Modyul 3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 60

Modyul 3

PANAHON NG KASTILA
MGA LAYUNIN:

 Nalalaman ang Panitikang Kasaysayan nang panahon ng mga


Kastila;
 Naluluguran ang mga sinaunang akda na naikukumpara sa mga
akda sa kasalukuyan;
 Naisa-isa ang mga panitikan sa panahon ng mga Kastila.
Kaligirang Kasaysayan
Kaligirang Kasaysayan

 Ang isinasaalang-alang na unang pananakop ng mga kastila sa


ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi
noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral.
At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Ang diwa ng
pagsimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang
sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong
dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila.
Kaligirang Kasaysayan

 Sa panahong ito:
• Tinangkilik nang mga Pilipino ang relihiyong Katoliko.
• Nagpalit sila ng mga pangalan at nagpabinyag.
• Nagbago ang anyong kanilang pamamahay nagkaroon ng mga bahay na bato at
tisa, mga magagandang kasangkapan tulad ng piyano, muwebles, at mga
kagamitang pangkusina.
• Nagkaroon din mga sasakyang tulad ng karwahe, tren, at bapor.
• Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo, sa
Papa, at sa gobernor.
Kaligirang Kasaysayan

• Bilang libangan, nagkaroonng mga sabong, karera ng kabayo at


teatro.
Kaligirang Kasaysayan
Kaligirang Kasaysayan

 Ang mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng daan sa pagkaka-buo


ng ilang pangkat ng “may-kaya” na may mga ari-arian at lupain.
May ilan din sa mga Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng
kurso tulad ng medisina, abugasya, agrikultura, at pagiging
maestro. Ang mga kursong ito ay halos natapos nila rito na rin sa
Pilipinas sapagkat marami na rin naming paaralan ang naitatag ng
mga panahong ‘yon.
 
MGA IMPLUWENSYA NG
MGA KASTILA SA
PANITIKANG PILIPINO
MGA IMPLUWENSYA NG MGA
KASTILA SA PANITIKANG PILIPINO

• Ang “Alibata” na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan


ng alpabetong Romano.
• Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon.
• Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa mga
salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
• Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at trasyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, corido,moro-moro, at iba pa.
MGA IMPLUWENSYA NG MGA
KASTILA SA PANITIKANG PILIPINO

 Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang


wikain.
 Ang pagkakalathala ng ibat-ibang aklat pambalarila sa wikaing Filipino tulad ng Tagalog,
Ilokano, at Bisaya.
 Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
MGA UNANG AKLAT
Doctrina Cristiana
MGA UNANG AKLAT
Doctrina Cristiana

 Ang Doctrina Cristiana. Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag


sa Pilipinas noong1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Akda ito
nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva. Nasusulat
ang aklat sa Tagalog at Kastila. Naglalaman ito ng Pater Noster,
Ave Maria, Regina Caeli, Sampung Utos ng Diyos, Mga Utos ng
sta. Iglesya Katoliko, Pitong Kasalanang Mortal, Pangungumpisal,
at Katesismo.
Doctrina
Christiana
Nuestra Señora del Rosario
MGA UNANG AKLAT
Nuestra Señora del Rosario

 Nuestra Senora del Rosario. Ikalawang aklat na nalimbag sa


Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at
nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni
Juan de Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot sa
relihiyon.
Nuestra Señora
del Rosario
Ang Barlaan at Josaphat
MGA UNANG AKLAT
Ang Barlaan at Josaphat

 . Ito ay unang napasulat sa wikang Griyego at ang mayakda ay si


San Juan Damaceno. Isinalin sa wikang Tagalog ng Heswitang si
Pari Antonio de Borja. Ipinalalagay ng kauna-unahang nobelang
Tagalog.
Ang Barlaan at
Josaphat
Ang Pasyon
MGA UNANG AKLAT
Ang Pasyon

 Isang patulang pasalaysay ng mga hirap at sakit ng ating


Panginoong Hesukristo. Mahahalagang aral na matatagpuan sa
pasyon:
 • Mga aral sa magulang at anak
 • Mga aral sa PINUNO AT PINAMUMUNUAN
 • Mga Aral sa mayayaman at mahihirap
 • Mga aral sa mga babae at lalake
 • Mga aral sa matatanda at bata
MGA UNANG AKLAT
Ang Pasyon

 Mga manunulat ng pasyon


 • Pari Gaspar Aquino de Belen (1704)
 • Luis de Guian (1750)
 • Pari Mariano Pilapil (1814)
 • Pari Aniceto dela Merced (1856-1858)
Ang Pasyon
Ang Urbana at Felisa
MGA UNANG AKLAT
Ang Urbana at Felisa

 Ito ay akda ni Padre Modesto de Castro. Ang mga pangalan ng tauhan ay sagisag
ng mga aral nan ais maparating ng may-akda sa mga mambabasa. Ang “Urbana”
ay sagisag ng kabutihang-asal at ang “Feliza” ay sinasagisag ang kaligayahang
natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagkamasunurin. Ang “Honesto” ay sagisag
ng kalinisang budhi at karangalan. Ito ay pumapaksa ng mga aral sa mga babaing
nagtutungo sa lungsod at malalagay sa bagong kapaligiran.
Ang Urbana
at Feliza
MGA AKDANG PANGWIKA
Arte Y Regalas de la Lengua
Tagala. Sinulat ni Padre Blancas
de San Jose at isinalin sa
Tagalog ni Tomas Pinpin noong
1610.
Compendio de la Lengua Tagala.
Inakda ni Padre Gaspar de San
Agustin noong 1703.
Vocabulario de la Lengua
Tagala. Kauna-unahang
talasalitaan sa Tagalog na
sinulat ni Padre Pedro de
San Buenaventura
noong1613.
Vocabulario de la Lengua
Pampango. Unang aklat na
pangwika sa Kapampangan
na sinulat ni Padre Diego
Bergano noong 1732.
Arte de la Lengua Bicolana.
Unang aklat pangwika sa
Bikol na sinulat ni Padre
Marcos Lisboa noong 1754.
Arte de la Iloka. Kauna-unahang
balarilang Iloko na sinulat ni
Francisco Lopez
MGA KANTAHING BAYAN
MGA KANTAHING BAYAN

 Ang kantahing bayan ay nagpapakilala nang ating diwang-makata


ay katutubo sa ating lupain. Ito ay nagpapahayag na tunay na
kalinangan ng Pilipino. Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing
damdaming galing sa puso at kaluluwa ng bayan
MGA KANTAHING BAYAN
Mga Dulang Panlibangan
Mga Dulang Panlibangan

 Napakarami ng mga dulang panlibangan ang


ginanap ng ating mga kalahi noong panahon ng
Kastila. Narito ang mga sumusunod:
Mga Dulang Panlibangan

 Tibag. Isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena


sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
 Lagaylay. Sa mga Pilarenos ng Sorsogon. Namimili na ang anak ng sakristan
mayor ng mga dalagang sasali rito. Minsan, ipiniprisinta na ng mga magulang
ang kanilang anak kahit na hindi pa dalaga, dahil sa isang pabor na nais
makamtam. Iba iba ang pagtatanghal nito sa ibang parti ng Bicol pero parehas
lang ng layunin, ang paggalang, pagpuri sa krus na nakuha ni St. Helena sa
bundok na tinibag.
 Sinakulo. Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo. Ang salitaan ditto ay mula sa pasyon.
Mga Dulang Panlibangan

 Panunuluyan. Ito ay tradisyonal na dula sa bisperas ng Pasko


hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at San
Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban.
Mga Dulang Panlibangan

 Panubong. Ito ay isang mahabang tula na nagpaparangal sa may kaarawan o


kapistahan. Mula ito sa salitang Tagalog na “pamutong” na ang ibig sabihin ay
lalagyan ng putong o korona ng mga mga bulaklak ang dalagang may kaarawan.
Nahahati ito sa tatlong bahagi. Masasaksihan ito sa Quezon at sa Marinduque
 Karilyo. Ito ay dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton.
Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng
mga tao sa itaas ng tanghalan. Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng telon.
Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay
kanilang mga anino.
Mga Dulang Panlibangan

 Moro-moro. Paglalaban ng mga Muslim at mga Pilipinong Kristiyano. May magaganda


at makukulay na kasuotan. Ang usapan dito ay patula at karaniwan ay totoong mataas ang
tono ng mga nagsasalita, laging mag taga-dikta sa mga nag-uusap sapagkat hindi totoong
naisasaulo ng mga gumaganap ang kanilang papel. Mas magara at maganda ang
pagpapalabas nito sa Bisaya.
 Karagatan. Ito ay isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Ang Karagatan ay
isa larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao, subalit sa Katagalugan
ang Karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang
prinsesa. Ang halimbawa ng Karagatan ay ang isang alamat kung saan ang singsing ng
isang prinsesa ay nahulog sa gitna ng dagat, pakakasalan ng dalaga kung sinuman ang
makakakuha nito.
Mga Dulang Panlibangan
Katangian ng Karagatan

 ang kwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na


nahulog sa gitna ng dagat
 ang binatang makakakuha ng singsing ay ang pakakasalan ng
dalaga
 sa laro na ito ay hindi na kailangang sumisid sa dagat ang lalaki na
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing
 ang laro ay ginaganap sa bakuran ng isang bahay
Mga Dulang Panlibangan

 Duplo. Ito ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang


tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ito ay patula ngunit
hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang
halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang
iisang paksa isang madulang debate kung saan ay isa ay
magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang
sarili.
Mga Dulang Panlibangan
Katangian ng Duplo

 tinatawag na duplero ang mga lalaking kasali at duplera naman sa babae


 ang mga maglalaro ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
 ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang
nahatulang parusahan
 ang parusang pinapataw ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa
ng namatay .
Mga Dulang Panlibangan
Kasaysayan ng Karagatan at duplo

 Ang Karagatan ay ginamit sa panliligaw noon. Tulang


laro na kalaunan ay napupunta sa pagliligawan noong
panahon ng Espanyol.
 Ang Duplo naman ay laro sa paraan ng pagtula tuwing
may patay noong panahon ng Espanyol.
Mga Dulang Panlibangan
Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo

 Sa Karagatan ang taong mananalo ay pag nasagot ang ibig sabihin


ng mga salitang matalinghaga
 Sa Duplo ang mananalo ay sa pamamagitan ng pagpalakpak ng
mga manonood o mga nakikinig sa nag papalitan ng mga talinhaga.
Mga Dulang Panlibangan

 Kurido. Ito ay mula sa salitang kastila na Correr (dumadaloy). Mula rin sa


salitang Indo-European na CURRERE, ibig sabihin ay pinag-ugatan. Ito ay isang
panitikang pilipino na anyong patula na mabilis ang pagbigakas tulad sa martsa.
Ito ay kuwento na naglalaman ng mga pangyayaring kagilagilas o mga
pakikipagsapalaran. Ito ay may sukat na walong pantig sa bawat linya at apat na
linya sa bawat saknong.
 Saynete. Ito ay itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling
taon ng pananakopng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa
paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
Mga Dulang Panlibangan

 Sarsuela. Ito’y isang komedya o melodramang may kasamang awit


at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing
damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa. Isa sa magandang halimbawa ng sarsuela ay
ang ‘Walang Sugat’ ni Severino Reyes na siyang kinikilala ding
‘ama ng sarsuelang pilipino’.
Module 3

You might also like