Teorya

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 66

Kabanata 3

Inihandi ni:
G. Jerome S. Sampayan
PORMULASYON NG PALILINAWING MGA
SIMULAIN NG MGA TIYAK NA KAISIPAN
UPANG MAKALIKHA NG MALINAW AT
SISTEMATIKONG PARAAN NG
PAGLALARAWAN O PAGPAPALIWANAG
UKOL DITO.
ISANG SISTEMATIKONG PAG-AARAL AT ANG
MGA PARAAN SA PAG-AARAL NG
PANITIKAN NA NAGLALARAWAN SA
TUNGKULIN NG PANITIKAN KABILANG ANG
LAYUNIN NG MAY-AKDA SA PAGSULAT.
Ayon kay Anthony, ito ay isang set ng
mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan
ng wika, pagkatuto, at pagtuturo.
Lubos na nadadama at nauunawaan ang isang akda
kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang iba’t ibang
dulog at teorya na maaring gamitin sa isang akdang
pampanitikan.
KLASISMO
Ang klasisismo o klasismo
ay isa sa teoryang
pampanitikan na nagmula
sa Gresya. Mas higit na
ang
pinapahalagahan
kaisipan kay sa damdamin.
KLASISMO
Ang layunin ng panitikan ay
maglahad ng mga pangyayaring
payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.
KLASISMO
Ipinahahayag ng klasismo na
ang isang akda ay hindi
naluluma o nalalaos, sa
kabilang dako ay nangyayari
o nagaganap parin sa
kasalukuyan.
KLASISMO
Nakasaa rin dito na
d ang panitikan
pinakamataa sa patungo sa
nakatuon
spinakamabababang uri. Ibig
sabihin, sa itaas matatagpuan
ang kapangyarihan at
kagandahan.
Halimbawa:

 Florante at Laura ni Francisco Balagtas


HUMANISMO
Ito ay sumibol sa panahon ng
Muling Pagsibol o Renacimiento
(Renaissance). Ito ay nagmula sa
salitang ingles na “human” o tao
sa Filipino.
HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang
tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talento at
iba pa.

Ayon kay PROTAGORAS (Villafuerte, 1988)


“Ang tao ang sentro ng daigdig, ang
sukatan ng lahat ng bagay at panginoon
ng kanyang kapalaran.”
HUMANISMO
Humanismo:Dignidad, Pagpapahalaga
sa Sarili at Kapwa

Ang teoryang humanismo ay pananaw


na nakasentro sa tao sa halip na sa
Diyos.
HUMANISMO
Sa pilisopiya, ito ayatityud na sa
nagbibigay DIGNIDAD
diin
KAHALAGAHAN ng tao.
at
Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang
RASYUNAL.
HUMANISMO
Karaniwang ginagamit ang humanismo para
ilarawan ang kilusang panitikan at kultura sa
kanlurang Europa noong ika-14 hanggang ika-15
siglo.

Nagbigay ng bagong sigla ang humanismo ang


pagkakatuklas ng paglilimbag noong ika-15 siglo
sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga
klasikong edisyon.
HUMANISMO
Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na
humanistiko, mainam na tingnan ang sumusunod:

 Pagkatao
 Tema ng kwento
 Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal
ba?
 Mga bagay na nakaiinfluwensya sa pagkatao ng
tauhan; at
 Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa
problema.
Halimbawa:

 “Ako si Magiting” ni Consolancion P. Conde


 Titser ni Liwayway Arceo
 “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla
IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng
mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin
at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na
higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita.
IMAHISMO
Isang pamamalagay na
kinakailangang gumamit ng matipid
at maingat na paggamit ng mga
salita upang makabuo ng
konkretong imahen.
IMAHISMO
Ito ay umusbong noong 1900 at sa unang dalawang
dekada ng ika-20 siglo lumalaganap ang imahismo
bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at
Inglatera.

Nagbibigay-pansin sa hanay ng mga salita at


simbolismo ang nasabing kilusan. Ilan sa mga
prominenteng pangalan sa kilusang ito ay ang mga
makatang Amerikanong sina Ezra Pound, Amy
Loswell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle.
IMAHISMO
Samantala, sa Ingletera naman ay nakilala ang
mga manunulat na sina D.H. Lawrence at
Richard Aldington. Kasabay ng kanilang
paglikha ng mga obra sa ganitong lapit,
nagpalaganap din ang kanilang hanay ng mga
manifesto at sanaysay na kumakatawan sa
kanilang teorya.
Halimbawa:

PANAMBITA
N
ni Myrna Prad
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw Kung may mga taong sadyang
Marami sa tao’y sa salapi silaw? nadarapa Sa halip tulungan, tinutulak
Kaya kung isa kang kapus- pa nga; Buong lakas silang dinudusta-dusta
kapalaran Wala kang pag-asang Upang itong hapdi’y lalong managana.
umakyat sa lipunan. Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo
Tao’y pantay-pantay sa bala ng
Mga mahirap lalong nasasadlak mundo? Kaming mga api ngayo’y
Mga mayayaman lalong naririto Dinggin Mo, Poon ko,
umuunlad panambitang ito.
Maykapangyarihan, hindi
sumusulyap Mga utang na loob
mula sa mahirap.
REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan SA
MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-
akda ang kasiningan at pagkaepektibo
ng kanyang sinulat.
REALISMO
Nagpapahayag ito
ng pagtanggap sa
katotohanan
o realidad ng
Ipinaglalaban buhay. ng
realismo ang teoryang
katotohanan
kaysa kagandahan
Halimbawa:

 AMBO
• Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio.
• Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng
maraming mamamayan.
• Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na
walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping
nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay
maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
Halimbawa:

 Bangkang Papel
• Isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946.
• Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera.
• Unang nailathala noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang tunay na
kalayaan at unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang
awtor.
• Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan
noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.
• Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing
nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.
FEMENISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala
ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
Mga Halimbawa:

 “Sa Ngalan ng Ina, ng Anak, ng Diwata’t


Paraluman ni Lilia Q. Santiago” (tula)
 Sandaang Damit ni Fanny Garcia (maikling
kwento)
 “Sumpa” ni Rowena Festin (tula)
 “Paano tumutula ang isang Ina” ni Ligaya G.
Tiamson-Rubin (tula)
PORMALISMO O
PORMALISTIKO
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang
tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Hindi
binibigyang-diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda,
hindi nakapaloob ang kasaysayan, at lalong walang
mababanaag na implikasyong sosyolohikal, politikal,
sikolohikal, at ekonomikal. Samakatuwid, ang pisikal na
katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito.
SIKOLOHIKAL

Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin


sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito.
Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan,
istilo, o paraang artistiko ng teksto.
Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas
sa teksto mismo tulad ng histori, politika, at talambuhay.
Halimbawa:

SUYUAN SA
TUBIGAN
Ang pagpapaligsahan ng dalawang tao para sa
isang pag-ibig at ang pagpili ng isang tao para sa
ikasasaya ng kanyang puso.
SIKOLOHIKAL
Tinatalakay sa akda ang mga damdaming
namamayani sa mga tauhan gaya ng
pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din
ang mga negatibong damdamin ng pangamba,
takot, galit, pagkabigo, at iba pa. Mahalagang
masuri ang emosyon at makilala ang tunay na
katauhan ng indibidwal.
SIKOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor)
sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali,
paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior
dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
Halimbawa pa:

 “Amerkanisasyon ng Isang Pilipino” ni Ponciano


B.P. Pineda
 “Maling Edukasyon sa Kolehiyo” ni Jorge Bocobo
 “Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo
 “Ang Ama” ni Mauro R. Avena
EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan
ay ipakita na may kalayaan
ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro
ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).
EKSISTENSYALISMO
Sa utak at isip nakasentro
ang teoryang pampanitikang ito
[dahil] utak ang nagpapagana sa
tao. Tao ang pangunahing
nilikha sa mundo; siya lamang
ang may kakayahang mag-isip at
magdesisyon, hindi gaya ng
hayop at ibang nilalang.
Halimbawa:

 “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla


 “Aanhin Ninyo Yan?Panitikang Thai na salin ni
Lualhati Bautista
ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang itoay
ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sakapwa, bansa
mundong kinalakhan. at Ipinakikita rin sa
akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam
lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
ROMANTISISMO
Binibigyang halaga ang
indibidwalismo, rebolusyon,
imahinasyon at likas.

Pagtakas mula sa realidad o


katotohanan.
Halimbawa:

 “Dekada 70” ni Lualhati Bautista


 “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
MARKISMO/MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang
tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan
na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.
MARKISMO/MARXISMO
Pinakikita ang
o paglalaban
pagtutunggali ng
magkasalungat dalawang
Inuunaw ng puwersa.
a ang akdabataytauhan.
sa
kalagayan ngsa
Sumasagisag na
sariling kakayahan namgumangat
may
sa buhay. a
tao
Halimbawa:

 “Ang Pamilya” ni Emerson Fajardo


SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng
may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng
lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin.
SOSYOLOHIKAL
Sa pagsusuri ng mga akda ay natatalakay ang mga
kalagayang sosyal, ang kapamuhayan, ang mga
sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa
tao sa ganoon at ganitong buhay, mga pagkakataong
nagiging sanhi o bunga kaya ng mga pang-aapi at
pagkaapi, pagkaduhagi, kaimbihan o dili kaya’y ng
kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o
pangkat ng tao.
Mga Halimbawa:

 “Aloha” ni Deogracias Rosario


 “Ang Igorota sa Baguio” ni Fausto Galauran
 “Walang Sugat” ni Severino Reyes
 “Kasalan sa Nayon” ni Eleuterio Fojas
 “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat
 “Landas sa Bahaghari ni Benjamin Pascual
MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao –
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
MORALISTIKO
Sa pag-aaral ng akda ay naroroon ang moralistikong
pananaw at binibigyang-diin ang layuning dakilain at
pahalagahan ang kabutihan at itakwil ang
kasamaan. Ngunit huwag ipagkakamali na sa pag-
aaral ng akda [na ginamitan nito] ay sapat nang
itanong kung anong aral ng akda dapat matutong
timbangin ang lakas at kahinaan ng tao sa harap ng
pagsubok.
BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan
o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig
sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
BAYOGRAPIKAL
Ang sabi nga nina Ramos at Mendiola (1994):
“Sa paggamit ng pantalambuhay na kritisismo,
matutuklasan pa rin ang iba pang impluwensiyang
makakatulong sa sining ng manunulat – ang mga
pilosopiyang kaakbay sa kanyang panahon, ang mga
aklat o ang mga akda na kanyang binasa, ang iba
pang tao na nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang
magsulat.”
BAYOGRAPIKAL
Sa paggamit ng dulog bayograpikal, kinakailangang bigyang-
pansin ng mga mag-aaral o manananaliksik ang ilang kondisyong
ito:

1.Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at ito’y hindi dapat


ipagpalit sa pagtalakay sa buhay ng makata o manunulat.

2. Sa teoryang bayograpikal, ang pagpapasiya sa


binasang akda ay hindi kapintasan o kahinaan ng
may-akda.
Mga Halimbawa:

 “Si Boy Nicolas” ni Pedro L. Ricarte


 “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes
 “Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-
Manunulat” ni Dr. Luis Gatmaitan
 “Florante at Laura at “Kay Selya” ni Francisco
Balagtas “
 “Mga Gunita” ni Genoveva Matute
 “Sa mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo Reyes
QUEER
Ang layunin ng panitikan ay
iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan sa mga
homosexual. Kung ang mga
babae ay may feminismo ang
mga homosexual naman ay
queer.
HISTORIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
Mga Halimbawa:

 “Noli Me Tangere’ at “El Filibusterismo” ni Dr. Jose


P. Rizal
 “Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog” ni Julian
Cruz Balmaceda
 “Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog” ni Inigo
Ed Regalado
KULTURAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala
ang kultura ng may-akda sa mga
hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng
may-akda ang mga kaugalian,
paniniwala at tradisyong minana at
ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.
FEMINISMO – MARKISMO

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang


paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at
suliranin ng lipunan.
DEKONSTRUKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at
manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang
pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay
ang kabuuan ng pagtao at mundo.
NATURALISMO
Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang
malayang kagustuhan ang isang tao dahil ang
kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang
heredity at kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na
ipakita nang walang panghuhusga ang isang bahagi
ng buhay. Nabibigyang pansin dito ang mga
saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
NATURALISMO
PANGKALAHATANG PANANAW

“Huwag niyong husgahan ang tao sa panlabas


niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan
ng katangian niyang ito” sapagkat “kung ano ang
ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang iyong
matatanggap.”
SIKO-ANALITIKO
Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng
lipunan. “Nasa paghahanapbuhay ang tugon
upang lasapin ang sarap ng buhay.” Nagkakaroon
lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng
kanyang kamalayan sa kahirapan.
ARKETIPAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang
kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay
sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema
at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga
mambabasa.
ARKETIPAL
Kumukuha karaniwan ng mga simbolismo
o imahe sa mga kwentong hango sa
mitolohiya, epiko, o maging sa bibliya
tulad ng kalapati, tanikala, timbangan,
kandila, sulo, at iba pa.
Mga pinagmulan:

Mga aklat:
Badayos, P. (1999). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika (Mga teorya, simulain, at istratehiya).Grandwater Publications and
research Corporation, J.P. Rizal St., Makati City.
Belvez, P. (2000). Ang sining at agham (aklat sa pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino at sa Filipino). Rex Printing Company, Inc.,
Quezon City.

Internet:
https://www.slideshare.net/mobile/GinoongGo
od/teoryang-pampanitikan-36790003
h
ttps://donamaylimbo.wordpress.com
www.youtube.com
www.coursehero.com
www.prezzy.com
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html?m=1
Maria Loreta Mangubat March 21, 2017

You might also like