PANGUNGUSAP
PANGUNGUSAP
PANGUNGUSAP
P
PANGUNGUSAP
Ang pangungusap
ay grupo ng mga
salita na may buong
diwa o kahulugan.
PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay
nagsisimula sa malaking
titik at nagtatapos sa
bantas na tuldok (.),
tandang pananong (?), o
tandang padamdam (!).
PANGUNGUSAP
Ang pagtatanong,
pagsasalaysay o
pagkukwento, at
pagpapahayag ng masidhing
damdamin ay halimbawa ng
pangungusap.
HALIMBAWA:
Ang bola ay bilog.
Ito ba ay bilog?
Ang puno ay mataas.
Naku, ang sarap ng sorbetes!
Hala, may ahas!
Ano ang pangalan mo?
URI NG
PANGUNGUSAP
PASALAYSA
YIto ay nagsasabi o
nagsasalaysay ng
pangyayari. Nagsisimula
sa malaking titik at
nagtatapos sa tuldok (.)
HALIMBAWA:
Si Juchan ay naglalaro sa
parke.
Ang nanay at tatay ko ay
nagtatrabaho.
Mabagal maglakad ang
pagong.
HALIMBAWA
Masayang nag-aaral si
Nena.
Sumisigaw ng malakas ang
mga bata.
Ang isda ay lumalangoy.
Kulay pula ang bulaklak.
PATANONG
Ito ay pangungusap na
nagtatanong.
Nagsisimula sa malaking
titik at nagtatapos sa
tandang pananong (?)
HALIMBAWA
Bakit ka umiiyak?
Saan ka pupunta?
Ano ang paborito mong
pagkain?
Sino ang kasama mo sa
bahay?
HALIMBAWA:
Ilang taon ka na?
Kailan ang kaarawan mo?
Sinu-sino ang mga
kaibigan mo?
Sayo ba ang lapis na ito?
PAUTOS
Itoay pangungusap
na nag uutos.
Nagsisimula sa
malaking titik at
nagtatapos sa tuldok
(.)
HALIMBAWA
Ligpitinmo ang higaan.
Kumain ka ng gulay.
Itapon mo ang mga
basura.
Bumili ka ng pagkain.
HALIMBAWA:
Juchan, maglinis ka
ng bahay.
Maligo ka na.
Kumuha ka ng lapis
at papel.
PAKIUSAP
Ito ay pangungusap na
nakikiusap. Nagsisimula
sa malaking titik at
nagtatapos sa tuldok (.).
Ginagamitan ito ng
salitang “paki”.
Halimbawa:
Juchan, pakitapon ang mga
basura.
Pakiligpit ang iyong mga
laruan.
Pakikuha ang aking bag.
Pakisulat sa papel ang iyong
pangalan.
HALIMBAWA
Pakilagyan ng tsek ang
iyong sagot.
Pakisagutan ang mga
tanong.
Pakiayos ang iyong mga
gamit.
PADAMDAM
Ito ay nagpapahayag ng
matinding damdamin
tulad ng tuwa, lungkot,
sakit, galit at iba pa.
Ginagamitan ito ng
tandang padamdam (!).
HALIMBAWA:
Aray! Ang sakit!
Naku! May ahas!
Yehey! Nanalo kami sa
paligsahan.
Tulong! Nalaglag ang
bata!
HALIMBAWA:
Wow! Ang ganda.
Naku! Nawawala ang pera
ko.
Alis! Alis! Magnanakaw
ka!
Hala! Nabasag nya ang
baso.