Klima, Mga Kontinente at Anyong Lupa at Tubig

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

RAINULFO P.

PAGARAN
Ang Klima

 Ang malaking bahagi ng ating


planeta ay may kaaya-ayang
atmospera at sapat na sinag ng
araw, init at tubig upang
matustusan ang pangangailangan
ng mga halaman at hayop sa balat
ng lupa.
Mahalaga ang papel ng
klima, ang kalagayan o
kondisyon ng
atmospera sa isang
rehiyon o lugar sa
matagal na panahon.
Pangunahing salik sa
pagkakaiba-iba ng mga klima
sa daigdig ang natatanggap
na sinag ng araw ng isang
lugar depende sa latitude at
gayon din sa panahon,
distansiya mula sa karagatan,
at taas mula sa sea level.
 Ang mga lugar na malapit sa
equator ang nakararanas ng
pinakasapat na sinag ng araw at
ulan na nararanasan sa buong
daigdig.
 Dahil dito, maraming habitat o
likas na tahanang nagtataglay ng
iba’t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga
lugar na ito.
 Kabilang sa mga ito ay ang mga
rainforest, coral reef, at mangrove
swamp.
 Kapag bihira naman ang pag-ulan at
napakainit ng panahon sa isang pook,
tulad ng disyerto, kakaunti ang
maaaring mabuhay na mga halaman at
hayop dito.
 Ganito rin ang maaaring asahan sa mga
lugar na lubhang napakalamig ng
panahon.
Ang mga Kontinente

Tinatawag na kontinente ang


pinakamalawak na masa ng lupa
sa ibabaw ng daigdig.
May mga kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang
iba ay napapalibutan ng
katubigan.
 Ayon kay Alfred Wegener, isang
German na nagsulong ng
Continental Drift Theory, dati ng
magkakaugnay ang mga kontinente
sa isang super kontinente na
Pangaea. Dahil sa paggalaw ng
continental plate o malaking bloke
ng bato kung saan nakapatong ang
kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang
Pangaea at nabuo ang
Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig?

 240 milyong taon – Mayroon lamang


isang super continent na tinawag na
Pangaea na pinaliligiran ng karagatang
tinawag na Panthalassa Ocean.
 200 milyong taon – Nagsimulang
maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea
hanggang sa mahati sa dalawa:
Laurasia sa Northern Hemisphere at
Gondwana sa Southern Hemisphere.
65 m ilyong taon – Nagpatuloy
ang paghihiwalay ng mga
kalupaan. Mapapansin ang
India na unti-unting dumidikit
sa Asya.
Sa kasalukuyan – Unti-unti ang
paggalaw ng mga kontinente.
Tinatayang 2.5 sentimetro ang
galaw ng North America at
Europe bawat taon.
7 KONTINENTE NG MUNDO

 Africa
 Antarctica
 Asya
 Europe
 North America
 South America
 Australia
AFRICA

 Nagmumula sa Africa ang malaking


suplay ng ginto at diyamante. Naroon
din ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa buong
daigdig, at ang Sahara Desert,na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa
ang nagtataglay ng pinakamaraming
bansa kung ihahambing sa ibang mga
kontinente.
ANTARCTICA

 Ang Antarctica ang tanging


kontinenteng natatakpan ng yelo na
ang kapal ay umaabot ng halos 2 km.
(1.2 milya). Dahil dito, walang taong
naninirahan sa Antarctica maliban sa
mga siyentistang nagsasagawa ng pag-
aaral tungkol dito. Gayunpaman,
sagana sa mga isda at mammal ang
karagatang nakapalibot dito.
ASYA
 Pinakamalaking kontinente sa
mundo ang Asya. Sinasabing ang
sukat nito ay mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng North at
South America, o sa kabuuang
sukat ng Asya ay tinatayang
sangkatlong (1/3) bahagi ng
kabuuang sukat ng lupain ng
daigdig.
Nasa Asya rin ang China na
may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang
Mt. Everest na pinakamataas
na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal
at Tibet sa China.
EUROPE

 Ang laki ng Europe ay


sangkapat (1/4) na bahagi
lamang ng kalupaan ng Asya. Ito
ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak
na halos 6.8% ng kabuuang lupa
ng daigdig.
AUSTRALIA

Ang Australia ay isang bansang


kinikilala ring kontinenteng
pinakamaliit sa daigdig.
Napalilibutan ito ng Indian
Ocean at Pacific Ocean,at
inihihiwalay ng Arafura Sea at
Timor Sea.
 Dahil sa mahigit 50 milyong taong
pagkakahiwalay ng Australia bilang
isang kontinente, may mga bukod
tanging species ng hayop at
halaman na sa Australia lamang
matatagpuan.
 Kabilang dito ang kangaroo,
wombat, koala,Tasmanian devil,
platypus, at iba pa.
NORTH AMERICA

 Ang North America ay may hugis na


malaking tatsulok subalit mistulang
pinilasan sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of Mexico.
Dalawang mahabang kabundukan
ang matatagpuan sa kontinenteng ito
– ang Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains sa
kanluran.
SOUTH AMERICA

 Ang South America ay hugis


tatsulok na unti-unting nagiging
patulis mula sa bahaging equator
hanggang sa Cape Horn sa
katimugan. Ang Andes Mountains
na may habang 7,240 km (4,500
milya) ay sumasakop sa kabuuang
baybayin ng South America.
Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente
Kontinente Lawak (km²) Tinatayang Populasyon Bilang ng Bansa
(2009)
Asya 44,614,000 4,088,647,780 44
Africa 30,218,000 990,189,529 53
Europe 10,505,000 728,227,141 47
North America 24,230,000 534,051,188 23
South America 12,814,000 392,366,329 12
Antarctica 14,245,000 -NA- 0
Australia at Oceania 8,503,000 34,685,745 14
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig
Pinakamataas na Bundok ng Daigdig

Bundok Taas (sa metro) Lokasyon


Everest 8,848 Nepal/Tibet
K-2 8,611 Pakistan
Kangchenjunga 8,586 Nepal/India
Lhotse 8,511 Nepal
Makalu 8,463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8,167 Nepal
Manaslu 8,163 Nepal
Nanga Parbat 8,125 Pakistan
Annapurna 8,091 Nepal
Mga Karagatan sa Daigdig
Karagatan Lawak (sa Average na Pinakamalalim na Bahagi
kilometro lalim (sa talampakan)
kuwadrado) (sa
talampakan)
Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840 talampakang
lalim
Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench, 28,232 talampakang
lalim
Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376 talampakang lalim
Southern Ocean 20,327,000 13,100 (4,000 - 5,000 metro) 16,400 talampakang
lalim, ang katimugang dulo ng South
Sandwich Trench, 23,736 talampakang
lalim
(7,235 metro)
Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881 talampakang lalim
THANK YOU FOR LISTENING!
AGYAMANAK TI PANAG DINGNGIG
YU!
MABBALO TA PAGINNA NU!
MABBALAT SO PADDINGAG JAW!

You might also like