0% found this document useful (0 votes)
81 views

E-CLIP Program

Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at komunidad. Ito ay nagbibigay ng mga tulong pinansyal, pangkalusugan, pabahay, edukasyon, at iba pa sa mga nagbalik-loob at kanilang pamilya.

Uploaded by

Salug MPS
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
81 views

E-CLIP Program

Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at komunidad. Ito ay nagbibigay ng mga tulong pinansyal, pangkalusugan, pabahay, edukasyon, at iba pa sa mga nagbalik-loob at kanilang pamilya.

Uploaded by

Salug MPS
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 9

E-CLIP Program

Para sa magbalik loob sa Gobyerno


Ano ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive
Local Integration Program

 ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating


mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais
magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli
ang kanilang mga pamilya.
 Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang
tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa
pagbabagong buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan hindi lamang
sa kanila kung pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.
Para kanino ang E-CLIP?

 Ayon sa Administrative Order No. 10 na nilagdaan ni Pangulong


Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018, at sa
Implementing Rules and Regulations ng nasabing kautusan, ang
ECLIP ay para sa mga nagbalik-loob simula noong ika-3 ng Abril
2018, kabilang ang mga sumusunod:
 Regular na miyembro ng CPP-NPA-NDF;
 Kanilang asawa, anak, at kinakasama legitimate or illegitimate, at
kanilang mga magulang at kapatid;
 Mga miyembro ng Militia ng Bayan
Anu-ano ang matatanggap ng mga magbabalik-loob
sa pamahalaan?
 Immediate Assistance – Php 15,000.00
 Firearm Remuneration – Ang halaga ay nakabatay sa kondisyon ng armas o mga
armas na isusuko sa pamahalaan.
 Livelihood Assistance – Php 50,000.00
 Serbisyo ng Gobyerno – Pagpapatala sa census, pagkakaroon ng mga government-
issued IDs, pagkuha ng birth certificate, at iba pa.
 Serbisyong Pangkalusugan – Libreng serbisyong pangkalusugan mula sa mga ospital
o pagamutan ng Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health mula konsultasyon
sa mga espesyalistang doktor, diagnostic at laboratory procedures, gamot, at iba pa.
 Pabahay – ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na kuwalipikado ay maaring
mabigyan ng pabahay sa tulong ng National Housing Authority.
 Tulong Pangkabuhayan o Tulong para magkatrabaho – Ito ay tulong mula sa iba’t-
ibang ahensya ng pamahalaan na maaring gamit pangkabuhayan o pang-negosyo, o
pagbibigay ng referral sa mga tanggapan ng gobyerno o pribadong ahensiya /
kumpanya, at iba pang tulong sa mga dating rebelde na nais magkaroon ng
permanenteng trabaho.
 Pautang at Market Access – Sa tulong ng mga ahensiyang nagkakaloob ng pautang
sa abot-kayang interes, maaaring makautang ang mga FRs nang hindi kailangan ng
kolateral. Ang halagang inutang ay maaaring gawing puhunan para sa mga nagnanais
palaguin ang kanilang kabuhayan, o karagdagang pantustos sa kanilang
pangangailangan. Sila ay tutulungan rin ng ilang ahensya ng pamahalaan upang
mailapit ang kanilang mga produkto sa mga mamimili.
 Tulong Panlegal – Ang mga FRs na may kinakaharap na kaso ay tutulungan ng
pamahalaan sa pamamagitan libreng serbisyo ng mga abogado nito mula sa
Kagawaran ng Katarungan (Department of Justice). Ang pagkakaroon ng kaso ay hindi
hadlang upang matanggap nila ang mga benepisyong nakalaan para sa kanila at
kanilang mga pamilya sa ilalim ng E-CLIP.
 Tulong Sikososyal (Psychosocial Assistance) – Isa sa pinakamahalaga at agarang
tulong para sa mga nagbalikloob sa pamahalaan ay ang karampatang tulong sikososyal
(psyschosocial assistance) upang tulungan silang makalimot at makabangon sa
kanilang masalimuot na karanasan nang sila ay kasapi pa ng CPP-NPA-NDF.
 Conditional Transitional Grant – Ito ay karagdagang tulong sa mga nagbalik-loob sa
pamahalaan na kanilang matatanggap isang taon matapos silang pormal na mapabilang
sa E-CLIP. Ito ay ipagkakaloob sa kanila sa loob ng dalawang taon.
 Pangmatrikula at Panggastos sa Kolehiyo (College Tuition and Stipend) – Ito ay
tulong para sa isang anak o asawa ng mga dating rebelde upang sila ay makapagtapos
sa kolehiyo. Sila rin ay bibigyan panggastos habang nag-aaral.
 Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Projects – Ang mga proyektong ito
ng Office for the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) ay naglalayong
magtayo ng mga pasilidad at imprastruktura sa mga pamayanan kung saan naninirahan
ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan. Sa proyektong ito, hindi lamang ang mga dating
rebelde o kanilang pamilya ang makikinabang kundi pati na rin ang kanilang buong
komunidad.
 Modified Conditional Cash Transfer – Ang mga magbabalik-loob sa pamahalaan ay
maaring pagkalooban buwanang tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program (4Ps) ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o
Department of Social Welfare and Development na kasalukuyang iniaakma kanilang
mga pangangailangan

 Alternative Learning System – Para sa mga nagbalik-loob na nais mag-aral o ituloy


ang kanilang naantalang pag‐aaral, ang programang Alternative Learning System ng
Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education ang para sa kanila. Sa
pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng katumbas na sertipikasyon ng pagtatapos sa
edukasyong elementarya at sekondarya (high school)
 Iba pang mga Tulong – Sa inisyatibo ng mga pamahalaang lokal, maari ring
magkaloob ng iba’t-ibang uri ng tulong para sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan,
maliban pa sa benepisyong mula sa pambansang pamahalaan.
Kung ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-
NDF ay nagbalik-loob bago pa ang ika-3 ng Abril
2018, makatatanggap pa ba sila ng benepisyo?
 Ang mga nagbalik-loob simula noong ika-01 ng Hulyo 2016 ay maari
pa ring makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP ngunit
hindi na nila matatanggap ulit ang mga benepisyong naibigay na sa
kanila. Kung nakatanggap na sila ng Immediate Assistance, Firearms
Remuneration, at Livelihood Assistance, hindi sila kwalipikadong
tumanggap pa ulit ng mga ito.

You might also like