Editoryal Presentation

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

GROUP 4

IKATATLONG TAGA-ULAT
EDITORYAL o
PANGULONG TUDLING
PAGSULAT NG EDITORYAL o
PANGULONG TUDLING
◦ Ang Editoryal na tinatawag ding pangulong tudling ay bahagi ng
pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan
tungkol sa isyu. Itinuturing itong tinig ng pahayagan dahil dito mababasa ang
paninindigan nila ukol sa isang napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong
magbigay kaalaman, magpakahulugan, humihikayat, at kung minsa’y
lumibang sa mambasa.
PAGSULAT NG EDITORYAL o
PANGULONG TUDLING
◦ Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang ding mapanuring
pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang
magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa.
◦ Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.
Tatlong bahagi ng
EDITORYAL o
PANGULONG TUDLING
PANIMULA
1. Panimula – dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.
◦ Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin.

Halimbawa:
Isang magandang panukalang-batas ang inihain sa Kongreso ni Kinatawan
Connie Dy ng Lungsod ng Pasay tungkol sa pagpapadrug test ng mga
estudyante na ang pamahalaan ang gagastos.
KATAWAN
1. Katawan – sa bahaging ito ipinahahayag ang opinion o kuro-kuro ng
patnugot. Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin
ang pro (pagpanig) o con (pagsalungat) sa isyung tinatalakay.
Halimbawa:
Bagama’t nangangahulugan ito ng dagdag gastos para sa Kagawaran ng
Edukasyon na hirap na hirap na matugunan ang sapin-saping pangangailangan
sa kakarampot na badyet, isa itong mabisang hakbang upang matukoy at
matulungan ang mgaa kabataang nalululong sa droga na ayon sa pinakahuling
survey ay umabot na ang bilang sa mahigit 5.2 milyon.
Hindi maikakailang ang karaniwang nabibiktima ng mga natutulak ng
mga ipinagbabawal na gamot ay mga kabataang wala o kulang sa kamuwangan
sa masasamang dulot nito. Kapag natukoy na ang mga kabataang ito sa
pamamagitan ng drug test madali na lamang silang mabigyan ng kaukulang
lunas ng mga kinauukulan.
WAKAS
1. Wakas – Dito ipinahahayag ang bahaging panghihiyakat o paglagom upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.
Uri ng
EDITORYAL o
PANGULONG TUDLING
Nagpapabatid (Editorial of Information)
1. Nagpapabatid (Editorial of Information) - Ipinaalam ang isang pangyayari
sa layuning mabigyan-diin ang kahalagahang iyon o mabigyang linaw ang
ilang kalituhang bunga ng pangyayari. Ito’y naiiba sa pangulong tudling na
nagpapakahulugan, sapagkat hindi hayagang nagbibigay ng pangwakas na
pasya o kuro-kuro. Hindi ito tumutuligsa, hindi nakikipagtalo. Ang tanging
layunin ay mabigyan ng kabatiran.

Halimbawa:
◦ Ano ang nilalaman ng isang memorandum?
◦ Paano isinasagawa ang pagpaplano ng pamilya?
Nagpapakahulugan (Editorial of
Interpretation)
2. Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation) - Nagpapaliwanag ng
kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring napabalita o ng isang
kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. Dito binibigyan ng katuturan ang
mga isyu at ipinapakita ang mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ng
kanilang layunin. Kung minsa’y, ito ay nagbibigay ng mungkahi tungkol sa
maaaring kahihinatnan.

Halimbawa:
◦ Ano ang kahulugan at ibubunga ng isang bagong memorandum ng pinalabas ng
punong-guro?
◦ Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpaplano ng pamilya?
Namumuna (Editorial of Criticism)
3. Namumuna (Editorial of Criticism) - Ito’y hawig sa pangulong tudling na
nakikipagtalo. Subalit dito, kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at
masamang katangian ng isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang panig
sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito.

Halimbawa:
◦ Ang Diborsyo: Makabubuti Ba o Makapipinsala?
◦ Ang Aborsyon, Dapat Bang Bigyang Ligalisasyon?
Nanghihikayat (Editorial of Persuasion)
4. Nanghihikayat (Editorial of Persuasion) – mabisang nanghihikayat sa mga
mambabasa upang sumang-ayon sa isyung pinapanigan o pinaninindigan ng
pahayagan.

Halimbawa:
◦ Itaguyod ang Proyekto ng Punong-guro.
◦ Panukalang Batas Laban sa Diborsyo, Suportahan.
Nagpaparangal o Nagbibigay-puri
(Editorial of Appreciation)
5. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay-puri (Editorial of
Appreciation, Commendation, or Tribute) - Pumupuri sa isang taong may
kahanga-hangang nagawa; nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong
namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang bayani sa
araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.

Halimbawa:
◦ Mga Pumpon ng Mga Bulaklak Para sa Bagong Kampeon Sergio Osmena Sr.,
Kapurihan ng Cebu.
Nagpapahayag ng Natatanging Araw
(Editorial of Special Occasion)
7. Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial of
Special Occasion) - Bagamat ang uring ito ay may kalakip ding
pagpapakahulugan, ito’y may ibinubukod bilang isang tanging uri. Dito
ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon.

Halimbawa:
◦ Pasko
◦ Araw ng Kalayaan
◦ Araw ng mga Bayani
◦ Buwan ng Wika (atbp.)
Mga tanong
UNANG TANONG
1. Ano ang editoryal? At ano pa ang isa salita nito?

Sagot:
Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang ding mapanuring
pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari
upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga
mambabasa.
 Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan.
PANGALAWANG TANONG
2. Ilang bahagi mayroon ang editoryal o pangulong tudling at ano-
anu ang mga ito?

Sagot:
 Mayroong tatlong bahagi ang editoryal o pangulong tudling:
 Panimula
 Katawan at
 Wakas
PANGATLONG TANONG
3. Sa bahaging ito ipinahahayag ang opinion o kuro-kuro ng patnugot.
Maaaring ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan, gayundin ang ___
(pagpanig) o ___ (pagsalungat) sa isyung tinatalakay.

Sagot:
 Katawan
 pro ; con
PANG-APAT NA TANONG
4. Dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin.

Sagot:
 Panimula
PANGLIMANG TANONG
5. Dito ipinahahayag ang bahaging panghihiyakat o paglagom upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pananaw na nais ikintal ng editoryal.

Sagot:
 Wakas
PANG-ANIM NA TANONG
6. Ilan mayroon ang uri ng editoryal o pangulong tudling at ano-anu ang mga
ito?

Sagot:
 Mayroong anim na bahagi ang editoryal o pangulong tudling:
 Nagpapabatid (Editorial of Information) ; Nagpapakahulugan (Editorial of
Interpretation) ; Namumuna (Editorial of Criticism) ; Nanghihikayat
(Editorial of Persuasion) ; Nagpaparangal o Nagbibigay-puri (Editorial of
Appreciation) at Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial of Special
Occasion).
At dito nagtatapos
ang aming ulat,
Maraming Salamat!!!

You might also like