Kasama sa Tenor ang Tenor mobile app, website ng Tenor, na matatagpuan sa http://tenor.com, mga extension ng Tenor, at Tenor API. Puwedeng isama ang Tenor API sa mga third party na device o serbisyo, pero Google ang nagbibigay ng anumang serbisyong nauugnay sa Tenor.
Para magamit ang Tenor, dapat mong tanggapin (1) ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google at (2) ang Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Tenor (ang "Mga Karagdagang Tuntunin ng Tenor").
Pakibasa nang mabuti ang bawat isa sa mga dokumentong ito. Kapag pinagsama, tinatawag ang mga dokumentong ito na "Mga Tuntunin." Itinatakda sa mga ito kung ano ang maaasahan mo mula sa amin sa paggamit mo ng aming mga serbisyo, at kung ano ang inaasahan namin sa iyo.
Kung sasalungat ang Mga Karagdagang Tuntunin ng Tenor na ito sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, ang Mga Karagdagang Tuntunin na ito ang susundin para sa Tenor.
Bagama't hindi ito bahagi ng Mga Tuntunin na ito, hinihikayat ka naming basahin ang aming Patakaran sa Privacy para mas mahusay na maunawaan kung paano mo maa-update, mapapamahalaan, mae-export, at made-delete ang iyong impormasyon.
1. Iyong Content.
Pinapayagan ka ng Tenor na magsumite, mag-store, magpadala, tumanggap, o magbahagi ng iyong content. Ang iyong content ay lisensyado sa Google gaya ng nakalarawan sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google — kaya kung mag-a-upload ka ng content sa Tenor, posibleng ipakita namin ang content na iyon sa mga user at ibahagi ito kapag idinirekta, at magagawa ng mga user na iyon (kabilang ang mga user na nag-a-access ng content sa pamamagitan ng Tenor API) na tingnan, ibahagi, at baguhin ang content na iyon.
2. Ipinagbabawal na Content.
2.1 Hindi mo dapat gamitin ang Tenor para sa anumang komersyal na layunin o para sa kapakinabangan ng anumang third party.
2.2 Gaya ng ipinaliwanag namin sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, gusto naming magpanatili ng magalang na kapaligiran para sa lahat. Kapag ginagamit ang Tenor, dapat mong sundin ang aming Mga Patakaran ng Programa at mga pangunahing panuntunan sa pagkilos na inilalarawan sa Mga Tuntunin ng Mga Serbisyo ng Google. Partikular dito, kapag ginagamit ang Tenor, hindi ka dapat:
a. magsumite, mag-store, magpadala, o magbahagi ng anumang content na:
i.lumalabag, o humihikayat ng anumang pagkilos na lalabag sa naaangkop na batas o mga karapatan ng iba, kabilang ang anumang content na hindi gumagalang, hindi naaangkop, o lumalabag sa mga karapatan sa intellectual property, o karapatan sa pagkakalantad o privacy ng iba;
ii.naglalaman ng personal na impormasyon o impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng sinupamang tao nang walang paunang pahintulot niya;
iii.nagpo-promote ng mga ilegal o mapaminsalang aktibidad o substance;
iv.mapanloko, mapanlinlang, o madaya;
v.hindi totoo o naninirang-puri;
vi.malaswa o pornograpiko;
vii.nagpo-promote o nakikibahagi sa pandidiskrimina, bigotry, racism, galit, panliligalig, o pamiminsala laban sa sinumang indibdiwal o anumang grupo;
viii.marahas o nagbabanta o nagpo-promote ng karahasan o mga pagkilos na nagbabanta sa sinumang indibidwal, anumang grupo, o anumang organisasyon; o
b. nagpapadala ng anumang hindi hiningi o hindi pinahintulutang pag-advertise, pampromosyong materyal, o komunikasyon, kabilang ang email, mail, spam, mga chain letter, o iba pang pangangalap.
2.3 Posibleng paghigpitan o alisin ang anumang content na na-assess na hindi naaangkop, ilegal, o hindi tumutugma. Gumagamit kami ng kumbinasyon ng mga system para matukoy at ma-assess ang content na binuo ng aming mga serbisyo o na-upload sa mga ito na lumalabag sa aming mga patakaran, gaya ng mga tuntuning ito, Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, o lumalabag sa batas. Gayunpaman, nauunawaan naming kung minsan ay nagkakamali kami. Kung sa palagay mo ay hindi lumalabag ang iyong content sa mga tuntuning ito o hindi dapat ito inalis, puwede kang umapela.
Posibleng paghigpitan ka sa paggamit ng aming serbisyo, o suspindihin o wakasan ang iyong account kung:
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung bakit kami nagdi-disable ng mga account at kung ano ang nangyayari kapag ginawa namin ito, tingnan ang artikulong ito sa Help Center. Kung naniniwala kang may pagkakamali sa pagsuspinde o pagwawakas ng iyong Tenor Account, puwede kang umapela.