SlideShare a Scribd company logo
PAGSASALIN NG IBA’T IBANG
PANITIKAN SA WIKANG
INGLES
ULAT NI:
Bb. CHRISTINA M. FACTOR
PAGSASALIN WIKA
Ang pagsasalin wika ay ang paglilipat sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin. Ang isasalin ay ang diwa ng talata at
hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA
PILIPINAS
IKALAWANG YUGTO PANAHON NG MGAAMERIKANO
 Thomasites – mga unang guro sa panahon ng Amerikano
 Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga akdang nasa wikang Ingles
 Impluwensya ng mga Amerikano
 Edukasyon
 Nagkaroon tayo ng iba’t ibang karunungan mula sa kanluran lalo na sa larangan ng panitikan
 Ang pagsasalin sa panahong ito ay di-tuwiran.
 Rolando Tinio maraming naisaling klasikong akda
 Isang proyekto rin ang isinagawa ng National Bookstore (1971) kung saan ipinasalin ang mga popular na nobela at kuwentong
pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa paaralan.
 “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”,”The Little Red Hen” at iba pa
 Ang Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng kolekyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa.
 Ang Children’s Communication Center naman ay nagsalin at naglathala ng mga akdang pambata tulad ng “Mga Kuwentong
Bayan Mula sa Asia, Rama at Sita”, “Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at iba pa.
 Ang mga paksa ay tungkol sa edukasyon, kasaysayan, pulitika at mga suliranin sa panlipunan
 Ang mga kwento ay tungkol sa pag-ibig na ang mga pangyayari
PANIMULANG GAWAIN
PANUTO: Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap ng Ingles sa salin sa Filipino
1. FALL IN LINE
a. Mahulog ka sa linya
b. Pumila ng maayos
2. SLEEP TIGHT
a. Matulog ng mahigpit
b. Matulog ng mabuti
3. TAKE A BATH
a. Maligo
b. Kumuha ng paliguan
4. SING SOFTLY
a. Umawit ng malambot
b. Umawit nang mahina
5. SLEEP SOUNDLY
a. Matulog ng maingay
b. Matulog ng mahimbing
ANG PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES
Sa mga wikang itinuturing na dayuhan ng mga Pilipino, ang ingles at ang kastila ang natatangi sa
lahat. tatlungdaan at talumpu’t tatlong taong (333) aktwal na nasakop at naimpluwensiyahan ng bansang
España ang pilipinas kaya’t napakalaking bahagi ng ating kasaysayan ang nasusulat sa wikang Kastila. Ang
totoo, hanggang sa ngayon ay itinuturo pa rin ang wikang Kastila sa mga paaralan kahit bilang isang kursong
elektib na lamang, sapagkat naniniwala ang mga may kinalaman sa edukasyon na ang wikang ito ay dapat
manatiling buhay sa ating bansa upang magsilbing kawing sa ating, gayunpaman, walang gaanong naging o
nagiging problema ang pagsasalin sa Filipino mula sa kastila dahil sa kapwa konsistent ang palabaybayan ng
dalawang wikang ito. Sumunod na nanakop ang bansang America na bagamat hindi naging kasintagal ng
españa ay maituturing namang napakalawak at napakalalim ang naging impluwensya sa Pilipinas hindi
lamang sa larangan ng wika kundi gayundin ay sa pag-iisip at kultura nating mga Pilipino. hindi magiging
makatotohanan ang ating pangangatwiran kung sasabihin nating malilinang ang diwang Pilipino, ang
kulturang Pilipino o ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng dayuhang wika. Hindi naman ibig sabihin na
tuluyan na nating iwawaksi ang wikang ingles sapagkat kung magkakagayon ay maituturing itong isang
pagpapatiwakal na intelekwal sapagkat ang Ingles ay itinuturing na wikang pandaigdig at ang yaman ng
panitikan ng daigdig sa iba’t ibang disiplina ay dito sa wikang ito higit na mabisang nadudukal ng mga Pilipino
ang dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay kapwa umiiral sa Pilipinas. Ang Filipino at Ingles ay
dalawang wikang magkaiba ang angkang pinagmulan samakatwid ay napakaraming pagkakaiba. sa
ortograpiya o palabaybayan, halimbawa ay napakalaki ng pagkakaiba ng dalawang wikang ito. gaya ng
natalakay na, ang filipino ay may sistema ng pagbabaybay na “highly phonemic” na ang ibig sabihin ay may
isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang simbolo o ang titik. sa matandang balarila ni Lope K.
Santos, ang sabi ay “kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.”
“COUP D’ ETAT” – hiram ng wikang Ingles sa wikang pranses. Nakapasok sa ingles ang di-konsistent na ispeling ng “Coup D’
Etat” sa orihinal na anyo nito sapagkat hindi rin konsistent ang sistema ng pagbaybay sa ingles. Samantala, sa Filipino, ang
salitang ito ay naging “kudeta” dahil ang sistema ng pagbaybay ay konsistent. sa ganitong anyo, mahirap nang matunton ng isang
karaniwang tagagamit ng wika kung saan ito nagmula. sa bahaging ito ay unti- unti na nating matatanto kung bakit napakahirap
manghiram ng mga salita sa wikang ingles sapagkat hindi madaling asimilahin sa Filipino ang mga salitang di konsistent ang
ispeling.
CONCOM (CONSTITUTIONAL COMMISSION) 1986 • bahagi ng katitikan ng kumbensyon na nagpatibay ng
resolusyon ang mga delegado na ipinagbabawal ang paggamit ng wikang pambansa sa mga oras ng kanilang deliberasyon.
Ingles lamang ang wikang opisyal na kanilang pinagtibay na gagamitin sa gayong pagkakataon. Gayunpaman, noong sumunod
na kumbensyong konstitusyonal na nakilala sa akronim na concom, ay hindi na nakapangyari ang kagustuhan ng mga “little brown
americans” sapagkat ang kumbensyon ay nalahukan ng mga piling pilipinong manunulat at hindi nakahulma o nakabilanggo sa
wikang ingles, nagpatibay agad sila ng isang resolusyon na Filipino at Ingles
ANG MALAKING PAGKAKAIBA NG FILIPINO AT INGLES SA GRAMATIKA AT SA MGA EKSPRESYONG
IDYOMATIKO - ang mga pagkakaibang ito ay kasinlawak ng pagkakalayo sa kultura ng bansang pilipinas at ng america. hindi
maiiwasan ng isang tagapagsalin, kahit taglay niya ang lahat ng katangiang dapat angkinin ng isang tagapagsalin, ang
mapaharap sa suliraning nakaugat sa ganitong pagkakaiba ng dalasang wikang kasangkot sa pagsasalin. • gayunpaman, ang
ganitong problema kahit ang direksyon ng pagsasalin ay mula sa isang di pa maunlad na wika tungo sa isang maunlad nang wika.
bagamat ang problema sa pagkakaiba ng gramatika ay hindi itinuturong malaking problema ng mga dalubhasa sa pagsasalin, ang
talagang humahamon nang husto sa kanilang kakayahan ay ang pagsasalin ng mga ekspresyong idyomatiko. gaya ng alam natin,
karamihan ng mga idyoma ay nakaugat sa kultura ng mga taong gumagamit ng wika. kapag ang isinasalin, halimbawa ay isang
tekstong pampanitikan, isang maikling kwento o tula, dito na higit na masusumpungan ng tagapagsalin ang mga problema sa
pagsasalin ng mga ekspresyong idyomatikong nakabuhol sa kulturang nakapaloob sa wikang ginamit sa orihinal na teksto, lalo na
kung napakaraming taon na ang namamagitan sa isinasalin at sa pagsasalin ng mga idyomatikong pahayag, alalahanin ang diwa
o mensahe nito.
HALIMBAWA:
HAND –TO-MOUTH EXISTENCE = isang kahig, isang tuka
LEND A HAND = Tumulong ka
YOU CAN COUNT ON HIM = Maaasahan mo s’ya
Iwasan ang literal na pagsasalin sa pagsasaling ingles-filipino, dapat makita ang diwa at mensahe ng
pangungusap o ng mga idyomatikong pahayag.
YOU ARE THE APPLE OF MY EYES
Literal na pagsasalin = Ikaw ang mansanas ng aking mga mata.
Tamang pagsasalin = Ikaw ang aking paborito.
NOYNOY WANTS TO BE A PRESIDENT WITH A DIFFERNCE.
Literal na pagsasalin = gusto ni Noynoy na maging isang presidenteng may diperensya
Tamang pagsasalin = Nais ni Noynoy na maging isang naiibang Presidente
THIS IS A RED LETTER DAY.
Literal na pagsasalin = Kulay pula ang araw na ito.
Tamang pagsasalin = Isa itong mahalaga at masayang araw.
HE IS A WELL KNOWN POET.
Literal na pagsasalin = Siya ay isang mabuti-alam makata.
Tamang pagsasalin =Isa siyang bantog na makata.
MANUNULAT SA INGLES
JOSE GARCIA VILLA
– sagisag Dovelion – pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles
JORGE JACOBO
– sinulat “ Filipino Contact with America” “A Vision of Beauty” “ College Education”
ZOILO GALANG
– sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “ A Child of
Sorrow”
ZULUETA DE ACOSTA
– nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave”
NVM GONZALES
– may akda ng “ MY ISLANDS” at “CHILDREN OF THE ASH COVERED LOOM” Ang huli ay isinalin
sa iba’t ibang wika sa India
Pagsasalin Wika_Factor_ppt.pptx

More Related Content

Pagsasalin Wika_Factor_ppt.pptx

  • 1. PAGSASALIN NG IBA’T IBANG PANITIKAN SA WIKANG INGLES ULAT NI: Bb. CHRISTINA M. FACTOR
  • 2. PAGSASALIN WIKA Ang pagsasalin wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
  • 3. KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS IKALAWANG YUGTO PANAHON NG MGAAMERIKANO  Thomasites – mga unang guro sa panahon ng Amerikano  Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga akdang nasa wikang Ingles  Impluwensya ng mga Amerikano  Edukasyon  Nagkaroon tayo ng iba’t ibang karunungan mula sa kanluran lalo na sa larangan ng panitikan  Ang pagsasalin sa panahong ito ay di-tuwiran.  Rolando Tinio maraming naisaling klasikong akda  Isang proyekto rin ang isinagawa ng National Bookstore (1971) kung saan ipinasalin ang mga popular na nobela at kuwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa paaralan.  “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”,”The Little Red Hen” at iba pa  Ang Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng kolekyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa.  Ang Children’s Communication Center naman ay nagsalin at naglathala ng mga akdang pambata tulad ng “Mga Kuwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at Sita”, “Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at iba pa.  Ang mga paksa ay tungkol sa edukasyon, kasaysayan, pulitika at mga suliranin sa panlipunan  Ang mga kwento ay tungkol sa pag-ibig na ang mga pangyayari
  • 4. PANIMULANG GAWAIN PANUTO: Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap ng Ingles sa salin sa Filipino 1. FALL IN LINE a. Mahulog ka sa linya b. Pumila ng maayos 2. SLEEP TIGHT a. Matulog ng mahigpit b. Matulog ng mabuti 3. TAKE A BATH a. Maligo b. Kumuha ng paliguan 4. SING SOFTLY a. Umawit ng malambot b. Umawit nang mahina 5. SLEEP SOUNDLY a. Matulog ng maingay b. Matulog ng mahimbing
  • 5. ANG PAGSASALIN SA FILIPINO MULA SA INGLES Sa mga wikang itinuturing na dayuhan ng mga Pilipino, ang ingles at ang kastila ang natatangi sa lahat. tatlungdaan at talumpu’t tatlong taong (333) aktwal na nasakop at naimpluwensiyahan ng bansang España ang pilipinas kaya’t napakalaking bahagi ng ating kasaysayan ang nasusulat sa wikang Kastila. Ang totoo, hanggang sa ngayon ay itinuturo pa rin ang wikang Kastila sa mga paaralan kahit bilang isang kursong elektib na lamang, sapagkat naniniwala ang mga may kinalaman sa edukasyon na ang wikang ito ay dapat manatiling buhay sa ating bansa upang magsilbing kawing sa ating, gayunpaman, walang gaanong naging o nagiging problema ang pagsasalin sa Filipino mula sa kastila dahil sa kapwa konsistent ang palabaybayan ng dalawang wikang ito. Sumunod na nanakop ang bansang America na bagamat hindi naging kasintagal ng españa ay maituturing namang napakalawak at napakalalim ang naging impluwensya sa Pilipinas hindi lamang sa larangan ng wika kundi gayundin ay sa pag-iisip at kultura nating mga Pilipino. hindi magiging makatotohanan ang ating pangangatwiran kung sasabihin nating malilinang ang diwang Pilipino, ang kulturang Pilipino o ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng dayuhang wika. Hindi naman ibig sabihin na tuluyan na nating iwawaksi ang wikang ingles sapagkat kung magkakagayon ay maituturing itong isang pagpapatiwakal na intelekwal sapagkat ang Ingles ay itinuturing na wikang pandaigdig at ang yaman ng panitikan ng daigdig sa iba’t ibang disiplina ay dito sa wikang ito higit na mabisang nadudukal ng mga Pilipino ang dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin ay kapwa umiiral sa Pilipinas. Ang Filipino at Ingles ay dalawang wikang magkaiba ang angkang pinagmulan samakatwid ay napakaraming pagkakaiba. sa ortograpiya o palabaybayan, halimbawa ay napakalaki ng pagkakaiba ng dalawang wikang ito. gaya ng natalakay na, ang filipino ay may sistema ng pagbabaybay na “highly phonemic” na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema at ang simbolo o ang titik. sa matandang balarila ni Lope K. Santos, ang sabi ay “kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.”
  • 6. “COUP D’ ETAT” – hiram ng wikang Ingles sa wikang pranses. Nakapasok sa ingles ang di-konsistent na ispeling ng “Coup D’ Etat” sa orihinal na anyo nito sapagkat hindi rin konsistent ang sistema ng pagbaybay sa ingles. Samantala, sa Filipino, ang salitang ito ay naging “kudeta” dahil ang sistema ng pagbaybay ay konsistent. sa ganitong anyo, mahirap nang matunton ng isang karaniwang tagagamit ng wika kung saan ito nagmula. sa bahaging ito ay unti- unti na nating matatanto kung bakit napakahirap manghiram ng mga salita sa wikang ingles sapagkat hindi madaling asimilahin sa Filipino ang mga salitang di konsistent ang ispeling. CONCOM (CONSTITUTIONAL COMMISSION) 1986 • bahagi ng katitikan ng kumbensyon na nagpatibay ng resolusyon ang mga delegado na ipinagbabawal ang paggamit ng wikang pambansa sa mga oras ng kanilang deliberasyon. Ingles lamang ang wikang opisyal na kanilang pinagtibay na gagamitin sa gayong pagkakataon. Gayunpaman, noong sumunod na kumbensyong konstitusyonal na nakilala sa akronim na concom, ay hindi na nakapangyari ang kagustuhan ng mga “little brown americans” sapagkat ang kumbensyon ay nalahukan ng mga piling pilipinong manunulat at hindi nakahulma o nakabilanggo sa wikang ingles, nagpatibay agad sila ng isang resolusyon na Filipino at Ingles ANG MALAKING PAGKAKAIBA NG FILIPINO AT INGLES SA GRAMATIKA AT SA MGA EKSPRESYONG IDYOMATIKO - ang mga pagkakaibang ito ay kasinlawak ng pagkakalayo sa kultura ng bansang pilipinas at ng america. hindi maiiwasan ng isang tagapagsalin, kahit taglay niya ang lahat ng katangiang dapat angkinin ng isang tagapagsalin, ang mapaharap sa suliraning nakaugat sa ganitong pagkakaiba ng dalasang wikang kasangkot sa pagsasalin. • gayunpaman, ang ganitong problema kahit ang direksyon ng pagsasalin ay mula sa isang di pa maunlad na wika tungo sa isang maunlad nang wika. bagamat ang problema sa pagkakaiba ng gramatika ay hindi itinuturong malaking problema ng mga dalubhasa sa pagsasalin, ang talagang humahamon nang husto sa kanilang kakayahan ay ang pagsasalin ng mga ekspresyong idyomatiko. gaya ng alam natin, karamihan ng mga idyoma ay nakaugat sa kultura ng mga taong gumagamit ng wika. kapag ang isinasalin, halimbawa ay isang tekstong pampanitikan, isang maikling kwento o tula, dito na higit na masusumpungan ng tagapagsalin ang mga problema sa pagsasalin ng mga ekspresyong idyomatikong nakabuhol sa kulturang nakapaloob sa wikang ginamit sa orihinal na teksto, lalo na kung napakaraming taon na ang namamagitan sa isinasalin at sa pagsasalin ng mga idyomatikong pahayag, alalahanin ang diwa o mensahe nito.
  • 7. HALIMBAWA: HAND –TO-MOUTH EXISTENCE = isang kahig, isang tuka LEND A HAND = Tumulong ka YOU CAN COUNT ON HIM = Maaasahan mo s’ya Iwasan ang literal na pagsasalin sa pagsasaling ingles-filipino, dapat makita ang diwa at mensahe ng pangungusap o ng mga idyomatikong pahayag. YOU ARE THE APPLE OF MY EYES Literal na pagsasalin = Ikaw ang mansanas ng aking mga mata. Tamang pagsasalin = Ikaw ang aking paborito. NOYNOY WANTS TO BE A PRESIDENT WITH A DIFFERNCE. Literal na pagsasalin = gusto ni Noynoy na maging isang presidenteng may diperensya Tamang pagsasalin = Nais ni Noynoy na maging isang naiibang Presidente THIS IS A RED LETTER DAY. Literal na pagsasalin = Kulay pula ang araw na ito. Tamang pagsasalin = Isa itong mahalaga at masayang araw. HE IS A WELL KNOWN POET. Literal na pagsasalin = Siya ay isang mabuti-alam makata. Tamang pagsasalin =Isa siyang bantog na makata.
  • 8. MANUNULAT SA INGLES JOSE GARCIA VILLA – sagisag Dovelion – pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles JORGE JACOBO – sinulat “ Filipino Contact with America” “A Vision of Beauty” “ College Education” ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na pinamagatang “ A Child of Sorrow” ZULUETA DE ACOSTA – nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave” NVM GONZALES – may akda ng “ MY ISLANDS” at “CHILDREN OF THE ASH COVERED LOOM” Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India