Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang
salitang ginamit ng tekstong Persuweysib. (FIIPT-IIIa-88) 2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Persuweysib.(FIIPS-IIIb-91) 3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Persuweysib. (F11PU- IIIb-89) TEKSTONG PERSUWEYSI - Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad. MGA LAYUNIN 1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. 2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad. 3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng mambabasa. MGA KATANGIAN
1. May Subhetibong tono
2. Personal na opinion at paniniwala ng may- akda 3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang Samahan o networking. ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE 1. ETHOS : ANG KARAKTER, IMAHE, O REPUTASYON NG MANUNULAT/TAGAPAGSALITA -Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang “Imahe’’. -Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. - Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani- paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa ang manunulat. -Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag- uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin. Halimbawa: Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas. 2. LOGOS: ANG OPINYON O LOHIKAL NA PAGMAMATUWID NG MANUNULAT/ TAGAPAGSALITA
-Ang salitang Griyego na logos ay
tumutukoy sa pangangatwiran. -Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman. -Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. - Sa ating lipunan, Malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive). Halimbawa: Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay makakaputi. 3. PATHOS: EMOSYON NG MAMBABASA/ TAGAPAKINIG
-Pathos ang elemento ng panghihikayat
na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. - May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag- iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag- iisip. - Subalit hindi niya nakikita na Malaki rin ang impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. - Emosyon ang pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao. Halimbawa: Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat. PROPAGANDA DEVICES NAME- CALLING - Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika. Halimbawa: Ang Pekeng sabon, bagitong kandidato GLITTERING GENERALITIES - Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian. TRANSFER - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand. TESTIMONIAL - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag- endorso ng isang tao o produkto. Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanayang kapartido. PLAIN FOLKS - Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo. Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galling rin sila sa hirap. CARD STACKING - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: Lucky Me, Pinapakita dito ang magagandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI. BANDWAGON - Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: Buong bayan ay nag- e- LBC peso padala na.