Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
BAHAGI-NG-PANANALITA ulat ni EUNICE MACEDAeunicemaceda
BAHAGI NG PANANALITA.narito ang kabuoan ng lahat ng saklaw ng bahagi ng pananlita mula pangalan, panghalip, pandiwa, mga gamit nito at mga halimbawa, mga instruktural na pag gamit nito ay narito din ipinapahayag pati pang ukol ibat ibang uri ng pang ukol , mga halimbawa at mga paliwanag nito.
MAED FILIPINO
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
BAHAGI-NG-PANANALITA ulat ni EUNICE MACEDAeunicemaceda
BAHAGI NG PANANALITA.narito ang kabuoan ng lahat ng saklaw ng bahagi ng pananlita mula pangalan, panghalip, pandiwa, mga gamit nito at mga halimbawa, mga instruktural na pag gamit nito ay narito din ipinapahayag pati pang ukol ibat ibang uri ng pang ukol , mga halimbawa at mga paliwanag nito.
MAED FILIPINO
Proyekto ng mga mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa University of Perpetual System Dalta Molino.
Ipinasa ni Jorebel Billones
Ipinasa kay Mrs. Salvacion Frondozo
2. Uri ng Morpema sa wikang Filipino
1. Morpemang Ponema
2. Morpemang Salitang-Ugat
3. Mopemang Panlapi
3. MORPOHOLOHIYA
• Ang makaaghma na pag-aaral ng mga morpema
o makabuluhang yunit ng mga salita.
• Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema..
• Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng
isang salita na may angking kahulugan. Ito ay
maaring panlapi o salitang ugat.
4. Morpemang Ponema /a/ at /o/
• Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa
pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa
/a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.
• Halimbawa :
– Gobernador - Gobernadora
– Konsehal - Konsehala
– Kapitan - Kapitana
– Abogado - Abogada
5. Morpemang Salitang-Ugat
• Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay
ang payak na anyo ng isang salita.
• Halimbawa :
• Indak sayaw sulat
• Ganda sipag bata
• Buti payat bunso
6. Morpemang Panlapi
• Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa
salitang-ugat na maaring makapagpabagong
kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong
mag-isa ang mga panlapi at kailangan idugtong
sa salitang-ugat upang magkaroon ng
kahulugan.
• Ang morpemang panlapi ay nagtataglay ng
kahulugan.
7. • Ang mga panlaping Filipino ay maaring ikabit sa
mga pangngalan at tinatawag itong panlaping
makangalan; sa pandiwa ay tinawatag naman
itong panlaping makadiwa at sa pang-uri ay
tinatawag itong panlaping makauri.
• Kilala rin ang morpemang panlapi bilang di-
malayang morpema. Bagamat’t may
kahulugan, hindi makikita ang tiyak na taglay na
kahulugan hangga’t hindi naisasama sa isang
salitang-ugat.
9. • Morpemang Leksikal at Pangkayarian
– Morpemang Leksikal
» May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-
abay.
– Morpemang Pangkayarian
» Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa
isang kayarian o konteksto ang mga ito upang
magkaroon ng kahulugan.
10. Halimbawa
• Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa
kanyang mga kaklase.
– Ang nang,si,sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay
nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na Pedro, kaklase,
naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng kahulugan ang
pangungusap.
• Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase
ni Pedro.
– Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si
pedro ang naperwisyo samantalang sa pangalawang pangungusap, ang
kanyang mga kaklase ang naperwisyo.
12. Pagbabagong Morpoponemiko
Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng
isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing
ponemang (panlapi).
Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaring
yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod
dito.
Halimbawa :
[pang-] + paaralan = pampaaralan
13. Limang Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko
1. Asimilasyon
2. Pagpapalit ng Ponema
3. Metatesis
4. Pagkakaltas ng Ponema
5. Paglilipat-diin
14. Assimilasyon
• Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging
nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong pinal dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod nito.
15. • Uri ng Asimilasyon
– Asimilasyong Parsyal o di ganap
– pagbabago sa unang morpema
Halimbawa
hal: pang + bansa = pambansa
sing + bait = simbait
mang + batas = mambabatas
– Asimilasyong Ganap
– Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Hal: mang + tahi = manahi
pang + palo = pamalo
pang + takot = panakot
16. Pagpapalit ng Ponema
• kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang
patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang r.
hal: ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong
17. Metatesis
• pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in /
kapag ang kasunod na ponema ay ang mga
ponemang (l,y,o)
hal: lipadin -nilipad
yakapin -niyakap
18. Paglilipat-diin
• kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng
panlapi, ito ay nagbabago kapag ito'y
nilalapitan.
hal: laro + an = laruan
dugo + an = duguan
19. Pagkakaltas ng Ponema
• mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
hal: takip + an = takpan
sara + han = sarhan
labahan = labhan
dalahin = dalhin
20. Kayarian ng mga Salita
1. PAYAK
- ang salita ay payak kung ito ay salitang-
ugat lamang, walang panlapi at walang katambal
na ibang salita (Santiago&Tianco)
halimabawa:
ina bata anak ama
kapatid sulat
21. 2. Maylapi
-sa pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang
salitang-ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani-
kaniyang kahulugan (Ampil,Mendoza & Breva, 2010)
- ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga
panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa
unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May
ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi
23. 3. Inuulit
-ay maaring ganap, parsyal o magkahalong
parsyal at ganap (Ampil, Breva & Mendoza,
2010)
-inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit
pang pantig nito
-may dalawang uri, ang “pag-uulit na Ganap
at Di-ganap
24. a) Pag-uulit na Ganap
- inuulit ang salitang-ugat
Halimbawa:
taon taon- taon
bahay bahay-bahay
araw araw-araw
25. b) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap
- ang isang salita ay nasa pag-uulit na
PARSYAL kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat
ang inuulit
Halimbawa:
usok uusok
balita bali-balita
tahimik tahi-tahimik
Kanta kakanta
26. c) Magkahalong Parsyal at Ganap
- kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo
ang salitang-ugat.
Halimbawa:
Sigla masigla-sigla
Saya masaya-saya
Matuto matuto-tuto
27. 4. Tambalan
- ang pagbubuo ng salitang-ugat
-dalawang salitang pinagsasama para
makabuo ng isang salita
-may dalawang uri ng tambalan ang
tambalang ganap at di-ganap
28. a) Tambalang Di-ganap
-ang taglay na kahulugan ng bawat
dalawang salitang pinagtambal ay hindi
mawawala
-Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Halimbawa:
asal-hayop kulay-dugo
bahay-ampunan pamatid-uhaw
29. b) Tambalang Ganap
- ang dalawang salitang pinagtambal ay
nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad
ng mga salitang pinagsama.
-Tambalang salitang nagbibigay ng bagong
kahulugan
Halimbawa:
bahaghari hampaslupa
dalagambukid anakpawis
30. Bahagi ng Pananalita
1. Mga Salitang Pangnilalaman ( Content
Words)
a. Mga Nominal
Pangngalan
Panghalip
b. Pandiwa
c. Mga Panuring
Mga pang-uri
Pang-abay
31. 2. Mga Salitang Pangkayarian ( Function Words)
a. Mga Pang-ugnay
» Pangatnig
» Pang-angkop
» Pang-ukol
b. Mga Pananda
» Pantukoy
» Pangawing na ‘ay’
33. 1. PANGNGALAN
• ito ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay
ngalan ng hayop, bagay, pook, at pangyayari.
Dalawang Klasipikasyon Ng Pangngalan
1 Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang
panlahat o hindi panlahat.
2. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa
isang bagay na tahas o hindi tahas
35. halimbawa
1.Pangngalang Tanging Ngalan ng Tao
Pedrito Melissa
Marilou Rita
2. Pangngalang Tanging Ngalan ng Hayop
Brownie Pinky
Blacky Spot
3.Pangngalang Tanging Ngalan ng Bagay
Mongol
Magasing liwayway
Bic Ballpen
36. 4. Pangngalang Tanging Ngalan ng Pook
Bundok Apo Talon Maria Cristina
Davao City
5. Pangngalang Tanging Ngalan ng Panyayari
Paligsahan ng Bb. Pilipinas
Buwan Ng Wika
38. Halimbawa:
1.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Tao
bata guro
lalaki abogado
2.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Hayop
aso baka
pusa kalabaw
3. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Bagay
laptop radyo
bahay relo
39. 4. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Pook
ilog
bulubundukin
kapatagan
5. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng
Pangyayari
sayawan gulo
banggan digmaan
40. tahas
-tumutukoy sa bagay na materyal
Dalawang Uri:
1. palansak- tumutukoy sa pangkat ng iisang
uri ng tao o bagay.
halimbawa:
buwig kumpol
hukbo lahi
tumpok tangkal
41. di-palansak
-tumutukoy lamang sa mga bagay na
isinasaalang-alang ng isa-isa.
Halimbawa:
saging bulaklak
sundalo tao
Kamatis manok
42. di-tahas o basal
-basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay
hindi materyal kundi diwa o kaisipan.
Halimbawa:
Buti ganda
sama bait
pag-asa kaligayahan
44. 2. PANGHALIP
-ito ay salitang panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Si Manuel L. Quezon ang kinilalang “Ama ng
Wikang Pambansa”.
Siya ang kin.ilalang”Ama ng Wikang
Pambansa”.
45. Tatlong panauhan:
1. Unang Panauhan
-tumutukoy sa taong nagsasalita
(ako,ko,kami,tayo)
2. Ikalawang panauhan
-tumutukoy sa taong kausap sa
pangungusap.
(ikaw,ka,kayo,inyo,inyo)
3. Ikatlong panauhan
-inihalili sa taong tinutukoy sa
pangungusap.
(siya,sila,nila,kanya,kanila)
47. Source ( pinagmulan )
Aklat
– Wika at Komunikasyon: Filipino 1 kolehiyo Batayan at
sanayang-aklat
Internet
– http://mamsha.tripod.com/id23.html
– http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_kayarian_ng_salita
– http://e-filipino101.blogspot.com/2009/09/kayarian-ng-
mga-salita.html
– http://www.scribd.com/doc/96393660/1-Ponolohiya
– http://prezi.com/sau0kfuhjy9p/pagbabagong-
morpoponemiko/