13 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagtutuwid
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sapagka't pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig, At hinahampas ang bawa't tinatanggap na anak.
Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. Sinoman ay huwag humamak sa iyo.
Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan.
Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:
Oh Panginoon, sawayin mo ako, nguni't sa pamamagitan ng kahatulan; huwag sa iyong galit, baka ako'y iuwi mo sa wala.
Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran.
Sawayin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; Oo, bibigyan niya ng kaluguran ang iyong kaluluwa.
Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.
Mga Paksa sa Pagtutuwid
Pagtutuwid
Isaias 45:2Ako'y magpapauna sa iyo, at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:
Pagtutuwid sa Kapatid
Tito 3:10Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;