Q3 Lagumang Pagsusulit Sa Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Lagumang Pagsusulit Sa FILIPINO VI

Ikatlong Markahan
KONTEKSTO SA TEKSTO

Basahin at unawain ang maikling teksto.


Buhay ni Rizal

Si Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Y Alonzo Realonda ang ating pambansang bayani. Kilala siya sa tawag na “Pepe” sa kanilang
bahay at lugar. Isa siyang manunulat at doktor sa mata. Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Pampito
siya sa labing- isang magkakapatid. Ang kanilang mga magulang ay sina Teodora Alonso at Francisco Mercado.Unang naging
guro ni Rizal ang kaniyang ina bago siya pumasok sa paaralan. Agad siyang natutong magbasa at magdasal. Napansin ng
kaniyang ina ang kaniyang angking katalinuhan nang makapagsulat siya ng isang tula. Marami siyang tinapos na kurso kabilang
na ang medisina. Siya ang nagsulat ng mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya rin ang nagtatag ng samahang La
Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892 ngunit namatay siya noong ika-30 ng Disyembre 1896 nang barilin siya sa Bagumbayan, na
ang tawag ngayon ay Luneta Park.

A. Sagutin ang mga tanong batay sa maikling teksto. ISULAT ang letra sa patlang.
______1. Ano ang tunay na pangalan ni Dr. Jose Rizal?
A. Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Realonda Alonzo C. Dr. Jose Protacio Alonzo Mercado Rizal Y Realonda
B. Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Y Alonzo Realonda D. Dr. Jose Protacio Rizal Alonzo Mercado Y Realonda

______2. Kailan siya ipinanganak?


A. Hunyo 19, 1861 B. Hunyo 9, 1861 C. Hunyo 19, 1961 D. Hunyo 9, 1961

______3. Pang- ilan siya sa magkakapatid?


A. pang-anim B. pampito C. pang- walo D. panlima

______4. Saan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?


A. Sta. Rosa, Laguna B. San Pablo, Laguna C. Calamba, Laguna D. Los Baños, Laguna

______5. Si Dr. Jose Rizal ay mas kilala sa tawag na ____________.


A. Jose B. Pepe C. Rizal D. Protacio

______6. Kailan siya namatay?


A. Disyembre 30, 1996 B. Disyembre 30, 1986 C. Disyembre 30, 1896 D. Disyembre 30, 1869

______7. Ano ang kaniyang unang naisulat?


A. awit B. kuwento C. tula D. nobela

______8. Si Dr. Jose Rizal ang ating ____________________.


A. Ama ng Wikang Pambansa C. Ama ng Katipunan
B. Unang Pangulo ng Pilipinas D. Pambansang bayani

______9. Ang mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga ___________.


A. awit B. kuwento C. tula D. nobela

_____10. Anong samahan ang naitatag noong Hulyo 3, 1892?


A. La Solidaridad B. La Liga Filipina C. Katipunan D. Propaganda

B. Basahin at unawain ang mga pahayag. ISULAT sa patlang ang Tama kung
sumasang- ayon ka sa pahayag at Mali kung hindi.
_________1. Nakapagbibigay ng karagdagang kaalaman ang mga tekstong pang- impormasyon.
_________2. Kinakailangang malinaw at walang pagkiling ang mga tekstong pang- impormasyon.
_________3. Gawa- gawa o haka- haka lamang ang mga detalyeng nakasaad sa mga tekstong pang- impormasyon.
_________4. Nakapagbibigay- linaw sa kaisipan ng mambabasa ang mga datos na makikita samga tekstong pang-
impormasyon.
_________5. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay sa tekstong pang-impormasyon.
Lagumang Pagsusulit Sa FILIPINO VI
Ikatlong Markahan
Ang Balangkas, Ang Pangatnig, at Ang Pang-angkop, Ang Pahayag: Opinyon o Katotohanan

Panuto: Punan ang patlang ng wastong pang-angkop upang mabuo ang pangungusap.
1. Malayo ang paaralan____pinapasukan namin.
2. Matalino___ bata si Avery.
3. Matalik____ magkaibigan sina Xia at Naya.
4. Si Angel Locsin ay mahusay____artista.
5. Taimtim____nagdasal ang mag-anak na Perilla.

Panuto: Punan ng wastong pang-angkop ang mga sumusunod na parirala.


Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. bata ______ masigasig
2. isipan__ mapanuri
3. mabuti____kalooban
4. mabait ____ guro
5. masipag _____ mag- aaral
6. bansa___ malaya
7. kabutihan___loob
8. mamamayan___responsable
9. matapang ___ pinuno
10. madamdamin__ tagpo

Panuto: Basahing mabuti ang mga talata. Isa-isahin ang mga argumentong makikita sa teksto. Kopyahin sa iyong
sagutang papel at salungguhitan ang mga dahilan o ebidensya. Isulat sa sagutang papel kung ang mga ito ay opinyon
o katotohanan.
___________________1. Marami ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mga pamilyang isang beses lang kung
kumain sa maghapon. Maraming hindi malaman kung saan nila kukunin ang susunod na kakainin.

___________________2. Dahil sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaring krimen. Ang kahirapan ang isa
sa mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw.

___________________3. Kilala ang mga Pilipino sa galing sa musika. May mga mang- aawit at manunugtog na
Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, at marami sa kanila ang naging tanyag at nagtagumpay.

___________________4. Ayon sa mga manghuhula o psychic, malapit nang magunaw ang mundo. Maraming
senyales ang nangyayari sa ngayon gaya ng pagbaha, paglindol ng malakas, paglaganap ng sakit, pagputok ng bulkan
at pagkagutom ng maraming tao.

___________________5. Talagang napakahusay ng Pilipino sa musika. Kahit dahon ng halaman ay nagagawang


instrumento, gaya ng ginawa ni Levi Celerio, na isang tunay na maestro sa musika.

Panuto: Ang sumusunod na mga pangungusap ay batay sa sariling karanasan. Sipiin ang mga ginamit na pang-angkop
at pangatnig sa bawat pangungusap. Isulat ang mga ito sa sagutang papel. Sulatan ng PA sa dulo kung ito ay pang-
angkop at PT kung pangatnig.

_____ 6. Si Ate Nadia ay masayang umaawit.


_____ 7. Ang kapatid niya ay masaya sapagkat dinalhan siya nito ng mga pasalubong.
_____ 8. Kami ay mahirap ngunit puno naman ng pagmamahal.
_____ 9. Si Bea ay mapagmahal na anak.
_____ 10. Kayo ba ay sasama sa amin o maiiwan na lang dito?
Lagumang Pagsusulit Sa FILIPINO VI
Ikatlong Markahan
PANGUNGUSAP

A. Panuto: Manood ng balitang pangkalusugan tungkol sa health protocol. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap
ay nakasusunod sa health protocol at isulat naman ang MALI kung hindi.
________1. Ugaliing maghugas ng kamay.
_______ 2. Pumunta sa mga dagsaan ng tao.
_______ 3. May distansiyang 1.5 metro ang layo sa tao para makaiwas sa Covid 19.
_______ 4. Bisitahin ang bagong dating sa inyong barangay.
_______ 5. Ugaliing magsuot ng face mask kung mamimili sa palengke.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot kung pasalaysay, pautos, patanong o padamdam
_____________ 1. Nagmano ba kayo kina lolo at lola ?
_____________ 2. Iwasan mo ang kumain ng tsitsirya.
_____________ 3. Nagbigay ng tulong si Aling Maria sa mga nasalanta ng bagyo.
_____________ 4. Aba! Lalong tumataas ang presyo ng karne.
_____________ 5. Ang mga bata ay naglalaro sa bakuran.
_____________ 6. Pakisabi kay Lolo na nasa palaruan kami.
_____________ 7. Gusto ba ninyong manood sa Netflix ?
_____________ 8. Wow!, gusto kong makapunta sa Batanes !
_____________ 9. Kunin mo ang sukli ko sa tindahan.
____________10. Naghanda ng pagkain ang pamilya Santos para sa mga frontliners.

C. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang pakikipag-usap sa messenger
classroom at lagyan ng ekis ( X ) kung hindi.
____________1. May paggalang kapag natapos na ang klase ninyo sa messenger classroom.
____________2. Ipakilala ang iyong sarili, baitang at pangkat sa unang araw ng klase online.
____________3. Kapag magpapadala ng mensahe online sa guro ay laging may layunin.
____________4. Magsalita nang di kanais-nais sa messenger classroom.
____________5. Magyabang sa unang araw ng klase.

D. Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang sumusunod na letra: PS ( pasalaysay ),
PT ( patanong, PD ( padamdam ), PU ( pautos ) at PK ( pakiusap )
___________ 1. Pakikuha mo nga ang susi sa loob ng kuwarto.
___________ 2. Bakit nga ba nakatayo ka sa ilalim ng manga ?
___________ 3. Nanonood ang bata ng Mandunong Teleklasrum.
___________ 4. Ay, mababasa ang mga sinampay ko !
___________ 5. Isara mo ang pinto bago ka umalis.
____________6. Ang isang guro ay mabait at maunawain sa mag-aaral.
____________7. Yehey ! Dumating na sila !
____________8. Aray ! Naipit ang kamay ko sa pinto !
____________9. Sinasagutan ni Marga ang kanyang modyul.
____________10. Dadaan ba tayo sa palengke !

E. Panuto: Lagyan ng tamang bantas ang sumusunod na pangungusap.


1. Nagdidilig ng halaman ang bata
2. Aba May Sunog
3. Kumain na ba sina nanay at tatay
4. Kunin mo ang sapatos ko sa kuwarto
5. Ano-ano ang dapat nating gawin kung tayo ay sumasali sa isang usapan

You might also like