Filipino 7 Modyul 1 Ikalawang Markahan

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

MAGAND

ANG
UMAGA!
Mga Awiting-
Bayan at
Bulong
MELCs
:
1. Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye,
mensahe at kaisipang nais iparating ng
napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat,
bahagi ng akda at teksto tungkol sa Kabisayaan.
(F7PN-IIa-b-7)
2. Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid
sa ideyang nakapaloob sa akda na sumasalamin sa
tradisyon ng mga taga-Bisaya. (F7PB-IIa-b-7)
Subukin Natin
Panuto: Suriin ang mga larawan at unawaing
mabuti ang mga katanungang nasa ibaba.

Romblon Tuba
Tambasaka
n
1. Anong awiting-bayan ang maiuugnay mo sa mga larawan?
a. Si Pelimon
b. Magtanim ay ‘di Biro
c. Lawiswis Kawayan
d. Tong Pakitong-kitong

2. Anong kaugalian ng mga bisaya ang iyong masasalamin sa


larawan?
e. Masipag at matiisin
f. Mapagmahal sa kapwa
g. Mapagkalinga at maunawain
h. Masipag, madiskarte at masayahin
3. Anong yaman ang maipagmamalaki ng mga taga-bisaya?
a. Mayaman sa niyog.
b. Malawak ang kanilang karagatan.
c. Mayaman sa lamang-dagat katulad ng isda.
d. Maunlad ang kanilang negosyo sa pangingisda.

4. Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng bulong na ito, “Tabi-tabi


po, baka po kayo mabunggo?”
e. Pasintabi upang hindi ka masaktan.
f. Pasintabi upang makaiwas ka sa sakit.
g. Pasintabi upang hindi ka makasakit.
h. Pasintabi upang makalayo ka sa disgrasya.
5. Anong kaugalian ang ipinamamalas sa bahaging ito ng awiting-
bayan?
“Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
ang kaniyang pinagbilhan, ang kaniyang pinagbilhan
pinambili ng tuba”
a. Ang tauhan ay namimili ng tuba.
b. Ang tauhan ay nagbebenta ng tuba.
c. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
d. Ang tauhan ay nagnenegosyo sa palengke.
Balikan Natin
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng bawat salita na nasa
hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Awiting-bayan a. Isang uri ng kwentong-bayan at
2. Bulong panitikan na nagsasalaysay ng mga
3. Alamat pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
4. Epiko daigdig.
5. Akdang-pampanitikan b. Pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patuluyan na nag-uugnay sa iisang
tao.
Balikan Natin
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng bawat salita na nasa
hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Awiting-bayan c. Ang matandang katawagan sa
2. Bulong orasyon ng mga sinaunang tao sa
3. Alamat kapuluan ng Pilipinas.
4. Epiko d. Awit ng ating mga ninuno na
5. Akdang-pampanitikan hanggang sa ngayon ay kinakanta o
inaawit pa rin.
Balikan Natin
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng bawat salita na nasa
hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Awiting-bayan e. Uri ng panitikang tumatalakay sa
2. Bulong mga kabayanihan at pakikipag-tunggali
3. Alamat ng isang tao o mga tao laban sa mga
4. Epiko kaaway na halos hindi mapaniwalaan
5. Akdang-pampanitikan dahil may tagpuang makababalaghan.
Mga Uri ng
Akdang Pampanitikan
1.Awiting-Bayan
Isa itong tulang inaawit na nagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya,
gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa
isang pook.
Si Pilemon Si Pilemon
(Awiting-bayang Cebuano) (Salin sa Tagalog)

Si Pelimon, Si Pelimon Si Pelimon, Si Pelimon


namasol sa kadagatan Nangisda sa karagatan,
Nakakuha, nakakuha Nakahuli, nakahuli
Ug isda’ng tambasakan Ng isdang tambasakan
Gibaligya, gibaligya Pinagbili, pinagbili
Sa merkado’ng guba Sa isang munting palengke
Ang halin puros kura, ang halin Ang kaniyang pinagbilhan,
puros kura ang kaniyang pinagbilhan
Igo ra I panuba Pinambili ng tuba.
Mga Uri ng
Akdang Pampanitikan
Mahalagang Kaisipan sa Akda:
Mababatid sa awit ang isang pamumuhay na payak ng isang
Pilipino at ang pagiging malibangin sa mga kinagawiang bagay
na nagbibigay-aliw sa araw-araw na pamumuhay.

2. Bulong- isa itong matandang katawagan sa orasyon ng mga


sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas.
Mga Uri ng
Akdang Pampanitikan
Halimbawa:
 Kapag ikaw ay nagawi sa isang liblib o di kaya’y masukal na
lugarat habang naglalakad ay bumubulong ng “Tabi-tabi po
apo, baka po kayo mabunggo.”
 Kung may puputuling puno ayon sa matanda ay bumigkas ng
bulong bilang paghingi ng paumanhin gaya ng “Aming
pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
Mga Uri ng
Akdang Pampanitikan
Halimbawa:
 May bulong din ang ating matatanda kung nabubungian ng
ngipin at humihingi ng panibago, ito’y ihahagis sabay ang
bulong na, “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang
ngipin kong sira at pangit. Bigyan mo ng bagong kapalit.”

3. Alamat (bahagi ng akda)- isa itong uri ng kwentong-bayan


na nagsasalaysay o nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o
lugar.
Halimbawa:
Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan
(bahagi lamang ng akda)
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na
ang matanda. Baka sakaling mahabol pa niya ang kaniyang mga
anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot
na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang isinabog sa gitna ng laot
sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa
lugar na ito siya nangisda kahapon at alam na alam niyang
walang mga islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na
pagtibok ng kaniyang puso ang mabilis niyang paggaod
papunta sa mga mumunting isla. Anong laking panlulumo
niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang
sinakyan ng kaniyang mga anak na nakalutang sa paligid.
Binilang niya ang mumunting isla. Pito? Humagulhol ang
matanda.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los
Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan.
Halaw-
Pinagyamang Pluma 7
pahina 168-171
Mga Uri ng
Akdang Pampanitikan
Mahalagang kaisipan sa bahagi ng akda:
Ipinakita sa bahaging ito ang labis na pagmamahal at
pagpapahalaga ng ama sa kaniyang mga anak at ang
kaniyang mga anak naman na naging suwail ay hindi
nagtagumpay kundi pawang mga naparusahan.
Ating Suriin
1. Ano ang kaisipang isinasaad sa bahagi ng awiting-bayan – “Lawiswis
Kawayan”?
Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib tumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng tawad

a. pag-iwan ng binata sa dalaga


b. Pagkagalit ng binata sa dalaga
c. Pagkadismaya ng binata sa asal ng dalaga
d. Pagtanggap ng kamalian at paghingi ng tawad
Ating Suriin
Anong kaisipan ang isinasaad ng sumusunod ng mga linya ng awit?
2. “Si Pelimon, Si Pelimon nangisda sa karagatan. Nakahuli, nakahuli ng isdang
tambasakan.”?
a. Ang pangingisda ay ang pangunahing kabuhayan sa Kabisayaan.
b. Libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda.
c. Ang pangingisda ay nakagawian na.
d. Paligsahan ang paghuli ng isda.

3. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke. Ang kaniyang pinagbilhan, ang


kaniyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.”?
Ating Suriin
a. Ang pangingisda ay hindi lang paghahanapbuhay kundi pang-aliw rin sa sarili.
b. Ang napagbentahan ng isda ay mainam ipambili ng tuba.
c. Maaaring mangisda habang umiinom ng tuba.
d. Mas mahalaga ang tuba kaysa isda.

4. Anong mensahe ang nakapaloob sa bulong na “Tabi, tabi po, baka po kayo
mabunggo?”
e. Pagpapaalam sa may-ari ng lugar.
f. Paghingi ng paumanhin sa natapakang nilalang.
g. Pagbibigay ng babala sa mga nilalang na hindi nakikita.
h. Ang lahat nang nabanggit.
Ating Suriin
5. Sa bahaging ito ng alamat, “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”.
Paano mo ilalarawan ang ama sa kwento?
“Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda. Baka
sakaling mahabol pa niya ang kaniyang mga anak.”

a. Amang matapang at mahigpit


b. Amang sakim at palalo
c. Amang mapagmahal
d. Amang pabaya
Pagsasanay 1
Ating Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng tsek () ang lahat ng konseptong taglay ng ating
pinag-aralan. Ekis () naman ang ilagay sa hindi.

(_) 1. Ang awiting-bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng


damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, Gawain o
hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.
(_) 2. Ang bulong ay isang matandang katawagan sa mahika ng mga
sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas.
(_) 3. Sa bahagi ng “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan” ang mga
anak na suwail ay nakaranas ng kasawian dahil nawasak ang sinakyan
nilang Bangka.
Ating Pagyamanin
(_) 4. Ang “Lawiswis ng Kawayan” ay isang awiting-bayan na may
himig ng pag-iibigan.
(_) 5. Ang isa sa ipinagmamalaking produkto sa kabisayaan ay ang niyog
at mga kasangkapan o pakaing mula sa niyog.
Pagsasanay 2
Ating Pagyamanin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mahahalagang
kaisipan mula sa epikong “Labaw Donggon” at ipaliwanag ito ayon sa
iyong pagkakaintindi.

“Ang pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon”


(bahagi ng Epikong Hinilawod)
Nakilala si Labaw Donggon bilang isang makisig na lalaki at umibig kay
Abyang Ginbitinan. Subalit hindi nagtagal ay muli siyang umibig sa isang dilag
na si Anggoy Doronoon. Sa pangatlong pagkakataon ay nakilala niya si
Nagmalitong Yawa Sinagmaling, subalit may iniibig itong nagngangalang Buyong
Saragnayan, ang Diyos ng Kadiliman. Dahil sa labis
Ating Pagyamanin
na kagustuhan ni Labaw kay Sinigmaling hinamon niya si Saragnayan sa isang laban na
ikinatalo niya at nagbunga ito ng pagdurusa sa kulungan ng maraming taon. Nang
magsilaki na ang kaniyang mga anak hinanap siya ng mga ito at tinulungan siyang
lumaya. Nakabalik si Labaw sa kaniyang mga pamilya at muling nanumbalik ang
kakisigan nito.

-Panitikang Rehiyunal, pahina 150-151-


1. Huwag maghangad ng sobra-sobra.
Paliwanag:
2. Ang pagmamahal ng pamilya ay walang kapantay.
Paliwanag:
3. Pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan.
Paliwanag:
Ating Pagyamanin
na kagustuhan ni Labaw kay Sinigmaling hinamon niya si Saragnayan sa isang laban na
ikinatalo niya at nagbunga ito ng pagdurusa sa kulungan ng maraming taon. Nang
magsilaki na ang kaniyang mga anak hinanap siya ng mga ito at tinulungan siyang
lumaya. Nakabalik si Labaw sa kaniyang mga pamilya at muling nanumbalik ang
kakisigan nito.

-Panitikang Rehiyunal, pahina 150-151-


1. Huwag maghangad ng sobra-sobra.
Paliwanag:
2. Ang pagmamahal ng pamilya ay walang kapantay.
Paliwanag:
3. Pagtutulungan sa panahon ng pangangailangan.
Paliwanag:
Ating Pagyamanin
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pahayag o kataga para
makabuo ng isang konsepto hinggil sa iyong natutunan sa araling ito.

1. Pagkatapos ng talakayan ay napagtanto ko na ang mga awiting-


bayan, bulong ng kabisayaan ay …
______________________________.
2. Kaya naman maituturing kong isang natatanging yaman at pamana
ang mga ito mula sa ating mga ninuno. Kaya naman, pagyayamanin
ko ang mga ito. Higit sa lahat, tumatak sa aking puso at isipan na ang
_____________________________________.
Isagawa
Ipinapakita sa epikong “Hinilawod” ang pagdadamayan sa pamilya.
Kahit nagpakita ng kahinaan at nakagawa ng pagkakamali si Labaw
Donggon ay hindi pa rin siya pinabayaan ng mga kapamilya sa oras ng
pangangailangan.
Ikaw, ano naman ang kaya mong gawin sa iyong mga kapamilya
para ipakita ang iyong pagmamahal at suporta kahit pa tulad ni Labaw
Donggon ay may mga pagkukulang o pagkakamali rin sila?
1. Para sa iyong ama:__________________________________
2. Para sa iyong ina:___________________________________
3. Para sa inyong kapatid o mga kapatid:_______________
4. Para sa iba pang kapamilya tulad ng lolo o lola:_______
Karagdagang
Bilang isang kabataang saksi sa pagbabago
Gawain
ngayon, ano-ano ang maipapayo mo sa kapwa mo
kabataan tungkol sa kahalagahan ng akdang
pampanitikan na itinuturing na pamana at yaman mula
sa ating mga ninuno?

You might also like