Wastong Pangangalaga Sa Katawan

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Wastong Pangangalaga sa Katawan

Outreach Activity 2019


AMA Computer College Batangas
17 August 2019
Partikular na Layunin
 Makapagbigay ng kahulugan at malaman ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng wastong pamamaraan ng pag-alaga ng
ating katawan.
 Matukoy ang mga sitwasyon na kakailanganin ito.
 Matukoy ang magiging epekto sa di sapat at wastong
pangangalaga ng katawan.
 Makapagbigay ng ibat’ibang paraan ng wastong
pangangalaga ng katawan (Paghugas ng kamay, pagsisipilyo,
pagligo) at malaman ang halaga ng mga ito.
 Alamin kung Naintindihan ang mga ito sa pamamagitan ng
pagtatanong at pagsasadula.
Ano ang hygiene o palasulugan?
 Ang palalusugan ay may kinalaman ukol sa kalusugan at
pag-iwas mula sa mga karamdaman.
 Isa itong gawain ng pagiging malinis.

 Halimbawa:
 paghuhugas ng katawan
 pag-aahit
 wastong paggamit ng kasilyas
 tamang pananamit.
Ano ang hygiene o palasulugan?
 Ito ay itinuturo sa mga kabataan sa kanilang murang
gulang at sa kalaunan ay nagiging gawaing kabihasnan na.
 Ang mga mabuting taong walang palalusugan ay maaaring
maging mabaho ang amoy, mabungian ng mga ngipin, at
magkasakit.
Bakit Kailangan ng wastong Palalusugan?

Upang maiwasan ang


klase- klase na mga sakit.

Upang magkaroon ng
malusog na buhay.

Para tumaas ang tiwala


at kumpyansa sa sarili.
Wastong Palalusugan ay kailangan tuwing:
 Paghuhugas ng Kamay

 Pagkatapos humawak ng maruming bagay.

 Pagkatapos maglaro.

 Bago kumain.

 Pagkatapos gumamit ng banyo.


Mga Posibleng makuha sa hindi sapat at
wastong palalusugan:

Pagkakaron ng sakit tulad


ng (e.g. diarrhea, colds,
coughs, atbp.)

Sakit sa balat

Mataas na tyansa na
pagkakaroon ng kuto
sa ulo.
Mga Posibleng makuha sa hindi sapat at
wastong palalusugan:

Pagkabulok o sira ng ngipin.

Mabahong hininga

Mababa ang tiwala sa sarili


Dapat tandaan:
Maligo araw-araw.
Palaging maglinis ng kuko.

Magsipilyo dalawa/tatlong
beses sa isang araw.
Ugaliing magsipilyo bago
matulog at pumasok sa
skwelahan at pagkatapos
kumain.
Mga Paraan at Kaugalian
patungkol sa Palalusugan
Paghugas ng Kamay

 Ito ay isang madaling paraan upang maiwasan ang


impeksyon dulot ng baktiryang nakukuha sa mga
bagay na ating hinahawakan. Mahalagang ugaliing
maghugas ng kamay pagkatapos humawak ng
maruming bagay, o pagkatapos maglaro, magbanyo at
bago kumain upang maiwasan ang pagkakarooon ng
sakit.
Paraan ng Paghugas ng Kamay
 Basain ang kamay ng tubig mula sa gripo
 Sabunin ang palad ng kamay ng
masinsinan
 Kuskusin ang mga kamay, maging ang
kamao at
 mga gilid at gitna ng mga daliri
 Ikuskos rin ang mga dulo ng daliri sa
palad ng kabilang kamay
 Banlawan ng mabuti ang kamay
 Punasan ang mga kamay ng paper towel o
hand dryer.
Pagligo

 Ang ating katawan ay lumalabas ng ibat’ibang klase ng


amoy galling sa iba’t- ibang klase ng dumi na nilalabas. An
g ating balat ay an gating pangunahing depensa na
nagbibigay proteksyon laban sa impkesyon. Ugaliing
malligo araw-araw upang maalis ang mga baktiryang
nagdudulot ng amoy at impeksyon na nakukuha ng ating
balat.
Paraan ng Pagligo
 Buksan ang gripo
 Basain ang katawan.
 Gumamit ng sabon at ipabula gamit ng kamay.
 Tutukan ang mukha, taenga, leeg, braso, kamay, singit,
dibdib, tyan, hita, at talampakan.
 Magbanlaw.
 Gumamit ng shampoo sa paglinis ng buhok.
 Basain ang buhok, maglagay ng konti nito sa tabo na
may konting tubig, at ilagay sa buhok.
 Masahiin, lalo na ang anit.; pagkatapos ay banlawan.
Tuyuin gamit ang malinis at tuyo na twalya.
Pagsisipilyo

 Ang ating bibig ay unang bahagi n gating digestive system,


ningunguya nito ang lahat n gating kinakain. Minsan kapag
kumakain may naiiwang tira, na nagdudulot ng pagkasira
at pagkabulok ng ngipin. Pagsisipilyo ay isang paraan ng
paglinis, at pagiwas sa pagkasira ng ngipin. Iniiwasan din
nito ang pagkakaroon ng mabahong bibig.
Paraan ng Pagsisipilyo
 Sipilyuhin ang labas ng ngipin sa itaas, mula sa gilagid, pababa.
 Sipilyuhin ang labas ng ngipin, sa ibaba, mula sa gilagid, pataas.
 Sipilyuhin ang loob ng ngipin sa itaas, mula sa gilagid, pababa.
 Sipilyuhin ang loob ng ngipin sa ibaba,mula sa gilagid, pataas.
 Sipilyuhin ng paroo’t parito ang mga bagang, pangkagat,
pangnguya, na nasa itaas.
 Sipilyuhin ng paroo’t parito ang mga pangkagat na nasa ibaba.
 Sipilyuhin ang dila.
 Pagkasipilyo, gumamit ng dental floss o malinis na sinulid upang
linisin ang pagitan ng mga ngipin.

You might also like