Ang Impormal Na Sektor

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 44

Ang Impormal na Sektor

Araling Panlipunan 9
Modyul

Larawang kuha ni Venus Baliling

Inihanda ni: VENUS F. BALILING


Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Tabuk City
City Hall Compound, Dagupan City

Published by the:

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM


(LRMDS)
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Tabuk City
Copyright 2019

COPYRIGHT NOTICE

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the


Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit.”

This material has been developed within the implementation of K-12


Curriculum through the Curriculum Implementation Division (CID) - Learning
Resources Management and Development System (LRMDS). It can be
reproduced for educational purposes and the source must be acknowledged.
Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement
or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from
this material for commercial purposes and profit.

Developer: VENUS F. BALILING

ii
PASASALAMAT

Buong puso akong nagpapasalamat kina:

Mildred S. Cabay, ang aking Punong-guro;

Marieta P. Bas-ilen, ang aking Ulong-guro;

Thelma B. Galicia at

Helen B. Orap, mga Opisyales ng Dibisyon,

Sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at pagbibigay ng tulong teknikal upang


magawa ang Modyul na ito.

DIVISION LRMDS STAFF

TEOFILA P. AGSUNOD LORIET L. IYADAN


Librarian II Project Development Officer II

HELEN B. ORAP
Education Program Supervisor-LRMDS

CONSULTANTS

LORRAINE F. TUBBAN
Chief, Curriculum Implementation Division

VIRGINIA A. BATAN
OIC, Assistant Schools Division Superintendent

BENEDICTA B. GAMATERO
OIC, Schools Division Superintendent

iii
SIPAT-SURI

Ang kagamitan ng mag-aaral na ito ay pinamagatang, “Modyul: Ang Impormal


na Sektor”. Ang modyul na ito ay naglalayong mapabuti ang pang-unawa at
pakikilahok ng mga mag-aaral sa aralin. Nahahati ito sa tatlong (3) kasanayan sa
pagkatuto. Mayroong apat (4) na gawain sa bawat kasanayan, ang alamin, paunlarin,
pagnilayan, at ilipat/isabuhay. Ang Pauna at Panghuling Pagtataya ay makikita sa
unahan at hulihan bahagi ng aralin. Ang kasagutan ay matatagpuan sa hulihan ng
aralin.

Ang mga impormasyon, datos, at gawain ay hango sa iba’t ibang kagamitan sa


hangaring makabuo ng isang kagamitang makatutugon sa pangangailangan at
kakayahan ng mga mag-aaral. Subalit may mga pagbabagong ginawa at may mga
bahaging ginamitan ng lokalisasyon upang higit na makabuluhan para sa mga
mag-aaral. Naglagay rin ng mga larawan, ilustrasyon, at Impormal na Sektor. Ang
modyul na ito ay karagdagang kagamitan upang malinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral gaya ng masusing pag-iisip, paglutas ng suliranin, pandaigdigang
kamalayan, pagdedesisyon, at mabuting pagkamamamayan.

Bilang guro ng Araling Panlipunan ng tatlong (3) taon, napagtanto ko na ang


istratehiya o paraan ng pagtuturo at mga kagamitang pampagturo ay dapat nagbabago,
dapat umaangkop sa panahon at sa uri ng mga mag-aaral. Ang mga guro ay dapat
isaalang-alang na iba-iba ang antas at pace ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Sa
kadahilanang ito, naaangkop na magkaroon ng isang modyul na makatutulong sa mas
malinaw na pang-unawa ng mga mag-aaral

Ang modyul na ito ay kagamitang pampagkatuto ng mga mag-aaral para sa


Yunit 4, Aralin 5: Ang Impormal na Sektor, na binubuo ng tatlong (3) Kasanayan sa
Pagkatuto – Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng Impormal na Sektor
AP9MSPIVg-15, Natataya ang mga epekto ng Impormal na Sektor ng ekonomiya
AP9MSP-IVh-16, at Napahahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na
nakatutulong sa Sektor ng Paglilingkod AP(MSP-IVh-17). Ang masidhing hangarin
na malinang ang aktibong pakikilahok upang mabawasan ang mga manggagawa sa
Impormal na Sektor at malalim na pang-unawa sa epekto ng Impormal na Sektor sa
pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya at ng lipunan. Ang pokus nito ay ang
Impormal na Sektor ng Ekonomiya.

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Cover Page ________________________________________________________ i

Copyright Page _____________________________________________________ ii

Pasasalamat ______________________________________________________ iii

Sipat-Suri ________________________________________________________ iv

Talaan ng Nilalaman ________________________________________________ v

Title Page ________________________________________________________ 1

Layunin __________________________________________________________ 2

Paunang Pagtataya _________________________________________________3

Yunit 4: Ang Impormal na Sektor

Aralin 5: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto nito sa Ekonomiya

Dahilan ng pagkakaroon ng Impormal na Sektor_____ _______________8

Epekto ng Impormalna Sektor ng Ekonomiya ______________________15

Patakarang Pang-ekonomiya na nakatutulong sa ___________________ 22


Sektor ng Paglilingkod

Panghuling Pagsusulit______________________________________________ 33

Susi ng Pagwawasto______________________________________________._ 37

Sanggunian ______________________________________________________ 39

v
Araling Panlipunan 10
Modyul

Larawang kuha ni Venus Baliling


LAYUNIN

Sa pamamagitan ng modyul na ito ay mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa Impormal na Sektor.

2. Nasusuri at natatalakay ang mga dahilan at epekto ng Impormal na Sektor.

3. Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok at masusing pang-unawa ng mga


mamamayan sa maigting na pagpapatupad ng mga batas, programa at
proyekto ng pamahalaang naglalayong bawasan o pigilan ang pagyabong ng
Impormal na Sektor.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto;

1. Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng Impormal na Sektor


AP9MSPIVg-15

2. 2. Natataya ang mga epekto ng Impormal na Sektor ng ekonomiya AP9MSP-


IVh-16

3. Napahahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa


Sektor ng Paglilingkod AP(MSP-IVh-17)

2
PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong/pahayag, piliin


ang letra ng tamang sagot. Isulat ang LETRA ng sagot sa sagutang papel.

SAGUTANG PAPEL
1. ______ 6. ______ 11. _____ 16. _____
2. ______ 7. ______ 12. _____ 17. _____
3. ______ 8. ______ 13. _____ 18. _____
4. ______ 9. ______ 14. _____ 19. _____
5. ______ 10. _____ 15. _____ 20. _____

Mga larawang kuha ni Venus F. Baliling

1. Ano ang pagkakatulad ng mga hanapbuhay na nakikita sa mga larawan?


a. Mataas ang sahod c. hindi nakarahistro
b. Madaling pagkakitaan d. Walang amo

2. Batay sa mga larawang nasa itaas, Bakit maraming Pilipino ang kabilang sa
ganitong hanapbuhay?
a. Malaki ang kita c. Madaling hanapbuhay
b. Hindi nagbabayad ng buwis d. Hindi nangangailangan ng diploma

3. Mayroong maliit na tindihan ang iyong ina, alam mong hindi nakarahistro ang
nasabing negosyo ng inyong pamilya. Ano ang maaari mong gawin upang
maging maayos ang pagpapatakbo sa nasabing negosyo ng inyong pamilya?
a. Himukin ang mga magulang na iparehistro ang negosyo upang ito ay
maging ligal.
b. Himukin ang mga magulang na ipagpatuloy ang hindi pagrehistro ng
nasabing tindahan upang hindi mabawasan ang kita sa pagbabayad ng
buwis.
c. Himukin ang mga magulang na magbenta rin ng mga pirated CDs upang
mas lalaki ang kikitain ng tindahan.
d. Himukin ang mga magulang na gawing inuman sa gabi ang tindahan
upang madagdagan ang pagkakakitaan.

4. Patuloy ang pagdami ng mga nagbebenta sa mga kalye kahit ito ay


ipinagbabawal. Ano sa palagay mo ang pinakaangkop na dahilan?
a. Patuloy ang pagdami ng hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
b. Kawalan ng trabahong mapapasukan.
c. Mas madali ang magbenta sa kalye dahil matao.
d. Walang maraming dokumento ang kailangan.

3
5. Lumabas sa 2013 Sarbey ng Lakas-Paggawa (Labor Force Survey) ng NSO
na 16.088 milyon na ang mga manggagawa ng Impormal na Sektor
(informal sector workers) o 42.53% ng mga mamamayang manggagawa
(working population) ng bansa at ang 45% ng ating GDP ay nagmumula rito.
Sa laki ng tulong na inaalay ng sektor, paano ba natin ito
mapangangalagaan?
a. Pagpapaigting ng pamahalaan ng pagpapatupad sa mga batas at
programa para sa nasabing sektor.
b. Limitadong pagkakataon para sa paglilinang ng kasanayan na maaring
tumulong sa pagsulong ng kanilang enterprises.
c. Hindi pagpapalawig ng sakop ng proteksiyong panlipunan (social
protection) sa kanilang hanay.
d. Hayaang maging malaya sa pagsasagawa ng mga kabuhayan.

6. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mabuting epekto ng Impormal na Sektor


maliban sa isa.
a. Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na
makapaghanapbuhay.
b. Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na
pangangailangan.
c. Pagbaba ng masisingil na buwis.
d. Nakakatulong sa pagbawas ng porsyento ng kahirapan.

7. Kung mabibigyan ng pagkakataon na mamuno, anong programa ang


ipatutupad mo upang mapabuti ang kalagayan ng Impormal na Sektor?
Bakit?
a. Access to finance, dahil limitado ang kapital ng mga kasapi ng sektor at
ito ay mahalagang tulong upang mapalago ng mga informal sector
operators at workers ang kanilang kabuhayan.
b. Anti-Informal Sector Law, dahil kung may batas na magbabawal sa mga
gawaing impormal matatakot ang mga taong gagawa nito.
c. Informal Sector Tolerance, dahil nakatutulong naman sila sa GDP kaya
hayaan na lang silang dumami.
d. Informal Sector Mobilization Program, dahil ang pagpapalawig ng sektor
ay karagdagang panloob na kita.

8. “It is vital that government leaders and financial leaders take heed and
broaden their horizons, working to ensure that all citizens have dignified
work, education and healthcare, why not turn to God and ask him to inspire
their plans? Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito ng ni Pope Francis sa
Evangelii Gaudium?
a. Katungkulan ng bawat estado na isaayos ang kabuhayan, kalusugan at
edukasyon ng bawat nasyon sa pamamagitan ng gabay ng Diyos.
b. Kung magiging maka-Diyos ang mamumuno sa pamahalaan lahat ng
bagay ay maisasaayos.
c. Ipagpapasa-Diyos ang lahat ng plano at adhikain ng pinuno upang ito ay
magiging matagumpay.
d. Lahat ng bagay ay malulutas kapag lumapit sa Diyos.

4
9. Ang SELF-EMPLOYMENTASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-
K) ay pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang
mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at
makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga
samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng
Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA’s). Sa iyong palagay,
naipatupad ba ang layunin ng nasabing programa? Bakit?
a. Hindi, dahil marami pa ring kasapi ng Impormal na Sektor ang hindi
nabibigyan ngtulong.
b. Oo, dahil maraming maliliit na negosyante ang nabigyan ng ahensiya ng
pagsasanay at tulong pinansiyal.
c. Hindi, dahil patuloy ang pagdami ng mga negosyante sa lansangan at
mamamayang walang sapat na kasanayan.
d. Oo, dahil lumaki ang GDP ng Pilipinas dahil sa ambag ng nasabing
sektor.

10. Sa iyong pagtatasa sa mabuting epekto at masamang epekto ng pag-iral ng


Impormal na Sektor, dapat bang patuloy na suportahan at isaayos ang pag-iral ng
nasabing sektor?
a. Dapat upang mabawasan ang walang hanapbuhay.
b. Hindi dapat dahil mas maraming buhay ang nalalagay sa alanganin.
c. Dapat dahil ang kasapi ng Impormal na Sektor ay miyembro rin ng
lipunan.
d. Hindi dapat dahil illigal ang mga Gawain sa nasabing sektor.

11. Ang DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP) ay ipinapatupad ng


anong ahensiya ng pamahalaan?
a. Department of Labor and Employment
b. Department of Interior and Local Government
c. Department of Social Welfare and Development
d. Department of Education

12. Ang layunin ng REPUBLIC ACT 7796 oTechnical Education and Skills
Development Act of 1994 ay;
a. kilalanin ang impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector
ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging
ekolohikal.
b. hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng
lipunan upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o
pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng atingbansa
c. naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng
isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan.
d. Nagnanais ng malinang ang kasanayan at kakayahan ng Impormal na
Sektor.

5
13. Ang mga sumusunod ay bumubuo sa BASIC AT DISADVANTAGED SECTORS
NG LIPUNANG PILIPINO maliban sa isa;
a. Magsasaka
b. Manggagawa sa pormal na sektor
c. Guro sa pampublikong paaralan
d. Kawani ng pamahalaan

14. Isa sa mga isyung kinahaharap ng Impormal na Sektor ay ang mababang


pagsapi (membership) ng mga manggagawa (workers) sa mga social insurance
systems. Ano ang implikasyon nito?
a. Kapag nagkasakit, hindi sila makakakuha ng mga benepisyo gaya ng
karaniwang empleyado.
b. Kapag nagkakasakit, libre ang pagpapagamot sa pampublikong
pagamutan.
c. Kapag nagkakasakit, maraming NGO’s at PO’s ang handang tumulong.
d. Kapag nagkakasakit, sila ay tinutulungan ng local na pamahalaan.

15. Bakit kailangang palawigin ang sakop ng social protection sa hanay ng mga
Impormal na Sektor?
a. Upang mapangalagaan ang sektor.
b. Upang mabigyan sila ng safety nets sakaling may mga hindi inaasahang
pangyayari na makakaapekto sa kanilang negosyo
c. Upang malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan.
d. Upang mabigyan sila ng sapat na atensiyon.

16. Ang Pamimirata partikular na ang software piracy ay kabilang sa masamang


epekto ng Impormal na Sektor. Bilang konsyumer, ano ang pinakamainam mong
gawin upang makasiguro sa kalidad ng produkto na iyong binibili?
a. bumili ng pirated CDs dahil mas mura.
b. bumili ng hindi pirated na CDs dahil mas maganda ang kalidad nito.
c. Huwag tangkilikin ang mga produktong pinirata
d. Isuplong sa awtoridad ang kakilalang namimirata.

17. Ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ay naglalayong


mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at
sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Bilang isang responsableng kasapi ng
inyong pamilya, ano ang iyong gagawin upang ang bawat miyembro ng iyong
pamilya ay makinabang sa programang ito ng pamahalaan?
a. Hikayatin ang mga kasapi ng pamilya na hindi pa miyembro na maging
miyembro ng Philhealth.
b. Hayaan ang mga nakatatanda na magdesisyon para sa pamilya.
c. Hikayatin ang mga kamag-aral na magsagawa ng protesta laban sa
pamahalaan dahil sa hindi makataong pakikitungo ng ahensiya.
d. Siguruhin na miyembro ng Philhealth ang mga miyembro ng pamilya na
malapit sa iyo.

6
18. Ang kalagayan ng Impormal na Sektor ay sadyang mahirap. Bilang
mapanagutang mamamayan, ano ang pinakamainam mong gawin upang
mabawasan ang kasapi ng nasabing sektor?
a. Isuplong sa awtoridad ang mga kakilalang nasa Impormal na Sektor.
b. Huwag makialam sa kapwa upang hindi ka rin nila pakialaman.
c. Hikayatin ang mga kabataan na linangin ang kaalaman at kasanayan sa
pamamagitan ng edukasyon.
d. Suportahan ang isinusulong ng kasalukuyang administrasyon na Sistema
ng pamahalaan, ang Pederalismo.

19. Bakit sa kabila ng pagpapatupad ng iba’t ibang batas at programa upang


mapabuti ang Impormal na Sektor ay nananatili ang matinding suliranin sa nasabing
sektor?
a. Masyadong marami ang bilang ng kasapi sa nasabing sector.
b. Kakulangan ng maayos at maigting na implementasyon ng mga batas at
programa.
c. Kawalan ng pakikiisa ng mga mamamayan sa pagpapatupad ng mga
batas at programa.

20. Ang isa sa katangian ng K – 12 na Kurikulum ay ang paglinang ng kasanayan


ng mga mag-aaral ng Grado 11 at 12 upang kahit hindi na magkolehiyo ay
maaaring maghanap-buhay. Sa iyong palagay, sapat na ba ang pagsasanay sa
Grado 11 at 12 upang magkaroon ng matatag at ligal na hanapbuhay?
a. Sapat, dahil lahat ng mag-aaral ay dumaraan sa ebalwasyon ng TESDA.
b. Hindi sapat, dahil kulang ang oras na dapat gugulin sa pagsasanay.
c. Sapat, dahil ang mga guro sa espesyalisasyon ay matatalino.
d. Hindi sapat, dahil bata pa ang mga Grado 11 at 12.

7
YUNIT: 5 PAMAGAT: ANG IMPORMAL NA SEKTOR
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya
PANGNILALAMAN: at mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
PAMANTAYAN SA Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad
PAGGANAP: at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
ARALIN: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto nito sa Ekonomiya.
KASANAYAN SA Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor
PAGKATUTO: AP9MSP-IVg-15

Sa kasanayang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


1. Nabibigyang kahulugan at naitatala ang katangian ng Impormal na Sektor.
2. Natatalakay at naipaliliwanag ang mga dahilan ng Impormal na Sektor.
3. Napahahalagahan ang hanapbuhay o kabuhayan.

Gawain:
Alamin:

Ang bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman sa mga hanapbuhay na


karaniwang makikita sa lipunan na kabilang sa Impona Sektor.

Trabaho Ko, Sabihin Mo:


Suriin ang mga larawan at isaayos ang mga nagulong letra sa ibaba nito upang
matukoy ang tamang sagot. itala kung anong uri ng hanapbuhay ang mga ito sa
kahon.

Larawang kuha ni Allan Baliling sa harap ng Mercury Drug Larawang kuha ni Venus F. Baliling sa Tabuk City National High School

1 2
ARDENIT SANOM

8
Larawang kuha ni Venus F. Baliling sa Dilag, Tabuk City Larawang kuha ni Venus F. Baliling sa Dilag, Tabuk City

3 4
PINKARROTE ORBERAB

Larawang kuha ni Venus F. Baliling sa Dilag, Tabuk City Larawang kuha ni Venus F. Baliling sa Dilag, Tabuk City

5 6
NABLAEDAR ORTUEB

URI NG KABUHAYAN

1.
2.
3.
4.
5.
6.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga hanapbuhay ang Nakita sa mga larawan?
2. Ano sa palagay mo ang pagkakatulad ng mga nakikita sa mga larawan?
3. Sa iyong palagay, ano ang tema ng mga larawang ito?

9
Paunlarin:

Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutunan mo bilang mag-


aaral ang mga katangian at dahilan ng Impormal na Sektor upang higit na mapalalim
ang iyong kaalaman at pang-unawa sa nasabing sektor ng ekonomiya.

Gawain:
Data Analysis:
Pag-aralan ang teksto at ilahad ang karaniwang katangian ng Impormal
Sektor sa Graphic Organizer sa ibaba. Ilarawan ang bawat katangian.

www.slideshare.net/SiranelPHhistory

KATANGIAN NG IMPORMAL NA SEKTOR

10
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng Impormal na Sektor?
2. Batay sa mga katangian, ano ang masasabi mo tungkol sa Impormal na
Sektor?
3. Karapat-dapat bang suportahan ang Impormal na Sektor?

I-Grapic Organizer Mo:


Basahin at unawain ang teksto. Ipaliwanag ang mga dahilan ng Impormal na Sektor
gamit ang Grapic Organizer sa ibaba.

www.slideshare.net/SiranelPHhistory

D
A
H
I
L
A
N

11
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang dahilan ng Impormal na Sektor?
2. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang mga dahilang ito?
3. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong mamuno ng ating bansa,
susuportahan mo ba ang Impormal na Sektor? Bakit?
Pagnilayan:

Sa bahaging ito, palalawigin ang iyong natutunan tungkol sa dahilan


ng Impormal na Sektor upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng
iyong natutunan.

Gawain:
Suri-Teksto:
Suriin at unawaing mabuti ang teksto; at gumawa ng repleksiyon tungkol dito.

Ayon sa aklat na "Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon" (2012) nina


Balitao et al., ang mga sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit
pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na sektor:
• Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;
Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic red
tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng
pamahalaan;
• Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at
programa ay hindi naipapatupad nang maayos;
• Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o
puhunan; at
• Mapangibabawan ang matinding kahirapan.
Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor
ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang
mapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matatag
laban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin,
kawalan ng trabaho, maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon.
Maraming mga magkakaugnay na salik ang itinuturong dahilan kung bakit
patuloy na lumalaganap ang impormal na sektor sa iba’t ibang bansa. Sa
pangkalahatan, sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na
pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya. Maliban pa rito, ang kakulangan ng sapat
na hanapbuhay o kung hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol
sa paggawa ay ilan sa dahilan sa pag-iral ng impormal na sektor.

Repleksiyon:

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

____________________________________________________

12
Rubrik:

Pamantayan NPG M MM
Nilalaman (15) 15 10 5
Nakapaglahad ng tatlo o Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng isang
higit pang ideya tungkol dalawang ideya ideya tungkol sa paksa
sa paksa tungkol sa paksa
Organisasyon (10) 10 8 6
Lahat ng ideya ay May isang ideya ang May dalawang ideya ang
nailahad ng napakaayos hindi maayos na hindi maayos na nailahad
nailahad
Kalinisan (5) 5 4 3
Napakalinis ang awtput Malinis ang awtput Medyo madumi ang awtput

Ilipat/Isabuhay:

Pagkatapos isagawa ang mga gawain at suriin ang mga teksto,


inaasahan sa bahaging ito na ikaw ay handa na upang magsagawa ng paglipat
o pagsasabuhay.

Gawain:
Paggawa ng Slogan:
Gumawa ng isang slogan na binubuo ng 10-15 salita tungkol sa mga dahilan
ng pag-iral ng Impormal na Sektor.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Rubrik:

Pamantayan NPH M MM
Nilalaman (10) 10 8 6
Nakapaglahad ng tatlo o Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng isang
higit pang dahilan ng dalawang dahilan ng dahilan ng Impormal na
Impormal na Sektor Impormal na Sektor Sektor
Presentasyon (10) 10 8 6
Lahat ng dahilan ay May isang dahilan ang May dalawang dahilan ang
nailahad ng napakaayos hindi maayos na hindi maayos na nailahad
nailahad
Pagkamalikhain (5) 5 4 3
Napakamalikhain ang Malikhain ang poster- Medyo malikhain ang
poster-islogan islogan poster-islogan

13
EBALWASYON:

ISA-ISAHIN: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

1. Ano-ano ang mga dahilan ng Impormal na Sektor?

a. ______________________________________
b. ______________________________________
c. ______________________________________
d. ______________________________________
e. ______________________________________

2. Ano-ano ang mga katangian ng Impormal na Sekto?

a. ______________________________________
b. ______________________________________
c. ______________________________________

3. Pangkalahatang sanhi ng pag-iral ng Impormal na Sektpr?

a. ______________________________________
b. ______________________________________
c. ______________________________________

Impormal na Sektor
• Ito ang sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na dokumentong
kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang- ekonomiya.
Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuuang
T Gross Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga
ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%.
A Dahilan ng Impormal na Sektor
• Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;
N • Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan (bureaucratic red tape).
D • Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at
programa ay hindi naipapatupad nang maayos;
A • Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o
puhunan;
• Malabanan ang matinding kahirapan.
A
N

14
YUNIT: 5 PAMAGAT: ANG IMPORMAL NA SEKTOR
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga sektor
PANGNILALAMAN: ng ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito sa harap
ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong
at pag-unlad.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya
at mga patakarang ekonomiya nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad.
ARALIN: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto nito sa
Ekonomiya.
KASANAYAN SA PAGKATUTO: Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor ng
ekonomiya
AP9MSP-IVh-16

Sa kasanayang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


1. Nakapagbibigay ng uri ng hanapbuhay na kabilang sa Impormal na Sektor.
2. Naipaliliwanag ang mga epekto ng Impormal na Sektor.
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kabuhayang ligal.

Alamin:

Sa bahaging ito, aalamin kung nagagawa mo nang matukoy ang pormal at


impormal na hanapbuhay.

Gawain:
Trabaho Ko, Uuriin Mo:
Suriin ang mga larawan at uriin kung ito ay kabilang sa Pormal o Impormal na
Sektor. Isaayos ang mga nagulong letra upang matukoy ang mga pangalan ng mga
hanapbuhay, uriin ang bawat hanapbuhay sa pamamagitan ng pag-tsek sa kolum na
angkop dito.

LARAWAN GINULONG HANAPB URI


LETRA UHAY PORMAL IMPORMAL

OGRU

SNAR

AREDNABAL

15
ORNIPRAKTE

ERADTIN AS
TABANGKE

Pamprosesong Tanong:
1. Naging madali ba sa iyo ang pag-uuri sa mga hanapbuhay? Bakit?
2. Kung pamimiliin ka, anong trabaho ang nais mong pasukan? Bakit

Paunlarin:

Layunin ng bahaging ito na malaman at maintindihan mo ng lubos ang


mga epekto ng Impormal na Sektor.

Gawain:
Grapic Organizer: (Pangkatan)
Batay sa teksto, ilahad at ipaliwanag ang masamang epekto ng Impormal na
Sektor.

M
A
S
A
M
A
N
G
EPEKTO

16
Epekto ng Impormal na Sektor:
MABUTI
• Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay.
• Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan.

Sachet Phenomenon - paglaganap ng maliliit na pakete upang maging abot-kaya sa


mga nagtitipid na mamimili.
• Karaniwang nagiging umpisa ng mga malalaking negosyo
• Nakakatulong sa pagbawas ng porsyento ng kahirapan
• Ang kanilang kita ay naitatala kasama ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa

MASAMA
Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Dahil ang mga bumubuo sa impormal na
sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas tungkol
sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa
quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines,
kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak,
maabuso, o mapagsamantalahan.
Mababang kalidad/pamantayan ng produkto at serbisyo dahil hindi
namomonitor at natsetsek ng pamahalaan ang operasyon ng mga negosyong nasa
ilalim ng sektor na ito.
a. Kulang sa timbang o dami ng produkto
b. Depektibong produkto
c. Hindi malinis at maingat ang pagpoproseso ng pagkaing produkto
d. Maling pagpapakete
e. Hindi sumailalim sa masusing pananaliksik tungkol sa masamang
epekto ng produkto at serbisyo sa kapaligiran at kalusugan ng mamimili
o Mababang kalidad ng produkto

Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Dahil ang mga kabilang sa impormal


na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang
kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang
koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.

Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang


mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung
minsan ay mga gawaing ilegalo labag sa batas. Halimbawa ng mga gawaing labag
sa batas ay ang prostitusyon, pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at ang
pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan. Isa sa pinakamaiinit na isyu ngayon ay
ang pamimirata partikular na ang softwarepiracy. Ayon sa Microsoft Corporation, ang
software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga
computer software na kung saan nilalabag ng isang tao ang karapatang pagmamay-
ari ng lumikha o orihinal na nagmamay-ari nito (Intellectual Property Rights---IPR)
RED TAPE – suhol para mapabilis ang pagpaparegister ng negosyo
FIXER – Bayarang ahente na naglalabas ng papeles na kakailanganing
kunin mula sa pamahalaan ng mga pribadong mamamayan at
negosyo

17
• Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng monopolyo sa isang produkto o
serbisyo dahil sa murang halaga ng produkto na isinu-supply.
• Hindi matatag na kabuhayan

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong pang-unawa, alin ang mas mabigat ang masama o mabuting epekto
ng Impormal na Sektor? Bakit?
2. Kung mabibigyan ng pagkakataong mamuno sa ating bansa, susuportahan
mo ba ang Impormal na Sektor? Paano?
Pagnilayan:

Ang bahaging ito ay naglalayong mapalalim ang pang-unawa at


pagsusuri sa mga epekto ng Impormal na Sektor.

Gawain:
Para-Paraan Lang:
Sumulat ng isang obra/piyesa na naglalahad ng iyong sariling pananaw sa
Impormal na Sektor batay sa mga epekto nito sa ekonomiya.

• Saliddummay
• Tula
• Jingle
• Awit

Pamagat: _______________________

_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________
_______________________________________ ________________________________

18
Rubrik:

Pamantayan NPG M MM
Nilalaman (10) 10 8 6
Nakapaglahad ng tatlo o Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng isang
higit pang sariling dalawang sariling sariling pananaw sa
pananaw sa epekto ng pananaw sa epekto ng epekto ng Impormal na
Impormal na Sektor Impormal na Sektor Sektor
Presentasyon (10) 10 8 6
Lahat ng sariling May isang sariling May dalawang sariling
pananaw ay nailarawan pananaw ang hindi pananaw ang hindi
ng napakaayos maayos na nailaran maayos na nailarawan
Pagkamalikhain (5) 5 4 3
Napakamalikhain ang Malikhain ang Medyo malikhain ang
obra/piyesa obra/piyesa obra/piyesa

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga epekto ng Impormal na Sektor ang nabanggit sa iyong


piyesa/obra?
2. Batay sa iyong piyesa/obra, ano ang iyong sariling pananaw sa epekto ng
Impormal na Sektor sa ekonomiya?

Ilipat/Isabuhay:

Inaasahang pagkatapos isagawa ang mga gawain at suriin ang mga


teksto, ikaw ay handa na upang magsagawa ng paglipat o pagsasabuhay.

19
Gawain:
Paggawa ng Liham:
Gumawa ng isang liham sa kakilala na kabilang sa impormal na sektor.
Kailangang mailahad mo ang mga panganib na kaakibat ng nasabing gawain at
hikayatin siyang gawing ligal ang kabuhayan.

Gawain: _____________________________________
Paggawa ng Liham: _____________________________________
Gumawa ng isang liham sa kakilala na kabilang sa impormal na sektor.
_____________________________________
Kailangang mailahad mo ang mga panganib na kaakibat ng nasabing gawain at
hikayatin siyang gawing ligal ang kabuhayan.
_________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________

____________________________________

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

________________________

________________________
Rubrik:

Pamantayan NPG M MM
Nilalaman (15) 15 10 5
Nakapaglahad ng tatlo o Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng isang
higit pang ideya tungkol dalawang ideya ideya tungkol sa paksa
sa paksa tungkol sa paksa
Organisasyon (10) 10 8 6
Lahat ng ideya ay May isang ideya ang May dalawang ideya ang
nailahad ng napakaayos hindi maayos na hindi maayos na nailahad
nailahad
Kalinisan (5) 5 4 3
Napakalinis ang awtput Malinis ang awtput Medyo madumi ang awtput

20
EBALWASYON:

KAISIPAN MO, IBAHAGI MO: Sagutin ang mga sumusunod na katanugan.

1. Paano nagging banta sa kapakanan ng mga mamimili ang Impormal na


Sektor?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Bakit bumababa ang halaga ng nalilikom na buwis sap ag-iral ng Impormal na


Sektor?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Paano lalaganap ang iligal na Gawain kung may Impormal na Sektor?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

EPEKTO NG IMPORMAL NA SEKTOR:

MABUTI
• Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapaghanapbuhay.
T • Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan.
• Karaniwang nagiging umpisa ng mga malalaking negosyo
A • Nakakatulong sa pagbawas ng porsyento ng kahirapan
• Ang kanilang kita ay naitatala kasama ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa
N MASAMA
Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Dahil ang mga bumubuo sa impormal na
D sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas.

A Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Dahil ang mga kabilang sa impormal


na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang
A kinikita o operasyon.
Paglaganap ng mga ilegal na gawain – kagustuhang kumita ng mas malaking pera.
N

21
YUNIT: 5 PAMAGAT: ANG IMPORMAL NA SEKTOR
PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga sektor ng
PANGNILALAMAN: ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon
at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
PAMANTAYAN SA Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
PAGGANAP: pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga
patakarang ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.
ARALIN: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto nito sa Ekonomiya.
KASANAYAN SA Napapahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na
PAGKATUTO: nakakatulong sa sektor ng paglilingkod
AP9MSP-IVh-17

Sa kasanayang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


1. Nasusuri ang mga Batas, Programa at Patakaran tungkol sa Impormal na
Sektor.
2. Napahahalagahan ang hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang
Impormal na Sektor.
3. Nakabubuo ng isang Advocacy Campaign upang mapabuti ang Impormal na
Sektor.

GAWAIN:
Alamin:
Ang pangunahing layunin ng bahaging ito ay alamin kung nagagawa mo nang
makilala kung alin ang batas o programa ng pamahalaan patungkol sa Impormal na
Sektor.

I-Shoot sa Basket:
Surrin ang mga nakasulat sa kahon, alin sa mga ito ang batas at alin ang programa?
Isulat ang bilang sa kahon na may lebel ang angkop na kabibilangan nito.

BATAS PROGRAMA

1. Republic Act 8425


2. DOLE Integrated Livelihood Program
3. Self-Employment Assistance Kaunlaran Program
4. Republic Act 9710
5. Presidential Decree 442
6. Republic Act 7796
7. Cash-For-Work Program
8. Republic Act 8282
9. Republic Act 7875
10. Republic Act 9178
22
Pamprosesong Tanong:

1. Naging mahirap ba ang pagtukoy kung ano ang batas o programa? Bakit?
2. Batay sa pagtukoy na inyong ginawa, masasabi mo bang gumawa ng
hakbang ang pamahalaan upang mapabuti ang Impormal na Sektor?
3. Alin sa mga batas o programa ang sa palagay mo ay higit na kapaki-
pakinabang sa Ipormal na Sektor? Bakit?

Paunlarin:
4.
Layunin ng bahaging ito na masuri mo ang mga batas, programa at
5.
patakarang pinairal at ipinatupad upang mapabuti ang kalagayan ng Impormal
na Sektor.

Data Retrieval Chart:


Basahin at pag-aralan ang teksto; sagutin ang Tsart sa ibaba.

MGA BATAS PANG-EKONOMIYA KAUGNAY SA IMPORMAL NA SEKTOR

1. REPUBLIC ACT 8425:


Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997.
Nilagdaan: Disyembre 11,1997
Ipinatupad: Hunyo3, 1998
Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sector bilang isa sa mga
disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa
pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging
ekolohikal.

Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong
kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas
na ito ay itinalagang National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang ahensiya ng
tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga
bumubuo sa impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sector ng
mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 8425:

MGABUMUBUO SA BASIC AT DISADVANTAGED SECTORS NG LIPUNANG


PILIPINO:
• Magsasaka
• Mangingisda
• Manggagawa sa pormal na sector
• Migrant workers (OFW)
• Kababaihan
• Seniorcitizens
• Kabataan at mga mag-aaral (15-30 taong gulang)
• Mga bata (minors - 18 taong gulangpababa)
• Urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsodnaang kita ay
lubhangmababa)
• Mga manggagawasa impormal nasector
• Mga katutubo
23
• Mga may kapansanan (differently-abled persons)
• Non-governmental organizations (NGO’s)
• Mga kooperatiba

2. REPUBLIC ACT 9710:


Magna Carta of Women
Nilagdaan: Agosto14, 2009
Ang National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) ay naging
Philippine Commission on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang
pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para sa Convention
on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s (CEDAW).

Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang pambansang


kaunlaran.

Inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan

Kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, politikal, at pang-


ekonomiko gaya na lamang ng: o Karapatan para makapaghanapbuhay at maging
bahagi ng lakas-paggawa o katiyakan para sa kasapatan ng pagkain at mga
pinagkukunang-yaman o abot-kayang pabahay o pagpapanatili ng kaugalian o
Pagkakakilanlang kultural (culturalidentity) at iba pang panlipunang aspekto.

Ang batas na ito ay malaking tulong sa impormal na sektor sapagkat ayon sa datos
na inilabas ng National Statistics Office (NSO), halos kalahating mga bumubuo sa
sektor na ito ay kababaihan.

3. PRESIDENTIAL DECREE 442:


Philippine Labor Code
Naisabatas: Mayo 1, 1974
Pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Naglalaman ng mga
probisyon para sa “espesyal na manggagawa”
• mga industrialhomeworker
• kasambahay
• batang manggagawa
• kababaihan ---na kabilang sa impormal na sektor Book 2, Title II of the Labor
Code, ito ay may probisyon tungkol sa pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga
manggagawa upang mapaghusay pa ang kanilang mga kasanayan.

4. REPUBLIC ACT 7796:


Technical Education and Skills Development Act of 1994
Nilagdaan: Agosto25, 1994
Layunin nito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang
sektor ng lipunan gaya ng:
• Industriya
• Paggawa
• lokal na pamahalaan
• teknikal
• bokasyonal --na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para
sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa.
Itinalaga ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
bilang ahensiya ng pamahalaang makapagbigay ng edukasyong teknikal.

24
5. REPUBLIC ACT 8282
Social Security Act of 1997
Tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang
panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas
ng pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at
kamatayan.

Upang maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong


sektor maging ang kabilang sa impormal na sector ay maging bahagi ng Social
Security System (SSS)

Social Security System (SSS) bilang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin para
itaguyod ang Panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino. Sa
pamamagitan ng mga personal na kontribusyon ng mga manggagawa ito ay
magsisilbi nilang pondo at maaaring magamit sa oras ng kanilang pangangailangan.

6. REPUBLIC ACT 7875


National Heath Insurance Act of 1995
Naging batas: Pebrero7, 1995
Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong mapagkalooban
ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong
kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa programang ito na ang pamahalaan
ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang
pinansiyal sa oras na sila ay magkaroon ng pangangailangang medikal at
pangkalusugan gaya na lamang ng operasyon at hospitalization program.

Maliban pa sa mga nabanggit na batas, may iba pang ipinatutupad para sa mga
partikular na sektor ng manggagawang Pilipino tulad ng:
• Magna Carta for Small Farmers (R.A.7607)
• Magna Carta forSmall Enterprises (R.A.6977)
• Barangay Microbusiness Enterprises Act (R.A.9178)

PROGRAMA AT PROYEKTO NG PAMAHALAAN:


Para Sa Mga Mamamayan Na Bumubuo Sa Impormal Na Sektor:

1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)


Ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa
pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga
mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na
hanapbuhay.

2. SELF-EMPLOYMENTASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)


Pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga
mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling
negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring
magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations
(SKA’s).

3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE


FISHERFOLKS (ISLA)
Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing
ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda
sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa
nila ang kanilang hanapbuhay. Maliban pa rito, nagtatayo ng mga training center para

25
sa mga mangingisda at kanilang pamilya upang sanayin sa iba pang alternatibong
mga gawaing pangkabuhayan na maaari nilang pagkunanng karagdagangkita.

4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)


Programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan
sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng
kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng
rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar. Ang programang ito ay
ipinatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan ng
kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit na
sitwasyon. Bernardo Villegas, isang kilalang ekonomistang Pilipino, “Gugustuhin pa
ng mga tao ang lumabag sa batas kaysa magutom o mamamatay”. Kung kaya’t,
upang maiwasan ito, marapat lamang na ang mga mamamayan at pamahalaan ay
magkaisa para sa implementasyon ng mga magagandang batas, programa, at
patakarang pang-ekonomiya para sa kabutihan ng lahat.

• IMPORMAL NA SEKTOR Ang bahagi ng ekonomiya na gumagamit ng mababang


antas ng produksiyon at halos wala ang mga kondisyong legal na kinakailangan sa
pagpapatakbo ng negosyo.
• BUREAUCRATIC RED TAPE Ang tawag sa mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan.
• BUWIS Ito ay ang pinagmumulan o nagsisilbing badyet o pondo ng pamahalaan
upang maisagawa ang mga programa at proyektong panlipunan.
• QUALITY CONTROL Ito ay ipinatutupad ng mga kompanya bilang proteksiyon sa
mamimili laban sa mga depektibong kalakal o serbisyo na maaaring magresulta sa
kanilang kapahamakan.
• SOFTWARE PRIVACY Ito ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong
pangongopya ng mga pelikula, musika, at ibapa sa anyong CD, VCD, o DVD.

• SOCIAL REFORM AGENDA Ang programa ng pamahalaan, ayon sa itinatadhana


ng R.A.8425, na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa
impormal na sektor.

• KABABAIHAN Batay sa pag-aaral at sarbey sila ang bumubuo sa halos kalahati ng


kabuuang populasyon ng impormal na sektor.

• PHILIPPINE LABOR CODE Ang itinuturing bilang pangunahing batas ng bansa


para sa mga manggagawa.

• TESDA Ang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng


edukasyong teknikal at kasanayan sa mga Pilipino.

• PHILHEALTH PROGRAM Ang tawag sa programa ng pamahalaan na may


kinalaman sa kalusugan, o serbisyong medikal para sa mga manggagawa.
1. (ILO) Labour Organization
2. (NSO) National Statistics Office
3. (ISS) Informal Sector Survey
4. (LFS) Labor Force Survey
5. (NEDA) National Economic and Development Authority
6. (LFS)LaborForce Survey
7. (PDI)Philippine Daily Inquirer
8. (NGO) Non-government organization
9. (CD) Compactdisc
10. (DVD)Digital video disc

26
11. (IPR)Intellectual Property Rights
12. (SRA) Social Reform Agenda
13. (NAPC) National Anti-Poverty Commission
14. (OFW) Overseas FilipinoWorkers
15. (NCRFW) Commission on the Role of Filipino Women
16. (PCW) National Philippine Commission on Women
17. (CEDAW) Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against
Women
18. (TESDA)Technical Education and Skills Development Authority
19. (SSS) Social Security System
20. (Philhealth) Philippine Health Insurance Corporation
21. (DILP)DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM
22. (DOLE) Department of Labor and Employment
23. (SEA-K) SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM 24.
(DSWD) Department of Social Welfare and Development
25. (ISLA) INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE
FISHER FOLKS
26. (CWP) CASH-FOR-WORK PROGRAM

BATAS/PROGRAMA KATANGIAN

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pangkalahatang layunin ng mga batas o programa na inyong sinuri?


2. Sa iyong palagay, bakit patuloy ang pagdami ng Impormal na Sektor sa kabila
ng pag-iral at pagpapatupad ng mga nasabing batas o programa?

Pagnilayan:
3.
Sa bahaging ito, higit na mapapalalim ang iyong pang-unawa at
4.
pagpapahalaga
5. sa mga batas, programa, at patakarang ipinatupad ng
pamahalaan upang mapabuti ang kalagayan ng Impormal na Sektor.

27
Balita-Suri:

Basahin at unawain ang balita; ilahad sa pamamagitan ng graphic organizer ang


epekto ng nasabing programa.

DOLE PROVIDES ASSISTANCE TO 38 MORE INFORMAL SECTOR WORKERS


Posted by: RD HELEN R. TIBALDO | July 24, 2010

BAGUIO CITY – Another 38 informal sector workers in Baguio and Benguet were
given assistance by the Department of Labor and Employment (DOLE-CAR) under
their Worktrep or Starter Kit program to help them in their small businesses.

According to Leonard Doguil of DOLE-CAR, the new beneficiaries of Capacity


Building for Livelihood Enhancement Program, comprised the third batch of
individuals that were granted with various equipments, tools or materials so they can
improve the quality of their products, increase their production and eventually
increase their income.

The said assistance, with a total amount of about P214,000 was released to the
beneficiaries last July 9.

Doguil stressed that DOLE’s Worktrep or Starter Kit Project, which started in 2008,
already provided assistance to 249 individuals this year with a total amount of
P1,088,715.26. ‘More small entrepreneurs are set to benefit from the program, as
DOLE-CAR allocated a total of P1,639,867.29 for the first semester of 2010 alone
with an estimated 337 target beneficiaries in the entire region. Other applications are
still undergoing processing,” Doguil said.

Majority of the Worktrep or Starter Kit program beneficiaries are engaged in food
processing; mobile or ambulant food vending, market vegetable or product haulers
and local/indigenous product manufacturing like weaving, knitting and crocheting.

According to DOLE Regional Director, Atty. Ana Dione, the Worktrep or Starter Kit
program is a very big help for our informal sector workers.

‘80 % or roughly 8 million of the total workforces of our country is composed of these
small entrepreneurs or the so-called informal sectors. We really cannot discount their
contribution to our economy and these so-called informal sector workers could be
found selling their products and services in their homes, on the streets, market and
even in buses, just to earn for a decent living”, Dione said.

Another good thing about this program, Dione said, is that the assistance given is
according to the requested or needed materials, tools or equipment of the
beneficiaries. The beneficiaries are also personally involved in the procurement of
what they are requesting, so as to ensure that they will get what they really need,
which is also a good way of ensuring that the government’s assistance would really
help them and would not just be wasted.

The DOLE-CAR is optimistic that the said program will continue under President
Benigno “Noynoy” Aquino’s administration, since it is really a big help in uplifting the
economic situation of its target beneficiaries. **Lito Dar/PIA

28
eEpekto ng
Programa

Ilipat/Isabuhay:

Inaasahang pagkatapos isagawa ang mga gawain at suriin ang mga teksto, ikaw
ay handa na upang magsagawa ng paglipat o pagsasabuhay.

Kampanya sa pagpapabuti ng Impormal na Sektor: (Pangkatan)


Pag-aralan ang opinyon na inilathala ni Anton Pascual tungkol sa Impormal na
Sektor bago magsagawa ng awtput:

Ang Impormal na Sektor:


POSTED APRIL 2, 2016 ANTON PASCUAL

Kapanalig, mulat ba tayo sa sitwasyon ng ating impormal na sektor?

29
Ang impormal na sektor ay binubuo ng mga independent at maliliit na negosyante
na gumagawa at naglalako ng produkto at serbisyo. Karaniwang walang social
protection ang mga informal workers, at marami sa kanila, ay nasa mga
bulnerableng uri ng trabaho.

Base sa 2008 Informal Sector Survey ng NSO, nasa 10.5 milyon ang informal
sector operators. Two-thirds ng sektor ay lalake at 75% naman naman ng mga
informal sector workers ay edad 35 pataas. Lumabas naman sa 2013 Labor Force
Survey ng NSO, 16.088 million na ang informal sector workers, o 42.53% ng
working population ng bansa. Hindi rin matatawaran ang pagiging produktibo ng
sektor na ito dahil mga 45% ng ating GDP ay nagmumula sa informal sector. Ang
sektor na ito ang nagiging takbuhan din ng marami nating mga kababayan na
walang trabaho. Sa laki ng tulong na inaalay ng sektor, paano ba natin ito
mapangangalagaan?

Kapanalig, ang mga informal businesses ay maliit lamang, at syempre maliit din ang
kita. Kaya nga’t marami pa rin sa informal sector workers ang nasa ilalim ng poverty
line. Marami sa kanila, nairaraos lamang ang pang-araw araw na pangangailangan.

Isa pang isyu na kanilang hinaharap ay ang mababang membership ng mga


workers sa mga social insurance systems. Maliit lamang kasi ang kita, kaya
mahirap na mabawasan pa ito. Kaya pag nagkasakit, hindi sila makakakuha ng
mga benepisyo gaya ng karaniwang empleyado.

Marami rin sa mga informal sector workers ang hindi pwedeng lumiban ng kahit
isang araw sa trabaho. Kumbaga, no work no pay. Ang isang araw na kawalan ng
kita ay isang araw din ng gutom. Dahil dito, limitado rin ang options nila o
pagkakataon para sa paglilinang ng kasanayan na maaring tumulong sa pagsulong
ng kanilang enterprises.

Isa sa pangunahing paraan upang mapangalagaan ang sektor ay pag-o-organisa.


Dumami man ang mga organisasyon ng mga informal sector workers, maliit pa rin
ito kumpara sa dami ng kanilang kabuuang bilang. Isa pang paraan ay ang
pagpapalawig ng reach o sakop ng social protection sa kanilang hanay. Ito kasi ang
makakapagbigay sa kanila ng safety nets sakaling may mga hindi inaasahang
pangyayari na makaka-apekto sa kanilang negosyo. Ang access to finance din ay
isang mahalagang tulong upang masustain o mapalago ng mga informal sector
operators at workers ang kanilang kabuhayan.

Ang mga kataga ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium ay maaring pagnilayan ng


ating kasalukuyang pamahalaan, at lalo na ng darating na bagong liderato upang
mas maayos nilang maharap ang mga isyu ng sektor. Payo ng ating mahal na
Papa, humingi tayo ng inspirasyon mula sa Diyos upang mapabuti ang kapakanan
ng lahat: “It is vital that government leaders and financial leaders take heed and
broaden their horizons, working to ensure that all citizens have dignified work,
education and healthcare. Why not turn to God and ask him to inspire their plans? I
am firmly convinced that openness to the transcendent can bring about a new
political and economic mindset which would help to break down the wall of
separation between the economy and the common good of society.

30
ADBOKASIYA KO: Gumawa ng isang advocacy campaign na nagpapakita ng
epekto ng illigal na kabuhayan o kabutihan ng ligal na kabuhayan.

Isagawa ang kampanya sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:


• Poster Ad
• Advertisement/Patalastas
• Video Clip
Rubrik sa Pagmamarka:
Pamantayan NPH M MMH
Nilalaman 10 8 6
Lahat ng epekto ng May isang epekto ng May dalawang epekto
illegal na Gawain o illegal na Gawain o ng illegal na Gawain o
kabutihan ng ligal na Isang kabutihan ng dalawang kabutihan
kabuhayan ay ligal na kabuhayan ng ligal na kabuhayan
napakahusay na ang hindi nailahad ng ang hindi nailahad ng
nailahad mahusay mahusay
Presentasyon 10 8 6
(Kaayusan, Napakahusay at Mahusay at malikhain Medyo mahusay at
pagkamalikhain) napakamalikhain ang ang pagkalahad ng medyo malikhain ang
pagkalahad ng awtput pagkalahad ng awtput
awtput.
Kooperasyon/ 5 4 3
Pagkakaisa Lahat ng kasapi ay May 1-2 kasapi na May 3 o higit pang
nagkaroon ng hindi nakiisasa kasapi na hindi
gampanin upang pagbuo ng awtput nakiisa sa pagbuo ng
mabuo ang awtput awtput
Kabuuan (25)

EBALWASYON:
PAGTUKOY: Tukuyin ang inilalarawan ng pahayag.
1. Social Reform anf Poverty Alleviation Act of 1997
____________________________
2. Magna Carta of Women
____________________________
3. Philippine Labor Code
____________________________
4. Pagsasanay ng mga mamamayan para sa mga self-employed at walang
sapat na hanapbuhay.
____________________________
5. Pondo para sa mga biktima ng kalamidad kapalit ng serbisyo.
____________________________

31
Isa sa dahilan ng kung bakit pumapasok sa Impormal na Sektor ang mga
Pilipino ay kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga
batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos.
Base sa 2008 Informal Sector Survey ng NSO, nasa 10.5 milyon ang informal
T sector operators. Two-thirds ng sektor ay lalake at 75% naman naman ng mga
informal sector workers ay edad 35 pataas. Lumabas naman sa 2013 Labor
A Force Survey ng NSO, 16.088 million na ang informal sector workers, o
42.53% ng working population ng bansa. Hindi rin matatawaran ang pagiging
N produktibo ng sektor na ito dahil mga 45% ng ating GDP ay nagmumula sa
informal sector. Ang sektor na ito ang nagiging takbuhan din ng marami nating
D mga kababayan na walang trabaho.
Upang mapabuti ang Impormal na Sektor kailangang maayos na maipatupad
A ang mga batas at programa na nagsusulong sa kapakanan ng bawat
mamamayang kabilang dito upang lubos na makamtan ng bansa ang
A hinahangad na pagsulong at pag-unlad.
N

32
PANGHULING PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong/pahayag, piliin


ang letra ng tamang sagot. Isulat ang LETRA ng sagot sa sagutang papel.

SAGUTANG PAPEL
1. _____ 6. _____ 11. _____ 16. _____
2. _____ 7. _____ 12. _____ 17. _____
3. _____ 8. _____ 13. _____ 18. _____
4. _____ 9. _____ 14. _____ 19. _____
5. _____ 10. ____ 15. _____ 20. _____

Mga larawang kuha ni Venus F. Baliling

1. Saang sektor kabilang ang mga hanapbuhay na nasa larawan?


a. Sektor ng Agrikultura b. Sektor ng Industriya
c. Impormal na Sektor

2. Bakit nananatiling mataas ang bahagdan ng mga Pilipino sa Impormal na


Sektor?
a. Malaki ang kita b. Hindi nagbabayad ng buwis c. Madaling hanapbuhay

3. Mayroong maliit na tindihan ang iyong ina, alam mong hindi nakarahistro ang
nasabing negosyo ng inyong pamilya. Ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa nasabing negosyo ng inyong pamilya?
a. Himukin ang mga magulang na iparehistro ang negosyo upang ito ay
maging ligal.
b. Himukin ang mga magulang na ipagpatuloy ang hindi pagrehistro ng
nasabing tindahan upang hindi mabawasan ang kita sa pagbabayad ng
buwis.
c. Himukin ang mga magulang na magbenta rin ng mga pirated CDs upang
mas lalaki ang kikitain ng tindahan.

4. Base sa 2008 Informal Sector Survey ng NSO, nasa 10.5 milyon ang informal
sector operators. Ano sa palagay mo ang pinakaangkop na dahilan ng patuloy
na pagdami ng Impormal na Sektor?
a. Patuloy ang pagdami ng hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
b. Kawalan ng trabahong mapapasukan.
c. Mas madali ang magbenta sa kalye dahil matao.

33
5. Lumabas sa 2013 Labor Force Survey ng NSO na 16.088 million na ang
informal sector workers o 42.53% ng working population ng bansa at ang
45% ng ating GDP ay nagmumula rito. Sa laki ng tulong na inaalay ng
sektor, ano ang magagawa natin upang mapabuti ang kalagayan ng sektor?
a. Pagpapaigting ng pamahalaan ng pagpapatupad sa mga batas at
programa para sa nasabing sektor.
b. Limitadong pagkakataon para sa paglilinang ng kasanayan na maaring
tumulong sa pagsulong ng kanilang enterprises.
c. Hindi pagpapalawig ng reach o sakop ng social protection sa kanilang
hanay.

6. Alin sa mga sumusunod ang kabilang masamang epekto ng Impormal na


Sektor?
a. Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na
makapaghanapbuhay.
b. Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na
pangangailangan.
c. Pagbaba ng masisingil na buwis.

7. Kung mabibigyan ng pagkakataon na mamuno, anong programa ang


ipatutupad mo upang mapabuti ang kalagayan ng Impormal na Sektor?
Bakit?
a. Access to finance, dahil limitado ang kapital ng mga kasapi ng sektor at
ito ay mahalagang tulong upang mapalago ng mga informal sector
operators at workers ang kanilang kabuhayan.
b. Anti-Informal Sector Law, dahil kung may batas na magbabawal sa mga
gawaing impormal matatakot ang mga taong gagawa nito.
c. Informal Sector Tolerance, dahil nakatutulong naman sila sa GDP kaya
hayaan na lang silang dumami.

8. Winika ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium ang, “It is vital that


government leaders and financial leaders take heed and broaden their
horizons, working to ensure that all citizens have dignified work, education
and healthcare. Why not turn to God and ask him to inspire their plans? Ano
ang ipinahihiwatig ng mga katagang ito?
a. Katungkulan ng bawat estado na isaayos ang kabuhayan, kalusugan at
edukasyon ng bawat nasyon sa pamamagitan ng gabay ng Diyos.
b. Kung magiging maka-Diyos ang mamumuno sa pamahalaan lahat ng
bagay ay maisasaayos.
c. Ipagpapasa-Diyos ang lahat ng plano at adhikain ng pinuno upang ito ay
magiging matagumpay.

9. Ang SELF-EMPLOYMENTASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-


K) ay pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang
mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at
makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga
samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng
Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA’s). Sa iyong palagay
naipatupad ba ang layunin ng nasabing programa? Bakit?
a. Hindi, dahil marami pa ring kasapi ng Impormal na Sektor ang hindi
nabibigyan ngtulong.

34
b. Oo, dahil maraming maliliit na negosyante ang nabigyan ng ahensiya ng
pagsasanay at tulong pinansiyal.
c. Hindi, dahil patuloy ang pagdami ng mga negosyante sa lansangan at
mamamayang walang sapat na kasanayan.

10. Sa iyong pagtatasa sa mabuting epekto at masamang epekto ng pag-iral ng


Impormal na Sektor dapat bang patuloy na suportahan at isaayos ang pag-iral ng
nasabing sektor?
a. Dapat upang mabawasan ang walang hanapbuhay.
b. Hindi dapat dahil mas maraming buhay ang nalalagay sa alanganin.
c. Dapat dahil ang kasapi ng Impormal na Sektor ay miyembro rin ng
lipunan.

11. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nagpapatupad ng DOLE INTEGRATED


LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)?
a. Department of Labor and Employment
b. Department of Interior and Local Government
c. Department of Social Welfare and Development

12. Ano ang layunin ng REPUBLIC ACT 7796 oTechnical Education and Skills
Development Act of 1994?
a. kilalanin ang impormal na sector bilang isa sa mga disadvantaged sector
ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa
aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging
ekolohikal.
b. hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sector ng
lipunan upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o
pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng atingbansa
c. naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng
isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan.

13. Alin ang hindi kabilang sa BASIC AT DISADVANTAGED SECTORS NG


LIPUNANG PILIPINO?
a. Magsasaka
b. Manggagawa sa pormal na sector
c. Guro sa pampublikong paaralan

14. Isa sa mga isyung kinahaharap ng Impormal na Sektor ay ang mababang


membership ng mga workers sa mga social insurance systems. Ano ang
implikasyon nito?
a. Kapag nagkasakit, hindi sila makakakuha ng mga benepisyo gaya ng
karaniwang empleyado.
b. Kapag nagkakasakit, libre ang pagpapagamot sa pampublikong
pagamutan.
c.Kapag nagkakasakit, maraming NGO’s at PO’s ang handing tumulong.

15. Bakit kailangang palawigin ang sakop ng social protection sa hanay ng mga
Impormal na Sektor?
a. Upang mapangalagaan ang sektor.
b. Upang mabigyan sila ng safety nets sakaling may mga hindi inaasahang
pangyayari na makaka-apekto sa kanilang negosyo
c. Upang malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan.

35
16. Ang Pamimirata partikular na ang software piracy ay kabilang sa masamang
epekto ng Impormal na Sektor. Bilang konsyumer, ano ang pinakamainam mong
gawin upang makasiguro sa kalidad ng produkto na iyong binibili?
a. bumili ng pirated CDs dahil mas mura.
b. bumili ng hindi pirated na CDs dahil mas maganda ang kalidad nito.
c. Huwag tangkilikin ang mga produktong pinirata

17. Ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ay naglalayong


mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at
sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Bilang isang responsableng kasapi ng
inyong pamilya, ano ang iyong gagawin upang ang ang bawat miyembro ng iyong
pamilya ay makinabang sa programang ito ng pamahalaan?
a. Hikayatin ang mga kasapi ng pamilya na hindi pa miyembro na maging
miyembro ng Philhealth.
b. Hayaan ang mga nakatatanda na magdesisyon para sa pamilya.
c. Hikayatin ang mga kamag-aral na magsagawa ng protesta laban sa
pamahalaan dahil sa hindi makataong pakikitungo ng ahensiya.

18. Ang kalagayan ng Impormal na Sektor ay sadyang mahirap. Bilang


mapanagutang mamamayan ano ang pinakamainam mong gawin upang
mabawasan ang kasapi ng nasabing sektor?
a. Isuplong sa awtoridad ang mga kakilalang nasa Impormal na Sektor.
b. Huwag makialam sa kapwa upang hindi ka rin nila pakialaman.
c. Hikayatin ang mga kabataan na linangin ang kaalaman at kasanayan sa
pamamagitan ng edukasyon.

19. Ang isa sa katangian ng K – 12 na Kurikulum ay ang paglinang ng kasanayan


ng mga mag-aaral ng Grado 11 at 12 upang kahit hindi na magkolehiyo ay
maaaring maghanap-buhay. Bilang mag-aaral, paano mo mahikayat ang kapwa mo
mag-aaral na magpatuloy sa pagkokolehiyo?
a. Ipaalam ang nakakaawang kalagayan ng Impormal na Sektor sa mga
kapwa mag-aaral upang magsilbing aral at magmulat sa kanilang
kamalayan upang hangarin nilang makapagtapos ng pag-aaral.
b. Hayaan ang mga kapwa mag-aaral na magdesisyon dahil kahit
nakapagtapos kung walang trabaho ay walang ring silbi.
c. Ang pagkakaroon ng mas malaking kita kapag nakapagtapos ng kurso
ang gamiting pangganyak sa mga kapwa mag-aaral.

20. Bakit sa kabila ng pagpapatupad ng iba’t ibang batas at programa upang


mapabuti ang Impormal na Sektor ay nananatili ang matinding suliranin sa nasabing
sektor?
a. Masyadong marami ang bilang ng kasapi sa nasabing sector.
b. kakulangan ng maayos at maigting na implementasyon ng mga batas at
programa.
c. Kawalan ng pakikiisa ng mga mamamayan sa pagpapatupad ng mga
batas at programa.

36
SUSI NG PAGWAWASTO

Paunang Pagtataya:

1. a 11. a
2. b 12. a
3. a 13. c
4. b 14. a
5. a 15. b
6. c 16. c
7. a 17. a
8. a 18. c
9. b 19. a
10. c 20. b

Panghuling Pagtataya:

1. a 11. a
2. b 12. a
3. a 13. c
4. b 14. a
5. a 15. b
6. c 16. c
7. a 17. a
8. a 18. c
9. b 19. a
10. c 20. b

EBALWASYON:

ISA-ISAHIN: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

1. Ano-ano ang mga dahilan ng Impormal na Sektor?

a. Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan


b. Makaiwas sa Bureaucratic red tape
c. Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan
d. Hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan
e. Malbanan ang matinding kahirapan

2. Ano-ano ang mga katangian ng Impormal na Sekto?

a. Hindi nakarehistro sa pamahalaan


b. Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita
c. Hindi nakapaloob sa ormal at legal na balangkas ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo.

37
3. Pangkalahatang sanhi ng pag-iral ng Impormal na Sektpr?

a. Hindi pantay nap ag-unlad ng mga sector ng ekonomiya


b. Kakulangan ng sapat na hanapbuhay
c. Hindi tamang pagpapatupad ng batas

PAGTUKOY: Tukuyin ang inilalarawan ng pahayag.


1. Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997
RA 8425

2. Magna Carta of Women


RA 9710

3. Philippine Labor Code


PD 442

4. Pagsasanay ng mga mamamayan para sa mga self-employed at walang


sapat na hanapbuhay.
DOLE DILP

5. Pondo para sa mga biktima ng kalamidad kapalit ng serbisyo.


CWP

38
SANGGUNIAN

Balitao et. Al., 2012, Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon

http://www.slideshare net/SiranelPHhistory

Pascual, Anton, April 2, 2016, Ang Impormal na Sektor, http://www.veritas846.phil

Tibaldo, Helen R., July 24, 2010, Dole Provides Assistance to 38 More Informal
Sector Workers, http://baguiotrader.com/news

DepEdCARLR#: 177-08-19 39

You might also like