ESP6
ESP6
ESP6
_____ 1. Ang isang ugaling dapat pairalin ng bawat tao sa mundo ay ang pagiging
mapayapa. Ito ang pinakadakilang utos ng Diyos.
A. Pag-asa
B. Pananampalataya
C. Respeto/Paggalang
D. Pag-ibig/Pagmamahal
_____ 2. May kapansanan si Alfred ngunit nagsusumikap pa ring makapag-aral. Siya ay
naging inspirasyon sa kanyang mga kaklase. Ipinapakita niya na may _____.
A. pag-asa sa buhay
B. pagtulong sa kapwa
C. pananampalataya sa Diyos
D. pagkakarooon ng positibong pananaw
_____ 3. Nagtatakda ng oras ng panalangin ang iyong pamilya tuwing ikaanim ng gabi.
Ano ang gagawin mo bilang anak?
A. Magkunwaring masama ang pakiramdam.
B. Manalangin ka nang taimtim sa kalooban na mag-isa.
C. Makikibahagi sa pamilya sa sama-samang panalangin.
D. Pipikit para di mapansin na naatasan kang manguna sa panalangin.
_____ 5. May tagubilin hinggil sa tamang kasuotan sa loob ng simbahan. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Isusuot pa rin ang gustong damit.
B. Ibabahagi ang saloobin at opinyon sa tamang isusuot.
C. Sasabihan ang kaibigan na hindi maganda ang damit niya.
D. Ibibigay ang opinyon ngunit magagalit sa mga nagpatupad ng tamang
kasuotan sa pagsisimba.
_____ 6. Paano maipapakita ang pagmamahal sa kapwa at sa kalikasan upang
ikagagalak ng karamihan?
A. Pagtangkilik sa mga paninda ng ibang bansa dahil ito ay matitibay.
B. Pakikipagkuwentuhan sa kaibigan tungkol sa mga ginagawa ng ama.
C. Pagtatanim ng mga gulay at pagpapanatili sa kalinisan ng kapaligiran.
D. Huhulihin ang mga ibon upang hindi na kakainin ang mga prutas sa puno.
_____ 7. Nakita mong walang baon ang katabi mo ng upuan. Napansin mo rin na
nagugutom na siya. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tatapunan ko siya ng pagkain.
B. Ibabahagi ko sa kanya ang nabili kong pagkain.
C. Hahayaan siyang tingnan akong kumakain ng aking baon.
D. Sisigawan ko siyang lumayo dahil siya ay nakatingin sa aking kinakain.
_____ 8. Nais ng batang babae na matamo ang tagumpay sa buhay. Alin sa sumusunod
ang dapat niyang gawin?
A. Magsumikap at hindi na mananalangin.
B. Manalangin sa buong maghapon upang matamo ang tagumpay.
C. Hihintayin na may nakatingin at ipapakita ang pagsisikap sa buhay.
D. Humingi ng gabay sa Panginoon at pagsikapan na matapos ang pag-aaral.
_____ 9. Malungkot palagi si Roldan dahil palagi siyang kinukutya ng inyong
mga kaklase. Ano ang iyong gagawain?
A. Hindi ako makikialam sa kanya.
B. Aawayin ko ang nangungutya sa kanya.
C. Makikiisa sa pangungutya ng mga kaklase.
D. Papayuhan ko si Roldan na lakasan ang kaniyang loob at huwag
pansinin ang pangungutya sa kanya
____ 10. May pagdiriwang inyong relihiyon na kinabibilangan at bahagi ng gawain
ang para mapaunlad ang kaalaman sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan.
A. Sasali ako dahil nandoon din ang aking crush .
B. Masayang makikilahok subalit hindi isasapuso.
C. Sumama sa pagdiriwang at magyaya ng ilang kasama na dumalo.
D. Makikiisa sa pagdiriwang at magpapaganda habang nag-aaral sa pagbasa
ng Banal na Kasulatan.
_____ 11. Maagang nagising ang mga anak ni Mang Agosto. Ano ang una nilang
gagawin upang maipakita ang pagpapasalamat sa Panginoon?
A. Pumunta sa banyo at maligo agad.
B. Manalangin bago lumabas ng kuwarto.
C. Utusan ang kapatid na magligpit ng higaan.
D. Papakainin ang bunsong kapatid na nagugutom.
_____ 21. Namamalimos sa kalsada ang isang kaklase mo kaya hindi siya nakapasok sa
araw na iyon. Wala kasi silang pambili ng gamot sa may sakit na ina.
A. Sasamahan ko siyang humingi ng pera.
B. Pagtatawanan ko siya habang namamalimos.
C. Sasabihin ko sa kanya na bawal ang kanyang ginawa.
D. Ipagbigay-alam ko sa aming guro ang kalagayan ng aking kaklase.
_____ 22. Miyembro ng choir ng simbahan si Betty. Siya rin ay katuwang ng
pari/pastor sa pag-aayos ng mga kailangan sa mga gagawing
pagdiriwang ng simbahan.
A. Masaya niyang ginagawa ang mga ito nang walang kapalit.
B. Nakikilahok nang padabog sa mga gawaing pansimbahan.
C. Ginagawa niya ang mga ito dahil inutusan siya ng magulang.
D. Tumutulong sa mga gawaing panrelihiyon upang makatanggap ng pera.
_____ 23. Magkakaroon ng isang pagpupulong sa inyong paaralan at inatasan ka na
manalangin bago ito magsimula. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tatanggapin ang iniatas ng guro at pagbutihin ito.
B. Magkukunwari na hindi narinig ang sinabi ng guro.
C. Ituturo ang ibang kaklase na siya na ang mangunguna sa panalangin.
D. Sasabihin sa guro na wala ka sa kondisyon at hindi ka marunong
manalangin.
_____ 24. Ang inyong mga magulang ay nagsusumikap upang mapag-aral at mabigyan
kayo ng magandang kinabukasan. Bilang isang anak, ano ang gagawin mo
upang sila ay maging masaya?
A. Pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang makaalis na sa bahay.
B. Magpabili ng gadget upang may magamit sa aking pag-aaral.
C. Hihinto sa pag-aaral upang tulungan ang aking mga magulang.
D. Mag-aaral nang mabuti upang makatapos at makatulong sa aking mga
kapatid at magulang.
_____ 25. Napansin mong hindi nakikinig ang iyong kaibigan habang ipinapaliwanag
ng inyong guro ang mga alituntunin para sa kaligtasan kapag may
kalamidad. Ano ang gagawin mo?
A. Magagalit ako sa kanya dahil hindi siya nakikinig.
B. Pagsasabihan ko ang aking kaibigan na makinig muna sa aming guro.
C. Makipagkwentuhan ako sa kanya tungkol sa nangyaring baha sa Dubai.
D. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan at makipaglaro sa mga bata sa labas.
_____ 26. Tuwing walang pasok ay aktibong tumutulong at nakikilahok sa gawaing-
pambarangay si Pepito kahit hirap siya sa paglalakad sanhi ng kanyang
kapansanan. Anong gawain ang kaya niyang gampanan?
A. Sumasali siya sa mga ginawang paliga ng barangay.
B. Tumutulong siya sa palugaw ni Kapitan sa kanilang barangay.
C. Nagwawalis siya ng mga basura kasama ang iba pang kabataan.
D. Naglilinis siya sa opisina ni Kapitan sa barangay para magkapera.
_____ 27. Natalo sa paligsahan ang kaklase mo. Mula noon, palagi na siyang lumiliban
sa klase. Ano ang maaari mong gawin upang manumbalik ang interes niya sa
pag-aaral?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Hayaan lang ang kaklaseng lumiban.
C. Kukutyain ko siya para hindi na pumasok sa aming klase.
D. Pupuntahan ko siya sa kanila at hihikayatin na bumalik sa pag-aaral.
_____ 28. Si Rex ay isang Katoliko, may kaibigan siyang Muslim na si Jamaimah.
Madalas silang naglalaro at nagkukwentuhan ng may kaugnay sa Diyos kahit
na sila ay may magkaibang paniniwala. Ano ang ugaling ipinakita ni Rex?
A. Nakikilahok sa mga gawaing-pansimbahan.
B. Pakikisama sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala.
C. Nag-iisip ng paraan paano mapaunlad ang sariling pananampalataya.
D. Inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon.
_____ 29. Sama-samang nagsisimba ang pamilya Santos. Dumadalo rin sila sa mga
gawaing may kinalaman at kaugnayan sa kanilang simbahan. Pag-uwi ng
bahay ay nananalangin sila nang sabay-sabay. Ano ang katangian ng mag-
anak?
A. Nakikilahok sa mga gawaing-pangsimbahan.
B. Nag-iisip ng paraan paano uunlad ang pamumuhay.
C. Pakikihalubilo sa mga taong makatulong sa buhay.
D. Inaalam ang mga ritwal na ginagawa sa kinabibilangang relihiyon.
_____ 30. Hindi inaalintana ni Salvacion ang katayuan o sitwasyon sa buhay bagkus
ipinapakita niya sa karamihan na maasahan siya sa mga gawaing-bahay.
Bakit kinagigiliwan si Salvacion ng kanilang mga magulang?
A. Siya ay magaling umawit.
B. Nag-iisang anak siya at may kapansanan.
C. Hindi mayabang o hambog na bata si Salvacion.
D. Tumutulong siya sa magulang kahit siya ay bata pa.