Kasaysayan NG Epiko

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

LARAWAN NG KABAYANIHAN



• Ano ang iyong pagkakakilala sa
kanila bilang mga tauhan?
• Ano ang mga katangian nila na
‘di makikita sa karaniwang
tao?
• Maituturing ba silang mga
bayani? Bakit?
• Alam mo ba na noon pa man ay
may kinikilala na ang ating mga
ninuno na tulad ng mga Pinoy
Superhero sa kasalukuyan?

• Matatagpuan sila sa ating mga


epiko. Itinuturing sila bilang mga
bayani ng kani-kanilang rehiyon.
Kung nais nating mabakas
ang kasaysayang may
kaugnayan sa kalinangan ng
ating lahi at nais nating
matagpuan muli ang ating mga
sarili ay napapanahon na upang
balikan at pagtuunan ng pansin
ang ating mga epiko.
Bagama’t ito ay nalikha
batay sa kababalaghan at
nagtataglay ng mga di-
kapani-paniwalang
pangyayari, kasasalaminan
ang epiko ng kultura ng
rehiyong pinagmulan nito na
tunay na maipagmamalaki.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Ang epiko ay isang uri ng
panitikan na nagsasalaysay tungkol
sa kabayanihan at pakikipagtunggali
ng pangunahing tauhan laban sa
mga kaaway na halos di
mapaniwalaan dahil ang mga
pangyayari ay pawang
kababalaghan at di-kapanipaniwala
Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may
maipagmamalaking
epiko.
Ang salitang epiko ay mula sa
salitang Griyegong “epos” na
nangangahulugang salawikain
o awit.
Isa itong mahabang
salaysay na anyong patula na
maaring awitin o isatono.
Hango ito sa pasalindilang-
tradisyon tungkol sa mga
pangyayaring mahiwaga o
kabayanihan ng mga
tauhan.
May nagsasabing ang epiko
daw ay hango sa pangalang
Kur isang lalaki na kinuhang
manunulat ng mga Espanyol sa
kanilang kapanahunan dahil sa
kanyang likas na pagiging
malikhain at matalino.
Lahat ng kanyang mga
isinulat ay tinawag niyang
epikus ,na di kalaunan’y
tinawag ng mga Espanyol
na epiko na ang ibig
sabihin dakilang likha.
Kilala sa mga Iloko ang
epikong Biag ni Lam-ang
(Buhay ni Lam-ang). Ito ay
isinulat ng makatang si
Pedro Bukaneg na sininop
at pinag-aaralan pa rin
hanggang sa kasalukuyan.
Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong
Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang
Bicolano ay iningatan ni Padre Jose
Castaño noong ika-19 dantaon.
Gayundin ang epikong Handiong ng
mga Bicolano na batay naman sa mga
bagong pananaliksik ay likha ng isang
paring Español at hindi sa bibig ng mga
katutubo.
Sa Visayas naman nagmula
ang epikong Maragtas,
at sa Mindanao ang
pinakamahabang epiko sa Pilipinas
na Darangan. Nakapaloob sa
Darangan ang kilalang mga
epikong Prinsipe Bantugan,
Indarapatra at Sulayman at
Bidasari.
Ang mga kapatid naman
natin sa CAR (Cordillera
Administrative Region)
partikular sa Ifugao ay
may ipinagmamalaki
namang Hudhud at Alim.
Sa nakaraang ikadalawampung
siglo, isa-isang naitala ng mga
mananaliksik at dalubhasa ang
marami pang epikong- bayan mula
sa iba’t ibang dako ng bansa.
Ayon sa kanila, nauuri ang
epikong nasusulat ayon sa
kasaysayan ng lugar na kinatagpuan
nito.
Halimbawa, nasa pangkating
Kristiyanong epiko ang Lam-ang
at Handiong,
samantala, nasa pangkating
Muslim naman ang mga
epikong Bantugan, Indarapatra
at Sulayman, Parang Sabil at
Silungan.
Ibinilang naman sa pangkating Lumad
(di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim
ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao,
Labaw Donggon ng Hiligaynon,
Hinilawod at Agyu ng Mindanao,
Kudaman ng Palawan, Tuwaang ng
mga Bagobo, Ulod, Sambila, at
Guman ng Bukidnon, at marami pang
iba.
Mahalaga sa mga sinaunang
pamayanan ang epikong-bayan.
Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito
ay nagsisilbing pagkakakilanlang
panrehiyon at pangkultura.
Ginagamit ito sa mga ritwal at
pagdiriwang upang maitanim at mapanatili
sa isipan ng mga mamamayan ang mga
kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin
ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng
ating mga ninuno.

You might also like