Tekstong-Deskriptibo Pagbasa
Tekstong-Deskriptibo Pagbasa
Tekstong-Deskriptibo Pagbasa
deskriptibo
Alam mo ba?
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring subhetibo o
obhetibo.
Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay
maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang
katotohanan sa totoong buhay. Ito ay karaniwang nangyayari sa
paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad halimbawa ng mga
tauhan sa maikling kwento.likhang isip lamang ng manunulat ang
mga tauhan kaya ang lahat ng katangiang taglay nila ay batay
lamang sa kanyang imahinasyon. Ang ganitong uri ng paglalarawan
ay maituturing na subhetibo.
• Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito ay may pinagbabatayang
katotohanan . Halimbawa , kung ang lugar na inilalarawan ng isang
,manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng
kanyang mambabasa ,gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang
maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga
detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.halimabawa, hindi niya
maaaring sabihing “nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik sa
paanan ng luntiang hagdan-hagdang palayan sa Banaue”sapagkat
wala namang kalapit na karagatan ang lugar na nabanggit. Sa halip ,
maaari niyang banggitin ang malinaw na ilog na dumadaloy sa ilang
bahagi ng hagdang hagdang palayang pinagmumulan din ng patubig
sa mga nakatanim na palay. Dito masasabing obhetibo ang
paglalarawan sapagkat nakabatay sa katotohanan.
Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang
larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito
ng iba ay parang Nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan. Subalit , sa halip na pintura o
pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at
pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawatb tauhan , tagpuan, mga
kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang
mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
• KARANIWANG BAHAGI LANG NG IBANG TEKSTO ANG
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo
ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan
kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay lagging kabahagi ng iba
pang uri ng teksto particular ang tekstong naratibo, kun g saan
kailangang ilarawan ang mga tauhan, tagpuan , ang damdamin, ang
tono ng pagsasalaysay at iba pa. Nagagamit din ito sa paglalarawan
sa panig ng pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong
argumentatibo, gayundinn sa epektibong pangungumbinsi sa tekstong
persweysib o paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo ng
maayos ang isang bagay para sa tekstong prusidyural.
GAMIT NG COHESIVE DEVICES O KOHESYONG
GRAMATIKAL SA PAGSULAT NG TEKSTONG
DESKRIPTIBO.
Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong
deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o kaya ay
maging mas malinaw ang anumang uri ngt tekstong susulatin
,kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong
gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas
malinaw at maayos nan daloy ng mgab kaisipan sa isang teksto. Ang
mga teksto ay hindi lamang binubuo ng magkakaugnay na kaisipan
kayat kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon
upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat
bahagi nito.
5 pangunahing kohesyong gramatikal
• 1. Reperensya (reference)- ito ang paggamit ng mga salitang maaaring
tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag uusapan sa
pangungusap. Maaari itong maging anaphora(kung kailangang bumalik
sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya ay
katapora( kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano
ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto.
halimbawa:
Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
(ang ito sa ikalawang pqangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang
pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman
ang tinutukoy ng panghalip na ito)
KATAPORA
Siya ang nagbibigay sakin ng inspirasyong bumangonn sa
umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang
ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat na para
makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan, kundi
ang aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong
kapatid na mag iisang taon pa lamang.
(ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay bella,
ang bunsong kapatid,malalaman lamang kung sino ang
tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbasa.)
Substitusyon (substitution)- paggamit ng ibang
salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibli na lang kita ng
bago.
(ang salitang aklat sa unang pangungusap ay
napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita ay parehong
tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)
3. Ellipsis- may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.
halimbawa;
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina naman ay tatlo.
( Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para
sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa
na tulad ni Gina , siya ay bumili rin ng tatlong aklat dahil
nakalahad na ito sa unang bahagi. )
4. PANG UGNAY- nagagamit ang mga pang ugnay tulad ng at
sa pag uugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap
sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan
ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pinag-uugnay..
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak
at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
5. kohesyong leksikal- mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon
at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon-kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
Maaari itong mauri sa tatlo:
Halimbawa:
nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga- timog, doctor –
pasyente
Puti- itim, maliit-Malaki, mayaman- mahirap
Ilang tekstong deskriptibong bahagi ng iba pang
teksto.
PAGLALARAWAN SA TAUHAN
Sa paglalarawan ng tauhan , hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at
mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din
ang paglalarawan dito. Hindi sapat na sabihing
“Ang aking kaibigan ay maliit, maikli, at unat ang buhok, at mahilig magsuot
ng pantalong maong at puting kamiseta.”
ang ganitong paglalarawan, bagamat tama ang detalye ay hindi magmamarka
sa isipan at pandama ng mambabasa.
Sinasabing ang pinakamhusay na tauhan ay ayong nabubuhay hindi lang sa
pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit silay
prudukto lang ng mayamang imahinasyon ng manunulat, hindi nsila basta
makakalimutan.
Paglalarawan sa damdamin o emosyon
ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin sa
paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang
panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang
binibigyang diin dito ay ang kanyang damdamin o
emosyong taglay. Napakahalagang mailarawan nang
mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ang
nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang
kanyang ginawa.
Paraan ng paglalarawan ng damdamin ng tauhan
Mga hal.
a. Lumuluha ang liham na natanggap ni
Carmi.
b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa
ulap.
4. Eksaherasyon – lubhang
pinalalabis o pinakukulang ang
katunayan at kalagayan ng tao,
bagay, pangyayari atbp.
Mga hal.
a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng
dalamhati.
b. Nabutas ang bambam ng tainga
ni Gerry dahil sa ingay.
5. Pag-uyam – ito ay mga pananalitang
nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-
puring pangungusap ngunit sa tunay na
Mga hal.
a. Si Randy ay hindi galit sa iyo,
susuntukin ka lang pag nakita ka.
b. Hindi ko sinasabing mahina ang ulo mo
kaya lamang ay palagi kang lagpak sa
mga pagsusulit.
7. Paglilipat-wika- ito ay gumagamit ng
pang-uri upang bigyang paglalarawan
ang bagay.
Mga hal.
a. Ang matalinong pluma ni Rizal ang
nagbigay sa atin ng kalayaan.
b. Ang kanilang mapagpatuloy na
tahanan ay kumanlong ng
mga sugatan.
8. Senekdoke – ito ay pagbanggit sa
bahagi ng isang bagay o ideya bilang
katapat ng kabuuan.
Mga hal.
a. Hiningi ni Leo ang kamay ng dalaga.
b. Sampung kamay ang nagtulung-tulong
sa pag-aararo.
9. Pagtawag- ito ay pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na para bang
nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
Mga hal.
a. O, tukso layuan mo ako.
b. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa
mga problema.
10. Tanong Retorikal – Isang pahayag
na anyong patanong na hindi naman
nangangailangan ng sagot.
Mga hal.
a. Hanggang kailan ba masusupil ang
kasamaan na dulot ng ipinababawal na
gamot?
b. Hahayaan ba nating malugmok sa
kumunoy ng kahirapan ang ating
bayan?
11. Pagpapalit tawag/metonimiya-
pansamantalang pagpapalit ng mga
pangalan ng bagay na magkaugnay
Halimbawa:
Dapat nating igalang ang puting buhok.
Si Haring Edward ang nagmana ng korona.
12. Pagdaramdam – nagsasaad ito ng
pangkaraniwang damdamin
Halimbawa:
Kailan lamang ay sumasayaw ka sa
kaligayahan at punong-puno ng
buhay,ngayon ay isa ka nang malamig na
bangkay at ni bakas ng dati mong
kasiglahan ay wala na akong makita.
13. Tambisan/antitesis – pagtatabi ng
mga hagap na nagkakahidwaan sa
kahulugan upang lalong mapatingkad
na lalo ang mga salita
Halimbawa:
Siya ay isang taong sala sa init,sala sa
lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng
magulo,nayayamot sa mayaman at
nayayamot din sa mangmang,isang
nakalilitong nilalang.