Tugma at Pangunahing Idea

You are on page 1of 55

ARALIN 1

KALUSUGAN NG PAMILYA
AY DAPAT
PANGALAGAAN
SUBUKIN NATIN

Isulat ang TAMA o


MALI sa sagutang
papel.
1. Makikita ang pangunahing ideya
sa unahan, gitna, o huling
pangungusap ng teksto.
2. Maiuugnay ang sariling karanasan
kung nauunawaan ang tekstong
napakinggan o nabasa.
3. Ang mga salitang bata at bato ay
magkasintunog.
4. Ang bulaklak at halaman ay
magkasintunog.
5. Matutukoy ang kahulugan ng di-
kilalang salita sa pamamagitan ng
paggamit nito sa pangungusap.
DAY 1
TEKSTO
BASAHIN NATIN
Magtulungan Tayo
Tayo nang maglinis ng ating bakuran
Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay lagging nagtutulungan.
Kaya nga, kumilos bata man
matanda
Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para
guminhawa.
SAGUTIN NATIN
*Kanino ipinatutungkol ang tula?
*Bakit kailangang maglinis ng paligid?
*Ano ang nais gawin ng sumulat ng
tula?
* Ano ang pangunahing ideya ng tula?
*Saang bahagi ng tula makikita ang
pangunahing ideya?
*Batay sa inyong karanasan, ano ang
maaaring gawin upang makatulong sa
kalinisan ng paligid?
PAHALAGAHAN NATIN
Ang paglilinis ng kapaligiran ay
tungkulin nating lahat ay makaiwas sa
anumang sakit.
GAWIN NATIN
A. Basahin ang teksto. Sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong bagay sa ating
paligid tulad ng mga basyo ng bote at
plastic na nakatambak sa mga basurahan
at looban ng ilang kabahayan. Ang mga
lumang diyaryo at maruruming damit ay
nagkalat din kung minsan.
Para sa iba, ang mga ito ay basura
lamang, patapon, at wala nang silbi kaya
naman ang ating kapaligiran ay punong-
puno ng mga kalat. Pinamumugaran
tuloy ang mga ito ng mga daga at insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito ng
pagbabara ng mga daluyan ng tubig at
sanhi ng pagbaha. Nakasasama rin ang ilan
sa mga ito. Nagiging sanhi ito ng pagdumi
at pagbaho ng hanging ating nalalanghap.
Huwag na nating hintayin ang salot na
idudulot ng mga basura. Panahon na para
tayo ay kumilos at magkaisa.
1. Ano-anong patapong bahay ang makikita
sa ating paligid?
2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao?
3. Ano ang mangyayari kung maraming
basura sa ating paligid?
4. Sino ang hinihiling na kumilos at
magkaisa?
5. Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
6. Basahin ang bahagi ng kuwento na
tumutukoy sa pangunahing ideya?
7. Batay sa iyong karanasan, ano ang maaari
nating gawin para mabawasan ang ating
basura?
TANDAAN NATIN
Ang teksto ay may ipinahahayag na
ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng
pangunahing ideya upang maintindihan
ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang
pangunahing ideya ay maaaring
matagpuan sa pamagat, unahan, gitna, at
huling bahagi ng teksto.
Nakatutulong sa pag-unawa ng
pinakinggan ang pag-uugnay ng narinig
sa sariling karanasan.
LINANGIN NATIN
Basahin at piliin ang pangunahing
ideya o kaisipan sa teksto. Isulat
ang wastong letra sa sagutang
papel.
1. Ang dengue au maiiwasan kung
ibayong pag-iingat ay isaalang-
alang. Palitan nang madalas ang
tubig sa plorera. Linisin ang loob
at labas ng bahay. Maging malinis
sa tuwina.
2. Kapay may sipon o ubo, iwasan
ang pagdura kung saan-saan.
Takpan ang bibig at ilong kapag
umuubo o bumabahing nang hindi
makahawa ng iba. Uminom ng
maraming tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga
prutas at gulay. Maraming
bitamina ang nakukuha sa mga ito.
Nakatutulong din ang mga ito
upang mapanatiling malusog ang
katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang
baso ng tubig sa araw-araw.
Nakatutulong ito para sa mabilis
na pagtunaw ng ating kinain.
Nasosolusyunan nito ang pagtigas
ng dumi sa loob ng katawan.
5. Iwasang kumain ng junk food at
pag-inom ng nakalatang inumin.
May mga kemikal ito na hindi
mabuti sa katawan.
PAGSASANAY
Isulat ang tsek (/) sa sagutang
papel kung naranasan mo na ang
pahayag at ekis (x) naman kung
hindi.
__1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.
__2. Iniuuwi ko ang aking basura.
__3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa
aming barangay.
__4. Inihihiwalay ko ang nabubulok sa di-nabubulok
na basura.
__5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi
mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo.
DAY 2
SALITANG
MAGKAKASINTUNO
G
BASAHIN NATIN
Lubhang kakaiba si Sonya
Parang diksiyonaryo ang isip niya
Nasasabi ang mag kahulugan
Tamang salita gamit ng aking kaibigan
Sa isip mabilis na hinuhugot
Kailanman di siya nakababagot.
Palaging dala-dala ay saklay
Paika-ikang lumakad dahil siya’y pilay
Batang masayahin, laging nagdarasal
Kapupulutan siya ng magandang asal
Laging nakatawa, tuwina’y masaya Ang
palakaibigang si Sonya.
SAGUTIN NATIN
*Sino ang tinutukoy sa tula?
*Bakit hindi siya nakababagot?
*Ano-anong katangian ang taglay niya?
*Naging sagabal ba ang kaniyang
kapansanan sa kaniyang buhay? Bakit?
*Paano mo maipakikita na hindi
hadlang ang kapansanan para
lumigaya?
*Ano ang napansin sa mga salitang
nasa dulo ng bawat linya ng tula?
*Paano nalalaman na magkasintunog
ang pares ng mga salita?
PAHALAGAHAN NATIN
Basahin ang salitang nasa loob ng kahon.
Pumalakpak kung dapat taglayin ang
katangian at umiling naman kung hindi dapat.
mabait madamot
mareklamo masigasig
masipag palasigaw
GAWIN NATIN
Basahin ang mga salita sa Hanay A at piliin
ang kasintunog nito sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
1. bata (baso, beke, tuta)
2. abogada (abaka, abokado, doktor)
3. kalaro (baro, kalapati, tupa)
4. palaka (manok, talangka, dahoon)
5. nanay (tubero, nars, tinapay)
SANAYIN NATIN
Pagsamahin ang mga salitang
magkakasintunog. Isulat ang
sagot sa isang papel.
aliw baging bahay buhay
dibdib ibon kabayo kalabaw
kalesa lago lata lawa
luya mababa maginoo malayo
mani marikitmasakit mata
matabapatani noo pugo
putak sabaw saging saliw
laya tabon takatak tasa
tuwa taya talahib bata
TANDAAN NATIN
Matutukoy ang mga salitang
magkakasintunog kung magkapareho ang
huling tunog.
Halimbawa:
lola-bola suso-paso
atis-batis talangka-palaka
LINANGIN NATIN
Lagyan ng tsek (/) ang sagutang
papel kung ang mga salita ay
magkakasintunog at ekis (x)
naman kung hindi.
/ tindera – kusinera
__1.
X kapitbahay – kaibigan
__2.
/ katulong – talong
__3.
/ nainis – malinis
__4.
__5.
X sabay - sabaw
DAY 3
DI-KILALANG
SALITA
BASAHIN NATIN
1. Ang plorera ay nilalagyan ng bagong
bulaklak tuwing umaga.
2. Mangkok naman ang nilalagyan ng
pagkaing may sabaw.
3. Ang batang siga ay malapit sa gulo at
walang kinatatakutan.
4. Masarap magbakasyon sa isang liblib
na pook. Karaniwan ito’y tahimik at
tago na lugar.
5. Si Carlo ay nagpakita ng larawan ng
bandurya kahawig ito ng gitara.
SAGUTIN NATIN
*Saan inilalagay ang bulaklak?
*Ano ang inilalagay sa mangkok?
*Bakit malapit sa gulo ang batang
walang kinatatakutan?
*Ano-anong salita ang may
salungguhit?
*Ano ang tawag sa salitang may
salungguhit?
*Ano ang ginamit na paraan upang
malaman ang di-kilalang mga salita?
PAHALAGAHAN NATIN
Ipakita ang masayang mukha kung
wasto ang gawain at malungkot na
mukha kung mali.
* Magtatanong sa mga magulang.
* Huwag sagutan ang takdang-aralin.
* Magpatulong kina ate at kuya.
* Tingnan sa diksiyonaryo o internet kung
may salitang hindi maunawaan.
* Ipagawa sa kaklase ang takdang-aralin.
GAWIN NATIN
Kilalanin ang mga salita sa tulong ng
mga larawan. Isulat ang letra ng sagot.
d plorera
___1. a.

c katre
___2. b.

e gwantes
___3. c.

b pluma
___4. d.

a batingaw e.
___5.
SANAYIN NATIN
Hanapin ang kahulugan ng di-
kilalang salitang may salungguhit
sa pangalawang pangungusap.
Isulat sa sagutang papel.
1. Marusing ang bata sa lansangan. Marumi
rin ang kaniyang damit at siya’y
nakayapak.
2. Mahalimuyak ang buong hardin. Mabango
kasi ang mga bulaklak dito.
3. Masagana ang buhay ni Mang Narding.
Mayaman kasi ang kaniyang pamilya.
TANDAAN
NATINupang madaling
May ilang pamamaraan
maunawaan ang mga di-kilalang salita.
1. sa pamamagitan ng larawan
2. gamit sa pangungusap
3. aktuwal na bagay
4. pagsusuri ng hugis at anyo ng mga nakalarawan
d
___1. a. bapor

e
___2. b. brilyante

a
___3. c. aparador

b
___4. d. mangkok

c
___5. e. kubyertos

You might also like