WR Fil 104

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Pang-Estadong Unibersidad ng Pangasinan


Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino
Kampus ng Lingayen
Lingayen, Pangasinan

FIL 104: Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon


Ikalawang Semestre – Taunang Panuruan 2023-2024

“ ANG MGA PANGUNAHING PAGDULOG


SA PAGTUTURO NG FILIPINO”
Iba’t ibang Modelo
1. Ang Modelong batay sa tema o paksa ng pag-aaral

2. Ang Modelong magkakahiwalay

3. Ang Modelong magkasanib

4. Ang pagdulog na pagtuturong batay sa nilalaman o Content Based


Instruction

5. Ang Cognitive Academic Approach (CALA)

Inihanda Nina:
Sundae Gee C. Solano
Shaira Mae C. Joaqin
I – BSEd FILIPINO

Inihanda Para Kay:


Bb. Judy Ann Dela Cruz
Instruktor
INTRODUKSYON

Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang pag-gamit ng mabubuting


pamamaraan ng pagtuturo. Nakasaalay sa mabuting pamaraan ng pagtuturo ang
matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro.

Walang isang paraan lamang na masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng


uri ng paksang aralin o isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng
pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbabalak at nagpapasya sa pamamaraang kanyang
gagamitin na angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan ng mag-aaral,
angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng
paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo.

PANGUNAHING LAYUNIN

Sa pagtatapos ng pagtalakay sa araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay:

1. Nailalahad ang iba’t ibang kahulugan ng mga Pangunahing Pagdulog sa Filipino.

2. Nasusuri ang iba’t ibang Modelo ng Pangunahing Pagdulog sa Filipino.

3. Naisasagawa ang mga kaalaman at teoretikal na pamantayan ng mga


pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino.

Inilarawan ni Resuma (sa Santos, 2003) ang mga pangunahing lapit o


pagdulog(approach) sa pagtuturo ng wika na ginagamit pa ng mga guro ng wika sa
pagdaraan ng panahon.
I. Ang modelong Batay sa Tema o Paksa ng Pag-aaral

Ang klase ng wika ay nakatuon sa mga paksa o tema nang naaayon sa


kurikulum. Tunguhin nitong tulungan ang pangkalahatang mga kasanayang pang-
akademiko sa wika sa pamamagitan ng nilalamang may kaugnayan sa paksang ituturo
gaya ng nakalarawansa modelong ito:

Pangkalahatang Kaalaman

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, ang Thematic Curriculum ay isang set ng


mga organisadong karanasan sa pagkatulo gaya ng programa, kurso at iba pang mga
gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at
pangnilalamang tema.

Layunin ng Tematikong Kurikulum na matamo ang mga sumusunod:

(1) Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong


mga karanasan sa pagkatuto;

(2) Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at


pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad

(3) Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik;

(4) Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain;


(5) Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay;

(6) Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon


at paghahanap-buhay

(7) Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkaraniwang interes.

Target din ng kurikulum na ito para sa mga guro na:

(1) Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng


grupo ng mga propesyunsl na may mga estratihiya sa pagkatuto;

(2) Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong


impak sa mga mag-aaral; at

(3) Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa


pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga
matagumpay na karanasan sa paaralan.

Pangunahing salik sa paggamit/pagpapatupad ng tematikong kurikulum na maipatupad


sa maraming paraan gaya ng kurso, akademya klister, at ang buong paaralan. Maisama
sa ibang mga reporma gaya ng integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko,
transisyong paaralan-paggawa, mailaan para sa paaralang sekundarya, bagamat maaari
ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya. Gayundin, magsisilbing tulay
upang mapagsam ang mga karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa
at ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na
produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na
nabuo mula sa mga aspekto.

II. Ang Modelong Magkakahiwalay

Ang modelong ito ay ang paghihiwalay ng mga mag-aaral na gumagamit ng


pangalawang wika, sa mga mag-aaral na gumagamit ng unang wika para lubusang
matutuhan ang nilalaman ng kursong pinag-aralan gaya ng inilalaraawan sa dayagram:

MGA ESTRATIHIYA NG GURO KUNG PAANO ISINASAGAWA ANG MODELONG


MAGKAHIWALAY
Ayon kay Michael Jinsuk karaniwang isinasama rito ang mga sumusunod na
may kabuuang sampong (10) estratehiya.

Dahil ang modelong magkahiwalay ay ang paghihiwalay ng mga mag-


aaral na gumagamit ng unang wika sa mag-aaral na gumagamit ng
ikalawang wika para lubusang maintindihan ang nilalaman ng kurso, narito ang
unang estratihiya.

1. Palakihin ang oras ng paghihintay

Maging matiyaga, bigyan ang iyong mag-aaral ng oras na mag-isip at iproseso


ang impormasyon bago ka magbigay ng mga sagot. Maaaring malaman ng isang mag-
aaral ang mga sagot ngunit kailangn ng mas maraming oras sa pagproseso upang
masabi ito sa wikang gagamitin tulad ng sa Ingles.

2. Tumugon sa mensahe/mungkahi ng mag-aaral

Huwag iwasto ang mga error. Kung ang isang mag-aaral ay may tamang sagot
at ito ay naiintindihan, huwag iwasto ang kaniyang gramatika. Ang eksaktong
salita at tamang tugon sa gramatika ay mabubuo sa pagtagl ng oras. Sa halip,
uulitin ang kaniyang sagot, ilagay ito sa karaniwang ingles, gummamit ng mga
positibong diskarteng pampatibay.

3. Pasimplehin ang wika ng guro

Direktang makipag-usap sa mag-aaral, binibigyang diin ang mga mahahalagang


panggalan at pandiwa, gamit ang ilang dagdag na mga salita hangga’t maaari. Ang
pag-uulit at mas malakas na pagsasalita ay hindi makatutulong ngunit, ang rephasing at
body language ay maaaring makatulong. Dahil rin sa kaniyang mag-aaral katangian
niya and pagiging mayaman sa kaalaman upang maibahagi ito ng walang pagkalito.

4. Huwag pipilitin ang oral na produksyon

Mas mainam na bigyang pagkakataon ang mga estudyante na ilahad ang


kanilang kaalamn sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kilos.

5. Gumamit ng mga larawan o bagay sa paglalahad

Upang mas maintindihan ng mga estudyante ang nais mong iparating ay maaari
kang gumamit ng bagay o larawan na makatutulong sa pagbibigay emphasis sa kung
ano ang nasa konteksto. Maaaring ikaw rin mismo ang magpakita ng kilos.

6. Pagpangkatin ang mga mag-aaral batay sa kanilang katutubong wika

Bigyan ang mga estudyante ng mga gawain na nangangailangan ng pakikipag-ugnayan.


Ayusin ito upang mas madaling magawa ang mga gawain. Gamitin ang mga
pamamaraan sa pag-aaral ng kooperatiba sa isang student sheltered klasrum.
7. Iakma ang mga materyal sa wika ng estudyante

Kailangan mapanatili ang mga integredad ng mga estudyante. Mas gawing


Madali at komprehensibo ang konsepto sa pamamagitan ng larawan, chart, mapa.
timeline at diagram bukod sa pagsimple ng wika.

8. Dagdagan ang iyong kaalaman

Alamin hangga’t kaya mo ang wika at kultura ng iyong estudyante, tandan na


kung mas kilala mo ang iyong estudyante ay mas Madali mo silang matuturuan.

9. Alamin at paunlarin ang dating kaalaman ng mga estudyante

Suriin kung gaano kalawak ang kanilang kaalaman sa konteksto. Hikayatin silang
magbahagi ng kanilang mga natutuhan.

10. Suportahan ang wika at kultura ng mag-aaral, dalhin ito sa silis-aralan

Mithiin ito na hikayatin ang mga mag-aaral na panatilihin ang kanilang wika
habang nag-aaral ng ibang wika. Sila’y hikayatin na magbahagi ng kanilang kultura at
wika sa pamamagitan ng awit, sayaw, tula at iba pa. Gawin ang mga bagay na
makatutulong upang sila ay mas maging magaling at hasa sa wikang Ingles.

LAYUNIN AT KAHALGAHAN NITO SA PAGTUTURO

Layunin

1. Magbigay daan sa mga pangunahing gawain na kabilang sa mga nilalaman ng bawat


antas ng baitang.

2. Maitaguyod ang pagpapaunlad sa kasanayan sa wika.

KAHALAGAHAN NG MODELONG MAGKAKAHIWALAY SA PAGTUTURO

Ang modelong ito ay ginagamit sa konteksto ng pagtuturo sa sining ng wika


kung saan ito ang nagsisilbing estratehiya. Katulad na lamang ng mga visual aids,
graphic organizer, vocabulary preview, modeling at maging ang paggagamit ng mga
katutubong wika upang maipakita ang suporta sa komprehensibong unit patungo sa
mas mataas na uri ng kaalaman

III. ANG MODELONG MAGKASANIB

Ang modelong ito nagpa-enrol ang mga mag-aaral sa dalawang magkaugnay na


kurso na nilalaman sa ideyang ang dalawang kurso ay nababahaginan ng nilalaman.
Ang pangunahin tuon sa modelong ito ay ang koordinasyon ng mga nagtuturo sa mga
layunin at takdang-aralin sa wika at sa nilalaman gaya ng inilalarawan sa dayagram na
ito:

IV. ANG PAGDULOG NA PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT


BASED INSTRUCTION

Sa pagpapakahulugan ng DepEd, ang content-based instruction ay ang


integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika
at Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika. Gagamitin itong behikulo sa
paglinang ng mga kasanayang pangwika sa Filipino.

Napapanahon ang pagtuturo ng Filipino batay sa nilalaman. Maraming pag-aaral


sa ibang bansa na nagpatunay na higit na mabilis at epektibong natutuhan ang
pangalawang wika kung isasanib ang kontent sa pagtuturo nito. Pinatutunayan ang
mga pag-aaral ang mataas na antas ng kahusayan sa pangalawang wika habang
natutuhanang paksang aralin o ang nilalaman. (Lambert & Trucker, 1972); Campbell,
Gray, Rhodes& Snow, 1985; (NCBE 1990, binanggit kay Crandall (ed.) 1987).

Sa pagtuturong batay sa nilalaman, mahalaga ang kolaborasyon ng gurong wika


at ng content area subject dahilan sa paggamit ng dalawang input sa dalawang lawak.
Sa kasalukuyang sistema ng pagtuturo ng wika, makasyadong nakatutok ang guro sa
paglinang ng kakayahang pangwika kaya't natatagalan ang paglinang ng mga
kasanayang kognitib-akademik at di nagagamit nang mabisa ang Filipino sa pag-aaral
ng asignaturang pangnilalaman. Gayundin, ang mga guro ng content subject ay
nakapokus sa nilalaman kaya't di napapansin ang mga problemang pangwika na
nakaapekto sa pagkatuto.

Sa pananaw na ito, pasiliteytor ng pagkatuto ang mga guro. Sa pagsanib ng wika


at nilalaman, nagdebelop ng sensitibiti ang guro ng nilalaman sa mga suliraning
pangwikana matatagpuan sa mga aklat, materyal at maging sa kanyang pananalita na
maaaring makapagpahirap sa pag-unawa ng kanyang mga estudyante.

Gayundin, ang guro ng wika ay nakatutulong gumamit ng mga awtentikon at


makabuluhang nilalaman sa klasrum. Naipakikita sa guro ng wika ang mga estilo na
kailanganing akademiko ng mga kursong pangnilalaman. Sa pangkalahatan,
pinapatnubayan ang mga guro ng wika at ng nilalaman sa pagtiyak kung anong
konsepto ng tapik ang bibigyang-diin, paano ituturo ang mga konsepto para lubusang
maunawaan at kung paano malillinang ang kakayahang pangwika ng mag-aaral.

Pangunahing Katangian

a) Nalilinang ang kasanyang kognitib at pangwika.

b) Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit
itong instrument sa pagkatuto.

c) Naipauunawa aang input sa iba’t ibang kaparaanan tulaad ng demonstrasyon, Biswal,


aktwal na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng uro sa mga
aralin.

d) Inaalam ang eksima o datihang kalam at iniuugnay ito sa bagong tapik.

e) Ipinapakita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik;


interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro.

f) Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto.

g) Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto.

h) Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

j) Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong


materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.

Maganda ang ipinapangako ng pagdulog ng CBI na gumagamit ng tatlong


prinsipyo: (a) gamit ng multi-media; (b) paglinang ng kasanayang pampag-iisip; (c)
organisasyon ng klase na nakapokus sa mag-aaral. Gayunpaman, dapat unawain na
hindi madaling maisagawa ang pagtuturong batay sa nilalaman. Kailangan ng ganap na
kahandaan ng mga guro lalo na sa lubusang pag-unawa sa mga teorya at praktis ng
CBI.

Adbentahe ng CBI

● Nagagawang mas kaganyak-ganyak at kawili-wili ang pagkatutong particular na


wika.

● Napapaunlad ng mga mag-aaral ang mas malawak na kaalaman sa daigdig sa


pamamagitan ng CBI na nakapagbibigay sa kanilang tugon upang mas pag-
ibayuhin at paunlarin ang kanilang pangangailangang pang-edukasyon.

● Nakatutulong upang linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtatala,


pagbubuod at pagkuha ng mga mahahalagang konsepto mula sa isang teksto.

● Pagkakuha ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian, muling


pagtataya ang pag-iistruktura ng mga ideya na makatutulong sa mga mag-aaral
na maiugnay sa ibang disiplina.

Alituntunin ng CBI

● Ang nilalaman ng mga paksa ay ginagamit lamang sa pagtuturo ng wika.

● Ang pagtuturo ay kinakailangang mabuo batay sa kanilang karanasan.

● Mas nagaganyak ang mga mag-aaral kapag nakikita nila ang kaugnayan at
kahalagahan ng ginagamit na wika.

● Nakatutulong ang guro upang makabuo ng kaisipan ang mga mag-aaral.

● Ang pagkatuto sa wika ay mas madaling matamo kung epektibo itong nagagamit
sa isang tunay na buhay.

● Mas nakatutulong na unawain ang mga bokabularyo kapag ito ay ginagamit sa


isang pahayag o pangungusap.

● Suportang pangwika ang kinakailangan sa paggamit ng awtentikong paksa.

● Nagsasangkot ng mas higit at ganap na kapasidad pangkomunikasyon kaysa sa


paggamit lamang ng wika sa pakikipagtalastasan.

Sa kabuuan, ang CBI ay mapanghamon at mapaghanap sa bahaging mga guro at


mag-aaral. Ang paggamit ng pagdulog na ito ay naaayon pa rin sa kagustuhan at
pagtanggap ng mga mag-aaral, institusyon na pinaglalaanan ng serbisyo at
pagkakaroon ng sapat na mapagkukunan.

V. COGNITIVE ACADEMIC LEARNING APPROACH (CALA)


Ang “COGNITIVE ACADEMIC LEARNING APPROACH” o (CALA) ay
nagpapaliwanag na ito ay modelong pampagtuturo upang matugunan ang akademikong
pangangailangan ng mga estudyante sa pagkatuto ng wika. Naniniwala ang
programang ito na ang kognitibong pagkatuto ng wika ay makatutulong sa mabilis na
pagkatuto rin sa iba’t ibang asignatura (content area). Nag-ugat din ito sa CALP o
tinatawag na Cognitive Academic Language Proficiency at iniisa rito ang gamit ng
akademikong wika tulad ng mga sumusunod:

(1) MAGHANAP NG IMPORMASYON – Isinasagawa ito sa pamamagitan ng


pagmamasid at paggalugad sa kapaligiran’; pagkuha ng mga impormasyon at
pagtatanong.

(2) MAGBIGAY-IMPORMASYON – Magtukoy, mag-ulat o maglarawan ng


impormasyon ang ilan sa mga kaugnay nito.

(3) MAGHAMBING – Maglarawan ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay at


ideya.

(4) MAG-AYOS – Pagkakasunod-sunod ito ng mga bagay, ideya o mga pangyayari.

(5) MAG-URI – Paggrugrupo ito ng mga bagay o ideya ayon sa mga katangian ng
mga ito.

(6) MAGSURI – Paghihiwalay ito sa bahagi; patukoy ng ugnayan at padron.

(7) MAGHINUHA – Pagbibigay ito ng mga palagay, implikasyon sa nabatid na mga


impormasyon.

(8) MANGATWIRAN AT MANGHIKAYAT – Pagbibigay ng dahilan kung bakit


ginawa ang aksyon o desisyon at kung bakit ganoon ang pananaw at sa huli,
paghihikayat sa iba sag anito ring kaisipan.

(9) LUMUTAS NG SULIRANIN – Bigyang-kahulugan ang problema at tumukoy ng


solusyon dito.

(10) MAGBUOD – Pagsasama ito ng mga ideya upang makabuo ng mga


bagong kaisipan.

(11) MAGTAYA – Tayahin ang kahalagahan ng isang bagay, ideya o pasya.


Higit na nagamit ang mga tanong na ito sa bahaging sanaysay ng instrument.
Mula sa pagbibigay ng sagot na tuwirang nagmula sa akda hanggang sa
paglalahad ng mga dahilan sa paniniwalang katotohanan.

Ang CALA o Cognitive Academic Learning Approach ay may tatlong estratehiya.


● ESTRATEHIYANG METACOGNITIVE

● ESTRATEHIYANG KOGNITIB

● ESTRATEHIYANG SOSYO-EPEKTIB

1. Ang ESTRATEHIYANG METACOGNITIVE ay tumutukoy sa pagkakaroon ng


kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pag kontrol sa sariling proseso at pag-iisip
o pag uunawa. Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at
produksyon sa pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto. Ang
ESTRATEHIYANG METACOGNITIVE ay pinatnubayang pamamaraan ng
pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampanan ang
pamamahala sa pinaka mataas na antas ng kaisipan. Ito rin ay tumutukoy sa
mga kaalaman at pag kontrol sa sariling pag-iisip at gawain sa pagkatuto ng mga
estudyante.

2. Ang ESTRATEHIYANG KOGNITIB naman ay interaksyong may kasama ng


materyal pagpapangkat-pangkat, pagtatala at pagbubuod o paggawa ng
imaheng mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon sa dati nang natutunang
mga konsepto o mga kasanayan.

3. Ang ESTRATEHIYANG SOSYO-EPEKTIB ay interaksyon sa iba pa upang


makatulong sa kanyang pagkatuto.

Sanggunian:

https://www.studocu.com/ph/document/university-of-southern-
mindanao/ang-filipino-sa-kurikulum-ng-batayang-antas-ng-edukasyon/
kabanata-4-intended-learning-outcomes-nakikilala-ang-filipino-bilang-
isang-displina/28644485

https://www.coursehero.com/file/115028156/Pangunahing-Pagdulog-sa-
Pagtuturo-ng-Filipino-sa-Elementaryapdf

https://www.acadshare.com/pamamaraan-istratehiya-dulog-pagtuturo-
filipino

You might also like