntunan sa


Silid-Aralan

Bago tayo magsimula, tayo munay magbalik-


tanaw sa mga panuntunan natin sa Silid- Aralan.
1. Maging positibo
2. Laging handa
3. Makipagtalakayan
4. Maging magalang sa iyong kaguruan
at kamag-aral

Naiintindihan ba mga bata?

Opo, Ma’am!
5. Pagbabalik aral:

1. Ano ang napag-aralan natin


noong nakaraang leksyon?

Tungkol sa kaugalian ng mga Pilipino


2. At anu-ano naman ang mga
kaugalian ng mga Pilipino na dapat
nating mahalin at panatilihin?

Pagmamano
Paggalang tulad ng pagsabi ng po at opo sa
nakatatanda sa atin.
Magbigay pugay sa watawat.

A. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Tukuyin kung itoy mabuting gawain o hindi.
Sabihin ang hep-hep kung ito ay mabuting
gawain at hooray kung hindi.

1. Pagtapon ng basura sa kalye.


2. Pagbigay galang sa ama’t ina.
3. Pagliban sa klase.
4. Pagsuot ng tamang kasuotan sa simbahan.
5. Tumawid sa tamang tawiran.
6. Makipag-away sa eskwelahan.
7. Pagbalik ng sobrang sukli
8. Magbigay pugay sa watawat

1. hooray
2. hep-hep
3. hooray
4. hep-hep
5. hep-hep
6. hooray
7. hep-hep
Magaling! Naranasan niyo na bang malagay sa 8. hep-hep
isa sa mga sitwasyong ipinakita? Ano ito?

( Depende sa sagot )
Ano ang naging epekto ng iyong kilos sa sarili,
pamayanan o paaralan?

Mahalaga bang palagi tayong sumunod sa ( Depende sa sagot)


tuntunin ng pamayanan? Bakit?

Tama! Napakahusay! ( Depende sa sagot)

Dapat tayong sumunod sa tuntunin ng


pamayanan dahil ito ay para sa ikabubuti at
kaligtasan natin.

Values Integration:
“Ang pagsunod sa utos ay isang tanda ng
mabuting tao”

Dahil kapag sumusunod tayo sa tuntunin o kahit


sa simpleng utos ng ating magulang ay nalalayo
tayo sa kapahamakan at nagiging mabuting anak
sa magulang at mabuting tao sa kapwa.

C. Paglalahad ng Paksa

1. Pagtatalakay

1.1. Tingnan ang larawan.

a. Ano ang ipinakita sa larawan?


b. Ano- anong mga babala ang makikita sa
larawan?

Mga babala po ma’am.


c. Ano kaya ang mangyayari kung ating sundin
ang mga babalang ito?
Bawal umihi ditto.
d. Paano mo mailalarawan ang epektong dulot Tumawid sa tamang tawiran
ng pagtupad at hindi pagtupad sa mga tuntunin Huwag umakyat sa puno.
ng pamayanan? Magsuot ng I.D.
Bawal pumitas ng bulaklak.
Bawal magta[pon ng basura dito.
Tandaan na ang bawat pamayanan ay may
ipinapatupad na tuntunin na kailangan tuparin ng
bawat nasasakupan para sa ikaayos ng buong (Depende sa sagot)
pamayanan. Kaayusan at kaligtasan ng bawat isa
ang pinakamahalagang dapat napapangalagaan.
Minsan nagkakaroon ng suliranin sa pagsunod sa
mga tuntunin na ipinapatupad dahil sa (Depende sa sagot ng estudyante)
kakulangan ng kaalaman. Kaya dapat alamin ang
mga ipinapatupad na tuntunin sa inyong
pamayanan o barangay.

1.2. Basahin ang kwentong nasa kahon.

Ang Pamamasyal ni Akong


ni Marilou P. Nozares

Araw ng Linggo’y espesyal,


Para kay Akong na mamasyal.
Doon sa parke sa bayan,
Kaya lubos ang kaniyang kasiyahan.
Si Inay nagpaalala,
Tuntunin dapat tandaan niya.
Bawal ikalat ang mga basura,
Sa basurahan lang dapat mapunta.
Bulaklak bawal pitasin,
Mga gamit sa parke huwag sirain.
Punong matataas bawal akyatin,
Para di ka sa baba pupulutin.
Sa paglalaro, ay dahan-dahan,
Baka ika’y masaktan.
Ingat ay dapat tandaan,
Upang kasiyahan, lubos na makamtan.
Ang pagsunod sa mga tuntunin,
Ay magandang kaugalian natin.
Dapat nating isapuso at gawin,
Para maging ehemplo ng bayan natin.
.
a. Ano-ano ang mga bilin ng inay ni Akong?
b. Paano mo maipahahayag na ang pagsunod sa
tuntunin ng pamayanan ay isang tanda ng
mabuting pag-uugali ng isang Pilipino?
Bawal ikalat ang mga basura
Bulaklak bawal pitasin
c. Tama bang sundin natin ang mga tuntunin ng Mga gamit sa parke huwag sirain.
ating pamahalaan? Bakit? Punong matataas bawal pitasin.
Dahan-dahan sa paglalaro.

d. Ano-ano pang mga tuntunin ang ipinatutupad


sa inyong pamayanan? Ano ang iyong ginawa
upang masunod ang mga tuntuning ito?
(Depende sa sagot ng estudyante)

Bilang isang mag aaral may mga tuntunin din


kayong dapat sundin, ang simpleng pagtapon sa
tamang basurahan ay isa sa mga batas na ( Depende sa sagot ng estudyante)
ipinapatupad ng pamyanan na dapat ninyong
sundin. Pag tawid sa tamang tawiran, upang
maiwasan ang disgrasya o mabunggo ng
sasakyan.
(Dpende sa sagot ng estudyante)

2. Paglalahat
Mga Bata ano po ang natutunan niyo ngayong
araw?

Opo maam.
Tama! Dahil, ang pagsunod sa tuntunin ng
pamayanan ay isang tanda ng mabuting pilipino.
Hindi lamang nito ipinapakita ang kaayusan ng
isang pamayanan kundi naiiwasan din ang mga
suliranin tulad ng disgrasya, dahil dito nakakamit Ang mga Pilipino ay likas na masunurin
ang kaligtasan ng bawat isa. kaya bilang isang batang Pilipino nararapat
lamang na sumunod sa alituntunin ng
Nakuha po mga bata? aking pamayanan.

Opo ma’am
D. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Panuto : Sagutin ang sumusunod na mga tanong
sa inyong kuwaderno, isulat sa tapat
ng bilang ang ✓ kung ito’y nagpapahayag ng
tamang kaugalian, at X naman kung mali.
______1. Tumawid sa tamang tawiran.
______2. Itapon ang basura sa bangin.
______3. Makipagdaldalan sa loob ng klase.
______4. Magbigay pugay sa watawat ng
Pilipinas.
______5. Magsuot ng I.D. bago pumasok sa
eskwelahan.
1. ✓
2. X
3. X
4. ✓
5. ✓
2. Pagtataya
Ang mystery box ay naglalaman ng mga salita
ayon sa alituntunin sa ating pamayanan. Ayusin
ang mga salita para mabuo ang alituntunin.
Gawin ito sa sagutang papel.

1. Pumasok nang maaga sa klase.


1.

2. 2. Bawal ang umakyat sa puno.

3.

3. Sumunod sa Batas Trapiko.


3. Pagpapahalaga
Bilang isang bata, ano ang iyong pagkaunawa sa
pagsunod sa alituntunin ng pamayanan? Paano
mo ito maipapakita sa anumang sitwasyon o
pagsubok na iyong mararanasan?
Ang tuntunin o batas ay mga utos o mga
patakaran na nangangailang sundin ng
mamamayan para makamit ang kabutihang
panlahat. Ito ay makatarungang prinsipyong
gumagabay sa kilos ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa lipunang kanyang
kinabibilangan.

Kailangan ang isang mamamayan ay sumunod sa


mga tuntunin na ipinatutupad ng pamayanan
upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa
lipunan. Kaya dapat tayong makiisa at sumunod
sa mga patakaran upang magkaroon ng isang
maayos at payapang pamayanan.
Subalit sa panahon ngayon, karamihan sa mga
tao, lalo na ang mga kabataan, ang hindi
sumusunod sa mga alituntunin ng pamayanan
katulad na lamang ng hindi pagsunod sa curfew,
mga kabataang lulong sa droga at mga bisyo. Ito
at dahil mahilig silang humanap at sumubok ng
iba’t ibang bagay. At karamihan sa kanila ay
walang pakialam sa magiging bunga ng kanilang
aksiyon.
Kaya’y nararapat na lalo pang pag-ibayuhin ang
paglinang sa pagpapahalagang pagsunod sa
tuntunin ng pamayanan, upang ang pamayanan
na kinabibilangan ay maayos at malayo sa
kapahamakan.
E. Takdang Aralin
Bilang isang mag-aaral, gumawa ng isang
linggong talaarawan habang ikaw ay nanatili sa
inyong pamamahay.
Araw Mga gawain o
ginagawa

You might also like