Cupid at Psyche

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

“CUPID AT

PSYCHE”
I. BATAYANG KAALAMAN
A. Pamagat ng akda: “Cupid at Psyche”
• Cupid at Psyche ay akma sa diwang nais iparating ng kwento sa mga mambabasa.
Nakakatulong ang pamagat ng kwento para basahin ito ng mga mambabasa dahil lahat
tayo ay nag titiwala ang pinaka importanteng parte ng pagmamahalan at nais rin nitong
ipaalam sa mambabasa na ang anumang tagumpay o kasiyahan ay nagmula sa
paghihirap.
B. Pagkilala sa May Akda:
Lucius Apuleius Madaurensis.
• Ipinanganak si Apuleius sa Madaura, Aprika. Nag-aral siya
sa Atenas bago maging isang tagapagsulong o
tagapagtaguyod sa Roma. Naglakbay siya sa Hilagaing
Aprika upang talakayin o magturo ng ukol sa pilosopiya at 
retorika. Habang nasa Tripoli, kinasuhan siya ng paggamit
ng pangkukulam upang mapagwagian ang pag-ibig ng isang
mayamang balo. Dahil sa kanyang depensa, nanalo siya sa
kasong ito. Pagkaraan, pumunta at nanatili siya sa Cartago,
ang lugar kung saan siya namatay.[1]
• Si Lucio Apuleyo (sirka 123/125[1] – sirka 180) ay isang
manunulat na Latin ang wikang gamit. Ang prosang higit na
naaalala sa kanya dahil sa kanyang
nobelang Metamorphoses, na kilala rin bilang Asinus Aureus
 o The Golden Ass sa Ingles ("Ang Ginintuang Asno"). Isa
siyang romanisadong Berber[2]
II. Buod
• Nagsimula ang istoryang “Cupid At Psyche” sa isang mortal na dalaga na ubod ng ganda na si Psyche. Ngunit kahit gaano
pa siyang kaganda, wala pa rin siyang asawa. Sa sobrang ganda niya ay hindi na siya iniibig ng kalalakihan, sa halip ay
gusto nalang nila siyang sambahin. Lingit sa kaalaman ni Psyche, nagagalit na niya ang Diyosa ng kagandahan na si
Venus, sapagkat tila ba nalilimutan na siy ang sambahin ng mga kalalakihan dahil lamang sa isang mortal. Dahil sa inggit
nabuo ang plano ni Venus na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Nagpatulong siya kay Cupid, ngunit maging si Cupid ay
napaibig din sa kanyang kagandahan kaya hindi niya nasunod ang plano.
• Samantala, sa kagustuhan ng amang hari ni Psyche na magkaroon na si Psyche ng mapapangasawa, komunsulta siya kay
Apollo. Hindi alam ng ama ni Psyche na nauna ng humingi ng tulong si Cupid. Nagbigay ng payo si Apollo sa hari kung
paano matatagpuan ni Psyche ang halimaw na iibig sa kaniya.
• Sumunod ang hari sa gabay ni Apollo.
Pinadala nila si Psyche sa bundok kung saan siya susunduin ng kanyang mapapangasawa. Nagluksa ang lahat sa pag-
aakalang katapusan na iyon ni Pysche. Takot at pangamba ang nangingibabaw kay Psyche. Dumating na si Zypher, ang
susundo kay Psyche patungo sa kaniyang asawa. Nang maihatid na niya si Psyche sa palasyo ng kanyang mapapangasawa,
nawala ang lahat ng kanyang takot, lalo na ng mapakinggan ang malambing na boses ng kanyang mapapangasawa. Hindi
niya nakikita ang asawa, sa halip ay naririnig lamang niya ang tinig nito.
• Isanggabi, nag-usap si Cupid at Psyche tungkol sa kanyang mga kapatid na magdadala sa kanya ng
kapahamakan.
• Noong nagluluksa ang mga kapatid ni Psyche para sa kanya, narinig niya iyon. Sa sobrang awa, nakiusap
si Psyche kay Cupid. Kahit sobrang bigat ng desisyon na iyon kay Cupid ay pinayagan niya si Psyche.
Inihatid ni Zephyr ang dalwang kapatid patungo sa palasyo. Lubos na namangha ang mga ito dahil ang
palasyo ay ginto. Naiingit sila kay Psyche kaya gumawa sila ng masamang plano laban sa kanyang kapatid.
Ginulo ng dalawang kapatid ni Psyche ang isip niya hanggang hindi na niya alam ang kanyang gagawin.
Sinabi ng mga kapatid niya na halimaw si Cupid mm marapat niya itong patayin.
• Noong gabi na gagawin na ni Psyche ang pagpaslang kay Cupid, siya ay natigilan. Sa liwanag ng dala
niyang lampara, sa wakas, nakita na niya anh mukha ng kanyang asawa. Nakita niyang si Cupid ay hindi
halimaw, kundi ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo. Labis ang kanyang pagsisisi. Sa
kagustuhan niyang pagmasdan ang mukha ni Cupid, inilapit niya ang lampara. Sa kasamang palad,
natuluan si Cupid ng langis at siya ay nagising at nalaman ang pagtataksil ng asawa. Agad siyang umalis
upang pumunta sa kanyang inang si Venus. Kinuwento ni Cupid ang nangyari at dumagdag pa ito lalo sa
galit ni Venus kay Psyche.
• Alam ni Psyche na hindi siya mapapatawad ng Diyosa na si Venus dahil sa kanyang nagawa. Kahit na
gayun, gagawin niya ang lahat para patunayan ang kanyang pagmamahal kay Cupid.
• Naglakbay si Psyche papunta sa kaharian ni Venus, nagbabakasakaling andun ang kanyang
asawa at para humingi ng tawad kay Venus. Sa mga panahong iyon, nagpapagaling pa si
Cupid. Binigyan ni Venus si Psyche ng tatlong pagsubok. Una, ang pagsasama sama ng uri
ng buto, natapos niya iyon sa tulong ng mga langgam. Pangalawa, ang pagkuha ng buhok
sa mga mababangis na tupa, nalagpasan niya ang pangalawang pagsubok sa payo ng isang
halaman. Pangatlo, ang pagkuha ng maitim na tubig mula sa mabatong balon,
naisakatuparan rin niya iyon sa tulong ng isang agila. Tila ba lahay ay sumasang-ayon sa
kaniya ang lahat, natapos niya ang tatlong pagsubok.
• Hindi na kontento si Venus sa pagpapahirap kay Psyche kaya naman binigyan pa niya ito
ng isa pang pagsubok. Binigyan ni Venus si Psyche ng kahon at inutusan niya ito para
humingi ng kaunting kagandahan kay Persephone, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Tulad ng
mga naunang pagsubok, may tumulong sa kaniya. Binigyan siya ng gabay ng isang tore
kung paano siya makakapunta at makakapasok sa kahariaan ni Hades.
• Nagtagumpay si Psyche sa pagpunta sa kaharian sa ilalim ng lupa at nakuha ang hinihingi
ni Venus. Si Psyche ay pabalik na sa kaharian, ngunit natukso siyang buksan ang kahon at
kumuha ng kaunting kagandahan para umibig ulit sa kanya si Cupid, sa pag-aakalang ‘di
na siya mahal ng kanyang asawa. Sa pagbukas niya ng kahon, bigla siyang nanghina at
nakatulog.
• Sa panahong iyon magaling na si Cupid. Hinanap niya ang kanyang asawa at natagpuang
walang malay. Tinulungan niya ang kanyang asawa para matanggal ang gayuma at
tuluyan ng matapos ang kaniyang pagsubok.
• Nagpatuloy si Psyche kay Venus upang dalhin ang kahon at tuluyang tapusin ang
pagsubok, samantalang si Cupid naman ay humingi ng tulong kay Jupiter upang hindi na
gambalain pa ng ina ang pagmamalan nila.
Nagpapulong si Jupiter sa mga diyos, sinabihan niya ang lahat na wala nang pwede pang
gumabala kay Cupid At Psyche maging ang ina ni Cupid na si Venus. Sa pamamagitan ng
pagkain ng ambrosia, naging diyosa narin si Psyche. Siya ay tinaguriang diyosa ng mga
kaluluwa.
• Nagpakasal sina Cupid at Psyche. Ang ina ni Cupid ay napanatag na sapagkat diyosa
narin si Pysche. Naging maligaya narin ang mag-asawa.
III. Mga Elemento
A.Paksa
• Nagsimula ang istoryang “Cupid At Psyche” sa isang mortal na dalaga na
ubod ng ganda na si Psyche. Ngunit kahit gaano pa siyang kaganda, wala pa
rin siyang asawa. Sa sobrang ganda niya ay hindi na siya iniibig ng
kalalakihan, sa halip ay gusto nalang nila siyang sambahin. Lingit sa
kaalaman ni Psyche, nagagalit na niya ang Diyosa ng kagandahan na si
Venus, sapagkat tila ba nalilimutan na siyang sambahin ng mga kalalakihan
dahil lamang sa isang mortal.
B. Tauhan ng Kwentong “Cupid at Pysche
1.Cupid
1. Diyos ng Pag-big
2. Mapagmahal na asawa
3. Handang magsakripisyo para sa pinakamamahal niya
2.Psyche
1. Pinakamaganda sa magkakapatid
2. Sinasamba ng mga kalalakihan
3. Asawa ni Cupid
4. Diyosa ng Kaluluwa
5. Determinado sapagkat hindi siya sumuko sa mga pagsubok na binigay sa kanya ni Venus
3.Venus
1. Diyosa ng kagandahan
2. Ina ni Cupid
3. Inggit sa kagandahan at papuring natatamo ni Psyche
1.Amang hari ni Psyche: Pumunta kay Apollo para humingi ng payo para sa
kanyang anak
2.Apollo
1. Mensahero ng mga diyos
2. Tumulong kay Cupid at sa ama ni Psyche
3.Dalawang kapatid ni Psyche
1. Nagplano ng masama laban kay Psyche
2. Inggit ang nanaig sa dalawa
4.Zephyr – naghatid kina Psyche at mga kapatid niya sa palasyo ni Cupid
5.Persephone
1. Asawa ni Hades
2. Nagpaunlak sa hiling ni Venus
C. Tagpuan
• Ang mga tagpuan sa mitolohiyang Cupid at Psyche:
Ang mga ito ay ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari sa
kwento.

-Sa kaharian ng ama ni Psyche


-Sa templo ng Diyosang si Venus
-Sa tuktok ng Bundok kung saan dinala si Psyche ng kanyang
amang hari.
-Sa palasyo ng bagong asawa ni Psyche
-Sa Kaharian ni Zeus, ang Hari o Ama ng lahat ng Diyos sa
Olympus.
D. Banghay
1. Panimula:
• Sa panimula ng isang kwento nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Sa kwento nina Cupid at Psyche makikita na sinimulan ito sa
anyong naglalarawan. Inilarawan nito ang sitwasyon sa lugar kung saan
nakatira si Psyche. Inilarawan ang kanyang buhay at maging ang kanyang
suliranin sa unang bahagi ng kwento. Makikita din natin na agad ipinakilala
ang mga pangunahing tauhan sa kwento na si Cupid at Psyche at nagbigay
ng kanilang posibleng partisipasyon sa pag-ikot ng kwento. Malinaw ang
paglalarawa sa ugali at pagkatao ng mga tauhan sa simula ng kwentong ito.
2. Saglit na kakintalan
• sa part na masaya si psyche kahit hindi nya nakikita ang mukha ni cupid (kontento
na kasi sya) dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung ano ang
napag dadaanan dahil dito napatunayan ng dalawa na mahal nila ang isa’t isa.
3. Papataas na aksyon
• ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche dahil sa taglay na kagandahan nito at lubos
itong ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si
Psyche sa isang halimaw. Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na
umibig kay Psyche nung unang beses pa lamang nya itong nakita. Nang makauwi na si
Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus.
• Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang
halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila walang
nangahas na umibig kay Psyche.
4. Kasukdulan
• Sinilip ni Psyche ang natutulog na si Cupid pagsapit ng gabi at nalaman nya na hindi
halimaw ang kanyang asawa . Nasaktan si Cupid na mapag-alaman na walang tiwala si
Psyche sa kanya.
5. Pababang Aksyon
• Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang
halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila
walang nangahas na umibig kay Psyche.
6. Wakas
• hinyaan ni jupiter na magsama sila at si venus ay ok na din sa kanya naging imortal si
psyche at nagkaanak sila ni cupid na babae na si kasiyhan at nag sama sila ng matagal
at nag pakasal narin.
7. Tunggalian
• Ang tunggalian sa cupid at physce ay nong pinarusahn s pysche ng ina n cupid
Maraming pagsubok na natapos nya kng kayat nagalit ang ina ni cupid at snabi na hnde
nya ito maggwa ng magisa.
IV. Pananaw o Punto De Bista
• (Sa pagiibigan ng magkasintahan.) Hindi inalintana ng dalaga ang
mga hamong ibinigay ng Ina ni cupid kahit na minsan ay naisip
nyang sobrang hirap nito "Si psyche ay naging dyosa ng
kaluluwa" Sa kwentong nyan, dapat ang tunay na pagibig ay hindi
basehan sa kung ano man ang sabihin nila dahil nasasayo ang
desisyon kung pano mo ito panghahawakan at dapat kayong
dalawang magkasintahan ay mag tiwala sa isat isa, sapagkat yun
ang unang kailangan inyo upang di masira ang inyong relasyon...
V. ISTILO AT PAGKAMASINING
• Sinimulan ang akda sa pamamagitan ng paglalahad kung ano
ang gampanin ng dalawang tauhan sa kuwento. Bagamat
hindi nailarawan ng may akda ang pag uugali ng dalawa
naging maliwanag naman ang paglalahad ng istorya mula sa
simula, gitna at wakas may mga punto pang nakakabitin lalo
na sa parteng pagwawakas dahil hindi masyadong nabigyang
linaw ang pagwawakas.
TEORYANG PAMPANITIKAN
• Ang teoryang pampanitikang nakapaloob sa akdang ito
ay teoryang Realismo sapagkat tunay na nangyayari sa
kasalukuyan ang mga pangyayari sa akdang ito. Isa rin
ang teoryang Romantisismo , sapagkat ipinakikita nito
ang pagmamahalan ng dalawang pangunahing tauhan.
VII. MGA BISA BISA SA KAISIPAN
• Ang Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome, Italy) isinalaysay ni
Apuleius na isinalin sa "wikang Ingles" ni Edith Hamilton at isinalin
naman sa wikang Filipino ni (Vilma C.Ambat). Ito ay tungkol sa
klasikong mitolohiya mula sa Rome, at Italy. "Cupid at Psyche" ay
itinampok bilang isa sa mga pinagmulan na mito mula sa Rome.
Makikilala mo ang iba't ibang diyos at diyosa na Cupid at ang
dalagang walang tiwala.pinaghugutan ng inspirasyon ng iba't ibang
manunulat ng panitikan sa buong daigdig. Ang mitong ito ay tungkol
sa pag-libigan ng Diyos ng pag-ibig na si mortal na ubod ng ganda
(kalaunay naging diyosa) na si Pscyche. Binigbigyang-din dito ang
mensaheng, Ang pag-ibig ay hindi nabubuhay kung walang tiwala..
BISA SA DAMDAMIN
• Habang binabasa ko ang kwento na ito namangha ako sa tunay na
pagmamahalan ng dalawa dahil totoo silang nag mamahalan kahit na
maraming humahadlang sa kanilang dalawa hindi yon nagging basihan
para sila ay mag hiwalay bagkos lalo nilang pinag titibay ang Samahan
at pundasyon nilang dalawa nakakatuwa lang dahil sa ganung paraan
nila naipapakita ang tunay at labis nilang pag mamahalan bilang isang
tunay nitong nararamdaman sa isa’t isa.
BISA SA KAASALAN
• Maging maingat sa pagtitiwala at paggawa ng desisyon.
• Huwag magpaapekto sa mga pagsubok na bumabalakid sa pag-abot ng mga
mithiin sa buhay.
• Magkaroon ng tiwala sa sarili at ipaglaban ang kung ano ang sa tingin ay tama
at makabubuti sa sarili at kapwa.
• Huwag magpadala sa inggit at maging mapagkumbaba sa pamayanan
• Huwag manghamak ng iba upang maging mas malakas at makapangyarihan.
• Igalang ang desisyon ng bawat isa.
• Maging mapagkumbaba ano man ang estado sa buhay. Lipunan at sa Pamilya
(Mensahe ng Mitolohiyang Cupid at Psyche)
• Tiwala at pagtanggap ng desisyon ng bawat miyembro ay mahalaga.
• Iwasan ang inggitan.
• Magkaroon man ng alitan sa mga miyembro, sa huli ay sila pa rin ang
magiging sandigan at kakampi mo.
• Hayaang gumawa ng sariling desisyon ang miyembro na nasa tamang edad na.
• Kung wala pa sa wastong edad ay mas makabubuting tumalima muna sa mga
pangaral ng mga magulang at nakatatanda.
• Matutong magpatawad sa kapwa.
• Ang pag-ibig ay hindi dapat minamadali.
VIII. IMPLIKASYON SA LIPUNAN
• Ang implikasyon ng kwento ni Cupid at Psyche sa pamilya, sarili,
lipunan, at pamayanan ay tungkol sa pagtanggap, pagmamahal ng
walang kapalit, at ang pag-iwas sa pagiging hambog. Ang kwento ni
Cupid at Psyche ay isa lamang sa mga kwentong tungkol sa pag-ibig
sa Greek Mythology. Si Cupid ay anak ni Aphrodite, ang Goddess of
Love, at ni Ares, ang God of War. Samantalang si Psyche naman ay
isang napakagandang babae sa lupa. Ito pa ang Ilan sa mga mensahe
ng kanilang kwento:
• (Sa Pamilya)Sa kwento ni Cupid at Psyche, malalaman natin na ang
mga kapatid ni Psyche ay nainggit sa kanya dahil sa karangyaan at
kayamanan ng kanyang napang-asawa.
• (Sa Sarili) Dahil sa hindi pagtitiwala ni Psyche, nilayuan siya ni
Cupid. Ngunit dahil sa pagmamahal niya, lumapit siya kay Aphrodite
upang makausap ito muli. Binigyan siya ni Aphrodite ng iba't ibang
imposibleng gawain upang ito ay sumuko. At dahil na rin sa inggit ni
Aphrodite sa kagandahan nl Psyche, nais niya rin itong mahirapan sa
mga gawaing ibinigay niya rito. Ngunit dahil sa lalim ng pagmamahal
ni Psyche, ginawa niya pa rin ang lahat upang makita muli si Cupid.
• (Sa Lipunan at Pamayanan) . Dahil sa inggit at hindi
pagtatanggap ng pagkakaiba, nagkaroon ng mga problema sa
kwento ni Psyche at Cupid.
• Ang mensahe nito ay dapat na matuto tayong tanggapin na
may mas magaling pa sa'tin sa kahit anong aspeto. Pero hindi
natin ito dapat isipin na masama. Dapat na isipin natin na
kahit na may mas magaling sa lipunan at pamayanan,
MARAMING SALAMAT!!!

Inihanda ni: Bb. Denosta, Ivy


EDUC 3-C

You might also like