Lesson 9

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

C A R A G A STATe

Ampayon, Butuan City 8600, Philippines

U NIVeRSITy
URL: www.carsu.edu.ph

DASALAN AT TOCSOHAN
ni Marcelo H. del Pilar

1
DASALAN AT TOCSOHAN

 Ito’y isang akda na ipanapakita kung paano sobrang kaiba o


kabaliktaran ang ginagawa ng mga prayle noon sa kanilang
mga sinasabi sa mga Pilipino

 Noong Oktubre 28, 1888, nakatakas na si Plaridel bago siya


mahuli ng mga Kastila at Fraile matapos ang kanilang
malawakang pag-aaklas noong Marso 1, 1888 kung saan nais
nilang palayasin ang mga fraile sa bansa.

2
 Dahil sa pait na mararanasan ni Plaridel at maiiwan niya ang
kanyang sambahayan, kaibigan at ang Inang Bayan. Isang huling
hagupit ng kanyang mga panulat ang dudurog sa bumbunan ng
mga Fraile.

 Giniba niya ang mismong dokrtina ng Iglesia Katolika sa


kanyang panulat na DASALAN AT TOCSOHAN sa ilalim ng
mga pangalan ni Dolores Manapat at Dolores Manaksak.

3
ANG TANDA NG CARA-I-CRUZ
(Parody ng “Sign of the Cross“)

Ang tanda nang Cara-i-cruz ang ipag-adya mo sa amin


Panginoon naming Fraile, sa manga bangcay naming, sa ngalan nang
Salapi at nang Maputing binti, at nang Espiritung Bugao. Siya naua.

4
PANGINOON KONG FRAILE
(Parody ng “The Act of Contrition”)

Panginoon kong Fraile, Dios na hindi totoo at labis nang pagca


tauo gumaga at sumalacay sa aquin: pinagsisihan cong masaquit sa
tanang loob co ang dilang pag asa co sa iyo, ang icao nga ang
berdugo co, Panginoon co at caauay co, na inihihibic cong lalo sa
lahat; nagtitica akong matibay na matibay na dina muli-muling
mabubuyo sa iyo:

5
PANGINOON KONG FRAILE
(Parody ng “The Act of Contrition”)

ad lalayoan co na at panginginlagan ang balanang macababacla nang


loob co sa pag asa sa iyo, at macalilibat nang dating saquit nang
manga bulsa co, at nagtitica naman acong magla-lathala nang dilang
pagca daya co uma-asa acong babambuhin ca rin, alang alang sa
mahal na pantion at pangangalacal mo nang cruz, sa pag ulol sa
aquin. Siya naua.

6
AMAIN NAMIN
(Parody ng “Our Father“)

Amain naming sumasa convento ca; sumpain ang ngalan mo,


malayo sa amin ang casaquiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa
para nang sa langit. Saulau mo cami ngayon nang aming caning
iyong iuarao arao at patauaniu mo cami sa iyong pag ungal, para
nang pag taua mo sa amin cun cami nacucualtahan; at huag mo
caming ipahilot sa iyong manu-nucso at iadya mo cami sa masama
mong dila Amen.

7
ABA GUINOONG BARYA
(Parody ng “Hail Mary“)

Aba guinoong Baria, nacapupuno ca nang alcancia; ang Fraile’y


sumasa iyo, bucod ca niyang pinag pala’t pinahiguit sa lahat, pinag
pala naman ang caban mong ma-pasoc. Santa Baria, ina nang
deretsos, ipanalangin mo caming huag anitan ngayon at cung cami
ay mamatay. Siya naua.

8
Ang Mga Utos ng Fraile
(Parody ng “The Ten Commandments“)

Ang manga utos nang Fraile, ay sampuo:

Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat.


Ang icalaua: Huag cang magpahamac manuba nang ngalang
deretsos.
Ang icatlo: Mangilin ca sa Fraile Domingo man at fiesta.
Ang icapat: Isangla mo ang catauan mo sa pag-papalibing sa ama’t
ina
Ang icalima: Huag cang mama-ma-tay cung uala pang salaping
ipagpa-palibing
Ang icaanim: Huag kang maquiapid sa caniyang asaua.

9
Ang Mga Utos ng Fraile
(Parody ng “The Ten Commandments“)

Ang icapito: Huag cang maquinakao.


Ang icaualo: Huag mo silang pagbibintangan, cahit ca
masinungalingan.
Ang icasiam: Huag mong ipag cait ang iyong asaua.
Ang icapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.

Itong sampong utos nang fraile ay dalaua ang quinao-ouian. Ang


isa: sambahin mo ang fraileng lalo sa lahat. Ang icalaua: ihayin mo
naman sa caniya ang puri mo’t cayamanan. Siya naua.

10
 Ayon nga sa aklat na “CCP Encyclopedia of Philippine Art,”
sinabi dito na ang mga akdang katulad nito ay nakatulong sa
pagpapabagsak ng “friarcracy” o ng mas sukdulang
pagpapasinaya ng mga Kastilang prayle ng mga kumbentong
patakaran imbes ng panggobyerno—na di kalaunan nga ay
nagbunsod sa rebolusyon noong 1896.

11
ANG CABOHONGAN ASAL

Ang cabohongang asal pangala’y tontogales ay tatlo:


Igalang mo ang fraile.
Catacutan mo ang fraile.
At pag manuhan mo ang fraile.

12
ANG MANGA BIAYA

Nang Fraile sa nanga-o-lol.


- AY APAT –
Ang sila’y pag utusan.
Gauing tauong simbahan.
Ang anac ay ligauan,
At gamitin sa capanganyayaan.

13
 Ang hampas nang cagalitan nang fraile, ay tatlo:
Ipabitay cung maa-ari na gaya nang tatlong Pare.
Tauaging filibustero at ipadala sa Jolo.
Pormahan caya nang causa’t bilangoin man lamang siya

14
Ang cabanalang asal pangala’y virtudes cardinales ay apat:
Ang calihiman sa ano mang gagauin.
Talino sa sasabihin.
Manga deretsos ay piguilin.
Pagpapaalis ay pilitin.

15
Ang cahatolan nang fraile sa lihis na Erangelio ay tatlo:
Ang pag babayad nang deretsos.
Calme’t sintas ay lumimos.
Sa candilang pag tutulos.
Maguing dukha ca mang lubos.
Una ito’t and icalaua.
Cahalaya’t mag ingat ca,
Cung hihicayat ay iba
Nguni at huag cung sila,

16
Icatlo at cauacasan.
Ang lubos na casunuran.
Sacaling icao’y utusan.
Nnag Fraileng sino’t alin man.

17
TOCSOHAN

T. Ano caya ang Fraile?


S. Isang panginoong di cailangan; di iquinagagaling nang bayan;
pumipiguil nang carunungan; puno nang madalang casaman, at siyang
quinao-ouian nang ating cayamanan.
T. Ilan ang Fraile.?
S. Isa lamang.
T. Ang orden nama’y ilan?
S. Lima

18
TOCSOHAN

T. Turan mo cun alin alin?


S. Dominico, Agustino, Recoletano Franciscano at Capuchino
T. Ang Dominico’t Recoletano baga’y Fraile?
S. Oo, Fraile nga.
T. Ang Agustino’t Franciscano baga nama’y Fraile?
S. Oo, Fraile rin.
T. Ang Capuchino caya ay Fraile?
S. Oo Fraile rin naman.

19
TOCSOHAN

T. Iba baga ang pagca Fraile nang isa sa pagca Fraile nang iba?
S. Dili cun di iisa rin ang ang pagca Fraile nila, ang pagdadaya lamang
ang iba’t iba.
T. May mahal na asal caya ang Fraile na para baga nang camahalan man
lamang nating manga minamasama nila?
S. Uala rin ngani at sila’y pinanginginlagang tunay na tunay.
T. Nasaan ang Fraile?
S. Ualang di quinadoroonan halos dito sa Filipinas at pauang nacapang
ya-yari sa lahat, caya hindi umalis cahit pina-a-alis man.

20
TOCSOHAN

T. Paano ang paguiguing tauo nang canilang manga anac.


S. Ipinag lilihi, sa lalang nila, sa tiyan nang manga confesada at dili man
confesada cung sacaling maganda, na ito’y pauang virgen cung di pa
nanganganac, virgen din yata sa panganganac at virgen din, dao, cung
macapanganac na.

DOLORES MANAKSAK
Hindi monja

21
THANK YOU!

22
References:

 Salcedo, Chrissha Belle. “Dasalan at Tocsohan ni Marcelo H. del


Pilar.” 2014

 https://handiog.wordpress.com/2014/10/11/dasalan-at-tocsohan-ni-
marcelo-h-del-pilar/

 Marcelo H. del Pilar. “Dasalan at Tocsohan.” Bantay Kasaysayan.


1888

 https://www.facebook.com/permalink.php?
story_fbid=1843298415802266&id=717689685029817
23

You might also like