Mga Pangkat Etnolinggwistiko
Mga Pangkat Etnolinggwistiko
Mga Pangkat Etnolinggwistiko
Etnolinggwistiko
Mga
Ilokano
Ang Ilokano ay tumutukoy sa wika at
kultura na may kaugnayan sa Ilokano,
ang pangatlong pinakamalaking
pangkat-etniko sa Pilipinas. Sa hilagang-
kanlurang bahagi ng Luzon ang
katutubong lugar ng mga Ilokano at ito
ang nagbibigay ng pagkakakilanlan
para sa Rehiyon ng Ilocos.
Ang "Ilokano" ay karaniwang
katawagan din sa Iloko (o Iluko), ang
wika ng mga Ilokano.
Bukod sa ugali ng mga ilokano na
masipag, masinop at mabait. Ilan sa
mga kaugalian, tradisyon o paniniwala
ay ang mga sumusunod:
Kasal- Nagbibigay ng dote ang lalaki
sa magulang na babae.Ito ang
kanilang magiging puhunan o
paumpisa sa buhay magasawa.-Ang
babae ay may talukbong na puting
tela sakay ng "kanga o paragos" na hila
Patay- Ang kamag anak ng
namatayan ay nagtatali ng
puting tela sa noo. Ito ay
pagbibigay galang sa namatay
at upang mapunta ang
kaluluawa nito sa langit. Ang
patay ay nililubing sa ilaim ng
kusina, sa lugar kung saan
napagtatapunan ng tubig.
Buntis- Pagdadala ng asin
sa labas upang maitaboy
ang masamang espiritu.-
Sa hilot o midwife ang
karaniwang tumutulong sa
panganganak ng babae.
Mga
Kapampangan
Kultura
Ang mga Kapampangan ay
kilala dahil sa kanilang galing sa
pagluluto ng iba't-ibang putahe
tulad nalamang ng sisig. Isa pa sa
mga masasayang selebrasyon sa
Pampanga ay ang mga Piyesta
tulad ng Sisig Festival, Tigtigan
Terakan, Ligligang Parol, Santa
Cruzan at iba pa na napakasaya.
Sining
Dito sa Pampanga, maraming mga bagay na
gawa sa mga kahoy, mga bagay na umiilaw tulad
ng mga parol at mga artifacts.
Ang mga artifacts ay maaring matagpuan sa
Betis, Pampanga. Ang mga kapampangan doon
ay kilala sa galing nilang pagukit ng mga furniture
na gawa sa mga kahoy tulad ng lamesa, pinto, at
upuan.
Ang mga nagbibidahang parol naman ay
matatagpuan dito sa San Fernando, Pampanga.
Gumagawa sila ng iba't-ibang hugis, disenyo, at
kulay ng mga parol sa mga okasyon tulad ng
Pasko.
Pamumuhay :
Ang mga Kapampangan ay magastos at
hindi uso sa kanila ang pagtitipid. Ang
kinabubuhay nila ay kadalasang sa opisina at
pagsasaka lamang. Hindi sila namamasukan
bilang mga katulong dahil ang hilig nila ay
ang “business” o sa negosyo.
Ang uri ng pamumuhay nila ay kadalasang
mayabang. Isang halimbawa na kapag sila
ay mayroong bisita. Nasa lahi nila na
mapahanga ang mga bisita kahit wala na
silang pera.
PANINIWALA :
Lahat tayo’y may kakaibang
paniniwala at kabilang na rito ang mga
Kapampangan. Isang halimawa na
lamang ang nag-iingay habang may
manganganak upang mapabilis ang
paglabas. Kasama na rin
ang makipaglame (makipag-lamay)
kung saan tumatagal ng 3 araw at 2 gabi,
ito’y pagkakataong makiisa ang mga tao
sa patay at namatayan.
Mga
Bikolano
Kilala sila sa pagiging relihiyoso nila dala na rin
ito ng impluwensiya ng mga Kastila.
Hanggang ngayon ay malakas parin ang
pananampalataya ng mga tao sa Diyos at
ang kahiligan nila sa mga pagkaing
maaanghang at may gata. Mahilig sila sa
pagsasayaw at pagdalo sa mga kasayahan.
Simple lamang ang pananamit ng mga
kalalakihang Bikolano ngunit ang mga
kababahian ay mahilig magpaganda at
gumagamit sila ng mga palamuti sa
katawan.
Mga Moro/
Muslim
Kilala ang mga mamamayan roon sa
kanilang makulay na sining, kultura at
tradisyon. Binubuo ang lugar na ito ng
mga iba't ibang grupo. Ang pagbuburda,
paghahabi at pag-uukit ay parte ng
kanilang kultura. At dahil may kasanayan
na ang halos karamihan sa mga tribo
may kinalaman sa mga ganitong
paglikha. ito na rin ang kanilang
ginagawa upang magsilbing kabuhayan.
Sa kanila namang literatura, ang
simbolo ng Sarimanok ay
mahalaga. Ito ay sumasagisag
sa pagkakaibigan at
pagkakasundo. Marami ring mga
alamat at kwentong bayan ang
mga taga-Mindanao.Kabilang
dito ang Alamat ng Perlas,
Alamat ng Waling-Waling at
Alamat ng Bundok Pinto.
Batas Pambansa
bilang 8371 o
Indigenous
People’s Right
Act