Ariel Joy Cab Lay

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PANITIKAN

NG
REHIYON II
•BATANES
•CAGAYAN
•ISABELA
•NUEVA VISCAYA
•QUIRINO
MGA TULA
SA
REHIYON II
IVATAN
Muyin Paru Ninu
Kaninong mukha ang aking nasasalamin
Sa mainit na tubig na aking iinumin?
Ayaw kong inumin ang aninong nakikita
Kung ako’y mamatay huwag mo akong ililibing
Sa krus ni San Felix; ilibing mo ako
Sa ilalim ng iyong mga daliri, para ako’y
Maisubo mong kasabay ng iyong mga daliring iyong
kakainin;
Para ako’y mainom mong kasama ng bawat baso
Ng tubi ng iyong iinumin.
Dumheb Ako Dumanis
Itinatago ko aking mukha at umiiyak tuwing makita ko
Ang aking mga kababata
Lahat sila’y tumatangkad at mas malaki pa
Sa mga halamang sa chipuhu at nunuk
Subalit ako, ang kawawang ako, di man lang tumangkad
Gaya ng damo sa pastula
Ngayon para akong ligaw
Na kahoy na di man Ilang tinangkad hanapin
Ng aking mga pinsan at iballik sa tahanan
MEDIKO
ni Benigno Ramos
May isang medikong natapos mamatay
Nagtangkang umakyat sa sangkalangitaan,
Siya, na sa lupa ay iginagalang ,
Walang salang doo’y may sadyang luklukan

Yang kaluluwang ngayo’y naglalakad


Walang automobil at resetang hawak,
Sa gitna ng ilang ay iiyak-iyak
Na animo’y batang nat’yanak sa gubat.

Nag iisa siyang bumangon sa hukay


At walang aliping sa kanya’y nagbantay
Walang konsulteryong siksikan sa dalaw
Walang telepono na nananawagan.
Walang taning damit sa kanyang paglakad
Kung hindi ang lambong ng maputing ulap.
Wala ni isa mang taong makausap,
Ang lahat sa kanya ay kasindak-sindak.

Tumuktok sa pinto, pagdating sa langit,


“Huwag kang tumuloy!” ang sigaw ng tinig.
Sa bayan ng Diyos at walang may sakit,
Dito ay wala kang k’wartang mahahapit.
ANG DIYOS KO
ni Benigno Ramos
Ang Diyos ko’y wala sa loob ng templo
Ni isa sa mga pista’t ugong ng organo,
Ni wala sa piling ng mga Obispo
At ng magagara’t mayayamang tao.

Ang Diyos ko’y nar’on sa gitna ng bukid,


Sa laot ng parang, sa nayong tahimik,
Naroon sa piling ng naghihinagpis
At sa mga batang may pusong malinis.

Naroo’t kapiling ng obrerong abang


Di tinitilaan ng pawi sa mukha,
Naroon sa tabi ng abang matandang
Namamatay- gutom at lipos ng luha….
Namamatay-gutom at lipos ng luha…..

Naroon sa diwa ng nangagsisikap


Magising ang bayat at magbagong-palad
Naroon sa bibig ng katuwirang ganap
Na di natatakot yumakap sa hirap.

Ang Diyos ko’y wala sa gitna ng aliw


At di nakikita sa gitna ng ningning,
Doon sa may lungkot, doon sa may lagim,
Doon sa may habag-doon mo hanapin!
ANG LOYALISTA
ni Reynaldo A. Duque
Huwag, huwag ka nang mag-imberna
Sa gitna ng buhos ng ulan
Malayo, malayo pa ang iyong
lalakbayiin
Hindi yupi ang lumbo ng iyong
panimdim
Nakapinid na ang mga taberna
Panaghoy mo’y di na alintana
Dito, ipako ka na nila
Ay duduruan ka pa sa mukha!

Huwag, huwag mo nang hintayin


Na tumila pa ang buhos ng ulan
Bagak na, bagak na ang hininga
Ng kerwe ng sakbibi ng bakling sanga
Hagkan mo ang dilim sa iyong palad
Wala na rito ang kawaksi mong liyag;
Huwag, huwag ka nang tumigil
Sa gitna ng buhos ng ulan,
Huwag, huwag ka nang marapa at lansangan
Daan mo’y dapat ding bagsakain ng ulan
Ipagpatuloy ang paglalakbay
Hayaan mo silang maghilik sa hukay;
Dito, matindi ang mga bangungot
Na gigising ng sigaw mong kurus!
AWIT NG PAG-IBIG NG ISANG DALAGA

(Ibanag)

Hintayin mo ako, hintayin mo ako


Doon kung san ka namumutol ng puno
Pumupunta tayo doon at manguha ng dalandan
Kakainin natin sa damuhan.

Sa damuhan na kinatitirikan ng ating mga bahay.


Nanggaling ka sa kagubatan.
At hindi ka nakakuha ng anumang binhi
Wala ring binili para sa akin.

You might also like