Fil7-3q-Aralin 3.4

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Aralin 3.

4:
A. Panitikan:
NANG MAGING MENDIOLA KO
ANG INTERNET DAHIL KAY MAMA
(ni Abejail Joy Yuson Lee)
Sanaysay mula sa Maynila

B. Gramatika:
PAHAYAG NA GINAGAMIT
SA PAGHIHINUHA NG MGA PANGYAYARI
I . Panimula
Ang Aralin 3.4 ay naglalaman ng
sanaysay na pinamagatang Nang Maging
Mendiola Ko ang Internet Dahil kay
Mama. Bahagi rin ng aralin ang
pagtalakay sa mga pahayag na ginagamit
sa paghihinuha ng mga pangyayari.
I . Panimula
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
makikibahagi sa pagtatanghal ng balitang
dokumentaryo batay sa mga pamantayan.

Aalamin mo kung paano nakatutulong ang sanaysay


sa pagpapahayag ng sariling karanasan, saloobin,
opinyon at damdamin ng tao, mapatutunayan mo rin
kung bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag
na naghihinuha sa tekstong naglalahad.
II . Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin

GAWAIN 1. Sa Internet... Ano ang Saloobin Ko?

Pumili ng isa sa mga gawaing may kaugnayan sa


paggamit ng internet. Pagkatapos, maglahad ng
iyong saloobin kung bakit ito ang pinili. Gayahin
ang kasunod na pormat sa sagutang papel. (p. 233)
II . Yugto ng Pagkatuto

 Tuklasin

GAWAIN 2. Hinuha Ko sa Sitwasyon

Sumulat ng paghihinuha sa maaaring


mangyari batay sa kasunod na mga sitwasyon.
Isulat sa sagutang papel. (p.234)
II . Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin

GAWAIN 3. Pag-isipan natin

Magbigay ng iyong hinuha sa kasunod na mga tanong.

1. Paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng


sariling karanasan, saloobin, opinyon at damdamin ng tao?

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa


paghihinuha ng mga pangyayari.
Alam mo ba na...
Ang sanaysay ay isang uri ng akdang tuluyan.
Isinusulat ang sanaysay nang patalata. Karaniwang
tumatalakay sa isang paksa o kaisipan na sadyang
kapupulutan ng aral o aliw sa mambabasa, gayundin,
naipapahayag ang sariling pananaw, kuro-kuro, opinion
at damdamin tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa.

May dalawang uri ang sanaysay: ang pormal at


impormal.
Alam mo ba na...
Ang sanaysay na pormal o maanyo ay nagtataglay o naghahatid ng
mahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng lohikal o
makaagham na paglalahad ng mga impormasyon tungo sa malinaw na
pagtalakay sa paksa. Maingat ang pagpili ng mga salita tulad ng
salitang nasa anyong pampanitikan-makahulugan, matalinghaga at
matayutay. Samantalang ang impormal o pamilyar na sanaysay ay
karaniwang naglalahad ng kawili-wiling paksa tulad ng iba’t ibang
bagay at mga karanasan ng tao. Ang panalita ay karaniwan ang himig
o tono gayundin ang gamit ng mga salita na parang nakikipag-usap
lamang ang may akda sa kaniyang mambabasa.
Sa sanaysay maaaring mabasa ang pangunahing
kaisipan at pantulong na kaisipan kaugnay ng paksa.

1. Pangunahing Kaisipan – Ito ang


tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng
sumulat tungkol sa paksa. Karaniwang
matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng
talata.
Sa sanaysay maaaring mabasa ang pangunahing
kaisipan at pantulong na kaisipan kaugnay ng paksa.

2. Pantulong na Kaisipan – Nagtataglay ng


mahahalagang impormasyon o mga detalye
na sumusuporta sa pangunahing kaisipan.
Ito rin ang gumagabay sa mambabasa
upang maunawaan ang nilalaman ng talata.
Sa sanaysay maaaring mabasa ang pangunahing
kaisipan at pantulong na kaisipan kaugnay ng paksa.

Halibawa:

Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng


internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo sa
paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang
social media. Maaari ka ring maglaro ng online games.
Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit
ang iba’t ibang site.
Sa sanaysay maaaring mabasa ang pangunahing
kaisipan at pantulong na kaisipan kaugnay ng paksa.

Paliwanag:
Ang pangungusap na may salungguhit ay ang pangunahing
kaisipan samantalang ang mga pangungusap na walang
salungguhit ay ang mga pantulong na kaisipan na
nagpapahayag kung bakit maraming kabataan ang
nahuhumaling sa internet.
Banadera, Wilma B. et.al. 2011, Lunday III (Ikatlong Edisyon)

S u n s h i n e I n t e r l i n k s , P u b l i s h i n g H o u s e , I n c . Q u e z o n C i t y.
Alam mo ba na...
Ang Nang Maging Mediola Ko ang Internet
Dahil kay Mama ay uri ng sanaysay na di-
pormal? Mahalagang matukoy ang
mahahalagang kaisipan at saloobin na inilahad
ng may akda upang mabisang maihatid ang
kaniyang ideya sa mga mambabasa.
Alam mo ba na...
Ang Nang Maging Mediola Ko ang Internet
Dahil kay Mama ay uri ng sanaysay na di-
pormal? Mahalagang matukoy ang
mahahalagang kaisipan at saloobin na inilahad
ng may akda upang mabisang maihatid ang
kaniyang ideya sa mga mambabasa.
 Linangin
Pagbasa sa nilalaman ng akdang:

“NANG MAGING MENDIOLA KO

ANG INTERNET DAHIL KAY MAMA”


ni Abejail Joy Yuson Lee

(pp. 237-240)
GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan

Isulat ang kahulugan ng mga pariralang


nasa loob ng bilohaba. Pagkatapos, ibigay
ang kahulugan at hinuha sa maaaring
mangyari kaugnay nito. Gawin sa sagutang
papel. (p. 240)
GAWAIN 5. Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?

2. Paano ipinahayag ng may akda ang kaniyang saloobin at


damdamin?

3. Sino ang nanghikayat sa may akda na makapagpahayag ng


kaniyang saloobin?

4. Nakatulong ba sa may akda ang payo na natanggap niya?


Ipaliwanag.
GAWAIN 5. Pag-unawa sa Nilalaman

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

5. Ano kaya ang maaaring mangyari kung sakaling


hindi sinunod ng may akda ang ipinayo sa kaniya?

6. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “binigyan


tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak
para makapag-isip”?
GAWAIN 6. Pagpapayaman sa Nilalaman

Basahin at sagutin ang nakapaloob sa


aklat. (p. 241-242)
GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika

Basahin mo naman ang isa pang sanaysay na may


kaugnayan sa paggamit ng internet tulad din ng unang
sanaysay na iyong binasa. Mas lalo pang madaragdagan
ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng nilalaman ng
sanaysay na ito. Kasabay nito aalamin mo rin kung bakit
mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa paghihinuha
ng pangyayari.
Pagbasa sa nilalaman ng akdang:

“KABATAAN AT INTERNET”
ni Christopher G. Francisco

(pp. 242-243)
Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1.B akit maraming kabataan ang nalululong sa sobrang
paggamit ng Internet?
2.A no-ano ang mabuti at masamang dulot ng Internet sa
kabataan? Kopyahin ang pormat sa sagutang papel. (p. 243)
3.P aano nakaaapekto sa buhay at pag-aaral ng kabataan ang
paglalaan ng sobra-sobrang oras at panahon sa pag-internet?
Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

4. Ano-anong hakbang ang dapat gawin upang


makaiwas sa labis na paggamit ng internet?

5. Ano ang layunin ng may akda sa pagsulat ng


sanaysay na binasa?

6. Anong uri ng teksto ang binasa?


Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

7. Paano inilahad ng may akda ang kaniyang pananaw, saloobin at


damdamin sa paksang tinalakay?

8. Ano-anong salita ang ginamit sa paglalahad ng mga pahayag na


may paghihinuha?

9. Nakatulong ba ang mga ito upang maunawaan ang inilahad na


mga impormasyon? Patunayan.
Alam mo ba na...
Ang akdang iyong binasa ay paglalahad o
pagpapaliwanag. May layunin din itong makabuo ng
mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari.

Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay ng kahulugan


sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling kaalaman,
lumilinang ito ng paghihinuha o pagpapalagay.
Alam mo ba na...
Sa paggamit ng paghihinuha sa mga
pahayag, epektibong maipahahayag ito
kung gagamitin ang mga panandang: ang
tingin ko, di kaipala, yata, di malayo, siguro,
marahil, baka, wari, tila, sa aking palagay,
sa tingin ko, maaari at iba pa.
Alam mo ba na...
Halimbawa:

1. Sa tingin ko, maraming kabataan ang mas maraming


inilalaang oras sa paggamit ng internet kaysa pag-aaral.

2. Marahil, nalilibang sila sa paglalaro ng computer games


kaya hindi na nila namamalayan ang oras.

3. Maaaring magbunga nang hindi maganda sa kalusugan


ang sobrang paglalaro ng mga online games.
PAGSASANAY 1.

Salungguhitan ang pahayag na ginamit sa


paghihinuha sa bawat pangungusap. (p.
245)
PAGSASANAY 2.

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na


pahayag na naghihinuha ng mga pangyayari
sa epekto ng kasalukuyang pagbabago ng
panahon (climate change). (p. 245)
PAGSASANAY 3.

Sumulat ng talata gamit ang paghihinuha sa


maaaring mangyari kung puro kompyuter na ang
gamit sa pag-aaral. Isaalang-alang ang pagbibigay-
pansin ng maayos na paglalahad ng pangunahing
kaisipan at mga pantulong na kaisipan.
GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika

Balikan ang binasang sanaysay sa


bahaging Linangin, sumulat ng talata na
naghihinuha kung bakit kasama sa
pamagat ang Mendiola? Isulat sa papel.
 Pagnilayan at Unawain
Sagutin ang mga tanong. Gawin sa sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang sanaysay sa


pagpapahayag ng sariling karanasa, saloobin,
opinyon at damdamin ng tao?

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag na


naghihinuha?
Alam mo ba na...
marami sa atin ngayon ay nahihilig manood ng
dokumentaryo o tinatawag ding Sine Totoo, sapagkat matapat
nitong inilalahad ang mga pangyayari sa ating lipunan? Ang
mga artista ay mga karaniwang tao lamang na maaaring makita
sa lansangan. Ito ay pumupukaw ng interes ng mga manonood
dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga isyu ng lipunan
na kailangang bigyan ng solusyon.
Naririto ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng isang
dokumentaryo.
1. Kinakailangang magkaroon ng ideya sa gagawing dokumentaryo.

2. Magsaliksik kaugnay ng paksang gagawan ng dokumentaryo.

3. Gumawa ng pagpaplano upang maging maayos at sistematiko ang gagawin.

4. Gumawa ng talaan ng mga kukunang eksena.

5. Magsimula nang gumawa ng dokumentaryo.

6. Kapag natapos, maaari nang mag-edit upang mas lalo pang gumanda at
maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.
 Ilipat

Bilang isang reporter kasama ang iyong field,


reporter, scriptwriter, researcher at cameraman
gagawa kayo ng isang dokumentaryo tungkol sa
Ang Mundo sa Hinaharap. Naririto ang
mungkahing pamantayan sa pagsasagawa ng
dokumentaryo.
 Ilipat
PAMANTAYAN
A. Iskrip
• Naglalaman ng napapanahong isyu 5
• Nagmumungkahi ng solusyon 5
• Maayos ang daloy ng iskrip 5

B. Pagtatanghal
• Tinig 5
• Teknikal na Aspeto 5
• Dating sa manonood 5
KABUOAN 30 PUNTOS
Alam kong nasiyahan ka sa araling ito sapagkat marami kang
natutuhan kung paano nakatutulong ang sanaysay sa
pagpapahayag ng sariling karanasan, saloobin, opinyon at
damdamin ng tao at bakit mahalaga ang paggamit ng mga
pahayag sa paghihinuha, sa paglalahad ng pangyayari. Ito ang
iyong babaunin sa muling pag-aaral ng susunod na aralin. Sana’y
panatilihin mo ang iyong marubdob na hangarin na matuto sa
kapana-panabik na akdang pampanitikan, ang maikling kuwento.

You might also like