Ang Teritoryo NG Pilipinas6

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

AIKER JOHN M.

VILLANUEVA
CAMBITU ELEMENTARY SCHOOL
Ang kapuluang Pilipinas ay may lawak
na 30,000,000 ektarya o 300,000
kilometrong parisukat. Mas maliit ito
kaysa bansang Japan ngunit mas malaki
nang kaunti kaysa Laos o Cambodia.
Nakasaad sa iba’t ibang kasulatan ang
laki, lawak at hangganan ng ating
teritoryo. Ang mga kasulatang ito ay ang
mga sumusunod: Saligang Batas,
Doktrinang Pangkapuluan, Kasaysayan
at mga Atas ng Pangulo 1596 at 1599.
ANG MAPA NG TERITORYO NG
PILIPINAS
SALIGANG BATAS
Ayon sa Konstitusyon ng 1987, ang
pambansang teritoryo ay binubuo ng
kapuluan ng Pilipinas kasama ang
lahat ng iba pang teritoryo na nasa
ganap na kapangyarihan o
hurisdiksyon ng Pilipinas na binubuo
ng nga katubigan at himpapawid nito
kasama ang dagat teritoryal, ang
ilalim ng dagat, ang kailaliman ng
lupa, ang mga karagatang insular, at
ang iba pang pook submarina nito.
Ang mga karagatang nakapaligid,
nakapagitan, at nag-uugnay sa mga
pulo ng kapuluan maging ano man
ang lawak at dimensyon ay kasama
rin sa hangganan ng Pilipinas.
ARCHIPELAGIC DOCTRINE
Ayon sa Doktrinang Pangkapuluan
na pinagtibay sa United Nations
Convention on the Law of the Sea
(UNCLOS), ang lawak at
hangganan ng teritoryo ng
Pilipinas ay binubuo ng teritoryo
ng bansa na bumubuo sa
Kapuluang Pilipinas; lahat ng mga
pulo at bahaging tubig na sakop
nito; ang ilalim ng dagat at ilalim
ng lupa, at ng kalawakan sa itaas
at mga yamang nasasakupan nito.
Ayon sa Kasulatan o
kasunduan na
nilagdaan ng United
States at Spain
noong Disyembre
10, 1898, hindi
kasama sa teritoryo
ng Pilipinas ang
ilang bahagi ng pulo
ng Sulu.
Ayon sa kasunduan
sa Paris noong
Nobyembre 7, 1900
nadagdag sa
Pilipinas ang
Cagayan, Sulu at
Sibutu Islands.
Noong Enero 2, 1930, sa
kasunduan sa pagitan ng
United States at Great
Britain at ipinahayag dito
ang mga hangganan na
sakop ng Pilipinas
kaugnay ng hangganan ng
Hilagang Borneo, kung
saan nadagdag sa
teritoryo ang pulo ng
Mangsee at Turtle
Islands.
MANGSEE ISLAND

TURTLE ISLAND
Ayon sa Atas ng Pangulo blg. 1596
na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
E. Marcos, noong Hunyo 11, 1978,
ang pangkat ng mga pulo ng
Kalayaan ay itinuturing na sakop ng
Pilipinas. Dalawang daan at
pitumpong kilometro (270 km.) mula
sa baybayin ng Palawan ang mga
pulong ito. Kasunod nito ay
ipinahayag sa Atas ng Pangulo blg.
1599 ang pagtatatag ng natatanging
sonang pangkabuhayan. Sumusukat
ang sonang ito ng mga 320 km. mula
sa baybayin.

You might also like