MGA KRITIKONG PILIPINO Finalreport

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Mga Kritikong Pilipino

 Alejandro G. Abadilla
 Teodoro Agoncillo
 Virgilio S. Almario
 Rogelio Mangahas
 Federico Licsi
 Fernando Monleon
 Clodualdo del Mundo
 Ponciano b.p. Pineda
 Lope K. Santos
 Isagani R. cruz

Alejandro G. Abadilla

- Ama ng Malayang Taludturan


- Tinaguriang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog”
- Kilala sa kanyang palayaw na “AGA,”
- Isinilang sa bayan ng Rosario, Cavite noong Marso 10, 1906.
- isang makata, nobelista at kritikong pampanitikan.
- Nag aral sa sa Mababang Paaralan ng Baryo Sapa at pagkaraan sa Mataas na Paaralan ng Cavite.
- Nagtungo sa Amerika upang mag-hanapbuhay at masuportahan ang pamilya.
- Nag-trabaho rin para sa mga sikat na pahayagan noon tulad ng Philippine Digest at Philippines-
American Review.
- Taong 1934 nang siya ay makatapos sa kursong Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas.
- Kilala siya sa kanyang modernong pananaw sa panitikan noong kanyang kapanahunan.
- Nagpasimuno sa paggamit ng malayang taludturan, diin sa metro, at paggamit ng labis na
romantisismo.
- Itinatag rin ni AGA ang Kapisanang Balagtas, isang organisasyon na isinulong ang malaya at mas
malawak pa na paggamit sa wikang Tagalog lalong-lalo na pagdating sa literatura.
- Inilunsad ang Kapisanang Panitikan na tinipon ang lahat ng mga batang manunulat.
- Ang tulang pinamagatang “Ako ang Daigdig” ang isa sa mga pinakatanyag sa mga lathalain ni
Alejandro. Ito ang natatanging tula na nagbigay-daan sa modernong panulaan dahil sa kakaibang ideya
na hatid nito. Nilalahad ng tula ang perspektibo ng kolonyalismo ng mga bansang Espana at Amerika
sa ating bansa.
- Noon 1966, natamo niya ang Republic Cultural Heritage Award dahil sa kanyang kontribusyon sa
literaturang Filipino. Namatay siya tatlong taon makalipas.
- Si Alenjandro Abadilla ay may walong anak at pumanaw noong Agosto 26, 1969.
- Isa siyá sa mga tagapagtatag ng Kapisanang Panitikan, at editor-tagapaglathala ng magasin
nitóng Panitikan upang isulong ang pagpapaunlad ng panitikang Tagalog.
- Ang pen name ni Alejandro G. Abadilla ay "Aguedo" o "Aguedong Bato." Ito ang ginamit niya sa
kanyang mga akda bilang isang makatang Pilipino. Si Alejandro G. Abadilla ay kilala sa kanyang mga
tula na may malalim at makabagong paggamit ng wika. Ginamit niya ang pen name na "Aguedo" upang
magkaroon ng kakaibang pagkakakilanlan bilang isang makata.

Mga Aklat
1. Piniling mga Tula ni AGA (tula, 1965)
2. Tanagabadilla (tula, 1964; 1965)
3. Sing-ganda ng Buhay (nobela, 1947)
4. Pagkamulat ni Magdalena (nobela, 1947)
5. Parnasong Tagalog (antolohiyam 1954)
6. Mga Kwentong Ginto (antolohiya na kasamang editor si Clodualdo del Mundo Sr., 1936)
7. Ang Maikling Kathang Tagalog ( antolohiya, 1954)
8. Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (antolohiya na kasamang editor si Ponciana B.P. Pineda,
1957)
9. Ako ang Daigdig
Teodoro Agoncillo

- Kilala sa katawagang “Teddy” o “Ago”


- Tanyag na istoryador, mangangatha at makata.
-Isinilang sa Lemery, Batangas noong Nobyembre 9, 1912.
- Kinilalang “Ama ng Makabansang Pananaw sa Pagsulat ng Kasaysayan”
- Namatay noong Enero 14, 1985.
- Siya ay sumulat ng mga akda gaya ng “The Story of Bonifacio and the Katipunan: The Revolt of the
Masses na sumuri sa papel ni Andress Bonifacio sa 1896 Himagsikan at sa bisa ng kanyang
kamatayan.
- Sinundan iyon ng “Malolos”: The Crisis of the Republic na nagtampok naman sa Kasunduan sa Biyak
na Bato. Sa pagtataksil ng Estados Unidos, sa Digmaang Filipino-Amerikano, sa mga ilustrado at
pagtataksil mismo ng ilang Filipino sa pagtataguyod ng Republika ng Filipinas.
- Sinulat din ni Agoncillo ang “A Short History of the Filipino People, na bumago sa pagsulat ng
kasaysayan ng bansa at ginawa pang sangguniang aklat ng lahat ng estudyante sa unang taon sa
unibersidad.
- Iginiit in niya na dapat sulatin ang kasaysayan ng Filipinas ng isang Filipino at sa pananaw ng Filipino
at ipinakita ito sa kaniyang mga aklat, upang matigil ang lubhang pananalig noon sa historyang likha ng
mga dayuhan.
- Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (National Scietist), postumo noong 11 Hulyo
1985.
- kilala sa mahalagang kontribusyon niya sa. pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas.
- Si Teodoro Agoncillo ay kilala bilang isang kasaysayan at mananaliksik ng kasaysayan ng Pilipinas.
Hindi siya gumamit ng pen name sa kanyang mga akda. Siya ay kilala at pinahahalagahan sa kanyang
mga kontribusyon sa pag-aaral at pagsusuri ng kasaysayan ng Pilipinas.
Tula
1.Republikang Basahan - naglalarawan sa kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng mga Hapones at
ng Ikalawang Republika. Inilalarawan nya sa kanyang akda ang pagturing ng mga Hapones sa
Pilipinas, kung paano inaapi, inaalila at kinukutya ang mga Pilipino sa sariling bansa.

Mga Akda
1. History of the Filipino People - Ito ay naging pamantayang sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan
ng Filipinas. Bahagi ng kaniyang umaabot sa 22 aklat ang Filipino Nationalism 1872-1971
2. Malolos: The Crisis of the Republic; The Fateful Years: Japan’s Misadventure in the
Philippines; at The Burden of Proof: The Vargas-Laurel Collaboration.
3. The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan - ang itinuturing na
pinakamahalagang akda ni Agoncillo sa larangan ng makabayang historyograpiya. Umani ito ng
maraming papuri ngunit binatikos ng ilang kapuwa historyador. Dahil sa mga kontrobersiya, ipinatigil ni
Pangulong Ramon Magsaysay noong 1948 ang pagpapalimbag sa aklat. Nalathala lámang ito noong
Pebrero 1956.
4. The Fateful Years: Japan’s Adventure in the Philippines, Filipino Nationalism (Kasaysayan ng
Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dalawang bolyum, 1965)
5. The Burden of Proof: The Vargas-Laurel Collaboration Case (1984)
6. Ang Kasaysayan ng Pilipinas (kasama si Gregorio F. Zaide, 1941)
7. Ang Maikling Kuwentong Tagalog: 1886-1948 (1949, 1965, 1970)
8. The Writings and Trial of Andres Bonifacio (1963)
9. A Short History of the Philippines (1969)
10. Filipino Nationalism: 1872-1970 (1974)
11. Introduction to Filipino History (1974)
12. Sa Isang Madilim: Si Balagtas at ang Kanyang Panahon (1974)
13. Ang Pilipinas at ang mga Pilipino: Noon at Ngayon (1980)

Mga Parangal
1. Republic Cultural Award (1967)
2. UNESCO Prize for Best Essay (1969)
3. Ang Diwa ng Lahi (1982) - ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Lungsod Maynila.
4. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa Paligsahan ng Republika ukol kay Andres Bonifacio noong
1948 para sa kanyang obra maestrang The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the
Katipunan.
5. Ten Outstanding Young Men (TOYM) - Distinguished Scholar of the University of the Philippines
(1967)
6. Pambansang Alagad ng Agham ng Pilipinas (1985)
Virgilio S. Almario

-Ipinanganak noong Marso 9, 1944


- isa sa mga nangungunang makata, iskolar, at kritiko sa bansa, bukod sa pagiging mahusay na
propesor, tagasalin, pabliser, editor, leksikograpo, at tagapamahalang pangkultura.
-Makata, mahusay na profesor, tagasalin, pabliser, editor, leksikograpo at tagapamahalang
pangkultura.
- isa sa pinakatanyag na kritiko ng panitikang Filipino.
- Kilala sa sagisag na “Rio Alma” na laging kasangkot sa pagbibigay - kulay sa panulaang Filipino.
- Noong 1963 nagtapos sa kursong A.B. Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas.
-1967 - inilabas ang kanyang unang koleksyon ng mga tula
-1968 - 1985 - nasundan ng sampu pang koleksyon kabilang ang bilingual na Selected Poems
-1998 - nailimbag ng UP Press ang kanyang mga tula

Ibinuhos din niya sa pananaliksik tungkol sa kasaysayang pampanitikan at tradisyon sa pantikang


Pilipino. Tulad ng
1. Taludtod at Talinhaga (1965, 1991)
2. Balagtasismo Versus Modernasismo (1984)
3. Kung sino ang Kumatha kina Bagongbata,Ossorio, Herrera, atbp (1992)
4. Panitikan ng Rebolusyong 1896 (1993)

Binaybay ang kanyang mga gawa tungkol sa mahahalagang pag-aaral


- Filipino ng mga Filipino (1993)
- Tradisyon ng Wikang Filipino (1998)

Pinagtuuan din niya ng pansin ang pagsasalin at pamamatnugot upang lubos pang mapayaman ang
danas pampanitikan sa Filipino. Ito ay ang mga sumusunod.
1. Makabagong Tinig ng Siglo (1989)
2. Noli me Tangere (1999)
3. Dula nila Nick Joaquin, Bertolt Brecht, Eurupides and Maxim Gorki
Nag-edit din siya ng mga koleksyon nina
- Jose Corazon de Jesus
- Lope K. Santos
- Alfredo Navarro Salanga
- Pedro Dandan
- Mga piling batayang aklat sa ekolohiya
- Panitikang pambata
- Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (1981)

Kinilala din ng iba’t ibang organsasyon at institusyon ang kanilad ng kanyang mga gawa tulad ng..
- Palanca Awards
- Cultural Center of the Philippines
- Makata ng Taon ng Komisyon ng Wikang Filipino
- TOYM for Literature
- Sotheast Asia Write Award
- National Artist of the Philippines for Literature

Rogelio Mangahas

- Isang makata , mananalaysay, editor, guro at tagasalin.


- Isang sikat na Makata sa Wikang Tagalog.
- Nakapagtapos ng kolehiyo sa University of the East sa kursong A.B Major in Filipino.
- Ginawaran ng President’s Achievement Award dahil siya ay isa sa Top Ten Most Outstanding
Students noong 1965.
- Nang makapagtapos ay naging prosesor sa UE hanggang 1972, nang maideklara ang Batas Militar.
Naging guro sa wika at panitikan sa De La Salle University at St. Scholastica’s College.
-Ikinasal siya kay Fe Buenaventura Mangahas na isang historyador, guro at manunulat.
- Ang huling pagtula ni Rogelio Mangahas ay noong August 27, 2018 ng Kodao Productions.
- Ang hulig tula na kanyang binigkas ay ang Paggunita sa Sitio Bawit.
- Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino, si Mangahas ang isa sa mga nagsulong ng matagumpay na
modernismo sa panulaang Filipino, kasama sina Lamberto E. Antonio at Rio Alma.
- Si Mangahas ang isa sa ama ng makabangong panulaan sa bansa at kinlalang higante ng panulat ng
baya
- Ang pen name ni Rogelio Mangahas ay "Rogelio Sicat." Ito ang ginamit niya sa kanyang mga akda
bilang isang kilalang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Si Rogelio Mangahas ay kilala sa
kanyang mga tula, maikling kwento, at iba pang akda na bumabanggit sa mga isyung panlipunan at
pampolitika.

Saan Nailimbag ang kanyang mga Tula


Sa mga Antolohiyang Mga Duguang Plakard at iba pang Tula (1971) at Gagamba sa Uhay ( 2006)

Mga Parangal
1. Talaang Ginto: Makata ng Taon
2. Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
3. Gawad Balangkas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)

Mga Nailimbag
1. Sa Mga Kuko ng Liwanag
2. Gagamba sa Uhay:Kalipunan ng mga Haiku
3. Panitikang Meranaw: Mga Piling Alamat at Kwento
4. Paghahanap at iba pang kwentong Aleman
Federico Licsi

- Tubong Pasig City


- Isinilang noong Abril 10, 1939
- Namatay noong taong 2011
- itinangal ng makata ng taon noong taong 1996.
- Editor ng pitong mga pahayagan sa kolehiyo, ang isang trabaho na nagsimula ang kanyang karera sa
pagsulat.
- ilang ulit na nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa pagsulat ng mga tulang
gigising sa kamalayang Pilipino.

Mga Antolohiya
1. Toreng Bato
2. Kastilyong Pawid
3. Larawan ng Isang Ulila

Mga akda

1. "Apocalypse in Ward 19 and Other Poems" - Isang koleksyon ng mga tula na sumasalamin sa
kanyang pananaw sa mundo at kamalayan sa lipunan.
2. "Ave en Jaula Lirica: Bird in the Lyric Cage" - Isang aklat ng mga tula na nagpapakita ng kanyang
husay sa pagsusulat at paggamit ng mga salita upang hikayatin ang mga mambabasa na isipin at
makaranas ng mga emosyon.
3. "The Woman Who Had Many Birthdays and Other Works: Fiction, Poetry, Drama" - Isang koleksyon
ng kanyang mga akda sa iba't ibang anyo tulad ng kuwento, tula, at dula. Ito ay nagpapakita ng
kanyang malawak na kasanayan at pagka-kreatibo sa pagsusulat.
Mga Tula
1. "Larawan ng Isang Ulila" - Isang tula na naglalarawan ng kalungkutan at pagkawalang magulang ng
isang ulila.
2. "Ang Batang Palaboy na Nilasing ng Mga Sanggano" - Isang tula na nagpapakita ng kawalang-
katarungan at kahirapan na dinaranas ng isang batang palaboy.
3. "Sa Iyong Paglisan" - Isang tula ng paghihinagpis at pagluluksa sa pagkawala ng isang minamahal.
4. "Pag-asa sa Gitna ng Dilim" - Isang tula na nagpapahiwatig ng pag-asa at liwanag sa kabila ng mga
pagsubok at kadiliman ng buhay.
5. "Pananagutan" - Isang tula na nag-uudyok sa pagkilos at pagtugon sa mga hamon ng lipunan.

Fernando Monleon

- Ipinanganak noong Oktubre 28, 1912 sa Liliw, Laguna


- Kilala sa sagisag na Batubalani
- Siya ay nahirang na “Mambabalagtas ng Taon” noong 1967.
- Tinaguriiang “Makatang Laureado noong 1968.
- Siya rin ay naging pangalawang patnugot ng Suriang Wikang Pambansa.
-Kinilala bilang Prinsipe ng Balagtasan
-Si Monleon ay naging konsehal ng Maynila noong dekada 50.

Mga Akda
1. Alamat ng Pasig - Unang nagkamit ng gantimala sa Timpalak Palanca noong 1958.
2. TresMuskiteras - Isang nobela na isinapelikula sa Sampaguita Pictures noong dekada ‘50.
BUOD NG
“ALAMAT NG PASIG”
Fernando Bautista Monleon
Bakit hahambalain ang ating pagsuyo?Buhay niring buhay
Bakit hahamakin ang sumpa’t pangako?
Nagtanim ng lumbay --- hindi biru-biroDapat na malamangTanging aanihin: siphayo, siphayo?Halinang
maglakbay, giliw ko’y halina
Tayo na sa laot,
Kita’y magliwaliw sa tuwa’t ligaya,

Sa lunday kong munti, halika’t sumama,


Pagmasdan mo, irogHayun naghihintay mula pa kanina ----Ako ang gagaod, ikaw ang awaitMutyang
prinsibini,Sasaliwan tayo ng kalawlaw-tubig;
Sasaksi sa ati’y ang nanungong langit
Habang ang pagkasi---Nag-aaliw-aliw sa tunamong sakit.Hinampo kahapon ay iyong limutin,Ang bulong
ang dusa;Hayaang ibulong ng amihang hangin;Buksan ang dibdib mo, unahin ang damdaminNgumiti
na sana,Ipinid ang puso sa silang hiliahil.Hala na, mahal ko, ang luha mong bubogHuwag mong
sayangin,
Huwag mong hayaang sa lupa’y madurog;

Sadyang ang pagsinta’y liku


-likong ilog,Ang masisindakin, masasawan agad sa matuling agos!Di ngani miminsang pulpol sa
panulatSa kaligayahanKumita ng isang balighong liwanag;Di anong gagawin? Sa
pakawakawak,Sintang bathaluman,
Nihihiya ako’y ikaw rin ang hanap.
Paanong di gayon... ikaw ang dinsulanNiring salamisim
Na sa kariktan mo’y namamaraluman;
Iyong hinanakit kundi mapaparam,Sa pagkahilahil
Hahangga pa yata ang ako’y pumanaw

Kaya’t panimdim mo’y tuluyang mapawi,


Sa bahagyang hapis,Isang kabaliwang magpakalugami…Saanman sumapit,Tanging ikaw lamang
yaring luwalhati.Kasakdalan mang ang sintang magbago,Kahit sa pangarap,
Bukal ng pagsuyo’y hindi maglililo…

Kung kita’y limutin, buhay ko’y paano?


Kung kapos ang palad,
Kamataya’y langit
--- na makalilibo!Pahirin na ngani sa nimintang diwa,Ang sugat ng puso,Ang lagim ng dusang lason sa
siphayo
Sa aking pagyao’y
Saka na lumuha; ulilang pagsuyo---Maghapon ---- magdamag na magpakasawa!Habang naglalakbay
ang ating pagkasi,Sa iklapsaw ng alon;Wariin mo hirang, ang aking sinasabi,Iyong panibugho --- limit
na mangyariSaanman iukol….Mabuting-masama, masamanf-mabuti.Kita ay dadalhin sa Taal na
Bayan,Hayun lang sa dulo….Isang munting pulo sa Bombon, BatangasAt magmula noon ay
pasisilangan,
Tayo’y magtutungo
Sa bayan ng pasig, sa gulod sumilang
Doo’y may alamat ang isang kahapon
G
Sa aklat ng lahi’y
Lipos ng pag-ibig, tigib ng linggatong;Sa dalampasigan, sad among nagyabong,
Tayo’y manakati’t

Pagal na gunita’y muling magbabangon

Clodualdo del Mundo

- Ipinanganak sa Santa Cruz, Manila noong Septyembre 11, 1911.


- Anak na lalaki ni Mario del Mundo na isang iskultor mula sa Bocaue, Bulacan at Remigia Legaspi.
- Nagtapos sa Mapa High School at nakamit ang kanyang associate sa sining sa Far Eastern College
(Na ngayon ay tinatawag ng Far Eastern University)
- at Bachelor of Science Degree sa Edukasyon sa Pambansang guro College.
- Nag - aral din siya ng sining at batas sa Unibersidad ng Pilipinas at Philippine Law School.
- Siya ang unang pangulo ng Panitikan (1935). Nagsimula ito sa kanyang mga kaugnayan sa Unyon at
blocs iba pang manunulat.
- Siya ay naging presidente ng Ilaw ng Bayan (1937)
- Isang kasapi ng Ilaw ng Panitik (1938)
- Isang miyembro ng Taliba ng Inang WIka (TANIW) (1955) kung saan siya naging pinuno mula 1967 -
1972.
- Sumulat ng may mga 100 na “nobela para sa telebisyon, radyo, at pelikula. Sa panulaan siya at isa
siya sa mga unang sumulat ng tulang may malayang taludturan.
- Ang kanyang “Ang Kanyang Mga Mata” (na inihawig sa Haiku ng panulaang Hapon) ay isang hiyas
sa kalinawan at katimpian.
- Namatay noong Oktobre 5, 1977.
- Ang pen name ni Clodualdo Del Mundo ay "Dolores Feria." Ito ang ginamit niya sa kanyang mga akda
bilang isang manunulat at direktor sa larangan ng pelikula. Si Clodualdo Del Mundo ay isang kilalang
Pilipinong manunulat at filmmaker na naging mahalaga ang kontribusyon sa industriya ng pelikula sa
Pilipinas.

Mga Parangal
 1976: FAMAS award for Best screenplay for Manila: Sa mga kuko ng liwanag
 1981: Metro Manila Film Festival for Kisapmata at the 1981 Metro Film Festival
 1983: FAP Award for Best Screenplay for Batch 81 at the Philippines FAP Award
 1983: Gawad Urian Award Best Screenplay for Batch 81 at the Gawad Urian Awards
 2005:b- Best Film award (full length film category) for his film Pepot Artista at the First Cinemalaya
Philippine Independent Film Festival

Mga Akda
 1947: Ali Mudin (Liwayway)
 1948: Prinsipe Paris (Pilipino Komiks)
 1948-1949: Prinsipe Adonis (Paruparo)
 1949: Mahiwagang Kastilyo (Paruparo)
 1949: Ang Ulilang Anghel (Paruparo)
 1949: Prinsesa Basahan (Paruparo)
 1949: Prisipe Binggo (Pilipino Komiks)
 1950: Buhay ng mga Poon ( Tagalog Klasik)
 1950 - 1951: Prinsipe Amante (Aksiyon Komiks)
 1950-1951: Birtud (Liwayway)
 1950-1951: Kapitan Bagwis (Liwayway)
 1951: Kerubin (Liwayway)
 1952: Texas (Pilipino Komiks)
 1952: Munting Koronel (Liwayway)
 1952: Babaing Mandirigma (Pilipino Komiks)
 1952: Quo Vadis (Tagalog Klasiks)
 1952-1953: Diluvio (Pilipino Komiks)
 1952-1953: Hercules (Pilipino Komiks)
 1952-1953: Solitaryo (Espesyal Komiks)
 1953: Paladin (Liwayway)
 1953-1954: Binibining Pirata (Espesyal Komiks)
 1953-1954: Damong Ligaw (Pilipino Komiks)
 1954: Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot (Hiwaga Komiks)
 1954-1955: Eskrimador (Hiwaga Komiks)
 1954-1955: Paltik (Pilipino Komiks)
 1954-1955: Salamangkero (Espesyal Komiks)
 1954-1956: Everlasting (Tagalog Klasiks)
 1955-1956: Senyorita de Kampanilya (Pilipino Komiks)
 1956-1957: Conde de Amor (Hiwaga Komiks)
 1956-1957: Haring Espada (Hiwaga Komiks)
 1956-1957: Kamay ni Cain (Pilipino Komiks)]
 1956-1957: Kayumangging Krisantemo (Espesyal Komiks)
 1957-1958: Zarex (Pilipino Komiks)1957-1958: Malvarosa (Espesyal Komiks)
 1958: Tuko sa Madre Kakaw (Hiwaga Komiks)1958-1959: Asintado (Espesyal Komiks)
 1958-1959: Binhi ng Puso (Pilipino Komiks)
 1959: Apat na Anino (Pilipino Komiks)
 1959: Nakausap Ko ang Diyos (Hiwaga Komiks)
 1959-1960: Gitarang Ginto (Espesyal Komiks)
 1959-1960: Kadenang Putik (Pilipino Komiks)
 1960: Sandakot na Alabok (Espesyal Komiks)
 1960: Dimasupil (Tagalog Klasiks)
 1960-1961: Karugtong ng Kahapon (Tagalog Klasiks)
 1960-1961: Pitong Sagisag (Pilipino Komiks)
 1960-1961: Nawaglit na Langit (Espesyal Komiks)
 1961-1962: Apat na Agimat (Pilipino Komiks)
 1961-1962: Sindak! (Hiwaga Komiks)
 1962: Prinsesang Mandirigma (Espesyal Komiks)
 1962-1963: Sutlang Maskara (Hiwaga Komiks)
 1962-1963: 29 (Veinte Nueve) (Tagalog Klasiks)
 1962-1963: Asyang ng La Loma (Espesyal Komiks)
 1962-1963: Ripleng de Rapido (Pilipino Komiks)
 1963: Magnong Mandurukot (Liwayway)
 1963: Riple .77 (Pinoy Komiks)
 1963-1964: Maskarang Itim (Holiday Komiks)
 1964: Apat na Espada (Kislap Komiks)
 1964: Takas sa Morge (Holiday Komiks)
 1964: Upeng Ulila (Pinoy Komiks)
 1964-1965: Alyas Agimat (Liwayway)
 1964-1965: Anak ni Prinsipe Amante (Pilipino Komiks
 )1964-1965: Mary Martires (Kislap Komiks)
 1964-1965: Simbilis ng Ipo-Ipo (Pioneer Komiks)
 1964-1965: Villa Venganza (Espesyal Komiks)1964-1966: Boy King (Pinoy Komiks)
 1965-1966: Joe Safari (Pinoy Klasiks)
 1965-1966: Kid Sister (Pioneer Komiks)
 1965-1966: Kilabot ng Persia (Pilipino Komiks)
 1966: Duke de Alba (Liwayway)
 1966: Impakta Vengadora (Liwayway)
 1966: Planet Man (Liwayway)1966: Katawan at Kaluluwa (Pinoy Komiks)
 1966: Mataas na Lupa (Kislap Komiks)1966: Sideshow Girl (Holiday Komiks)
 1966: Walang Bituin sa Langit (Tagalog Klasiks)
 1966-1967: Mga Taghoy sa Hatinggabi (Hiwaga Komiks)
 1966-1968: Brix Virgo (Pilipino Komiks)
 1967-1968: Double Agent (Pioneer Komiks)
 1968: Paglalakbay sa Silim (Liwayway)
 1968: Black Treasure (Hiwaga Komiks)
 1968: Dragona (Top Komiks)
 1968: Dyenina (Holiday Komiks)
 1968: Nasa Balintataw (Pinoy Komiks)
 1968: Noli Me Tangere (Zoom Komiks)
 1968-1969: Gorilla Man (Zoom Komiks)
 1968-1969: Katapat ng Langit (Kislap Komiks)
 1968-1969: Lex Laureado (Pioneer Komiks)
 1969: Bruhilda (Liwayway)
 1969: Fashion Model (Sex-See Komiks)
 1969: Flash Dodo (Bold Komiks)
 1969: Sphinx(Pinoy Klasiks)
 1969-1970: Captain Zing (Eba at Adan Komiks)
 1969-1970: Erotik (Bikini Komiks)
 1970-1971: Hello, Mrs. Abril (Liwayway)
 1970-1972: Hari ng mga Stuntmen (Eba at Adan StarlightKomiks)
 1972-1973: Gimbal ng Bayan (Starlight Mini Magazine)
 1974: Lawin Vengador (Liwayway)(Source: Komiklopedia - Clodualdo del Mundo)
 1949: Prinsipe Paris (story)
 1950: Prinsipe Amante (screenplay)
 1952: Teksas, ang manok na nagsasalita
 1953: Munting koronel (writer)1953: Hercules (writer)
 1954: Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot (story)
 1954: Paladin (story) (as Clod del Mundo)
 1955: Eskrimador (writer) (as Clod del Mundo)
 1956: Zarex (story)1957: Kahariang bato (as Clod Del Mundo)
 1957: Conde de amor1958: Malvarosa (story)1959: Tuko sa Madre Kakaw (story)
 1960: Kadenang putik (story)1961: Luis Latigo (story)1961: Pitong sagisag (story)
 1962: Apat na agimat (story)
 1962: Prinsesang Mandirigma (story)
 1963: Ripleng de rapido (story)
 1963: Asyang ng La Loma (story)Awards[edit]
 1961: FAMAS award for Best Screenplay for Kadenang putik atthe FAMAS Awards

Ponciano b. P. Pineda

- manunulat, guro, linggwista at abogado.


- Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino.
- tinaguriang “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” dahil sa pagsulong niya na maitatag ang komisyon
batay sa Seksyon 9 ng ating Saligang Batas.
- Ipinanganak noong Pebrero 19, 1928
- tubong Nueva Ecija
- Namatay noong Hulyo 31
- Naging Direktor ng Komisyon sa Wikang Filipino na dati at Surian ng Wikang Pambansa sa taong
1971- 1999.
- pinangunahan niya ang ilang reporma sa wikang Filipino.
- Kabilang na ang modernisasyon ng alpabeto na binubuo ng 28 titik noong 1987, at ang pagtatag ng 12
sentrong parelihiyon ng wika sa buog bansa.
- Bukod sa pagiging isang magaling na awtor ng librong pang-akademiko, isa rin siyang Filipinogist o
eksperto sa kulturang Pilipin.
- Ang pen name ni Ponciano Pineda ay "Ponci." Ito ang ginamit niya sa kanyang mga akda bilang isang
manunulat at makata. Si Ponciano Pineda ay isang kilalang Pilipinong manunulat at kritiko sa panitikan
na kilala sa kanyang kontribusyon sa larangan ng tula at maikling kuwento.

Mga Akdang Pambalarila


 Pagpupulong
 Mga tuntunin at Pamamaraan
 Pandalubhasaan Sining ng Komisyon
 Sining ng Komisyon para sa Mataas na Paaralan

Mga Maikling Kwento


1. Ang Mangingisda (1956)
2. Malalim ang Gabi (1953)

Ang Mangingisda
Ni Ponciano B. Peralta Pineda
Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita’y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang
mga lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng mga daluyong. Ang ugong ng
kanyang motor, sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na
punduhan nina Fides.
Ito ang kanyang lakas at pag-asa: ang mga lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang
mga bagay na ito ang nagsilang sa kanyang mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa saglit man. Ang
kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan ng mga pangyayaring
lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan.
Kanina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay naulit
na naman ang kanyang pinakaiiwasan: ang pangungutang kina Fides.
“Kung maaari sana’y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?”
Tiningan lamang siya ni Fides. Ni hindi ito kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga pautang.
Nauunawaan niya ang katotohanang ibinadha ng naniningkit na mga matang iyon: pag-
aalinlangan sa katuparan ng kanyang mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon.
Nang lumabas siya kahapon, kaparis din ng dalawang araw na napagdaan, ay hindi siya nanghuli
ng sapat na makatutugon sa pangangilangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides.
Kaninang umaga’y humingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides.
“E, ano ang magagawa natin kung di ka nanghuli,” ang wikang payamot ng in ni Fides.
“Minalas ho ako,” nasabi na lamang niya. “Baka sakaling swertihin ako mamayang gabi.”
Sinabi niya ito upang magpaliwanag; upang humingi ng muling kaluwagan: upang kahit paano’y
hugasan ng pakiusap ang kanyang kahihiyan.
Hindi niya nagawang isipin ang pagbabayd kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina
kanginang umaga ng “Magdiskargo ka muna sa punduhan anak.” Nababatid niyang wala silang
ibabayad kung sa bagay.
Nalalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya’y magpaalam. Hindi niya
narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng naririnig niya sa ina ni Fides kapag hindi nakababayad ang
mga mangingisdang mangungutang sa punduhan: “Aba, e Pa’no naman kaya kami kung ganyan nang
ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso…”
Malaki ang kanyang pag-asa ngayon. Nagtitiwala siya sa kanyang sarili at sa dagat.
“Bukas hoy tinitiyak kong makababayad na ako.”
Gabi na nang umalis siya sa Tangos.
Nakagapos siya sa dagat. Ngunit kailanma’y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas- ang lumaya.
Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng may-
ari ng mga lantsang pamalakaya sa tabi ng malaking punduhan.
Sapul ng pag-ukulan siya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadama siya ng kakaibang
pintig sa kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng lantsa balang araw. Pag nagkaroon siya ng lantsa’y
hindi nasiya gagamit ng motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, mangitngit man ang
habagat, magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaliang lalabas siya sa karagatan.
Maaari na niyang marating ang inaabot na mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya nang
lingguhan. At pagbabalik niya’y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin
mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakakabayad ng gasolina at langis. Matititigan na niya
ang naniningkit na mga mata ni Fides. Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasoline sa
kanyang barko. Kung makakatabi ng kanyang barko ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na lamang
sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. “Ilang araw kayo sa laot, ha?” itatanong niya. Siya’y sasagutin
ko. At, “ako’y tatlumpong araw,” sasabihin niya pagkatapos.
Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong nang payabong, paganda nang paganda sa
lakad ng mga araw. Sa pagkakahiga niya kung gabi’y tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at
makina ng mga pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. Ang huni ng mga lantsa’y kapangyarihan
manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan.
“Balang araw, Inang,” ang pagtatapat niya isang gabi,” ay bibili ako ng lantsa.”
“Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapgtatawid sa atin araw-araw.”
“Magsasama tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka na.”
Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo’y kanilang natanaw ang nagliliwanag
na punduhan nina Fides ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Naririnig hanggang sa
kanilang madilim na tahanan ang alingawngaw ng halakhakan ng mga taong nagpapalipas ng mga
sandali sa punduhan.
‘Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang kanyang puso’y punung-puno ng makulay na pag-asa.
“Talagang bibili ako ng lantsa, Inang.”
Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa bangka na lamang.
“Ang kaligayahan ng tao, anak…”
Hindi niya naunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang ina. Ang diwa niya’y nasa malayo. Nasa
dagat, nasa laot…
Isang mahabang kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay niya bilang mangingisda, bago siya
nakapagtipon ng sapat na salaping ibibili ng motor. Iyon ay isa sa makasaysayang pangyayari sa
kanyang buhay. Inari niyang isa nang tagumpay na walang pangalawa. Iyon ay ipinagparangalan sa
kanyang sarili’t sa kanyang ina.
“Di na ako ga’nong mahihirapan sa pagsagwan kapag ako’y nagpapalaot. Ito na ang simula, Inang…”
Nauunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak.
“Huwag mong kalimutan ang Maykapal, anak,” ang sabi ng kanyang ina.
Maykapal ang lagging ipinang-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng pagdarahop, ng sakit, ng
sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung minsa. Kagaya ng kung siya’y hindi
pinapalad. Kagaya nitong tatlong araw na nangagdaan.
Nakabili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang damdamin ni
Don Cesar nang siya’y unang magkaroon ng lantsang pamalakaya- ito ang wika niya sa sarili.
Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin nang maging dalawa ang mga lantsa sa tabi ng punduhan.
Ang kanyang sarili’y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo: samantalang
siya’y hindi nagkakaroon, hanggang ngayon, ng kahit isa man lamang. Ito’y katanungang sumasaklaw
nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumuni. At lalo itong di niya matugon kung sasaklawin
niya ng titig ang gawing hilaga ng ilog; doon ay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan,
may mga bangkang malalaki, may mga bagay na naggagandahan, may mga lantsa, mga barko; ngunit
sa gawing timog- sa kanilang pook- ay may mga bahay-pawid na naglawit sa ilog, bangkang maliliit,
mga manggagawa, mga mangingisdang porsiyentuhan lamang.
Naging tatlo ang lantsa ni Don Cesar. Palaki nang palaki ang punduhan nina Fides. At siya-
nagtutumimbay naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa higit pang nagkakulay ang kanyang
paghanga sa punduhan.
Minsan ay narinig niyang pinag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping ipapanhik
ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar.
“Isang labas lang pala ng bagong lantsa ay halos bawi na ang puhunan,” ang pagbabalita ng isa.
“At ang pakinabang sa isang labas, kung sinuswerte’y santaon na nating kikitain,” anang isa pa.
“Ow, di natin kikitain…” ang pabuntot ng isa naman.
Pinagpatibay ng ganitong usapan ang kanyang mithiin.
Isinalaysay niya sa kanyang ina ang balitang nasagap sa umpukan.
“Kita mo na, Inang” ang pagmamalaki niya, “biro mo iyon! Di ka na mahihirapan…”

Hindi makapangusap ang kanyang ina.


“… Di ka na gagawa…”
Pinigil na lamang ng kanyang ina ang pangingilid ng luhang ikinubli sa kadiliman.
Hindi siya nilayuan ng pagkayamot nitong nagdaang tatlong araw.
“Malas,” wika niya, “malas na malas.”
Marahil, naisip niya, kung lantsa ang kanyang gagamitin sa pangingisda’y hindi siya magkakagayon.
Kung may lantsa siya’y malayo ang kanyang aabutin; lalaban sila sa panahon; makakarating siya sa
malalim na pangisdaan; aariin niya ang mga isda ng buong karagatan. Hindi uuwi nang walang
huli.Kahit humangin.Kahit sumigwa. Uuwi siyang may huli… maraming huli. Magagalak ang kanyang
ina. Hindi na sila maghihikahos…
Kangina, nang umalis siya sa kanilang tahanan upang magpakarga ng gasoline sa punduhan, ai
ipinasya na niyang isangla, o ipagbili kaya ang kanyang motor para makabayad sa kanyang utang.
Subalit hindi niya nagawa iyon. Mahal sa kanya ang motor, mahal na mahal. Hindi niya ipinagbili ni
isasangla, kanino man. Ang motor niya, ayon sa kanya, ay singkhulugan ng lantsang hantungan ng
kanyang mga pangarap.
Hindi siya uuwi ng walang maraming huli ngayon;ito ang kaniyang pasiya. Walang salang mag-uuwi
siya ng maraming isda. Tiniyak niya iyon sa ina ni Fides.
“Bukas ho’y tinitiyak kong makababayad na ako.”
Ayaw niyang isagawa ang kanyang balak.Nalalaman niya ang maaaring ibunga niyon.Nababatid niyang
ipagbabawal ipinagbabawal ng batas.
Napasama na rin siya sa paggamit ng pamamaraang iyon noong araw. Ilang beses lamang naman. At
wala namang napahamak sa kanila. Hindi naman sila nadakip.Nag-uwi sila ng maraming isda
noon.Malaki ang kanilang napakinabang.
Ngayon, hindi dadako ang patrolya ng mga baybayin sa gawing tutunguhin nila, ganito ang kanyang
naisip. Siguradong walang sagabal; walang makahuhuli;walang magsusuplong;walang magbabawa.
Saka minsan lang naman.
Pinag-ingatan niya ang pagkakabalot ng dalawang malalaking dinamita sa ilalim ng kanyang upuang
nasasapnan ng lona. Hindi niya gagamitin iyon-kung… kung siya’y papalarin…nasa laot na siya.
Waring ibig lumikot ng hangin, habang tumatanda ang gabi.Laganap ang karimlan. Kukuti-kutitap ang
mga ilaw ng mga mangingisda sa kalawakan ng dagat. Wala rin siyang huli. Pagod na siya sa
kahahagis ng kanyang lambat. Gayun ma’y naging kakatuwa ang kanyang dama. Tiyak, tiyak nang
makababawi siya sa kawan; makakabawi siya sa kawan. Muling inihagis ang kanyang lambat.Maganda
ang pagkakaladlad ng laylayan niyon.Natuwa siya.Natiyak ang kawan.Hindi siya ililigaw ng kanyang
karanasan.Mag-uuwi siya ng maraming isda.Ipambabayad niya ang kanyang huli.Lumulukso ang
kanyang puso.Inigot ang lambat.Mabigat.Inigot muli.Ginamit ang kanyang lakas. Mabigat! Muling
inigot.Inigot. At iyon ay tila binitiwan ng isang malakas na kamay na nakikipaghatakan. Nagaid ang
lambat!ang lambat ay nagawak.
Talagang uuwi na siya. Ibig niyang makarating sa Tangos. Ibig na niyang mamahinga. Nauna sa
Tangos ang kanyang kamalayan. Umuwi na sa Tangos. At tila isang tabing ang nataas sa kanyang isip.
Nakikita niya ang mga lantsa ni Don Cesar na lalong magigilas sa dampulay ng liwanag na nagbubuhat
sa nagsasayang ounduhan nina Fides. Saglit na tumuon ang kanyang paningin sa tubig. Nagiti siya.
Nakikita na naman siya ng kawan. Muling naganyak ang kanyang kalooban. Inapuhap ang nakabalot na
mga dinamita. Binulatlat ang balutan. Kayganda ng dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin.
Makauuwi na siya nang may dalang isda, maraming isda. Makababayad na siya kina Fides. Sandali
lamang ang pagsabog na niyon. Pupugungin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya
ang Bangka bago dumating ang patrolya sa mga baybayin. Saglit na pinatay ang kanyang motor. Hindi
na siya nayayamot. Naliligayahan na siya. Tila tugtuging kumikiliti sa kanya ang ugong ng kanyang
motor. Kumilos ang kanyang lantsa.Pinahinto uli ang kanyang lantsa.Mapuputi ang maiikling mitsa ng
dinamita.Maiging pinagdikit ang mitsa niyon, at kinamal ang dalawang bagay. Masisiyahan ang
kanyang ina, paggising nito kinaumagahan. “Sinuwerte ako, Inang.” Hindi ipagtatapat na gumamit siya
ng dinamita. Malulungkot ang kanyang ina. “Sinuwerte ako, Inang… Sinuwerte ako…!” kiniskisan ang
posporo.Tumilamsik ang ga-buhanging baga.Ayaw magdingas ang palito. Idinikit sa gilid ng kanyang
kilikili ang posporo. Nag-iniy.Ikiniskis uli.Hinipan ng hangin. Ikinubli niya ang pagkiskis sa labi ng
Bangka at kinagat ng apoy ang palito inilapit, idinikit na mabuti sa dulo ng maikling mitsa ng dinamitang
mahigpit sa kamal sa kanyang kamay, sumagitsit, sangkisap-mata lamang, sangsaglit lamang, mabilis,
sumagitsit- parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabay halos ng siklab na sumugat sa gabi’y
isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong kalawakan.
Lope K. Santos

- Makata, nobelista, mamamahayag, lider manggagawa at lingko publiko


- Anak ng mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Camseco.
- Isinilang noonf Setyembre 25,1979 sa Psig na noo’y sakop pa ng lalawigan ng Rizal.
- Siya ay kinilalang Ama ng Balarila ng Wikang Filipino.
- Bagaman ang apelyido ng kanyang ina na si Victoria ay Canseco mas pinili ni Lepe na gamitin ang
letrang K sa kanyang middle initial dahil sa kanyang pagpapahalaga sa alpabetong Filipino kaysa
letrang hirap sa dayuhan.
- Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Escuela Normal Superior de Maestros at Escuela de Derecho
- Naging editor siya ng ilang publikasyon sa Tagalog noong 1900’s.
- Kinilala bilang Paham (dalubhasa) ng Wika.
- Kilala siya dito dahil sa kanyang pagsusulat ng mga nobela at tula.
- Ang pen name ni Lope K. Santos ay "Buga." Ito ang ginamit niya sa kanyang mga akda bilang isang
manunulat at aktibista. Si Lope K. Santos ay isang kilalang Pilipinong manunulat, politikal na lider, at
linggwista. Siya ang nagtatag ng samahang Aklatang Bayan, isang organisasyon na naglalayong
itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino at ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino.

Mga katawagang nagbibigay Parangal


 Paham ng Wika
 Ama ng Balarilang Pilipino
 Haligi ng Panitikang Pilipino
 Mang Openg

Mga Sikat na akda


 Banaag at Sikat
 Kundangan
 Tinging Pahapyaw sa Kasaysyan ng Panitikang Tagalog
 Puso’t Diwa
 Sino ka? Ako’y Si…60 Sagot ng mga Tula
 Mga Hamak na Dakila
 Makabagong Balarila Mga Puna at Payo sa Sariling Wika

Isagani R. Cruz

-Isang manunulat na Pilipino


- Mula sa Maynila
- nagtapos sa Manuel L. Quezon School of Law noong 1951.
- Siya ay ikawalo sa 1951 Philippine bar Examination na may markang 90.12%
- Pinakasalan niya ang kanyang asawag si Salvacion noong Mayo 3,1952.
- Tagapangulo ng Komisyo ng Kodigo ng Kagawaran ng Hustisya (1966-1972)
- Naging ganap din siyang profesor at Bar Revier sa Political law, Constitutional law at International
Law
- Sumulat din siya ng isang Kolum na tinatawag na “Separate Opinion” para sa Philippine Dail Inquirer
mula 1995 hanggang 2010 pagkatapos magretiro sa Korte Suprema
- Isa sa mga akda niya ay ang sanaysay na “Piling-piling Pilitan”
- Ang pen name ni Isagani Cruz ay "Gani." Ito ang ginamit niya sa kanyang mga akda bilang isang
manunulat, kritiko, at propesor. Si Isagani Cruz ay isang kilalang Pilipinong manunulat na nakilala sa
kanyang mga aklat at mga sanaysay tungkol sa panitikan, wika, at kultura. Ginamit niya ang pen name
na "Gani" upang magkaroon ng mas pormal at kahanga-hangang pagkakakilanlan bilang isang
manunulat.
Saang Paaralan?
 University of the East
 San Beda College
 Ateneo de Manila University
 University of Santo Tomas
 San Sebastian College
 Adamson University
 Unibersidad ng Maynila ( 1975-1986)

Mga Akda
1. The Best Phillipine Short Stories of the Twentieth Century - Ito ay isang koleksyon ng mga
pinakamahusay na maikling kwento ng mga Pilipinong manunulat sa ika-20 na siglo. Ang aklat na ito ay
nagpapakita ng kanyang husay sa pagpili at pagsuri ng mga akda.

Mga Parangal
1. SEAWRITE Award - Isang parangal na natanggap niya noong 1991. Ang SEAWRITE Award ay isang
prestihiyosong pagkilala sa mga manunulat mula sa Timog-Silangang Asya.
2. Centennial Literary Contest Award - Isang parangal na natanggap niya noong 1998. Ang parangal na
ito ay ibinigay bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa panitikan.
3. Balagtas Award - Isang parangal na natanggap niya noong 1999. Ang Balagtas Award ay isang
prestihiyosong pagkilala sa mga manunulat na nagbibigay ng malaking ambag sa panitikan ng Pilipinas.
SANGGUNIAN
https://www.panitikan.com.ph/authors/a/agabadilla.htm
Philippine Studies. 1970. Ateneo de Manila Universuty https://www.jstor.org/stable/42632066
Philippine Studies 18.2 (April). San Juan, E. 1965 https://www.scribd.com/document/433294213/Aga-
Talambuhhay
De La Salle University. MALAY-2. Categories Malay Journal. 2024-02-07.
https://www.dlsu.edu.ph/tag/alejandro-g-abadilla/
Jade Quiambao.Jan. 25, 2015. Naiambag ni Alejandro Abadilla.
https://www.slideshare.net/SmileNiBadjhe/naiambag-ni-clodualdo
Belinda Esmenda. April 25, 2016. https://prezi.com/jz_osh47idq-/alejandro-g-abadilla/
White Horse. Feb 16, 2012. Ako ang Daigdig. https://www.slideshare.net/liontamermigs/ako-ang-daigdig
Princes Katerine Dawn G. Pernito. Shella Mae Palma. Sep 12,
2019.https://www.scribd.com/presentation/425523076/Teodoro-A
(9 Nobyembre 1912- 14 Enero 1985) National Scientist of the Philippines. Pambansang Alagad ng
Agham. https://philippineculturaleducation.com.ph/agoncillo-teodoro/
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO. Teodoro A. Agoncillo (1912-1985). Gerry Sta. Rosa.
https://www.academia.edu/35626511/Teodoro_Agoncillo
XIAOTIME, 9 November 2012: TEODORO AGONCILLO CENTENIAL.
https://xiaochua.net/2012/11/08/xiaotime-9-november-2012-teodoro-agoncillo-centennial/
Maestro Valle Rey in Educational. March 26, 2020.https://philnews.ph/2020/03/26/sino-si-teodoro-
agoncillo-tungkol-sa-pilipinong-mananalaysay/
Fid Gando. May 09, 2020. Mga Kwentista.
https://www.scribd.com/presentation/460584986/MgaKwentista-ppt
ZARAGOZA, JESSALYN CAPA. Feb 28, 2022. https://www.youtube.com/watch?v=XkUAqj4L7wE
Bernard Macale. May 6, 2023. Teodoro Agoncillo. https://www.youtube.com/watch?
app=desktop&v=rJsAsGst2SY
Studocu. Hinango noong September 2013. Hinango sa
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-southern-mindanao/panunuring-pampanitikan/
kabanata-3-mga-kritikong-pilipino-at-kritikong-dayuhan-at-katangian-ng-isang-mahusay-na-kritiko/
29235442
Almario, Virgilio. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/almario-virgilio/
Biyernes, Hinango noong Perbrero 14, 2014. Hinango sa https://cte203filipino.blogspot.com/2014/02/si-
virgilio-almario-o-mas-kilala-sa.html
Filipinolohiya (GRRD 10103). Hinango ng Polytechnic University of the Philippines. Hinango noong
2023. Hinango sa https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/
filipinolohiya/bionote/13881003
Julianne Lois Castano. Sep 12, 2016. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=uprxypm82X8
Diego the Explorer. Feb 1, 2015. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=8bcN6gj2Nro
UP Open University. Oct 28, 2014. Hinango sa https://www.youtube.com/watch?v=8bcN6gj2Nro
Samanthakaye Jaboneta. Feb 14, 2022. Hinango sa
https://www.scribd.com/document/558824833/ROGELIO-MANGAHAS
J.H. Cerilles State College of Zamboanga del Sur. 10/12/2020. Hinango sa
https://www.coursehero.com/file/70251804/Yunit-1-Aralin-B-Bantog-na-mga-Kritiko-at-ang-Kanilang-
Ambagdocx/
Jamaica Almirez. Jun 30, 2023. Hinango sa
https://www.scribd.com/presentation/656361674/KRITIKONG-PILIPINO-Monleon
Markangway09. Dec 03, 2023. Hinango sa https://www.scribd.com/document/689211296/Alamat-ng-
Pasig-ni-Fernando-Monleon
Marlene Forteza. Nov, 2018. Hinango sa https://www.slideshare.net/MarleneForteza/ang-panitikan-sa-
panahon-ng-liberasyon
Don Namocatcat. Sep 19, 2022. Hinango sa
https://www.scribd.com/presentation/595455838/PANITIKAN-ppt-REPORT-1
Francelvcg1161997. Aug 19, 2016. Hinango sa https://www.slideshare.net/francelvcg1161997/filipino-
report-65152008
Lucila E. Absulio. May 11, 2017. Hinango sa https://www.scribd.com/presentation/348027028/historikal-
na-pananaw
Cindy Damasco. Aug 02, 2014. Hinango sa https://www.scribd.com/doc/235678294/Clodualdo-Del-
Mundo
Princes Katerine Dawn G. Pernito. Shella Mae Palma. Sep 12,
2019.https://www.scribd.com/presentation/425523076/Teodoro-A
(9 Nobyembre 1912- 14 Enero 1985) National Scientist of the Philippines. Pambansang Alagad ng
Agham. https://philippineculturaleducation.com.ph/agoncillo-teodoro/
ST. VINCENT COLLEGE OF CABUYAO. Teodoro A. Agoncillo (1912-1985). Gerry Sta. Rosa.
https://www.academia.edu/35626511/Teodoro_Agoncillo
XIAOTIME, 9 November 2012: TEODORO AGONCILLO CENTENIAL.
https://xiaochua.net/2012/11/08/xiaotime-9-november-2012-teodoro-agoncillo-centennial/
Maestro Valle Rey in Educational. March 26, 2020.https://philnews.ph/2020/03/26/sino-si-teodoro-
agoncillo-tungkol-sa-pilipinong-mananalaysay/
Fid Gando. May 09, 2020. Mga Kwentista.
https://www.scribd.com/presentation/460584986/MgaKwentista-ppt
https://www.panitikan.com.ph/authors/a/agabadilla.htm
Philippine Studies. 1970. Ateneo de Manila Universuty https://www.jstor.org/stable/42632066
Philippine Studies 18.2 (April). San Juan, E. 1965 https://www.scribd.com/document/433294213/Aga-
Talambuhhay
Filipinolohiya (GRRD 10103). Hinango ng Polytechnic University of the Philippines. Hinango noong
2023. Hinango sa https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/
filipinolohiya/bionote/13881003
Lucila E. Absulio. May 11, 2017. Hinango sa https://www.scribd.com/presentation/348027028/historikal-
na-pananaw
https://www.scribd.com/presentation/460584986/MgaKwentista-ppt
ZARAGOZA, JESSALYN CAPA. Feb 28, 2022. https://www.youtube.com/watch?v=XkUAqj4L7wE
Bernard Macale. May 6, 2023. Teodoro Agoncillo. https://www.youtube.com/watch?
app=desktop&v=rJsAsGst2SY
Studocu. Hinango noong September 2013. Hinango sa
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-southern-mindanao/panunuring-pampanitikan/
kabanata-3-mga-kritikong-pilipino-at-kritikong-dayuhan-at-katangian-ng-isang-mahusay-na-kritiko/
29235442
https://www.scribd.com/document/558824833/ROGELIO-MANGAHAS
J.H. Cerilles State College of Zamboanga del Sur. 10/12/2020. Hinango sa
https://www.coursehero.com/file/70251804/Yunit-1-Aralin-B-Bantog-na-mga-Kritiko-at-ang-Kanilang-
Ambagdocx/
Jamaica Almirez. Jun 30, 2023. Hinango sa
https://www.scribd.com/presentation/656361674/KRITIKONG-PILIPINO-Monleon
Markangway09. Dec 03, 2023. Hinango sa https://www.scribd.com/document/689211296/Alamat-ng-
Pasig-ni-Fernando-Monleon
Bawbawbiscuit6282. Jun 18,2012. Hinango sa https://www.scribd.com/doc/97392804/Filipino-Pen-
Names

You might also like