Aralin 9

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MODYUL 1: MGA HAMONG

PANGKAPALIGIRAN

ARALIN 2: Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa


mga Hamong Pangkapaligiran
*Philippine Disaster Risk Reduction And Management
Framework (PDRRMF)*
*Community Based- Disaster and Risk Management
Approach (CBDRM) *
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND
MANAGEMENT ACT OF 2010

Dalawang Layunin
1. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat
pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t
ibang kalamidad; at
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang
mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at
hazard.
***Ang mga nabanggit na layunin ay kasama sa mga naging batayan sa
pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
(PDRRMF).
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND
MANAGEMENT FRAMEWORK (PDRRMF) (RA 10121 )

• Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang


pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa panahon ng mga
kalamidad at hazard.
• Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring
mapababa o maiwasan.
• Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na ang paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng
ating pamahalaan
*
COMMUNITY BASED-DISASTER AND RISK
MANAGEMENT (CBDRM)
1. Binubuo ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na
komunidad.
2. Ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng
hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang
malawakang pinsala sa buhay at ari-arian . (Abarquez at Zubair (2004)
= Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan ay bahagi ng
pagpaplano, pagbuo ng mga desisyon at implementasyon ng mga gawain na
may kaugnayan sa disaster risk management.
*
• =Sa Community-Based Disaster Risk Management Approach,
napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang may
pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard at
kalamidad. Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring
makikilahok ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng
mga hazard at kalamidad.
3. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay
isang proseso ng paghahanda laban sa hazard at kalamidad na
nakasentro sa kapakanan ng tao. Bukod dito, mahalaga ring masuri ang
mga istrukturang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika na maaaring
nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad. Shah at Kenji (2004)
*
=Ang kahulugang ito ng CBDRM Approach ay sang-ayon sa konsepto
na ang mga isyu at hamong panlipunan ay maaaring dulot ng kabiguan ng
ilang institusyon na isagawa ang kanilang mga tungkulin.
=Halimbawa, ang kabiguan ng pamahalaan na magsagawa ng maayos
na Disaster Risk Management Plan ay maaaring magpalubha sa epekto ng
hazard at kalamidad sa isang pamayanan.
=Maaari ding dahilan ng kabiguan ng implementasyon ng Disaster Risk
Management Plan ang kawalan ng interes ng mga mamamayan na
makilahok sa pagpaplano nito.
*
=Ito ay sinusugan sa isang ulat ng WHO (1989) tungkol sa CBDRM
Approach. Ayon dito, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng
sektor ng pamayanan upang:
(1) mabawasan ang epekto ng mga hazard at kalamidad;
(2) maligtas ang mas maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan
ay may maayos na plano kung paano tutugunan ang kalamidad sa halip
na maghintay ng tulong mula sa Pambansang Pamahalaan; at
(3) ang iba’t ibang suliranin na dulot ng hazard at kalamidad ay mas
mabibigyan ng karampatang solusyon kung ang lahat ng sektor ng
pamayanan ay may organisadong plano kung ano ang gagawin kapag
nakararanas ng kalamidad
• 1. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay
tumutukoy sa __________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
• 2. Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung __________________
• _____________________________________________________________.
• 3. Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management
Framework at ang Community-Based Disaster Risk Management Approach
dahil _______________________________________________________
• _____________________________________________________________.
*
• 4. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay
__________________________________________________________
____
__________________________________________________________
____
__________________________________________________________
___.
• 5. Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at
hamong pangkapaligiran dahil
_____________________________________
__________________________________________________________
____
_____________________________________________________________.
Kahalagahan Ng CBDRM Approach
Bakit kailangan ang CBDRM Approach sa pagharap sa mga hamon at
suliraning pangkapaligiran?
= Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk
Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng
disaster-resilient na mga pamayanan.
= Ibig sabihin, ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at
paghahandang nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa
pagbuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga
hamong pangkapaligiran.
= Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga
pamayanan kung maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster
and Risk Management Approach.
Dalawang Approach Sa Pagbuo Ng Disaster Risk
Reduction And Management Plan
• 1. Bottom-up approach
• = nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang
mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at
hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
• = Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa
mga hazard, kalamidad, at pangagangilangan ng pamayanan.
• = Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng
mga mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area.
Katangian Ng Bottom-up Approach

* Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang


kaunlaran ng kanilang komunidad
* Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong
sektor at mga NGOs, nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots
development ang pamumuno ng lokal na pamayanan.
* Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa
komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para
matagumpay na bottom-up strategy.
*
• Ang responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal ay kailangan
• Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up
approach ay ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na
pagpapatupad nito
• Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga
mamamayang naninirahan sa pamayanan.
• Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may
magkakaibang pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan
sa kanilang lugar.
• 2. Top-down approach *
= tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad
ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
= ang sistema ng pagtugon ay nakabatay sa prosesong ipatutupad ng
lokal na pamahalaan.
Mga Kahinaan;
1. Hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng
pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad.
*
= Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging
ang pananaw lamang ng mga namumunoang nabibigyang pansin sa
pagbuo ng plano. ( Shesh at Zubair-2006)
• =Tila hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang
karanasan, pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang
komunidad.
• =Ito ay sa kabila ng katotohanang ang mga mamamayang ito ang
tunay na nakababatid ng maaaring epekto ng isang kalamidad o hazard.
2. May mga pagkakataon na hindi nagkakasundo ang Pambansang
Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat
gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging
mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
*
• Sa pagpaplano ng disaster risk management mahalagang magamit
ang kalakasan ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down.
• Mahalagang maisaalang-alang ang pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga
sistemang ipatutupad ng disaster risk management.
• Hindi rin naman kailangang kalimutan ang pananaw at karanasan ng
mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management.
• Ang pagsasanib na ito ng dalawang approach ay maaaring magdulot
ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad.
Gawain 13. KKK chart
Punan ng tamang sagot ang KKK chart. Gamiting batayan ang
nabuong KKK chart upang sagutin ang kasunod na tanong.
PAMPROSESONG MGA TANONG:

• 1. Ano ang kalakasan ng top-down approach ang makatutulong sa


maayos na pagbuo ng disaster management plan?
• 2. Alin sa mga kalakasan ng bottom-up approach ang dapat
bigyang-pansin sa proseso ng pagbuo ng disaster management
plan?
• 3. Nararapat bang isang approach ang gamitin sa pagbuo ng
disaster management plan? Bakit?

You might also like