Isla Pag Asa
Isla Pag Asa
The original version of this material has been developed in the Division of Negros
Occidental through the Learning Resource Management and Development Section of the
Curriculum Implementation Division. This material can be reproduced for educational
purposes; modified for the purpose of translation into another language; and creating of an
edited version and enhancement of work are permitted provided all original work of the
author and illustrator must be acknowledged and the copyright must be attributed. No work
may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit.
This material has been approved and published for online distribution through the
Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph).
“ISLA PAG-ASA”
Writer: LEVI JUN S. ESTELLENA
Illustrator: CHRIS ANNE P. BURBANO
MARJONH D. TAMONAN
District LRMDS Coordinator
EMILIA L. ENGLIS
Public Schools District Supervisor
OTHELO BEATING
Project Development Officer II, LRM
RAULITO D. DINAGA
Education Program Supervisor, LRM
F6RC-IIa-4
Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito
at tagpuan sa binasang kuwento
Treasury of Storybooks
……………………………………………
DEVELOPMENT TEAM
M
ay isang malaking isla na sobrang ganda at
sagana sa likas na yaman. May tatlong tribu
ang nakapaloob dito. Sila ay tahimik at
maayos na namumuhay. Sila ay handang tumulong
at palaging nagbibigayan sa pangangailangan ng
bawat pangkat.
1
22
Ang mga Taga-Catalan ay mahusay sa pangingisda
at magaling sumisid ng mga perlas. Sila ay naatasang
magbantay at mangalaga sa karagatan. Sila ay
pinamumunuan ni Panagat. “Tanging hiling ko sa
aking mga kasamahan ay ipagpatuloy ang nasimulan
naming kaayusan sa aming tribu at sa buong isla”,
sabi ni Panagat.
3
Ang mga Taga-Vista Alegre ay dalubhasa sa
pakikipagkalakalan ng iba’t-ibang produkto bilang
kabisera ng isla. Sila ay naatasang panatilihing patas
at maayos ang paglabas-masok ng produkto sa isla.
Sila ay pinamumunuan ni Bayluhan. “Titiyakin ko at
ng mga kasamahan ko na tayo ay magiging maunlad
na isla”, sabi ni Bayluhan.
4
Ang mga Taga-Malaga ay may angking galing sa
pagtatanim ng palay, gulay at punong-kahoy. Sila ay
nagsisilbing taga-ingat ng kabundukan at iba pang mga
likas na yaman. Sila ay pinamumunuan ni Gasaka. Malaki
ang paggalang nila kay Gasaka bilang pinuno kahit na
babae pa ito. “Hindi namin kayo bibiguin at asahan ninyo
na kami ay karamay ninyo sa lahat ng oras”, sabi ni
Gasaka.
55
Ang mga pangako at hiling ng bawat pinuno ng
tatlong tribu ng Isla CAVISMA ang nagsisilbing ilaw
at gabay ng bawat tao na mamuhay nang matiwasay
sa loob ng maraming taon.
66
Hanggang dumating ang araw na sila ay
hinagupit ng malakas na bagyo. Sila ay hindi
nakatakas sa bagsik ng malakas na ulan at hangin.
Nasira ang kanilang bahay at kabuhayan.
77
Pagkatapos ng bagyo, agad na nagtipon ang
tatlong pinuno. “Bakit tayo nakaranas ng ganito?”
sabi ni Bayluhan. “Kami ay hindi nakalampas sa
malalakas na hampas ng alon”, tugon ni Panagat.
“Kahit kami sa kabundukan ay lubhang naapektuhan
rin”, sabi ni Gasaka. “Hindi naman tayo ganito noon
dahil ginagampanan ng bawat isa ang ating pangako
na mapanatili na ligtas at maayos ang isla”, sabi ni
Panagat.
88
Lingid sa kanilang kaalaman, isang pangkat ang lihim
na sumisira sa kanilang kapaligiran. Sila ay tinatawag
na mga Ma-oy. Ang mga Ma-oy ay may maikling
pasensya at sakit ng ulo ang kanilang dala kaya tinakwil
sila ng lipunan dahil sa kanilang kasamaan.
99
Sila ay pinatapon sa malayong isla na tinatawag na
Tap-ok. Ang kanilang pamumuhay doon ay sobrang hirap
dahil inaasa lamang nila ang kanilang pagkain sa
pangangaso.
1010
Sila ay bumalik sa pamumuno ni Dagoy sa
Isla CAVISMA upang isagawa ang kanilang
masamang balak na sirain ang kagubatan at
kabundukan.
11
Sila ay nagkakasayahan at nagdiriwang dahil sa
naisakatuparan nila ang kanilang balak. “Lubusan
na nating makukuha ang Isla CAVISMA dahil
nagtagumpay na tayo sa ating unang balak”, sabi ni
Dagoy. “Ma-oy! Ma-oy! Ma-oy!”,sigaw ng mga
kasamahan ni Dagoy.
12
Ang pangkat ni Gasaka ay muling nagtatanim ng
mga bagong punong-kahoy bilang kapalit ng mga
natumbang puno. Hanggang ang isang kawal ni
Gasaka ay may naaaninag na usok mula sa di
kalayuan.
13
Unti-unti niya itong nilapitan at pinagmasdan nang
maigi bakit may usok doon. Nagulat ang kawal sa
kaniyang nakita. “Tila sila ay pagod mula sa kanilang
pagdiriwang. “Sila pala ang may gawa kung bakit
mabilis bumaha at naapektuhan kami ng nakaraang
bagyo”, bulong nito sa sarili.
14
Dali-dali siyang bumalik at sinalaysay ang kaniyang
nakita kay Gasaka. “Ngayo’y alam na natin na sila ang
dahilan ng pagkasira ng kabundukan at lubos na
nakaapekto sa mga naninirahan sa isla”, galit na sabi
ni Gasaka.
15
Agad na nagtipon ang mga pinuno ng tatlong tribu
kasama ang kanilang mga kawal bago pa tuluyang sirain ng
mga Ma-oy ang ibang parte ng kabundukan at kagubatan.
“Hindi natin hahayaan na sirain nila ang ating likas na
yaman”, sabi ni Panagat. “Tama ka Panagat, kailangan
nating protektahan ito laban sa kanila”, tugon ni Bayluhan.
“Ipagtanggol ang isla”, sigaw ni Gasaka. “Ipagtanggol ang
isla! Ipagtanggol ang isla!”, sabay-sabay na sigaw ng mga
kawal. 16
Walang pag-aatubiling sinalakay ng mga kawal ni
Panagat, Bayluhan at Gasaka ang kuta ng mga
Ma-oy. Gamit ang kanilang mga pana at sibat hindi
na nakaalma at sumuko na lamang ang mga Ma-oy
dahil sila ay napapalibutan na. “Ayaw na naming
dumanak pa ang dugo kaya sumuko na kayo”, sabi ni
Bayluhan.
17
18
Si Dagoy ay ginapos ng mga kawal pati na rin ang mga
kasamahan nito. “Alam naming mabuti kang tao Dagoy dahil
ikaw ay isa rin sa amin noon”, sabi ni Panagat. “Ano ang
gagawin natin sa kanila mahal na pinuno?”,sabi ng kawal.
“Marapat lamang na tapusin na natin ang kanilang buhay
dahil ang kanilang ginawa ay walang kapatawaran!”, sigaw ni
Gasaka.
19
“Hindi natin gawain na kunin ang kanilang buhay
dahil ang Maykapal lamang ang nararapat na
humusga sa kanila. Bilang tao kagaya nila, puwede
ba natin silang patawarin at bigyan pa sila ng isa
pang pagkakataon?” pakiusap ni Bayluhan. “Pero
saan sila ngayon titira dahil wala na silang lugar dito
sa ating isla”, tugon ni Panagat.
20
“Turuan natin silang
mamuhay nang tama, may
tungkulin sa kapwa,
pagmamahal sa kalikasan at
higit sa lahat may takot sa
Maykapal”, sabi ni Gasaka.
21
“Maraming salamat dahil ang
inyong pasya ay makatao”, sabi ni
Dagoy. Sumang-ayon naman ang
mga kasamahan ni Dagoy at sila
ay labis na nagsisisi sa kanilang
ginawa.
22
23
Sila ay natuto ng iba’t-ibang mga gawain
tulad ng pagsasaka, pangingisda at paggawa ng
mga malalaking bangka para sila ay mabuhay
sa tamang paraan. Makalipas ang ilang buwan
ang mga Ma-oy ay nagdesisyon nang bumalik sa
Tap-ok at doon ipagpapatuloy ang nasimulan
nilang mabuting gawain.
24
“Bago kami umalis sa Isla CAVISMA, kami ay
lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat dahil sa
isa pang pagkakataon na inyong binigay sa aming
pangkat. Kaming mga Ma-oy ay hindi na magiging
sakim at masama dahil kami ay binigyan ninyo ng
“PAG-ASA”.
25
Simula ngayon, kaming mga Ma-oy ay
magbabagong buhay na at babalik na sa aming isla
at ito ay tatawaging “ISLA PAG-ASA”, sabi ni Dagoy.
26
“Humayo na kayo at ipagpatuloy ang pagiging
mabuti”, sabi ni Gasaka. Umalis ang mga Ma-oy
sakay ng mga bangkang sila mismo ang gumawa
na may saya sa kanilang puso at kinabukasang
puno ng pag-sa.
27
28
Mga tanong:
isla?
lahat?
Subject:
FILIPINO
Intended for:
GRADE 6
Learning Competency:
Code Objective
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa
F6PB-Ib-5.4
kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
F6RC-IIe-5.2
pamatnubay na tanong.
Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito
F6RC-IIa-4
at tagpuan sa binasang kuwento.
Values Integrated: