Pananaliksik 2021
Pananaliksik 2021
Pananaliksik 2021
Ang pananaliksik ay isang proseso ng paghahanap ng totoo at malinaw na mga ideya at impormasyong mayroon
sa ating kapaligiran na humanatong sa kaalaman at mga katanungang nakabinbin sa ating isipan na hahanapan ng
mga tiyak na kasagutan.
A. Kahulagan ng Pananaliksik
Ayon kay Good (1963) ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal at disiplinadaong pagtatanong sa pamamagitan
ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng naukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at
resolusyon.
Ayon kay Aquino (1974) bilang isang sistematikong paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa
isang tiyk na paksa o suliranin.
Ayon kay Parel (1966) ito ay isang sistematikong pag – aaral, imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot
ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin ng prediksyon at
paliwanag (Trece, J.W. Trece 1973)
B. Layunin ng Pananaliksik
Pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang presentasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng
tao.
Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang phenomena.
Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon.
Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produkto.
Makatuklas ng hindi pa nakikilalang subtances at elements.
Makalikha ng mga batayan sa pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang
larangan.
Masatisfay ang kuryusidad ng mananaliksik
Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman.
Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, at iba pang larangan.
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan
Panimula/ Introduksyon – mababasa sa panimula ang presentasyon o paglalahad ng suliranin. Nililinaw
rin ang sanhi ng pagpili ng paksa at ang kahalagahan nito. Sa bahaging ito rin tinatalakay ang
mahahalagamng detalye na may kinalaman sa paksa na sasagot sa tanong na: ano sino at bakit
Sanligang Pangkasaysayan –isinasaalang – alang sa bahaging ito ang pinagmulan ng paksang pananaliksik.
Layunin ng pag - aaral – tatalakayin sa bahaging ito ang layunin ng mga mananaliksik na naging dahilan
para pag – aaralan ang napiling paksa.
Paglalahad ng Suliranin – makikita sa bahaging ito ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag – aaralan
na nagsasaad ngmga tiyak na katanungan na kailanagang masagot sa sulating pananaliksik na nasa anyong
patanong.
Batayang Teoretikal – sa teoryang ito iaangkla ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag –
aralan gayundin angmga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik
Kabanata II
Mga Kaugnayan na Pag – aaral at Literatura
Dayuhang Pag – aaral – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nakaalap mula sa mga tesis o
disertasyong isinagawa ng isang dayuhan.
Lokal na Pag – aaral – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nakalap mula sa mga tesis o disertasyong
isinagawa ng taong mula sa bansa.
Dayuhang Literatura – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nakalap mula sa mga aklat, dokumento,
artikulo at iba pang sanggunian gawa ng taong ,ula sa ibang bansa.
Lokol na Literatura – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nanakalap mula sa mga aklat, dokumento,
artikulo at iba pang sangguniang gawa ng taong mula sa bansa.
Kabanata III
Metodo ng Pananaliksik
Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Kwaliteytiv man o kwantiteytiv ang ginawang pananaliksik may pagsusuri at interpretasyon na nagaganap
sa resulta ng pag – aaral. Higit naming kailangan ang interpretasyon sa resulta ng istatistiks bilang
pagpapatunay sa hipotesis na ginawa sa pag – aaral.
Interpretasyon
Sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag – aaral, ipinapahayag nito ang pansariling implikasyon
ng resulta ng pananaliksik. Gumaganda ang interpretasyon kung makatotohanan ang mga figyur na
lumabas sa pag – aaral. Sa pagbibigay interpretasyon inihahayag muna ang paglalarawan ng mga datos at
binabanggit din ang kaukulang tambilang bilang suporta sa gagawing interpretasyon. Ang ginagawan ng
interpretasyon ay maaaring naka – anyong tabular o graf na ang parameter ay nasa gawaing itaas o kaya’y
sag awing kaliwa, pababa. Ang kaukulang tambilang naman ay nasa kabilang direksyon ng parameter na
maaaring pababa o pahalang ang posisyon.
Paliwanag/Pagsusuri
Sa pagpapaliwanag, upang lubos na maunawaan ang kinalabasan ng mga graph au isinasaad ang mga
bahagdan nito.
Maaaring gamitan ito ng iba’t ibang graph
Bar graph – ito ay ginagamitan ng mga patayo at pahigang linya. Komon ito sa mga paghahambing o
comparative studies. Ang pamagat nito ay nagsasabi kung tungkol saan ang graph. Matatagpuan naman
gawing ilalim ang pinagkunan ng datos.
Pie Chart – katulad ng bar graph, mayroon itong pamagat, legends at source. Dito ay hinahati sa bawat
bahagi ng kabuuan.
Line graph – ito ay madalas gamitin upang ipakita ang pagbaba o pagtaas ng halaga ng mga
pangangailangan sa pagdaan ng panahon. Bawat valyu ay kinakatawan ng mga tuldok na nagpapakita ng
scale kapag naikonekta.
Pictograph – ito ay ginagamitan ng mga larawan na nagrerepresenta sa isang produkto, dito ay madaling
makita ang pagkakaiba.
Flow chart – nagpapakita ito ng proseso o mga hakbang na kailanagang isagawa mula sa umpisa hanggang
huli. Layunin nito na makatipid sa oras o maging maayos o epesyente ang paggawa ng mga bagay – bagay.
Istruktura ng organisyon. Ipinapakita nito ang istruktura o ang pagkakasunod – sunod ng katungkulan
mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa. Madalas natin itong makita sa lobby ng mga tanggapan
upang Madali nating Madali nating matukoy ang mga taong dapat puntahan sakaling mayroon tayong
sadya sa isang tanggapan.
Talahanayan – ito ang pinakagamitin sa lahat ng laranggan o disiplina dahil ito ang pinakamadaling
unawain. Makikita dito ang mga tiyak at aktuwal na impormasyon hinggil sa isinasagawang pananaliksik na
maayos na nakahanay sa mga kolum.
Kabanata V
Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
Natuklasan – ilalahad sa bahaging ito ang lahat ng detalyeng naging kasagutan ng mga respondete na may
kinalaman sa paksa ng pananaliksik.
Kongklusyon – hinuha naman ang nilalaman nito na may kaugnayan sa natuklasan.
Rekomendasyon – simula sa natuklasan at kongklusyon ay makakabuo ang mananaliksik ng maaaring
maging solusyon kinalabasang suliranin.