Term Paper

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

I.

Pamagat

Talambuhay ni Manuel H. Bernabe

II.

Suliranin

Paano siya nakilala bilang isang manunulat?

III.

Panimula

Ang Talambuhay ni Manuel H. Bernabe Si Manuel Hernandez Bernabe ay mamamahayag, pulitiko, makata at mambibigkas sa wikang Kastila at Latin. Isinilang siya noong Pebrero 17, 1890.Anak siya nina Timoteo Bernabe at Emilia Hernandez. Sa Ateneo de Manila siya nagsimulang mag-aral at nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siyam na taon lamang siya nang magsimula siyang magsulat ng mga berso sa wikang Kastila at sa gulang nalabing-apat ay bumibigkas na sawikang Latin. Si Bernabe ay isang makatang liriko at ang karaniwang paksang kanyang mga tula ay mga pista at pagdiriwang bagamat kahit ano ng paksa ay kaya niyang tulain. Pambihiraang kanyang hilig sa pagtula.

Sa isangBalagtasan kung saan nag laban sina Bernabe at Balmori sa paksang El Recuerdo y el Olvido ay walang nahayag na nanalo sa pagkat kapwa sila mahusay subalit sa tunog ng palakpakan pagkatapos ng Balagtasan, lumabas na si Bernabe ang nakaakit sa mga nakikinig. Mahusay rin siya sa balagtasan kung saan isa sa kanyang mga katunggali ay si Jesus Balmori. Napabilang siya sa patnugutanng La Democracianoong 1912; at ng La Vanguardianoong 1918. Nahalal siyang kinatawan sa distritong Rizal sa Kongreso at pagkaraan ay nagging director siyang Pambansang Aklatan. Ang katipunanng mga tulang nasulat ni Bernabe ay pinamagatang Cantos El Tropico (MgaAwitngTropico). Angisa pang aklat ni Bernabe na naglalaman din ng kanyang mga sinulat ay ang Prefil de la Cresta. Dito nakasama ang salin niyang Rubaiyatni Omar Khayyam at prologoni Claro M. Recto. Guro din s iBernabe.Nagturosiyang Kastila sa Unibersidad ng Pilipinas, Far Eastern University, Philippine Law School at Colegio de San Juan de Letran. Nagingtagapag-ulatsiyang La Democracia at La Vanguardia. Ang mahuhusay na tula ni Bernabe ay: No Mas Amor Que El Tuyo, El Imposible, CantaPoeta, Castidad, Mi Adios a Ilo-ilo at Espana en Filipinas. Si Bernabe ang binigyan ng taguring Haring Balagtasan sa Wikang Kastila.

Pinili siyang kasaping Royal Academy of the Spanish Language sa Pilipinas noong 1930 at kinilalang poet laureate in Spanish noong 25 Pebrero 1950. Dahil sa walang sawang pagsusumikap ni Bernabe na palaganapin ang wikang Espanyol, tumanggap siya ng dalawang karangalan mula sa Espanya, ang El Yugo y lasFlechasnoong 1940 at Orden de Isabela la Catolicanoong 1953. Ang pinakabantog na ginawa niya ay No Mas Amor Que El Tuyo, El Imposible, CantaPoeta, Castidad, Mi Adios a Ilo-ilo at Espana en Filipinas. Binawian siyang buhay noong 29 Nobyembre 1960 sa Paraaque dahil sa coronary tuberkulosis. MgaSinulat The Hymn to the Sacred Heart of Jesus El Zapote Espaa en Filipinas Cantos del Tropico, 1929

y y y y

No Mas Amor Que El Tuyo

Letra de Manuel Bernabe (see biography below) Musicadel Simeon Resurreccion

No masamorque el Tuyo O corazondivino, El pueblo Filipino, Te da sucorazon. En templos y en hogares, Teinvoquenuestralengua, Tureinaras sin mengua De Aparri hasta Jolo.

Coro:

Ha tiempoqueesperamos Tuimperio en el Oriente, La fe de Filipinas Escomo el sol ardiente,

como la rocafirme, Inmensacomo el mar. La iniquidad no puede Ser de estasislasduena Queizada en nuestrosmontes, Tu celestial ensena, Las puertas de infierno No prevaleceran.

IV.

Layunin

a. Maisaliksik ang talambuhay ni Manuel H. Bernabe b. Malaman kung ano ang mga nakamit niyang gantimpala c. Maibahagi sa iba ang talambuhay ni Manuel H. Bernabe

V.

Kahalagahan ng Paksa

Mahalaga ang pagsasaliksik na ito dahil upang malaman kung paano siya nagging isang manunulat at kung ano angkanyang mga nagawa. Gaya nalang ng mga awit nanagawa niya. Mahalaga din ito upang makilala siyang mga tao at maging sikat siya sa larangan ng pagsulat.

VI.

Paraan ng Pananaliksik

a. Pagbuo ng balangkas b. Paghanap ng mgadatos c. Pagbasa at pagsulat tungkol sa paksa d. Pagsama-samang mga detalye sa paraang pagsasalin sa wikang Filipino

VII.

Katuturan ng mga salita

Talambuhay- ay isang libro tungkol sa mga sikat na tao ang buhay. Ito ay ang isinulat na buhay ng mga tao o bayani simula noong sila ay ipinanganak hanggang sila ay mamatay. Maaari silang maging modernong o makasaysayang biyograpiya. Narito ang ilang halimbawa; popular isa, ang kasaysayan,modernong talambuhay. Ang taon biyograpiya unang nagsimula ay 1700s. Balagtasan- Ang balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda atduplo. Ang pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo ng kanyang kaarawan.

Tulang Liriko- Ang tulang liriko ay may himig awit pa rin hanggang ngayon bagamat pinatutunayan ng makata na hindi na kailangan ang isang lira o anupamang instrumento upang siyay umawit. Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita. Palibhasay matindi siya kung magdamdam, ang kanyang mga salita at damdamin ay nalilikha ng tunog na maaliw-iw at nakagagayuma.

VII.

Paglalahad ng paksa

Ang malaman ang talambuhay ni Manuel Bernabe ay isa ng dagdag sa aking kaalaman. Siya ang awtor na maraming kakayahan pagdating sa pagsulat ng mga awit at iba pa. Magaling din siya pagdating sa balagtasan dahil dito tinagurian din siyang hari ng balagtsan tulad ng ibang mga kilalang awtor. Humanga pa ako sa kanyang angking galing dahil bata pa lang siya ay nakakapagsalita na siya ng salitang Latin. Isa rin siyang makatang liriko.

IX.

Konklusiyon

Ang awtor na tulad niya ay dapat kinilala din dahil sa mga gawa niyang nagpatanyag sa kanya at kumilala rin sa panitikan ng Filipino. Kaya siya naging tanyag ay dahil sa mga gawang obra. May mga gawa siyang awit na ang gamit ay wikang Latin. At dahil dita binigyan siya ng parangal ng taga Espanya.

X.

Pagbibigay ng kuro-kuro at mungkahi

Si Manuel Bernabe ay isang magaling na munulat at magaling din pagdating sa balagtasan. Awtor siya na madaming tinatago na galing.

XI.

Talasanggunian

a. www.google.com.ph\.,Martes-Disyembre 12, 2011 b. www.yahoo.com.ph\.,Martes-Disyembre 12, 2011 c. www.wikifilipino.com.ph\.,Martes-Disyembre 12, 2011

You might also like