Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20
Layunin:
• Makapagbigay ng sunod- sunod
na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain ng ligtas, episyente at angkop sa paraan. Aralin 4 Tekstong Prosidyural Tekstong Prosidyural Uri ng paglalahad (expository) na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan Do It Yourself (DIY) Mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa. Uri ng Tekstong Prosidyural Paraan ng pagluluto (Recipes) Panuto (Instructions) Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) Manwal Mga eksperimento Pagbibigay ng direksyon Mga Halimbawa: Recipe sa pagluluto sa Home Economics Paggawa ng eksperimento sa agham at medisina Pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya. Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada Manwal na nagpapakita ng hakbang hakbang na pagsasagawa ng iba’t ibang bagay Apat na bahagi ng Tekstong Prosidyural Inaasahan o Target na Awput Mga Kagamitan Metodo Ebalwasyon Inaasahan o target na awtput Kung ano ang kakalabasan o kakahantungan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay. Kagamitan Ang mga kasangkapan at kagamitan na kinakailangan upang makumpleto ang isinasagawang proyekto. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung kailan gagamitin. Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anumang kagamitan. Metodo Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto Ebalwasyon Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Ito ay sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur. Mga Tiyak na Katangian ng Wikang Madalas Gamitin sa Teksto
Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang
tao lamang. Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksyon. Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkasunod- sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto. Paggawa ng Parol Mga Kakailanganin 10 patpat ng kawayan. ¼ pulgadaang lapad at 10 pulgada ang haba 4 na patpat ng kawayan, ¼ pulgada lapad at 3 ½ pulgada ang haba Papel de hapon o cellophane tali / glue gun / rubber bands gunting Unang Hakbang
Bumuo ng dalawang bituin gamit ang mga patpat ng kawayan. Ikalawang Hakbang
Pagkabitin ang mga
dulo ng kawayan gamit ang inihandang tali. Bumuo ng dalawang star. Unang Hakbang Pagdikitan ang dalawang star at talian ang bawat dulo ng mga ito para hindi kumalas. Pang-apat na Hakbang
Ilagay sa gitna ng pinagkabit na kawayan
ang apat na patpat ng kawayan para lumobo ang balangkas ng iyong parol. Panglimang Hakbang
Balutin ng papel de hapon o cellophane
ang balangkas ng parol. Kung nais mong gamitan ng iba’t ibang kulay pwede.. Panglimang Hakbang
Balutin ng papel de hapon o cellophane
ang balangkas ng parol. Kung nais mong gamitan ng iba’t ibang kulay pwede.. Pang-anim na Hakbang
Maari mong palamutian ang iyong parol
ng mga palara. Maganda rin itong lagyan ng buntot na gawa sa papel de hapon.