Q2 - Modyul 3 - Pagsang-Ayon at Pagsalungat

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Filipino 8

Ikalawang Markahan –
Modyul 3:
Pagsang-ayon at
Pagsalungat
Bb. Maycelle Rose S. Panoy
Tungkol saan ang modyul na ito?
Ang modyul na ito tungkol sa Pagsang-ayon at Pagsalungat ay may
maramihang gamit. Una, matututunan mo ang mga kakayahang
nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit sa ibaba. Pangalawa, mas
mapalalawak at mapalalakas ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa
naunang baitang. Panghuli, matutulungan kang mas mapahalagahan
ang kulturang Pilipino at mahalin ng mas higit pa ang iyong pagka-
Pilipino.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng
paglalahad na may pagsang-ayon at pagsalungat. F8PU-IIc-d-25
2. Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon. F8WG-IIc-d-25
Subuki
n
Panuto: Basahing mabuti ang mga
tanong at piliin ang pinakatamang
sagot. Isulat sa sagutang papel
ang napiling pinakatamang sagot.
1. Ano ang tawag sa pahayag na
naglalahad ng mga katibayan upang
paniwalaan?
A. Pakikipag-usap
B. Paglalahad
C. Pagsasalita
D. Pangangatwiran
2. Ano ang layunin ng taong
nangangatwiran?
A. Maglahad
B. Makipagkaibigan
C. Makipag-usap
D. Manghikayat
3. Ang pagtango ba o pag-iling ay naghuhudyat ng
pagsang-ayon o pagsalungat?

A. Hindi
B. Marahil
C. Medyo
D. Oo
4. Ano ang ipinapahiwatig ng pagtango?
A. Hindi pagsang-ayon
B. Pagsalungat
C. Pagsang-ayon
D. Pangangatwiran
5. Ano ang ipinapahiwatig ng pag-iling?
A. Hindi pagsang-ayon
B. Pagsalungat
C. Pagsang-ayon
D. Pangangatwiran
MGA HUDYAT NG PAGSANG-AYON
AT PAGSALUNGAT

Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig na


tanggapin ang kawastohan ng kanilang paniniwala sa
pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag. Ang
pangangatuwiran ay isang pahayag na nagbibigay nang
sapat na katibayan upang maging kapani-paniwala o
katanggap-tangap sa sinoman. Bahagi na ng araw-araw na
pakikipag-ugnayan ng tao ang pagsangayon at pagsalungat
sa mga paksang pinag-uusapan.
MGA HUDYAT NG PAGSANG-AYON
AT PAGSALUNGAT

Hindi lahat ng mga detalye o mensahe ng


pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o
tinututulan. Sa pagsasaad ng pagsang-ayon at
pagsalungat ay mahalagang maunawaan nang
lubos ang pahayag upang makapagbigay ng
katuwiran na magpapatibay sa ginawang
pagsang-ayon o pagsalungat.
MGA HUDYAT NG PAGSANG-AYON
AT PAGSALUNGAT

Sa pagsasalita, ang galaw ng katawan gaya ng


pagtango at pag-iling ay nagsisilbing hudyat ng pagsang-
ayon o pagsalungat. Nagsisilbing hudyat din ang tono,
himig, at diin ng pagsasalita na maaaring gamitan ng
mababa o mataas na boses batay sa paraan ng
pagpapahayag. Sa paglalahad ng sariling pananaw at
opinyon sa anyong pasulat, mahalagang malaman ang mga
salitang magbibigay ng hudyat ng iyong pagsang-ayon o
pagsalungat sa puntong iyong nabasa o napakinggan.
MGA HUDYAT NG PAGSANG-AYON
AT PAGSALUNGAT

Hindi lahat ng mga detalye o mensahe ng


pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o
tinututulan. Sa pagsasaad ng pagsang-ayon at
pagsalungat ay mahalagang maunawaan nang
lubos ang pahayag upang makapagbigay ng
katuwiran na magpapatibay sa ginawang
pagsang-ayon o pagsalungat.
Narito ang mga hudyat na maaring
gamitin batay sa uri pagpapahayag:

1. Salitang Sumasang-ayon. Naghuhudyat ito ng pagpayag


o pagpanig sa isang pananaw o punto. Karaniwang
ginagamit ang mga salitang oo, opo, totoo, tunay, talaga,
tama, at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
1. Totoo ngang nakakabahala ang Covid-19.
2.Tunay nga na mapagmalasakit ang mga Pilipino.
3. Tama lamang na huwag lumabas ng bahay sa panahon
ngayong may pandemya.
Narito ang mga hudyat na maaring
gamitin batay sa uri pagpapahayag:
2. Salitang Sumasalungat. Naghuhudyat ito ng hindi
pagpanig o hindi pagsangayon. Nagpapakita rin ito kung
paano nagkakaiba ang dalawang ideya. Karaniwang
ginagamit ang mga salitang tulad ng ngunit, datapwat,
subalit, bagamat, hindi, at iba pang mga kauri nito.
Halimbawa:
1. Hindi ako naniniwala na maraming gustong maging
mayaman pero walang ginagawa.
2. Mali ang ginawang mong panghuhusga sa kapwa.
3. Ngunit hindi dahilan na mahalin ka niya na walang
paninindigan.
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√ )
kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagsang-ayon at ekis ( x )
naman kung pagsalungat.

1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong ligtas tayo rito.


/
2. Hindi ko gusto ang iyong pananalita.
X
3. Ayaw kong sumama sa inyong paglalakbay.
X
4. Tunay ngang hangga’t may buhay may pag-asa.
/
5. Kaisa ako sa inyong adhikain.
/
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√ )
kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagsang-ayon at ekis ( x )
naman kung pagsalungat.

6. Tama ang iyong sinabi.


/
7. Hindi, dapat mangibabaw ang kabutihan sa mundo
X
8. Pareho tayo ng nais sa buhay.
/
9. Totoong kailangan ng tagapagligtas ang mundo.
/
10. Maling-mali ang pagtapon ng basura sa dagat.
X
Overvie
w

Thank you
Have a Nice
Day.

You might also like