Filipino Sa Piling Larang
Filipino Sa Piling Larang
Filipino Sa Piling Larang
Larang
(Akademik)
INIHANDA NI:
MRS. REGEN M.
ABAYON
Pagpapakilala
AKADEMIKONG
PAGSULAT
Layunin
Nabibigyang kahulugan
ang akademikong
pagsulat
PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI
ang mga pahayag tungkol sa
pagsulat. Isulat ang sagot sa
inyong papel.
1. Ang malikhaing pagsulat at
teknikal na pagsulat ay kapwa
maituturing na akademikong
pagsulat.
2. Ang paggamit ng mga
kolokyal at balbal na wika
ay maituturing na pormal.
3. Ang wikang Filipino ang
opisyal na wika ng pilipinas.
4. Ang mga awit, kwento at
dula ay kabilang sa
akademikong pagsulat.
5. Hindi dapat isaalang-
alang ang paksa at wika at
layunin sa anumang sulatin.
Ano ang Pagsulat?
Pagsulat
Ang pagsulat ay isang proseso ng
paglikha ng mga salita, simbolo, o
mga karakter sa papel, tela, o iba
pang mga medium.
Pagsulat
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad
na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin. Ito ay
mental na aktibidad sapagkat ipinapairal dito ang
kakayahan ng isang tao na mailabas ang kanyang
mga ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga
ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad
sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
Iba pang kahulugan ng pagsulat ayon
sa mga dalubhasa:
Ayon kay Sauco, et al., (1998)
◦ang pagsulat ay ang paglilipat ng
mga nabuong salita sa mga bagay
o kasangkapan tulad ng papel.
Ito ay naglalayong mailahad ang
kaisipan ng mga tao.
Ayon naman may Badayos
(1999)
◦ang pagsusulat ay isang sistema ng
interpersonal na komunikasyon na
gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito
ay maukit o masulat sa makinis na bagay
tulad ng papel, tela, maging sa malapad
at makapal na tipak ng bato.
Batay kay Rivers (1975)
◦ang pagsulat ay isang proseso na
mahirap unawain (complex). Ang
prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa
pagkuha ng kasanayan, hanggang sa
ang kasanayan na ito ay aktwal nang
nagagamit.
Saan at kailan
natin
nagagawa ang
pagsusulat?
layunin ng
pagsusulat?
Ayon kay Mabelin (2012)
Personal o ekspresibo
Panlipunan o pansosyal
1.Personal o ekspresibo
Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay
sa pansariling pananaw, karanasan,
naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang
ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring
magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,
kalungkutan, pagkatakot, o pagkainis
depende sa layunin ng taong sumusulat.
Ang karaniwang halimbawa nito ay
ang ginagawa ng mga manunulat
na sanaysay, maikling kuwento,
tula, dula, awit, at iba pang akdang
pampanitikan.
2. Panlipunan o pansosyal
Ang layunin ng pagsulat ay ang
makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan
na ginagalawan. Ang ibang halimbawa nito
ay ang pagsulat ng liham, balita,
korespondensiya, pananaliksik, sulating
panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.
mahalaga
ang
pagsusulat ?
Ayon kay Mabelin (2012)
ang pagsusulat ay isang
pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay
hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito ay maaaring pasalin-salin
sa bawat panahon. Maaaring mawawala ang
alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.
Sa pangkalahatan, narito ang
kahalagahan o ang mga
benipesyo na maaaring
makuha sa pagsusulat:
1.Mahahasa ang kakayahang mag-
organisa ng mga kaisipan at maisulat ito
sa pamamagitan ng obhektibong
paraan.
2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri
ng mga datos na kakailanganin sa
isinisagawang imbestigasyon o
pananaliksik.
3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan
ng mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhektibo sa paglatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan
ng mag-aaral at makikilatis ang
mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong
makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga
nang paggalang at pagkilala sa mga gawa at
akda.
7. Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng
mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
Ano ang kahulugan ng Akademikong
Pagsulat?
Akademikong Pagsulat
Ito ay tumutukoy sa intelektwal na pagsulat na
nakaaangat sa antas ng kaalaman ng mga
mambabasa. Ito ay nangangailangan din ng
manuring pag-iisip at kakayahang mangalap at mag-
organisa ng mga impormasyon at datos na kailangan
sa ginagawang paksa. Ang sulatin na ito ang ay
isang pangangailangan para sa mga akademiko at
propesyonal.
Unang
Gawain/Aktibidad
Gumawa ng islogan patungkol
sa pagsusulat
Halimbawa:
“Isulat ang Mundo sa mga Titik ng Pag-asa”