Filipino Majorship Sampe Test 2023 - 125615
Filipino Majorship Sampe Test 2023 - 125615
Filipino Majorship Sampe Test 2023 - 125615
Filipino Major
WIKA
1. Sa pangungusap na, Bigyan mo ng angkop na payo ang bawat suliranin, ang sinalungguhitan ay isang,
A. ingklitik B. parirala C. salita D. sugnay
2. Sa pangungusap na, Siya na gumawa sa lahat ay karapat-dapat sa parangal na iyon. Ang may salungguhit ay isang,
A. ingklitik B. parirala C. salita D. sugnay
3. Magtanim ng pagmamahal sa kapwa mo upang pagmamahal din ang aanihin. Ang may salungguhit ay nagbibigay-turing sa;
A. kapwa B. Magtanim C. mo D. pagmamahal
4. Ang binigyang-turing ng may salungguhit sa bilang 3 ay isang,
A. pandiwa B. panghalip C. pangngalan D. pang-abay
5. Ang salitang may salungguhit sa bilang 3 ay isang,
A. pandiwa B. panghalip C. pangngalan D. pang-abay
6. Ang buhay ng tao ay mahiwaga at mahirap itong unawain. Sa pangungusap na ito, ang tiyak na simuno ay,
A. buhay B. mahiwaga C. tao D. unawain
7. Ang sinasabing simuno sa bilang 6 ay isang,
A. pandiwa B. panghalip C. pangngalan D. pang-abay
8. Kung susuriin natin ang antas ng wika ng simuno sa bilang 6, ito’y ,
A. balbal B. kolokyal C. pambansa D. lalawiganin
9. Tumatawag na ang Inang Kalikasan sa atin, kailangan na nito ang ating pagkalinga. Ang salitang may salungguhit ay isang,
A. pang-abay B. pang-angkop C. panghalip D. pang-ukol
10. Ang may salungguhit sa bilang 9 ay may gamit na,
A. panuring B. pang-ugnay C. simuno D. tagaganap ng pandiwang balintiyak
11. Mawawala sa isang kisap-mata ang ating napagsisimulan kung pababayaan natin ito. Ang pandiwang ginagamit bilang tiyak na
panaguri sa sugnay na makapag-iisa ay,
A. kisap-mata B. Mawawala C. napagsimulan D. pababayaan
12.Ang pandiwa naman na ginagamit bilang tiyak na panaguri sa sugnay na di-makapag-iisa ay
A. kisap-mata B. Mawawala C. napagsimulan D. pababayaan
13. Ang pandiwa na ginagamit bilang simuno ng pangungusap sa bilang 11,
A. kisap-mata B. Mawawala C. napagsisimulan D. pababayaan
14. Naniniwala ba kayong uunlad ang bansa natin? Ang tiyak na simuno ng pangungusap ay isang,
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang-abay
15. Ang uri ng sinasabing simuno sa bilang 14 ay,
A. panao B. pamanggit C. pamatlig D. pananong
16. Nakakapuwing ang buhangin sa mayayaman. Ang pandiwang nakapupuwing ay may uring,
A. balintiyak B. katawanin C. palipat D. tukuyan
17. Ang tinig ng pandiwang nakakapuwing sa pangungusap sa bilang 16 ay,
A. balintiyak B. katawanin C. palipat D. tukuyan
18. Ang pokus ng pandiwang nakakapuwing ay,
A. aktor B. benepaktibo C. ganapan D. layon
19. Ang kaganapan ng pandiwa sa bilang 16 kapag may salungguhit ang salitang mayaman,
A. aktor B. benepaktibo C. ganapan D. layon
20. Ano ang kayarian ng salitang mayaman,
A. inuulit B. maylapi C. payak D. tambalan
Panuto: Isula sa unang puwang ang uri ng mga pangungusap ayon sa gamit (21-30) at sa ikalawang puwang ang uri ayon sa kayarian
(31-40). Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
A. hugnayan E. paturol
B. langkapan F. payak
C. padamdam G. pautos
D. patanong H. tambalan
_G____21. Bigyan mo ng angkop na payo ang bawat suliranin. 31. ____F___
_E____22. Siya na gumagawa sa lahat ay karapat-dapat sa parangal na iyan. 32. ____F___
_G____23. Magtanim ng pagmamahal upang pagmamahal din ang aanihin. 33. ____A___
_E____24. Ang buhay ng tao ay mahiwaga at mahirap itong unawain. 34. ____H___
_E____25. Tumatawag na ang kalikasan sa atin, kailangan na nito ang ating pagkalinga 35.____H___
_E____26. Mawawala sa isang kisap-mata ang lahat kung pababayaan natin ito. 36. ____A___
_E____27. Ang isang patak ng tubig ay magbibigay buhay sa mga nangangailangan. 37. ____F___
_D____28. Naniniwala ba kayong uunlad ang bansa natin? 38. ____F___
_G____29. Mag-isip ka makalawa upang hindi magsisisi sa huli. 39. ____A___
_E____30. Nakakapuwing ang buhangin sa mayayaman at sa mahihirap. 40. ____F___
41. Katulad ng wika, ang isang halaman. Sa matabang lupa kusang lalago ito kung may sapat na tubig at liwanag”. Ang pahayag na ito ni
Teongociang ay umaayon sa ____________.
A. Taglish B. dekolonisasyon C. puristang paniniwala D. intelektwalisasyon
42. Ano ang tuntunin ngayon na susundin sa pagtutumbas sa Filipino ng “rice terraces”?
A. Kung ano ang bigkas siyang sulat. C. Hiramin nang ganap.
B. Gamitin ang katutubong katumbas D. Tumbasan sa Espanyol at baybayin sa Filipino.
43. Alin sa mga sumusunod ang salitang pambansa?
A. Pinoy B. Kamusta C. Mapagkumbaba D. Nagdadalantao
44. Ang mga sumusunod na salita ay tama, MALIBAN sa
A. pambata B. pangsimba C. panghilamos D. pandagat
45. Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
A. antala B. diin C. haba D. hinto
46. Ang pagtaas at pagbaba ng pantig ng isang salita upang higit na naging epektibo ang komunikasyon. Ang paraan ng pagbigkas nito
ay maaaring mabilis, mahina malambing, pagalit at iba pa.
A. antala B. diin C. haba D. hinto
47. Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging tiyak sa paghahatid ng mensahe.
A. antala B. diin C. haba D. hinto
48. Ano ang tono ng damdaming namamayani sa pangungusap na ito?
Kumain ka na
(1) (2) (3)
A. nag-uutos B. nagtatanong C. nag-aalala D. nagpapaalala
49. Ano ang tono ng damdaming namamayani sa pangungusap na ito?
Kumain ka na
(3) (2) (1)
A. nag-uutos B. nagtatanong C. nag-aalala D. nagpapaalala
50. Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan?
Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan.
A. hindi B. Rose C. nakabasag D. pinggan
PANITIKAN
51. Sangkap ng tula na tumutukoy sa kumpas ng bawat linya at nagbibigay ng himig na maaaring seryoso, pormal, banayad o malungkot
o mabilis at magaan. Tinatawag ding indayog.
A. ritmo B. rima C. sukat D. damdamin
52. Ang sumulat ng tanyag na epikong Biag ni Lam-ang
A. Joseng Sisiw C. Pedro Bukaneg
B. Jose Corazon de Jesus D. Francisco Baltazar
53. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tulang Liriko/tula ng damdamin, MALIBAN sa
A. Dalit B. Balad C. Soneto D. Korido
54. Ito’y hiram na Epiko sa Malaysia ngunit naging popular lamang nang maisalin sa Maranaw.
A. Alim B. Bidasari C. Bantugan D. Daramoke-a-Babay
55. Halimbawa ng korido
A. Ibong Adarna B. Florante at Laura C. Noli Me Tangere D. El Filibusterismo
56. Halimbawa ng Awit
A. Ibong Adarna B. Florante at Laura C. Noli Me Tangere D. El Filibusterismo
57. Epikong Bisaya tungkol sa isang haring hindi nakikita ng mga tao
A. Hinilawod B. Hari sa Bukid C. Haraya D. Margatas
58. Ito’y kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan, gaya ng “Kodigo ni Kalantiyaw”, ng tribu ng Aklan.
A. Haraya B. Hinilawod C. Lagda D. Maragtas
59. Liku-likong ilog
Simula sa bundok na gilid ng gubat
Animo’y pilak kang nilusaw ng kindat
- Ulap at Ilog
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Paghahalintulad D. Pagpapalit-saklaw
60. Ang tinig ng paruparo sa bulaklak
Damdamin ng binata sa dalaga ang katulad
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Paghahalintulad D. Pagpapalit-saklaw
61. “Bumabaha ng dugo sa mga larangan
Salapi’y umulan halos araw-araw”
A. Pagmamalabis B. Pangitain C. Pagtatanong D. Pagtawag
62. “Sa sinapupunan ni Konde Adolfo
Aking natatanaw si Laurang sinta ko”
- Balagtas
A. Pagmamalabis B. Pangitain C. Pagtatanong D. Pagtawag
63. May kalayaan ba ang dilang alipin
At hiram na wika ang siyang inaangkin
Wikang katutubo’y pilit sinisikil?
Paanong nangyayaring ang sariling sining
Kultura’t panitik halos di pansin
Ikinahihiya’t itinatakwil?
A. Pagmamalabis B. Pangitain C. Pagtatanong D. Pagtawag
64. “Kamataya’y nasan ang dating bangis mo
Nang di na damdamin ang hirap na ito”
-Balagtas
A. Pagmamalabis B. Pangitain C. Pagtatanong D. Pagtawag
65. “Talaga nga palang sa buhay na ito
Marami ang mali kaysa totoo”
A. Balintunay B. Salantunay C. Pauyam D. Paghihimig
66. “Kapagka ang tao sapul na tamad
Madaling tahakin landas ng pag-unlad”
A. Balintunay B. Salantunay C. Pauyam D. Paghihimig
67. “Akalain ko bang ika’y isang ahas
Na inruga kong sa akin kakagat”
A. Balintunay B. Salantunay C. Pauyam D. Paghihimig
68. Ang lagaslas nitong batis,
Alitlit ng kawayan
A. Balintunay B. Salantunay C. Pauyam D. Paghihimig
69. O! Ibong masaya sa iyong paglipad
Isakay mo ako sa angkin mong pakpak
Tulungan mo akong sa dusa’y umalpas,
Ibig kong malimot ang huling magdamag
A. Pagbibigay-katauhan B. Paripantig C. Pagpapalit-tawag D. Pagpapalit-saklaw
70. “Siya’y katulad mong malusog, maganda;
Malalim sa putik ang lubog na paa!
A. Pagbibigay-katauhan B. Paripantig C. Pagpapalit-tawag D. Pagpapalit-saklaw
71. Dahil sa kariktan ng baying ito,
Perlas ng Silangan ang binyag ng mundo
Kapag sa Perlas ko’y may umaangking dayo,
Tiyak na dadanak ang luha’t dugo ko.
A. Pagbibigay-katauhan B. Paripantig C. Pagpapalit-tawag D. Pagpapalit-saklaw
72. Pag-asa ng bayan ang mga kabataan,
Kabataang lugmok sa kahirapan
Kahirapang sanhi ng kapahamakan.
A. Anadiplosis B. Anapora C. Empanados D. Epipora
73. Anak ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang,
Anak din ba ang sisira sa pangarap ng kanyang kapwa.
A. Anadiplosis B. Anapora C. Empanados D. Epipora
74. Sa galit ng bida ay nasambit niyan ang, Ang langit ay lupa at ang lupa ay langit
A. Aliterasyon B. Anapora C. Empanados D. Epipora
75. Tagapagtatag at unang tagapatnugot ng La Solidaridad
A. Jose P. Rizal B. Marcelo H. del Pilar C. Antonio Luna D. Graciano Lopez Jaena
76. Ikalawang tagapatnugot ng La Solidaridad at tagapagtatag ng Diyaryong Tagalog
A. Jose P. Rizal B. Marcelo H. del Pilar C. Antonio Luna D. Graciano Lopez Jaena
77. Ang nagsalin sa tagalog ng tulang “Mi Ultimo Adios” ni Rizal
A. Andres Bonifacio B. Emilio Jacinto C. Apolinario Mabini D. Pedro A. Paterno
78. Kilalang Utak ng Himagsikan
A. Andres Bonifacio B. Emilio Jacinto C. Apolinario Mabini D. Emilio Aguinaldo
79. Kilalang Ama ng Panulaang Pilipino
A. Crisostomo Soto B. Francisco Baltazar C. Pedro Bukaneg D. Jose Corazon de Jesus
80. Kilalang Ama ng Panulaang Ilocano
A. Crisostomo Soto B. Francisco Baltazar C. Pedro Bukaneg D. Jose Corazon de Jesus
81. Kilalang Ama ng Panulaang Pampango
A. Crisostomo Soto B. Francisco Baltazar C. Pedro Bukaneg D. Jose Corazon de Jesus
82. Kilalang Ama ng Balarila at may obra maestra ng “Banaag at Sikat”
A. Lope K. Santos B. Inigo Ed. Regalado C. Patricio Mariano D. Florentino Collantes
83. Tinanghal na kauna-unahang “Hari ng Balagtasan”
A. Inigo Ed. Regalado B. Jose Corazon de Jesus C. Florentino Collantes D. Patricio Mariano
84. May-akda sa tanyag na “Sa Tabi ng Dagat” at “Ang Guryon”
A. Inigo Ed Regalado B. Ildefonso Santos C. Amado V. Hernandez D. Patricio Mariano
85. Tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” at “Ka-Amado
A. Inigo Ed Regalado B. Ildefonso Santos C. Amado V. Hernandez D. Patricio Mariano
86. Tinaguriang “Hari ng Balagtasan” pagkaraan ni Batute, may sagisag-panulat na Kuntil-Butil
A. Inigo Ed. Regalado B. Florentino Collantes C. Patricio Mariano D. Jose Corazon de Jesus
87. Ito’y iisahing saknong na tula ng mga Pilipino na binubuo ng pitong pantig na may apat na taludtod at puno ng talinghaga
A. Haiku B. Pantun C. Tanaga D. Hoko
88. Ito’y iisahing saknong na tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod
A. Haiku B. Pantun C. Tanaga D. Hoko
89. Ito’y iisahing saknong na tula ng mga Malayo na may apat na taludtod na ang tugmaan ay ABAB
A. Haiku B. Pantun C. Tanaga D. Hoko
90. Tinaguriang “Ama ng Modernistang Panulaang Pilipino” at makata ng tulang “Ako ang Daigdig
A. Virgilio Almario B. Francisco Balagtas C. Teodoro Agoncillo D. Alejandro G. Abadila
91. “Walang ligaya sa lupang di dinilig ng luha”. Ito ay isang __________.
A. Bugtong B. salawikain C. kawikaan D. palaisipan
92.Allin sa mga ito ang nagpapahayag sa paraang organisado at artistiko maging tuluyan sa berso na nagmula sa imahinasyon?
A. Panulaan B. Sanaysay C. Epiko D. Panitikan
93. “Matulog ka na bunso, an ina mo ay malayo…” Ito ay awit sa
A. Kundiman B. Pakikidigma C. Oyayi D. Diona
94. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Natutuwa akong makita kayong nagkakaisa.
A. Pangangarap C. Pagkuha ng impormasyon
B. Pagkontrol sa kilos D. Pagbahagi ng damdamin
95. Ang may-akda ng “Filipinas” na naging pambansang awit ng Pilipinas.
A. Julian Felipe B. Jose Palma C. Emilio Jacinto D. Amado Hernandez
96. “Katulad ng wika ang isang halaman. Sa matabang lupa kusang lalago ito kung may sapat na tubig at liwanag”. Ang pahayag na ito ni
Teongociang ay umaayon sa ___________.
A. Taglish B. dekolinasasyon C. Intelektwalisasyon D. puristang paniniwala
97. Sa panahong ito _________ sana ng mga magulang ang pagkuha ng mga insyurans.
A. pahalagahan B. pakaisipin C. pakaunwain D. pakaayusin
98. Ang kauna-unahang aklat (panrelihiyon) na naipaimbag sa Piipinas noong 1593.
A. Barlaan at Josaphat B. Doctrina Christiana C. Pasyon D. Nuestra Senora del Rosario
99. Uri ng banghay-aralin kung saan ay binabanggit ang sunod-sunod na gawain ng guro at ng klase.
A. detalyado B. masusi C. maa-masusi D. maikli
100. Ang tawag sa bagong grading system ng DepEd sa kasalukuyan kung saan ay sinusunod naman ng mga pampribadong paaralan.
A. K-12 B. KPU C. KPUP D. WWPTQA