TULA-Bayani NG Bukid
TULA-Bayani NG Bukid
TULA-Bayani NG Bukid
BAYANI NG
BUKID
ni
Alejandrino Q. Perez
MAHAHALAGANG TANONG
1. Naniniwala ka bang ang tula ay
may malaking naiambag sa
kamalayang panlipunan ng mga
Pilipino? Bakit?
2. Bilang isang kabataan, paano
ka makatutulong sa
pagpapaunlad ng kabuhayan sa
bansa?
Gumawa ka ng isang masusing
paghahambing ng katangian o uri ng
pagsasaka noon at ngayon. Itala ang
iyong sagot sa T-chart na makikita sa
ibaba.
Ang Agrikultura sa Pilipinas
Ang Pagsasaka Noon Ang Pagsasaka Ngayon
PAYABUNGIN NATIN
A. Napagtatambal ang Dalawang Salitang Magkasingkahulugan
Pagtambalin ang dalawang salitang magkasingkahulugan sa
loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang sa ibaba.
Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.
armas malinamnam nagmula nakalaan
dukha masarap nanggagaling mariwasa
dumami matapang nakahanda nasisiyahan
hangad mayaman nais sandata
mabagsik nagagalak mahirap sumagana
1. nakahanda - nakalaan
2. _________ - _________
3. _________ - _________
4. _________ - _________
5. _________ - _________
6. _________ - _________
7. _________ - _________
8. _________ - _________
9. _________ - _________
10._________ - _________
B. Natutukoy ang Salitang-ugat Mula sa Salitang
Maylapi
Tukuyin ang salitang-ugat ng maylaping salitang
nakasulat nang may diin na ginamit sa pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa kahon.
1. Bihira na ang gumagamit ngayon ng araro sa
paglilinang ng bukid.
2. Tiyak na hindi na magdaranas ng pagdarahop sa
pagkain ang balana kung ang ani ng mga sakahan
ay sagana.
3. Sa mga lalawigan ay iyong mamamalas ang
malalawak na bukirin.
Pangunahing Kaisipan
Ang mga magsasaka ay tunay na mga
bayani ng ating bansa.
Gintong-aral na natutuhan
MAGAGAWA NATIN:
Naihahambing ang sariling saloobin at damdamin sa
saloobin at damdamin ng nagsasalita sa akdang
binasa.
Sa binasang tula ay iyong madarama kung gaano
karubdob ang pagpapahalaga ng nagsasalita
patungkol sa pagsasaka. Sa double entry journal
sa ibaba ay itala ang naghaharing saloobin at
damdamin ng may-akda kung paano niya
ginugugol ang kanyang oras at lakas upang
kanyang mapagbuti ang pagbubungkal ng
sakahan sa layuning makapag-ani ng sapat na bigas
na mapakikinabangan ang kanyang bayan.
Gayundin naman ay ilahad ang iyong saloobin at
damdamin kung paano ka makatutulong upang
muling mapagyaman at sumigla ang pagsasaka sa
ating bansa.
Mga saloobin at Ang aking sariling
damdamin ng saloobin at damdamin
nagsasalita kung paano kung paano ako
niya pinahahalagahan makatutulong upang
ang pagsasaka. muling mapagyaman ang
1. pagsasaka.
2. 1.
3. 2.
4. 3.
5. 4.
5.