Republika ng Pilipinas
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
Lungsod Agham ng Munoz, Nueva Ecija
PANUNURING PAMPANITIKAN
Hintayan ng Langit : Isang Pagsusuri
ni
PANGILINAN, KEVIN JOSHUA C.
BPED 4-1 Ipinasa kay:
PROP. JOMER A. TANGONAN
Departamento ng Filipino Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan Central Luzon State University NOBYEMBRE 2021
Pelikulang Susuriin:
intayan ng Langit
(10 puntos)
Ang layunin ng pamagat na ito ay upang kumatawan sa kung ano ang tinatawag nilang
“
Ang Gitna
”
sa mga alamat ng ibang relihiyon o kaya tinatawag na purgatoryo (kung saan ang mga kaluluwa ay iniingatan bago nila ang kanilang dalawang magkaibang direksyon na tatahakin at yun ay ang langit at ang impyerno) upang kumatawan sa mga bagay na nangyayari sa loob ng purgatoryo. Isa sa mga kataga o pahayag na nakapag-paiyak o kirot sa aking puso sa palabas ay isa sa nabanggit ni Lisang na
“
Baka sabihin mo ay hindi nanaman kita hinintay
”
na sa tingin ko ay ang pinakaangkop na pahayag kung bakit ito ang layunin ng pamagat, dahil sa katotohanang may palaging may mga pagsisisi na nagmumula sa mga ating nagiging aksyon at ito ay magpapatuloy sa mga kahihinatnan na kumakatawan sa magiging direksyon na tatahakin nito tulad ng nagaganap sa pelikula, habang sila
’
y naghihintay sa purgatoryo para sa kanilang daang tatahakin.
II. AWTOR
(5 puntos)
Pinangunahan ni Dan Villegas ang pelikulang ito bilang isang Filipino Cinematographer at Direktor. Nanalo siya ng 2014 Metro Manila Film Festival Best Director award para sa kanyang Film English Only, Please. Nagtapos siya sa Ateneo de Manila University. Kumuha rin siya ng pelikula sa Marilou Diaz Abaya Film Institute at Berlinale Talents sa Europe. Sinimulan ni Dan Villegas ang kanyang karera bilang isang cinematography na sina Cathy-Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar, Joyce Bernal, at Antoinette
Jadaone. Ang una niyang full-length na pelikula ay ang 2010 Cinemalaya coming-of-age na Mayohan, na nanalong Best Actress, Best Screenplay, Best Original Score, at Best Cinematography ay para kay Villegas mismo. Pagkatapos niyang idirekta ang isang pelikula noong 2014 na pinamagatang sa itaas, ito ang simula ng kanyang karera bilang isang direktor. Siya ay nagdirek ng 10
pelikula, at ang “Hintayan ng Langit” ang kanyang pagbabalik sa
kanyang independent cinema roots.
III. SINOPSIS
(10 puntos)
Dalawang taon ang huli ni Lisang sa iskedyul. Si Lisang ay nag-overstay sa purgatoryo matapos mamatay mula sa komplikasyon ng diabetes sa edad na 60, na paminsan-minsan ay nagdudulot ng problema sa ibang mga kaluluwa para sa kanyang sariling libangan. Pero tapos na ang paghihintay niya ngayon. Ngayon ang araw na sa wakas ay tatawid na siya, at ang kanyang silid ay ipapaupa sa isang bagong nangungupahan, si Manolo, ang kanyang kamakailang namatay na dating kasintahan.
IV. PAGSUSURI A. Sariling Reaksyon
1. Mga Pansin at Puna sa: a. Mga Tauhan (5 puntos) Suriin at ilarawan kung anong katangian ang taglay ng tauhan o kung anong uri ng pagkatao ang taglay nito. Ang mga naging tauhan ng palabas na ito, lalo na kung ang pinaka tauhan ang pag-uusapan at sila ay sina:
Eddie Garcia (bilang si Manolo Rivera)
–
Para sa akin, ang tauhan na ito ay mukhang wala naman siyang naging pagsisisi sa ibang bagay, maliban lang sa di na siya nakapag-paalam sa kaniyang unika iha na siya ding inaaalala niya nab aka hindi nito lubos na matanggap ang pagkawala nito, na siyang lubos na pinag-aalala nito. Sa kabilang banda, siya ay isang naging mapagmahal na kasintahan noon na kahit nabuntis
ang kasintahan niya ay handa niya itong itanan makapagsama lang sila ng kaniyang minamahal na si Lisang, siya din ay isa sa naging mabutihing Ama dahil sa kita naman kung gano sila kalapit ng kaniyang anak nung bago pa man siya mamatay, at higit sa lahat siya ay isang uri ng lalake na hindi nang iiwan ng kaniyang minamahal na babae kahit na dumating sa punto na nabuntis ito ng ibang lalake.
Gina Pareño (Bilang si Mona “Lisang” Lisa Valdez)
–
ang tauhan na ito para sa aking pananaw ay naging mapusok na dalaga gaya ng lamang ng ilang kababaihan ngayon, siya din ay mas mapagmalaki at maipilit ang gusto niya kahit nasa kamalian na siya, at higit sa lahat ay hindi siya marunong magtiis at maghintay sa kaniyang kasintahan na siyang kinauwian sa pagtataksil. Sa kabilang banda naman, siya ay isang uri ng babae na kayang magtiis at maghintay ngunit maikli lamang ito sa kaniya, siya ang isang karakter na nananatiling pipiliin ang kaniyang minamahal sa kabila ng kahit anong pagsubok ngunit sa huli ay nasira ito, at higit sa lahat ay mayroon padin naman siyang malasakit sa kaniyang kapwa lalo na kay Manolo na dati niyang kasintahan.
Kat Galang (Ang Bantay)
–
Para sakin ang karakter na ito ay kalmado at magaling padin sa kaniyang mga binabantayan sa kabila ng pagtrato nila dito, ngunit siya din ay maalalahanin lalo na sa taong may iniinda o ginagawang mali, at maalaga sa kaniyang mga kliyente na napunta sa kaniya. Samantalang, siya ay isang uri ng tao kung saan kalmado lang trumabaho anupaman ang mangyari, at higit sa lahat ay maalaga at mahinahon siyang karakter sa naturang na palabas. b. Tema o paksa (5 puntos) Ang palabas na ito ay patungkol sa isang mga naturang na tanong hanggang sa kasalukuyang panahon kung totoo nga ba na may purgatory o wala kung saan natuklasan natin na tinatalakay sa palabas na ito ay ang kanilang nagiging hintayan kung saan sila