0% found this document useful (0 votes)
71 views

Reviewer

filipino-quiz bee reviewer

Uploaded by

silverimlestrige
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
71 views

Reviewer

filipino-quiz bee reviewer

Uploaded by

silverimlestrige
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

Pahina 10-15 PLUMA

Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng mahigit 7,000 pulo, nahahati sa Luzon, Visayas, at
Mindanao. Dahil sa kalagayang heograpikal, maraming pangkat ng Pilipino ang may kanya-kanyang wika at
diyalekto. Ayon sa Census of Population and Housing (CPH), may humigit-kumulang 150 wika at diyalekto sa
bansa. Noong 2000, ang Tagalog ang pangunahing wikang ginagamit ng 5.4 milyong sambahayan, sinusundan
ng Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano sa 3.6 milyon, Ilocano sa 1.4 milyon, at Hiligaynon.

Ang Wika
Ang wika ay mahalagang instrumento ng komunikasyon na binubuo ng makabuluhang tunog, simbolo,
at tuntunin. Ito ang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan, ideya, at mensahe, at ginagamit sa pakikipag-usap,
pagbibigay ng opinyon, kautusan, at impormasyon. Pasalita man o pasulat, ang wika ay tumutulong sa pag-
unawa at pagbabahagi ng damdamin at kaisipan sa ibang tao.

Ang salitang Latin na "lingua" ay nangangahulugang "dila" at "wika" o "lengguwahe" na naging salitang
Pranses na "langue" na may parehong kahulugan. Kalaunan, ito'y naging "language" sa Ingles, na tumutukoy sa
wika. Sa maraming wika, ang mga salitang wika at dila ay halos magkapareho ng kahulugan dahil ang dila ay
mahalaga sa paglikha ng tunog sa pagsasalita. Tradisyonal at popular na pagpapakahulugan ng wika ay isang
sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang komunidad sa
pakikipagkomunikasyon.

 Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003), ang wika ay isang tulay para ipahayag at matugunan ang
pangangailangan ng tao, ginagamit sa pag-iisip, pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap, maging sa sarili.
 Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at
inayos nang arbitraryo para magamit ng isang kultura.
 Ayon naman sa Cambridge Dictionary, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon na binubuo ng mga
tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa iba't ibang gawain ng mga tao sa isang bayan.
 Ayon naman kay Charles Darwin, ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa, pagbe-bake, o
pagsusulat, ngunit ito ay hindi likas dahil kailangang pag-aralan bago matutunan. Naiiba ito dahil ang
tao ay may likas na kakayahang magsalita, tulad ng paggakgak ng mga bata, habang walang batang may
likas na kakayahang gumawa ng serbesa o mag-bake. Dagdag pa, ang wika ay hindi inimbento, kundi
marahang nalinang sa pamamagitan ng iba't ibang hakbang at proseso.

Madalas ay hindi natin napapansin ang kahulugan ng wika dahil likas na itong bahagi ng ating buhay mula
pagkabata. Gayunpaman, mahalaga itong instrumento ng komunikasyon na ginagamit upang ipahayag ang mga
saloobin. Dahil dito, nararapat lamang na pagyamanin at gamitin ang wika nang naaayon sa tamang layunin.

Ang Wikang Pambansa

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipino na gumagamit ng humigit-kumulang
150 wika at diyalekto. Dahil dito, naging mahalaga ang pagkakaroon ng isang pambansang wika na
mauunawaan ng karamihan upang magbuklod ang mamamayan. Ang proseso ng pagpili ng wikang pambansa
ay mahaba at masalimuot, mula sa panahon bago dumating ang mga Espanyol hanggang sa kasalukuyan.

1934: Sa Kumbensiyong Konstitusyunal, naging mainit na paksa ang pagpili ng wikang pambansa dahil
sa pagkakaiba-iba ng wika sa bansa. Maraming delegado ang pumabor na isa sa mga umiiral na wika ang
gawing pambansang wika, ngunit sinalungat ito ng mga maka-Ingles. Sa kabila nito, ang grupo ni Lope K. Santos
ay nagmungkahi na ang wikang pambansa ay ibatay sa isa sa mga lokal na wika, at sinuportahan ito ni Manuel
L. Quezon, Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1935: Ang pagsusog ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika sa Artikulo XIV,
Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
- Ang pagbuo ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wika sa bansa.
- Ang pagsasaalang-alang sa kahalagahan ng wika sa pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.
Dahil sa probisyong nakasaad sa Saligang Batas ng 1935, nagkaroon ng maraming talakayan sa pagpili
ng wikang pambansa. Ito ay nagresulta sa Batas Komonwelt Blg. 184, na isinulat ni Norberto Romualdez ng
Leyte, na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang pangunahing tungkulin ng Surian ay ang pag-aaral ng
mga diyalekto upang magpaunlad ng isang pambansang wika batay sa umiiral na wika. Napili ang Tagalog
bilang batayan ng wikang pambansa dahil tumugma ito sa mga pamantayan tulad ng pagiging wika ng sentro
ng pamahalaan, edukasyon, kalakalan, at pinakamarami at pinakadakilang nasulat na panitikan.

1937: Noong Disyembre 30, ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang batayan ng
Wikang Pambansa ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, na magkakabisa pagkatapos ng dalawang
taon.

1940: Nagsimulang ituro ang wikang Tagalog bilang wikang pambansa sa mga paaralan.

1946: Matapos ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, ang Tagalog at Ingles ang itinakdang
opisyal na wika sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.

1959: Noong Agosto 13, pinalitan ang pangalan ng wikang pambansa mula Tagalog tungong Pilipino
ayon sa Kautusang Pangkagawaran 7, na nagdulot ng mas malawak na paggamit ng wikang ito sa gobyerno,
paaralan, at media. May mga sumalungat pa rin sa pagpili ng Tagalog bilang batayan.

1972: Sa Kumbensiyong Konstitusyunal, nagkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol sa wika. Sa huli, ang
Saligang Batas ng 1973 (Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2) ay nagtakda na ang Batasang Pambansa ay magsusulong
ng pag-unlad at pormal na pagpapatibay ng isang wikang pambansa na kikilalaning Filipino. Bagaman ginamit
ang salitang "Filipino," hindi naipatupad ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay nito

1987: Sa Saligang Batas ng 1987, pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni Pangulong


Corazon Aquino ang paggamit ng Wikang Filipino. Ayon sa Artikulo XIV, Seksiyon 6, ang wikang pambansa ay
Filipino, na dapat payabungin at pagyamanin batay sa umiiral na mga wika sa bansa at iba pang wika. Si
Pangulong Aquino ay nagbigay ng suporta sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335 (1988), na nag-
aatas sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at
komunikasyon.

PAGE 62-64
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K. Halliday ay isang bantot na
jakol ar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami Ang kanyang pananaw na ng wika ay isang
panlipunang phenomenon. Naging malaking ambag niya sa Mundo ng lingguwista Ang popular niyang modelo
ng wika, and Systematic Functional Linguistics.
Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang sumusunod:
1.Instrumental
- ito ang tungkulin ng wikang tumitingin sa mga pangangailangan ng tao Gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
2. Regulatoryo
-Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa
ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng pagtuturo
ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa pagluluto ng isang
ulam; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit;
3. Inter-aksiyonal
-Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng
kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu;
4. Personal
-Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling
pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
5. Heuristiko
-Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap
ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasáma
rito ang pag-interbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol
sa paksang pinag-aaralan;
6. Impormatibo
-Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko
ay pagkuha o paghanap ny impormasyon, ito naman ay may kinalaman
sa pagbibigay n impormasyon sa parang pasulat at pasalita.
Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng paggamit ng wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
-Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative)
- Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng
pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
-Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)


-Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng
kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro (Metalingual)
-Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa
isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic)
-Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.

• Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K. Halliday ay isang bantot na jakol ar
mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami Ang kanyang pananaw na ng wika ay isang panlipunang
phenomenon. Naging malaking ambag niya sa Mundo ng lingguwista Ang popular niyang modelo ng wika,
and Systematic Functional Linguistics.

• Si Roman Jakobson ay isa sa mga pinakamagaling na dalubwika ng ikadalawampung siglo. Isa siya sa mga
nagtatag ng Linguistic Circle of New York. Ang kanyang bantog na functions of language ang kanyang naging
ambag sa larangan ng semiotics.
Ang semiotics ay ang pag-aaraL sa mga palatandaan at simbolo at kung paano ito gamitin.

Pahina 75-104
Ang Pinagmulan ng Wika
Batid na natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Ito ay isang instrumento ng pagkakaunawaan.
Ayon sa mga propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay pasalita, ay
isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito ay iniuugnay natin sa
mga kahulugang nais nating iparating sa ibang tao. Ngunit saan nga ba nagmula ang wika? Walang nakaaalam
kung paano ito nagsimula ngunit maraming mga haka-haka at teorya tungkol sa pinagmulan ng wika. Ang mga
lingguwistang nag- aral at nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba't ibang teoryang maaaring magbigay- linaw sa
pinagmulan ng wika, bagama't ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o makapagpapabulaan sa
pinanggalingan ng wika. Ang ilan sa mga ito ay makikita sa kabilang pahina.

Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon

Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat. Sa
Genesis 2:20 naisulat na "At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid,
at ang bawat ganid sa parang" Ayon sa bersong ito, magagamit kasabay ng pagkalalang sa tao ay ang pagsilang
din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sa Genesis 11:1-9 naman ay ipinakikita ang pinagmulan ng
pagkakaiba-iba ng wika. Basahin ang sumusunod na mga berso mula sa Bibliya.

Genesis (11: 1-9 Ang Bagong Magandang Balita Bibliya)

Ang Tore ng Babel


Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Sa
kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan.
Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay.

MGA TEORYA NG WIKA


Ayon sa mga antropologo, kasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi. Masasabing ang kanilang wika noon
ay kasing kahulugan ng ginagamit ng mga hayop. Subalit sa paglipas ng panahon, kasabay sa pag-unlad ng
kultura ng tao ay umunlad din ang wika.

Bago pa man dumating ang panahong ito, may ilang teorya na ang nalathala o nagpalipat- lipat sa
pamamagitan ng bibig na maaaring gawing batayan ng pinagmulan ng wika sa daigdig.

1. TEORYANG BOW-WOW-ayon sa teoryang ito, ginagawa ng tao ang mga tunog na likha ng kalikasan.
Ikinakabit nila ang mga tunog na ito upang sabihin ang pinagmulan o tukuyin ang pinanggalingan.

2. TEORYANG DING-DONG - ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may
sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay..

3. TEORYANG POOH-POOH-unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito ng hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin. Ipinalagay rin na ang tao ang siyang
lumilikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan dito.

4. TEORYANG YUM-YUM-ipinalagay ng teoryang ito na ang mga salitang nilikha ng tao ay nagsasaad na
ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas o aksyon. Pinakikilos dito ang bahagi ng katawan upang
makagawa ng aksyon.

5. TEORYANG YO-HE-HO ang teoryang ito ay ang pagbuo ng salita bunga ng puwersang pisikal.

6. TEORYANG TA-RA-RA-BOOM-DE-AY-ayon sa teoryang ito, ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na


nililikha sa nga ritwalat sa kalaunan ay nagpabagu-bago at nilapatan ng iba't-ibang kahulugan. Ang ritwal ay
sinasabayan ng mga awit, sayaw pagsigaw.

7. TEORYANG TA-TA-ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat particular na okasyon ay ginagaya at binibigyan ito ng tunog ata ng tunog ay nagiging salita.
Ang "ta-ta" sa Frances ay paalam o "goodbye". Ang kumpas ng kamay ay ginagaya ng dila nang pababa at
pataas kapag binibigkas ang salotang TA- TA.

8. TEORYANG SING-SONG- ipinalalagay ng teoryang ito na ang wika ay buhat sa di masawatang pag-
awit ng mga kauna-unahang tao sa daigdig.

9. TEORYA NI PRIMMITICHUS (Hari ng Ehipto) ayon sa haring ito, natututong magsalita ang tao kahit
wala itong naririnig na wikang sinasalita sa kanyang paligid..

10. TEORYANG GALING SA BIBLYA ito ay matatagpuan sa Genesis 11:1-9 na tungkol sa kwentong "Tore
ng Babel",

Panahon ng mga Katutubo


Sadyang naging isang malaking palaisipan para sa mga siyentipiko at antropologo kung paano
umusbong o saan nagmula ang mga taong unang nanirahan sa Pilipinas. Maraming alamat at teorya ang nabuo
patungkol sa tunay na pinagmulan ng lahing Pilipino. Narito ang ilan sa mga ito:

1. Teorya ng Pandarayuhan
Kilala rin ang teoryang ito sa taguring wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang
Amerikanong antropologo noong 1916. Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong dumating sa
Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo ng Negrito, Indones, at Malay.
Ngunit bunga ng masigasig na pananaliksik at pag-aaral, ang mga haka-haka at pag-aalinlangan ukol sa mga
unang lahing nanirahan sa bansa ay unti-unting nagkaroon ng liwanag. Napabulaanan ang teorya ni Beyer nang
matagpuan ng pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert B.
Fox ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962. Ang
natagpuang bungong ito ng tao ang nagpatunay na mas unang dumating sa Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia
na sinasabing siyang pinanggalingan ng mga Pilipino.
Tinawag na Taong Tabon (Tabon Man) ang mga labing kanilang natagpuan dito. Tinatayang nanirahan
ang mga unang taong ito sa yungib ng Tabon may 50, 000 taon na ang nakararaan. Kasama sa mga nahukay na
labí ng Taong Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz, isang uri ng quartz, gayundin ang mga buto
ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran. May
nakuha ring mga bakas ng uling na katibayan ng kaalaman sa pagluluto ng pagkain.

Sa mga makabagong impormasyong nakalap noong 1962, lumalabas na unang nagkaroon ng tao sa
Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa Indonesia. Pinatunayan din nina Felipe Landa Jocano sa kanyang pag-aaral ukol
sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National
Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas. Ayon din sa
kanilang ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking (Peking Man) na kabilang
sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java (Java Man) na kabilang sa Homo Erectus. Ngunit makalipas
ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paang sinasabing mas matanda
pa sa taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong Callao (Callao Man) na sinasabing
nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalilipas.

2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano

Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Teorya ng Pandarayuhan
mula sa rehiyong Austronesyano. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian ay hinango sa salitang Latin na auster na "south wind" at nesos na ang ibig sabihin ay "isla." May
dalawang pinaniniwalaang teorya kung saan nagmula ang mga nangangahulugang Austronesian. Ayon kay
Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog- Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga
isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng kalakalan, migrasyon, at pag-aasawa ay
kumalat ang mga Austronesian sa iba't ibang panig ng rehiyon. Ayon naman kay Peter Bellwood ng Australia
National University, ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong
5,000 BC.

Anuman ang totoo sa dalawang teoryang ito, isa lang ang tiyak na ang mga Pilipino ay isa sa mga
pinakaunang Austronesian. Bilang lahing Austronesian, kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas ng
bangkang may katig. Sa paglipas ng panahon ay naging makabago ang pamamaraan ng paglalayag ng mga
Pilipinong siyang naging dahilan upang kumalat ang lahing Austronesian sa iba't ibang panig ng daigdig tulad
ng Timog-Silangang Asya, Australia, New Zealand, Timog Africa, at maging sa Timog Amerika. Ang mga
Austronesian din ang kinikilalang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng Hagdan-
hagdang Palayan sa Banaue. Naniniwala rin ang lahing ito sa mga anitong naglalakbay sa kabilang buhay
gayundin ang paglilibing sa mga patay sa isang banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan. Kung
susuriin, batay sa mga nabanggit na mga teorya, ang unang taong nanirahan sa Pilipinas ay nagtataglay na ng
mga patakarang pangkabuhayan, kultura, at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin, mahihinuha na sila man ay
may sarili nang wikang ginagamit bagama't pinaniniwalaang walang isang wikang nanaig sa Pilipinas noon.
Gayumpaman, napatunayang marunong sumulat at bumasa ang mga katutubo. May sinusunod silang
pamamaraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin. May mga ebidensiyang magpapatunay sa paggamit nila ng
baybayin. Ang mga ito ay matatagpuang nakasulat sa biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang
Pambansa at ng Unibersidad ng Santo Tomas. Sinasabing malaking bahagi ng kanilang ginawa noon ay hindi na
matagpuan sapagkat sinunog na ng mga mananakop na Espanyol.

Panahon ng mga Espanyol


Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga Kastila naman ang nandayuhan sa Pilipinas. Layunin nilang
ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo. Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang "barbariko, di
sibilisado, at pagano ang mga katutubo noon kung kaya't dapat lamang nilang gawing sibilisado ang mga ito sa
pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Ngunit naging malaking usapin ang wikang gagamitin sa
pagpapalawak ng Kristiyanismo. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na mas mabisa ang
paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Ang
pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay naging katumbas na ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang mga
prayleng Espanyol ang siyang naging institusyon ng mga Pilipino. Upang maisakatuparan ang kanilang layunin,
inuna nila ang paghahati ng mga isla ng mga pamayanan. Nakita nilang mahirap palaganapin ang relihiyon,
patahimikin at gawing masunurin ang mga Pilipino kung iilan lamang ang prayleng mangangasiwa. Ang
pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na orden ng misyonerong Espanyol na pagkaraa'y naging lima. Ang mga
ordeng ito ay ang Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita, at Rekoleto.

Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga


katutubo. Nang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubo, mayroon na ang mga itong sariling wikang
ginagamit sa pakikipag-usap at pakikipagkalakalan, ngunit pinigil nila. Sa loob ng maraming taon, sinikil nila ang
kalayaan ng mga katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar upang hindi na rin nila magamit ang wikang
katutubo. Kahit na inalis ang restriksiyong iyon, hindi pa rin nila magawa ang pag-alis-alis at ang paglipat-lipat
ng bayan dahil sa takot sa prayle, moro, at maging sa mga tulisan.

Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol
mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Nakita nilang mas madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas
magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo.
Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo, at mga
kumpesyonal para sa mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.

Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mga
mamamayan noong panahon ng mga Espanyol. Naging usapin ang wikang panturong gagamitin sa mga
Pilipino. Iniutos ng Hari na gamitin ang wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod.
Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol. Sina Carlos I at Felipe II
naman ay naniniwalang kailangang maging bilingguwal ng mga Pilipino. Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro
ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol. Sa huli, napalapit ang mga katutubo sa mga prayle dahil sa
wikang katutubo ang ginamit nila samantalang napalayo naman sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang
gamit nila. Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong ika-2 ng Marso, 1634. Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos II ay lumagda ng isang
dekrito na inuulit ang probisyon ng nabanggit na kautusan. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi
susunod dito. Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin
ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.

Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na nanganib ang wikang katutubo.Sa panahong ito, lalong
nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo.
Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga
damdamin.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Matapos ang mahigit na tatlong daang taong pananahimik dahil sa pananakop ng mga Espanyol,
namulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinaranas. Sa panahong ito, maraming Pilipino ang
naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan. Nagkaroon din ng kilusan ang mga propagandista noong 1872 na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik. Itinatag din nina Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang wikang Tagalog ang
ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng
wikang Tagalog.

Nang panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang "Isang Bansa, Isang
Diwa" laban sa mga Espanyol. Pinili nilang gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kuwento,
liham, at mga talumpating punumpuno ng damdaming makabayan. Masisidhing damdamin laban sa mga
Espanyol ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat. Kahit si Rizal at iba pang propagandistang sumulat
na gamit ang wikang Espanyol ay nakababatid na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang
kanilang mga kababayan. Masasabing ang unang kongkretong pagkilos ng mga Pilipino ay nang pagtibayin ang
Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899. Ginawang opisyalna wika ang Tagalog bagama't walang isinasaad na
ito ang magiging wikang pambansa ng Republika.

Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa Konstitusyon na ang
paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal. Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan ng paggamit ng
wikang Tagalog ito gagamitin. Sinasabing ang pamamayani ng mga ilustrado sa Asembleyang Konstitusyonal
ang pangunahing dahilan nito. Nais ding maakit ni Aguinaldo ang mga di Tagalog. Nakalulungkot isiping naging
biktima ng politika ang wikang Tagalog. Nag-uumpisa pa lamang sana itong lumago ay napailalim na naman ito
sa dayuhang wika.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Sa ikalimang aralin ng yunit na ito, nabasa mo ang unang bahagi ng kasaysayan ng wikang pambansa.
Nabatid mo na ang ating wika ay nagdaan sa maraming yugto mula sa Panahon ng mga Katutubo, sa Panahon
ng mga Espanyol hanggang sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino. Sa araling ito ay ipagpapatuloy natin ang
kasaysayan ng paglago ng wikang pambansa.

PANAHON NG MGA AMERIKANO

Pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa pamumuno ni
Almirante Dewey. Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino. Lalong nabago ang sitwasyong
pangwika ng Pilipinas dahil nadagdag ang wikang Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga
Pilipino.

Ginamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo nang panahong iyon. Sa dinami-rami ng wika't wikain
sa Pilipinas ay isang wikang dayuhan ang naging wikang panturo at ito rin ang ginamit na wikang pantalastasan.
Buhat sa antas primarya hanggang kolehiyo, Ingles ang naging wikang panturo. Dahil sa pagnanais na
maisakatuparan ang mga plano alinsunod sa mabuting pakikipag-ugnayan, nagkaroon ng pambansang sistema
ng edukasyon sa kapuluan. Inaasahang sa pamamagitan ng sistema nila ng edukasyon, magiging tama ang
edukasyon ng mamamayan, masaklaw, at magtuturo sa mga Pilipino ng pamamahala sa sariling bayan, at higit
sa lahat ay mabibigyan din silá ng isang wikang nauunawaan ng lahat para sa mabisang pakikipagtalastasan sa
buong kapuluan.

Ang komisyong pinangungunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong


primarya. Nagtakda ang komisyon ng Batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso, 1901 na nagtatag ng mga
paaaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang panturo.

Hindi naging madali sa mga mag-aaral sa ikauunawa nila ng tinatawag na tatlong R (Reading, writing,
aRithmetic). Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng pagpapaliwanag sa mga mag-aaral. Naging dahilan
ito upang ang Heneral ng mga paaralan ay magbigay ng rekomendasyon sa Gobernador Militar Hepagamit ang
bernakular bilang wikang pantulong. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa
pagpapalimbag ng primarya na Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya, at Noong 1906, pinagtibay ang
isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ng mga mag-
aaral. Nang sumunod na taon, may ipinakilalang bill sa Asembleya na nagmumungkahi sa paggamit ng mga
diyalekto sa pambayang paaralan ngunit ito ay hindi napagtibay. Nang Ingles-Bikol bernakular sa kanilang
Superintendente mapalitan ang direktor ng Kawanihan ng Edukasyon, napalitan din ang pamamalakad at
patakaran. Ipinahayag ng bagong direktor na wikang Ingles lamang ang gagamiting wikang panturo at
ipinagbawal ang paggamit ng bernakular.

Ang sumusunod ay nakasaad sa service manual ng Kawanihan ng Edukasyon:

Inaasahang ang bawat kagawad ng kawanihan ay magdaragdag ng kanyang


impluwensiya sa paggamit ng opisyal na sistema sa Ingles at maipaunawa ang kadahilanan ng
pagsasakatuparan nito. Tanging Ingles lamang ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng paaralan, at sa
gusali ng paaralan. Ang paggamit ng Ingles sa paaralan ay nararapat bigyang-sigla.
Naniwala ang mga kawal na Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang
Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano. Mga sundalo ang unang nagsipagturo
ng Ingles at sumunod ang grupong kinilala sa tawag na Thomasites.

Noong taong 1931, ang Bise Gobernador-Heneral George Butte na siyang Kalihim ng Pambayang
Pagtuturo, ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na
taong pag-aaral. Sinabi rin niyang hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles
sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan. Sumang-ayon sa kanya sina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw. Ngunit
matibay ang pananalig ng Kawanihan ng Pambayang Paaralan na nararapat lamang na Ingles ang ituro sa
pambayang paaralan. Ang sumusunod ay ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit ng Ingles: (1) Ang
pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning administratibo. Ang mga mag-aaral ay
mahihirapang lumipat sa ibang pook ng kapuluan sa kadahilanang iba-iba ang itinuturong wika sa iba-ibang
rehiyon.

Kung Ingles lámang ang ituturo sa lahat, walang magiging suliranin dito. (2) Ang paggamit ng iba't ibang
bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lámang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo. (3) Hindi
magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular. (4) Malaki na ang nagasta ng pamahalaan
para sa edukasyong pambayan at paglinang ng Ingles upang maging wikang pambansa. (5) Ingles ang
nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa. (6) Ingles ang wika ng pandaigdigang
pangangalakal. Ang paggamit ng wika ay makatutulong sa katayuan ng Pilipinas sa daigdig ng pangangalakal.
(7) Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham. Kailangang maláman ng mamamayan ang
mga katawagang ito upang umunlad ang kalinangan sa Pilipinas. ( 8 yamang nandito na ang Ingles ay
kailangang hasain ang paggamit nito.

Kung ang mga tagapagtaguyod ng paggamit ng wikang Ingles ay maraming dahilan, ang nagtataguyod
naman ng paggamit ng bernakular ay may katwiran din. Ito ang sumusunod: (1) Walumpung porsiyento ng
mag-aaral ang nakaaabot ng hanggang ikalimang grado lang kaya pagsasayang lámang ng panahon at pera ang
pagtuturo sa kanila ng Ingles na walang kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay. (2) Kung
bernakular ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya. (3) Kung kailangan talagang
linangin ang wikang komon sa Pilipinas, nararapat lámang na Tagalog ito sapagkat isang porsiyento lámang ng
tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles. Limampung porsiyento ng mamamayan ang hindi nakauunawa ng
Ingles, apatnapung porsiyento ng mga bata ang hindi natatanggap sa paaralang pambayan taon-taon. (4) Hindi
magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin dahil hindi naman natututo ang mga
mag-aaral kung paano nila malulutas ang mga problemang kahaharapin nila sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay. Hindi nila magagamit ang Ingles maliban kung sila'y magpapatuloy sa unibersidad o pupunta sa
ibang bansa. (5) Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng
nasyonalismo. Bagama't hindi pa nakakamtan ng Pilipinas ang kasarinlan, naniniwala silang ang kalayaan ay
kailangan sa paglinang ng isang nasyonal na personalidad. (6) Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay
para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular. Ang pagkakaroon ng malaking gastos upang
malinang ang pagtuturo ng wikang Ingles ay hindi dapat idahilan sapagkat alam naman nilang hindi ito
magbubunga nang mabuti. (7) Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
Nakalulungkot isiping ang magiging kontribusyon ng Pilipino sa pandaigdigang panitikan ay nakasulat sa wikang
Ingles. ( 8 Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular, kailangan
lamang na ito ay pasiglahin.

Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, nagsagawa ang Kawanihan ng Pambayang
Pagtuturo ng mga alituntuning dapat sundin. Ito ay ang sumusunod: paghahanap ng gurong Amerikano
lamang; pagsasanay sa mga Katutubong Pilipinong maaaring magturo ng Ingles tuon o diin sa asignaturang
Ingles sa sat iba pang aralin; pagbibigay ng kurikulum sa lahat ng antas ng pagbabawal ng paggamit ng
bernakular sa loob ng paaralan, pagsasalin ng teksbuk sa wikang Ingles, paglalathala ng mga pahayagang lokal
para magamit sa paaralan, at pag-alis at pagbabawal ng wikang Espanyol sa Paaralan. Nagsagawa ang mga
Amerikano ng mga pag-aaral, eksperimento, at sarbey malaking edukasyon upang malaman kung epektibo ang
pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Ang unang pagsisiyasat ay ginos ng milyon-milyon para maisulonyalek sa
mga upang mabisang mapalitan nito ang Espanyol at mga dayalek usapan, at ang Ingles na sinasalita ay kay
hirap makilala na (1923) nanga" Ganito sapang inglesa Propesor Nelson at Dean Fanslera paggamit naging ang
mga kumukuha ng mataas na edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles. Sa sarbey na ginawa
nina Najeeb Mitri Saleeby at ng Educational Survey ordinaryong ginawa ni Commission na pinamunuan ni Dr.
Paul Monroe, natuklasan nila na ang kakayahang makaintindi ng mga kabataang Pilipino ay napakahirap
tayahin kung ito ba ay hindi nila malilimutan paglabas nila ng paaralan. Sa madaling salita, kahit na
napakahusay ng maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang
mga Pilipino ay may kanya-kanyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at
sa iba pang pang- araw-araw na gawain.

Makikita ang mga duda ni Saleeby hinggil sa gamit ng Ingles sa pagtuturo sa ulat ng 1925 Monroe
Survey Commission. Sa kadahilanang maraming bata ang humihinto ng pag-aaral sa loob ng limang taón,
nasasayang lamang ang malaking gastos upang makapagpadala ng mga Amerikanong guro upang magturo ng
Ingles dahil hindi mapapantayan ng isang Pilipinong sinanay na magturo ng wika ang kakayahang magturo ng
Ingles ng isang Amerikano. Suportado ni Joseph Ralston Hayden, Bise Gobernador ng Pilipinas noong 1933
hanggang 1935, ang sistemang Amerikano ng edukasyon, ngunit tinanggap din niyang wikang katutubo ang
ginagamit ng karaniwang Pilipino kapag hindi kailangang mag-Ingles. Iginiit din ni Saleeby na makabubuti ang
magkaroon ng isang pambansang wikang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas
epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.

Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal, naging paksa ang pagpili sa wikang pambansa.
Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang pambansa. Ang
panukala ay sinusugan naman ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt
ng Pilipinas. Nakasaad ang probisyong pangwika sa Artikulo XIV Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935. Nilikha
ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang
Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre, 1936. Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay, at
alituntuning magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Napili nila ang Tagalog bilang
batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa. Ipinalabas noong 1937 ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng
wikang pambansa.

PANAHON NG MGA HAPONES

Noong panahon ng mga Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa. Sa pagnanais na
burahin ang anumang impluwensiya r ng mga ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng
pamumuhay ng mg Pilipino. Maging ang paggamit ng lahat ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika ay
ipinagbawal din. Ipinagamit nila ang katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga
akdang pampanitikan. Masasabing ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog Amerikano,

Sa panahong ito ipinatupad nila ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika
ang Tagalog at ang wikang Hapones (Nihonggo) Upang maitaguyod din ang patakarang militar ng mga Hapones
pati na rin ang tinatawag na Philippine Commision na pinamunuan ni Jorge Vargas. Nagpatupad ang ga
pangkalahatang kautusan buhat sa tinatawag na Japanese Imperial Forces komisyong ito ng Pilipinas.
Pagkaraan lamang ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones ay binuksan muli ang mga paaralang bayan sa
lahat ng antas. Itinuro ang wikang Nihonggos lahat, ngunit binigyang-diin ang paggamit ng Tagalog upang
maalis na ang paggamit ng wikang Ingles. Ang gobyerno-militar ay nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng
paaralang-bayan. Sinusuri ang kakayahan ng guro sa wikang Nihonggo upang kapag silá ay naging bihasa na ay
silá naman ang magtuturo. Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan ng katibayan upang maipakita ang kanilang
kakayahan sa wikang Nihonggo. Ang katibayan ay may tatlong uri: Junior, Intermediate, at Senior.

Sa panahong ito ay isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Ang
pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa
pamamatnubay ng Imperyong Hapones ang mga layunin ng kapisanang ito. Si Benigno Aquino ang nahirang na
direktor nito. Pangunahing proyekto ng kapisanan ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa buong kapuluan.
Katulong nila sa proyektong ito ang Surian ng Wikang Pambansa.

Noong mga panahong iyon, maraming debate tungkol sa wika ang nagsulputan. Nagkaroon ng usapin
sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa at liberal na aral sa tradisyon ng mga Amerikano.
Hindi naman ito lantarang ipinakikita dahil ang bayan ay nasa ilalim ng Batas Militar. Mayroon ding debate sa
pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa Tagalista na ang pinagtatalunan ay tungkol lamang sa maliliit na
bagay katulad ng kung saan gagamitin ang gitling. Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog.
Isa pa rin ang usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga may kaalamang panlingguwistikang kapwa
naman para sa wikang pambansa ngunit nagnanais lamang na matalakay ang wika batay sa pagiging agham
nito. Hindi sumang-ayon ang mga Tagalista sa labis na pagiging tradisyonal ng mga may kaalamang
panlingguwistika dahil sa kanilang palagay ay hindi na ito makatwiran. Noong panahon ng mga Hapones naging
masigla ang talakayan tungkol sa wika. May tatlong pangkat na namayagpag sa usaping pangwika. Ito ang
pangkat ni Carlos Ronquillo, pangkat ni Lope K. Santos, at pangkat nina N. Sevilla at G. E. Tolentino. Bagama't
maliliit na bagay lamang ang kanilang mga di napagkakasunduan ay tumawag ito ng pansin. Sa pagnanais ng
mga Hapones na itaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa noong panahong
iyon. Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di Tagalog. Para sa madaling ikatututo
ng kanyang mga mag-aaral ay gumawa siya ng kanyang tinawag na "A Shortcut to the National Language." Iba't
ibang pormularyo ang kanyang ginawa upang lubos na matutuhan ang wika.

Hindi maikakailang sa panahon ng mga Hapones nagkaroon ng masiglang talakayan tuol sa wika.
Marahil ay dahil na rin sa pagbabawal ng mga Hapones na tangkilikin ang wikang Ingles. Noong mga panahong
ito napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumulat gamit ang wikang ito.

PANAHON NG PAGSASARILI HANGGANG SA KASALUKUYAN

Ito ang panahon ng liberasyon hangggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4, 1946. Pinagtibay
rin na ang wikang opisyal sa bansa ay lagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570. Ito panahon
pagbangon sa amga nasalanta ng digmaan. Dahil b pa lang panghihina ang mga panahong iyon, sunn ang pang-
ekonomiya ang mga Pilipino. Naramdaman pa rin ang pang-ekonomiko at panlipunan ng mga Amerikano.
Maraming mga kapitalista, na karamiha'y Amerikano, ang dumagsa sa ating bansa. bumabangon
impluwensiyang banyagang pangangailangan Nakaapekto ito sa sistema ng ating edukasyong tumutugon sa ng
mga korporasyon at kompanya. Ito ang naging sanhi ng pagkabantulot sa pagsulong, pag-unlad, at paggamit ng
wikang pambansa. Bagama't ang mga Pelikulang Pilipino at komiks ay gumagamit ng wikang Pilipino, naging
paboritong midyum pa rin ang Ingles.

Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog, ito ay naging
Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Big. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero, ang dating Kalihim ng
Edukasyon. Nilagdana naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan Panika 1964
na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Pilipino. Noong 1963, ipinag-utos na
awitin ang Pambansang Awit sa titik nitongyal ng Pili Pilipino. Ito ay batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg 60
s. 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal.

Nang umupo naman si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, ung iniutos niya, sa bisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 s. 1967, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan ay pangalanan sa
Pilipino. Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na
nag-uutos na ang mga ulong-liham ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino. Kalakip ang
kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinunò at
kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Ang Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968) naman ay
nagtatagubilin sa lahat ng kawani ng pamahalaang dumalo sa mga seminar sa Pilipinong pangungunahan ng
Surian ng Wikang Pambansa sa iba't ibang purok lingguwistika ng kapuluan.

Noong 1969 naman nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-
uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalang gamitin ang wikang
Pilipino hangga't maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksiyon.

Noong Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni Kalihim Juan L.
Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga papusilunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Nang umupo si Corazon Aquino bilang unang babaeng pangulo ng
Pilipinas ay bumuo ng bagong batas ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga
kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino isinulong
ang paggamit ng wikang Filipino. Ang Seksiyon 6 ng Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 ay nagsasaad ng
sumusunod:
WIKA
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo doon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang
Kastila at ang Arabic.

SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at
mga disiplinang magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga
wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. Tinupad ito ng Pangulong Corazon C.
Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No. 335, ito ay "Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan,
opisina, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaang magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya." Isang atas na
matabáng na itinuloy ng ibang administrasyon at hindi pinansin ng Kongreso.

Nang umupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng Executive Order No. 210
noong Mayo, 2003 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na wikang panturo-ang Ingles, sa halip
na ang Filipino. Nalungkot ang maraming tagapagtaguyod ng wikang Filipino sa atas na ito.

Sa kasalukuyan, masasabing marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit kung ang
pagbabatayan natin ay ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino, masasabi nating mabilis nga ang
pagsulong nito. Bunga ito ng epektibong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan. Resulta rin ito ng
patuloy at dumaraming paglabas ng mga babasahing nakasulat sa wikang Filipino, lalo na ang komiks. Ilan pang
dahilan ay ang patuloy na pambansang pagtangkilik sa mga telenobela at pelikulang Pilipino, at ang paggamit
ng Filipino sa radyo at sa telebisyon.

Noong ika-5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang Kalupunan ng
KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa
buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba't ibang uri ng
paggamit sa iba't ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba't ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko
ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa.
Katulad ng sinabi ng Komisyon sa Wikang Filipino, napakarami pang dapat gawin upang sumulong at
magtagumpay ang wikang Filipino. Patuloy itong
yayaman sa pamamagitan ng araw-araw na paggamit ng mga mamamayan. Sáma- sáma nating abutin
ang wagas na hangaring maging wika ng karunungan ang wikang pambansa.

You might also like