TULA

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

TULA

• isang akdang pampanitikang


naglalarawan ng buhay
• Hinango sa guniguni, pinaparating sa
ating damdamin.
• pagpapahayag ng damdamin,
pagbibigay ng mensahe batay sa
kanyang nakikita, naririnig,
nararamdaman at karanasan.
isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng
isang tao. Ito ay binubuo ng mga
saknong at ang mga saknong ay
binubuo ng mga taludtud.
kilala sa malayang paggamit ng 
wika sa iba't ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ito sa pamamagitan
ng paggamit ng tayutay. 
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak saknong
Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda’t dilag.


At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak taludtod
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas! taludtod
taludtod
Pilipinas kong minumutya taludtod
Pugad ng luha ko’t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.
ELEMENTO NG TULA
1.Saknong
- Pagpapangkat ng mga taludtod o
linya ng tula. Nakapagdaragdag ito
sa ganda at balanse ng tula.
2. Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig
sa bawat taludtod.
Hindi tayo nabubuhay
ng ukol sa sarili lang
bahagi ka ng lipunan
na ating kinaaniban

Ang salita natin ay huwad sa iba


Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinantnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una
3. Tugma
tumutukoy sa pagkakapareho ng huling
tunog o titik ng salita sa bawat taludtod.
May dalawang uri ng tugma. Ito ay ang
tugmang ganap at di-ganap.
Uri ng Tugma
a. Ganap
-kapag magkakapareho ang tunog at
titik ng huling salita sa bawat
taludtod
a. Di-ganap
-kapag magkapareho lamang ng
tunog ang huling salita sa bawat
taludtod
Unang lipon
b, k, d, g, p, s, t
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos palad.
Ikalawang lipon
l, m, n, ng, r, w, y
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Halimbawa ng tugmang di
ganap
Walang mahalagang di inihandog
Ng may pusong mahal sa bayang
nagkupkop
Dugo, yaman, dunong, katiiisa’t
pagod
Buhay may abuting magkalagot-
lagot
4. Larawang-Diwa
-ito ay mga salitang binabanggit sa
tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mga
mambabasa.
Hal:
Pumula sa dugo ng kalabang puksa.
Naglambong sa usok,bangis ay
umamba.
5. Simbolismo
-ito ang mga bagay na ginamit sa
tulang may kinatawang mensahe o
kahulugan at nagpapalalim sa diwa ng
tula.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tila isang nakadipang krus
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos!
Sa aking paanan ay may isang batis,

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,


Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan

Asa mo ri’y agos ng lubhang nunukal,


At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngitng malamlam.
URI NG TULA

1. Tulang Liriko o Tulang


Damdamin
ipinapahayag ang mga saloobin at
damdamin ng makata
Ang makata ay direktang sinasabi sa
mambabasa ang kanyang sariling
damdamin, iniisip, at persepsyon
URI NG TULANG LIRIKO
A. Soneto
-Isang tula na karaniwang may 14 na
linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan,
may malinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.

-ito ay nagtataglay ng mga aral ng


buhay
May pinahirapang puso ng pag-ibig,
Dahil sa paghanap ng isa pang puso,
Ang pusong nakita’y katulad ng langit,
Magandang-maganda puso ng pagsuyo,
Ang dalawang puso’y masayang nabuhay,
At sa püso’y hindi na raw magtataksil,
Naniwala silang ang pagmamahalan….
Pag likas at wagas ay walang kahambing,
Bubuyog at kamya’y laging nag-uusap,
Laging nagsasalo sa dusa’t ligaya,
Sapagkat ang kamya’y langit ng pagliyang,
Ang bubuyog nama’y puso ng pag-irog,
Ang puso ng tao’y ligayang may dusa,
Di lahat ng puso’y laging maligaya
c. Oda
-Ang oda ay karaniwang isang liriko o
tula na nakasulat bilang papuri o
dedikado sa isang tao o isang bagay na
kinukuha interes ang makata o
nagsisilbing isang inspirasyon.
Kay Selya

Kung pagsaulan kong


basahin sa isip
ang nangakaraang
araw ng pag-ibig.

May mahahagilap
kayang natititik
liban na kay Celiang
namugad sa dibdib
d. Elehiya
- Ito ay tulang may kinalaman sa
guniguni tungkol sa kamatayan
e. Dalit
isang uri ng tula, karaniwang pang
relihiyon, partikular na nakasulat
para sa layunin ng papuri, pagsamba
o panalangin, at karaniwan ay sa
isang Diyos o sa isang kilalang
pigura o maliwanag na halimbawa.
at may kahalong pilosopiya sa
buhay.
“O Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagan yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.”

“Narito po tingnan Ninyo


Kapirasong barong ito
May padala’y Ermitanyong
Sa akin ay nagpaparito.”
2. TULANG PASALAYSAY
• isang tula na may balangkas. Ang tula
ay maaaring maikli o mahaba, at ang
mga kuwento na may kaugnayan sa
maaaring maging simple o
kumplikadong pangyayari. Ito ay
karaniwang hindi madrama,
nagkukuwento
URI NG TULANG
PASALAYSAY
a. Epiko
- ay isang mahaba kuwento(tula,
kalimitan tungkol sa isang seryosong
paksa nanaglalaman ng mga detalye ng
kabayanihan gawa at mga kaganapan
ngmakabuluhang sa isang kultura o
bansa
b. Awit at Korido
 -ay isang uri ng panitikang Pilipino
kung saan ito ay may walong sukat.
Ang tulang kurido ay kadalasang mga
alamat o kuwento na galing sa mga
bansa.
Awit at Korido

• Ang karaniwang pinapaksa nito ay


may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba,
poot at kaligayahan.
PAGSASANAY
kung wika ang sandata at tugmaan ang digma
gawan ng sarswela ang aping magsasaka
ikuwento ang buhay ng nasa selda
at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya
kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma
sumulat ng tula para sa mga nawawala
gawan ng dalit ang pinatay na walang aba
at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka
kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan
pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan
ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan
makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan
ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan
makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!

SONETO
May isang dalaga na ubod ng yaman,
Umibig sa abang binatang utusan;
Langit at lupa ang kanilang pagitan
Kaya’t pagmamahala’y maraming hadlang.

Pamilya ni Lira’y ayaw sa binata


Pagkat mangyari’y isa s’yang hampaslupa
Mababang tingin pilit pinamumukha
Kay Simsong mabait, masipag mat’yaga.

Minsang umakyat ‘tong si Simson ng ligaw


Dala’y gitara at bulaklak na dilaw
At kahit na sa kanya ay sadyang ayaw
Ng ama ni Lira’y pilit siyang dumalaw.

AWIT
Kayganda mong pagmasdan
Sa twina’y nagbibigay kasiyahan
Halimuyak mo’y di malimot
Hinahanap ka kapag ako,y nalulungkot

Ika,y maliit nang una kang nakita


Habang lumalai,y ika,y gumaganda
Sabihin ng iba,y marami kang katulad
Ngunit para sa akin ay wala kang halintulad
Araw-araw natatanaw
Sa aking diwa’y pumupukaw

ODA
Ang nilalang na sumakabilang buhay
Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay?

At ang kaluluwa ng buting nilalang,


Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang

ELEHIYA
Sulong mga kabayan!
Baguhin ang sistema
Rebolusyon ay ilunsad,
Para sa isang bagong Pilipinas.

Kalayaan ay ating pag alabin


Ang batas ay ating sundin
Katarungan ay pairalin
Ang hinaharap, ating haharapin.

DALIT
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,


kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamay mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal


pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay. ODA
Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

You might also like