0% found this document useful (0 votes)
18 views7 pages

Q1 SBC Ap

Assessment

Uploaded by

Maricar Atienza
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
0% found this document useful (0 votes)
18 views7 pages

Q1 SBC Ap

Assessment

Uploaded by

Maricar Atienza
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1/ 7

Q1-SBC-AP

NAME:
Tama o Mali:
Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay wasto o MALI naman kung ito ay
hindi wasto.

1. _________ Nakikita sa mapa ang lokasyon ng isang lugar.


2. _________ Ang Pilipinas ay napalilibutan ng mga katubigan.
3. _________ Ang globo ay hugis bilog tulad ng mundo.
4. _________ Ang sikat ng araw ay pantay sa lahat ng bahagi ng mundo.
5. _________ Ang kulay ng mga lugar sa mapa ay ayon sa tunay na sukat nito.
6. _________ Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar.
7. _________ Ang Pilipinas ay bahagi ng Asya.
8. _________ Ang araw ay sumisikat at lumulubog sa silangan.
9. _________ Makikita sa mapa ang sukat ng lupang sakop ng isang lugar.
10._________ Ang hangganan ng bawat lugar ay makikita sa mapa o globo.

Identipikasyon:
A. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa mga pangungusap.

11._______________________Ito ang hugis ng mundo.


12._______________________Ito ang guhit na pahalang na likhang-isip sa gitna ng globo.
13._______________________Ito ang ginagamit na modelo ng mundo.
14._______________________Ito ay patag na paglalarawan ng mundo.
15._______________________Ito ang guhit na patayo s agitna ng mundo na nagsasabi kung
saan nasa silangan o kanluran ang isang lugar.

B. Buoin ang pangungusap. Pumili ng sagot mula sa kahon at isulat sa patlang.

Global Positioning System heograpiya


Siyensiya Mercator projection
Atlas Gerardus Mercator

16.Si _______________________ ay mahusay na kartograpo mula sa Belgium.


17.Ang _______________________ ay tawag sa paraan ng pagpapakita ng globo sa mapa.
18.Ang _______________________ ay koleksiyon ng mga mapa.
19.Ang _______________________ ay tawag sa paraan ng pagkalkula sa kinaroroonan ng
tagatanggap na ginagamitan ng mga satellite at kompyuter.
20.Ang matematika, pag-ukit ng globo, at _______________________ ay mga kaalaman na
pinag-aralan ni Mercator.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Tungkulin niyang ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.
a. Pilipino b.Dayuhan c. Pangulo
2.Kasunduan na tumapos sa digmaan ng Estados Unidos at Espanya.
aTreaty of Washington b.Treaty of Paris c. Saligang Batas
3.Ang mga Pulo ng Kalayaan ay bahagi ng lalawigang ito.
a.Palawan b.Sulu c. Batanes
4.Dito inilarawan ang teritoryo ng Pilipinas.
A,Saligang Batas B.Archipelagic Doctrine c. Treaty of Paris
5.Dito nakasaad ang pagtukoy sa teritoryo ng isang bansang archipelago.
A.Saligang Batas B.Archipelagic Doctrine c. Treaty of Paris
6.Simbolo na makikita sa mapa na tumutulong sa paghahanap ng direksiyon.
A.Compass rose B.Iskala c. Batayan
7.Isang paraan ng pagsukat na ginagamit kapag ang isinuguhit na bagay ay mas maliit o
malaki sa tunay na laki.
A.Compass rose B.Iskala c. Batayan
8.Ano ang guhit na pahalang sa gitna ng globo na nasa 0° latitud?
A.Ekwador B.Prime meridian c. Meridian
9.Saang direksiyon sumisikat ang araw?
A.Hilaga B.Timog c. Silangan
10.Saang kontinente matatagpuan ang Pilipinas?
A.Asya B.Oceania c. Antarctica
11. Ano ang tawag sa patag at malawak na anyong lupa na mainam pagtaniman ng palay at
gulay?
A. Bundok B. Kapatagan C. Burol D. Lambak
12. Aling anyong lupa ang mataas at may matatarik na gilid kung saan may mga
punongkahoy at mineral na maaaring makuha?
A. Kapatagan B. Talampas C. Bundok D. Burol
13. Ano ang tawag sa magkakarugtong o hanay ng mga bundok?
A. Pulo B. Tangway C. Burol D. Bulubundukin
14. Aling anyong lupa ang mas maliit at mas mababa kaysa sa bundok?
A. Lambak B. Burol C. Talampas D. Kapatagan
15. Ano ang tawag sa patag na lupa sa pagitan ng mga bundok na karaniwang mataba at
masagana sa ani?
A. Lambak B. Kapatagan C. Bulubundukin D. Burol
16. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talampas sa Pilipinas?
A. Lambak ng Cagayan B. Lungsod Baguio
C. Bulkang Taal D. Bundok Apo
17. Ano ang tawag sa anyong lupa na may butas sa tuktok kung saan lumalabas ang lava
kapag sumasabog?
A. Bundok B. Burol C. Bulkan D. Talampas
18. Anong anyong lupa ang napaliligiran ng tubig at maaaring iba’t iba ang sukat, hugis, at
laki?
A. Tangway B. Pulo C. Lambak D. Kapatagan
19. Ano ang tawag sa anyong lupa na nakausli at halos napaliligiran ng tubig?
A. Talampas B. Burol C. Tangway D. Pulo
20. Aling bulubundukin ang bumabagtas mula sa Lambak ng Cagayan patungo sa Quezon at
itinuturing na pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas?
A. Bulubundukin ng Diwata B. Sierra Madre
C. Cordillera D. Zambales Mountains
21. Ano ang pinakamalaking anyong tubig sa mundo?
A. Dagat B. Golpo C. Lawa D. Karagatan
22. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng dagat sa Pilipinas?
A. West Philippine Sea B. Laguna Lake
C. San Juanico Strait D. Taal Lake
23. Ano ang tawag sa anyong tubig na halos napalilibutan ng lupa at matatagpuan sa bukana
ng dagat?
A. Ilog B. Lawa C. Golpo D. Look
24. Ano ang tawag sa anyong tubig na karaniwang nanggagaling sa bundok at umaagos
patungo sa dagat?
A. Talon B. Kipot C. Ilog D. Dagat
25. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng lawa sa Pilipinas?
A. Manila Bay B. Pasig River C. Taal Lake D. Sulu Sea
26. Anong anyong tubig ang bumabagsak mula sa mataas na lugar at karaniwang dumadaloy
sa ilog?
A. Kipot B. Talon C. Lawa D. Golpo
27. Ano ang tawag sa bahagi ng dagat na bahagyang napaliligiran ng lupa at ginagamit
bilang daungan?
A. Golpo B. Kipot C. Look D. Ilog
28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kipot sa Pilipinas?
A. Davao Gulf B. San Juanico Strait C. Laguna Lake D. Celebes Sea
29. Ano ang tawag sa kondisyon ng panahon sa mahabang panahon sa isang lugar?
A. Ulan B. Klima C. Bagyo D. Humidity
30. Anong klima ang nararanasan ng mga bansang matatagpuan sa pagitan ng ekwador at
Tropic of Cancer?
A. Temperate B. Polar C. Arid D. Tropikal
31. Anong uri ng klima ang nararanasan sa Pilipinas na may tag-init at tag-ulan?
A. Polar B. Tropikal at Maritimo
C. Arid D. Mediterranean
32. Alin sa mga sumusunod ang walang tiyak na panahon ng tag-ulan at tuyo mula
Nobyembre hanggang Oktubre?
A. Unang Uri B. Ikalawang Uri
C. Ikatlong Uri D. Ikaapat na Uri
33. Alin ang uri ng klima na walang gaanong panahon ng tag-araw o tag-ulan sa buong taon?
A. Unang Uri B. Ikalawang Uri
C. Ikatlong Uri D. Ikaapat na Uri
34. Aling uri ng klima ang may maikling tag-araw mula Mayo hanggang Oktubre?
A. Unang Uri B. Ikalawang Uri
C. Ikatlong Uri D. Ikaapat na Uri
35. Aling uri ng klima ang halos pantay ang ulan sa buong taon at walang tiyak na tag-araw?
A. Unang Uri B. Ikalawang Uri
C. Ikatlong Uri D. Ikaapat na Uri
36. Ano ang dahilan ng malamig na temperatura sa Lungsod Baguio?
A. Malapit sa karagatan B. Mataas na elebasyon
C. Malapit sa ekwador D. Mababa sa pantay-dagat
37. Anong hangin ang nagdadala ng malakas na ulan mula Mayo hanggang Oktubre sa
Pilipinas?
A. Hanging Amihan B. Hanging Habagat
C. Hanging Hilaga D. Hanging Timog
38. Saan nagmumula ang hanging amihan na nagpapalamig sa Pilipinas mula Nobyembre
hanggang Pebrero?
A. Australia B. India C. Siberia at China D. Africa
39. Ano ang tawag sa proseso ng paglikha ng bagong lupain sa tabing-dagat o lawa?
A. Erosion B. Reclamation C. Deforestation D. Irrigation
40. Ano ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nag-uulat ng lagay ng panahon sa
Pilipinas?
A. DOH B. DOST C. PAGASA D. DENR
41. Ano ang tawag sa kahalumigmigan ng atmospera ng isang lugar?
A. Temperatura B. Humidity C. Precipitation D. Wind Speed
42. Ano ang anyong tubig na kadalasang ginagamit bilang daungan ng mga barko?
A. Look B. Kipot C. Golpo D. Lawa
43. Anong uri ng klima ang makikita sa mga lugar sa sonang temperate?
A. Tropikal
B. Polar
C. May apat na uri: tag-init, tagsibol, taglagas, taglamig
D. Maritimo
44. Saang sonang pang-klima matatagpuan ang Pilipinas?
A. Polar B. Temperate C. Tropikal D. Arid
45. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa galaw ng hangin na tinatawag na monsoon?
A. Hanging habagat at hanging amihan
B. Hanging hilaga at hanging timog
C. Hanging silangan at hanging kanluran
D. Hanging malamig at hanging mainit
46. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao na dulot ng heograpiyang pisikal ng
bansa?
A. Pagsasaka at pangingisda
B. Pagtitinda at pagnenegosyo
C. Pagmimina at paggawa ng kasangkapan
47. Alin sa mga sumusunod ang kilala sa puting buhangin at magandang paligid?
A. Coron, Palawan B. Isla ng Boracay C. Chocolate Hills, Bohol
48. Ilang bisita ang tinanggap ng Isla ng Boracay noong 2022?
A. 1.7 milyon B. 1 milyon C. 2 milyon
49. Ano ang kilalang katangian ng Coron, Palawan?
A. Mga burol na kulay tsokolate
B. Malinaw at malinis na katubigan at kakaibang rock formation
C. Talon na ginagamit sa paggawa ng koryente
50. Saan matatagpuan ang Maria Cristina Falls?
A. Coron, Palawan B. Lungsod Iligan C. Isla ng Boracay
51. Ano ang gamit ng Maria Cristina Falls maliban sa pagiging isang tanawin?
A. Sa paggawa ng koryente B. Sa pagtuturo ng kasaysayan C. Sa irigasyon ng palayan
52. Ano ang nagiging kulay ng Chocolate Hills tuwing tag-init?
A. Berde B. Tsokolate C. Dilaw
53. Ano ang dahilan kung bakit maraming turistang dayuhan ang pumupunta sa Pilipinas?
A. Upang matutunan ang kultura
B. Para mag-aral sa mga unibersidad
C. Dahil sa magandang klima at tanawin
54. Anong aspeto ng bansa ang napapaunlad ng magagandang tanawin ayon sa binasa?
A. Transportasyon B. Turismo at ekonomiya C. Kalusugan
55. Paano nakatutulong ang magagandang tanawin sa bansa?
A. Nagbibigay ng mga bagong kasangkapan
B. Nagpapababa ng presyo ng mga bilihin
C. Nakalilikha ng trabaho at napangangalagaan ang kalikasan
56.Ano ang magandang halimbawa ng talino at galing ng mga sinaunang Pilipino sa
larangan ng paggawa?
A. Paggawa ng hagdan-hagdang palayan
B. Pagbuo ng mga barko
C. Pag-ukit ng mga kahoy na estatwa
57.Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming negosyo ang itinatayo sa Pilipinas?
A. Dahil sa magandang klima
B. Dahil sa galing ng mga manggagawang Pilipino
C. Dahil sa mababang buwis
58.Saang larang kilala ang mga manggagawang Pilipino sa Asya?
A. Pagsasaka B. Pagsasalita ng wikang Ingles C. Pagluluto
59.Ano ang pangunahing tungkulin ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)?
A. Magdala ng produkto sa ibang bansa
B. Maghanapbuhay at makatulong sa ekonomiya ng Pilipinas
C. Mag-aral sa ibang bansa
60.Anong uri ng OFW ang permanenteng naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Overseas Contract Worker (OCW) B. Businessman C. Emigrant
61.Ano ang pangunahing dahilan ng mga OFW sa pagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Para sa mas mataas na suweldo B. Para magbakasyon C. Para matuto ng ibang wika
62.Aling bansa ang hindi karaniwang destinasyon ng mga Overseas Contract Workers
(OCW)?
A. Japan B. Brazil C. Saudi Arabia
63.Anong aspeto ng ekonomiya ng Pilipinas ang pinakikinabangan mula sa remittances ng
mga OFW?
A. Paglago ng dollar reserves B. Pagdami ng turista C. Pagtaas ng mga import
64.Ilan ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa?
A. 1 milyon B. 2.3 milyon C. 3 milyon
65Ano ang pangunahing trabaho ng mga manggagawang umaalis ng bansa?
A. Factory worker B. Construction worker C. A at B
66..Ilang porsiyento ng mga OFW ay kababaihan?
A. 35.5% B. 45.8% C. 55.8%
67.Aling uri ng manggagawa ang pinakakilala sa industriyang Business Process Outsourcing
(BPO)?
A. Call center agents B. Mga guro C. Manggagawang pangkalakal
68.Anong kontribusyon ang hatid ng mga OFW sa kanilang pamilya?
A. Mas mataas na antas ng edukasyon
B. Mga kagamitan at pagtatayo ng negosyo
C. Paglalakbay sa ibang bansa
69.Anong uri ng padala ang mahalagang kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya?
A. Remittances B. Regalo C. Pagkain
70.Sa panahon ng pandemya, sa anong larangan napatunayan ang galing ng mga Pilipinong
manggagawa?
A. Pagluluto B. Paglilingkod bilang medical frontliners C. Pagpapalabas sa pelikula
71.Ano ang pangunahing dahilan ng madalas na pagbuo ng mga bagyo sa Pilipinas?
A. Pagiging bahagi ng Pacific Ring of Fire
B. Malaking populasyon ng bansa
C. Mainit na temperatura ng mga katubigan tulad ng Pacific Ocean
72.Ano ang sanhi ng malalaking daluyong ng bagyo na nararanasan sa Pilipinas?
A. Malalaking bulkan B. Malalaking kagubatan C. Mahabang baybaying dagat
73.Saang lugar madalas na nangyayari ang mga lindol dahil sa pagkakabilang ng Pilipinas
dito?
A. Pacific Ring of Fire B. Equator Belt C. Arctic Circle
74.Ano ang pangunahing sanhi ng mga kalamidad na nararanasan ng Pilipinas na isang
arkipelago?
A. Pagbaha B. Climate change C. Pagputok ng bulkan
75.Ano ang isa sa mga epekto ng sobrang init sa panahon ng tag-init?
A. Pagtaas ng suplay ng pagkain
B. Heat stroke
C. Pagbaba ng temperatura ng katawan
76.Ano ang pangunahing epekto ng kalamidad sa mga ari-arian at imprastruktura?
A. Pag-unlad ng mga bagong gusali
B. Pagkasira o pagkawasak
C. Pagtaas ng halaga ng mga ari-arian
77.Ano ang pangunahing hamon sa panahon ng kalamidad kaugnay ng relief operation?
A. Pagsagip at pagbibigay ng tulong sa mga biktima
B. Pagdadala ng kagamitan sa ibang bansa
C. Pagpapatayo ng mga bagong paaralan
78.Bakit nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain at malinis na tubig pagkatapos ng
kalamidad?
A. Dahil sa pagtaas ng populasyon
B. Dahil sa pagkasira ng kapaligiran at kabuhayan
C. Dahil sa kakulangan ng pondo ng pamahalaan
79.Ano ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin tuwing may
kalamidad?
A. Mataas na demand ng produkto
B. Pagbaba ng halaga ng pera
C. Kakulangan sa suplay o produksiyon ng mga produkto
80.Ano ang epekto ng mga kalamidad sa ekonomiya ng bansa?
A. Pagtutulungan ng mga mamamayan
B. Paghina ng ekonomiya
C. Pagtaas ng kita ng pamahalaan

You might also like