1. |
Bukang-Liwayway
04:20
|
|||
ang araw ay bumangon na
mula sa pagtulog niya sa likod ng mga bundok
umaga na, mga mata
hindi pa nakakaranas ng kahit isang kurap
salubungin bukang-liwayway
at simoy ng hangin na dala
ng bagong araw
nais pakinggan ang tinig ng
mga ibong buong galak
na umaawit
sana ay pakawalan ng gabi ang aking munting katawan
|
||||
2. |
Tanikala
03:42
|
|||
prinsesa ng mga tala
diwata ng hilaga
panaginip ng makata
pakinggan mo ako
balutin ng hiwagang hinabi ng tadhana
balutin ng hiwagang hinabi ng tadhana
balutin ng liwanag na tila tanikala
patak ng luha ng kandila
sa sobre kong sinidlan
ng liham nilathala
para sa iyo
|
||||
3. |
Sa Pag-alala
00:57
|
|||
4. |
Sa Hindi Pag-alala
04:08
|
|||
kakalimutan na kita
siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
napagisipan mo na ba
dahil kakalimutan na kita
eto na
eto na
kakalimutan ko narin
mga sinabi mong wala palang ibig sabihin
pati narin ang 'yong ngiti
at mga luha sa 'yong paghikbi
eto na
eto na
buburahin na sa isip
ang hugis ng iyong mga mata sa 'yong pagtawa
kung pano ka ba manamit
pati kung pano ka ba umidlip
eto na
eto na
paalam na nga ba?
kung hindi na tayo magkikita
nawa ay mangyaring
hilahin tayo ng kamay ng Diyos
sa isang pagkikita
sa isang pangitain
kakalimutan na kita
siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
napagisipan mo na ba
dahil kakalimutan na kita
eto na
|
||||
5. |
Sa'yo
05:52
|
|||
ang buhok mo'y parang gabing numinipis
sa pagdating ng madaling araw
na kumukulay sa alapaap
ang ngiti mo'y parang isang tala
na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita
kung kailan wala na
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo
ang buhay mo'y parang kandila na pumapawi
sa kadiliman ng gabing puno ng dalita
at ng lagim
bawat segundo ay natutunaw
tumutulo parang luha
humuhugis na parang mga puting paru-paro
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo
sa'yong-sa'yo
ni isang beses ay hindi pa 'ko
nakakakain ng paru-paro
ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno?
saka ko naalala na noon
nang una kong masabi ang pangalan mo
nakalunok ako kaya siguro
kailan kaya mahahalata
ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala
ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo
sa'yong-sa'yo
|
||||
6. |
Marilag
04:34
|
|||
itim sa bughaw at puti sa dilaw
lampara sa daan ay pinapalitan
ng araw na sumisikat
mukha mo ay nakikita
sa ulap at mga lila
marilag
lungkot sa pag-asa, luha sa tuwa
lamig ng gabi ay pinapalitan
ng init na bumabalot
ang yakap mo'y kakilala
sa banketa ako'y pinulot
marilag
marilag
hindi maitatago, hindi maikukubli
ang mundo ay binabalot
ng iyong pagbangon muli
|
Munimuni NCR, Philippines
MAKATA POP
Munimuni is Adj Jiao, John Owen Castro, Red Calayan, Jolo Ferrer, and TJ de Ocampo.
Streaming and Download help
If you like Munimuni, you may also like: