Abenida Padre Burgos: Pagkakaiba sa mga binago
No edit summary |
m paring martir |
||
Linya 31: | Linya 31: | ||
Itinakdang bahagi ng [[Daang Palibot Blg. 1]] (C-1) ang bahagi ng abenida mula Kalye Pananalapi (''Finance Drive'') hanggang Bulebar Roxas. Isa ring bahagi ng [[sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas]] ang abenida: ang bahaging mula Tulay ng Quezon hanggang Abenida Taft ay itinakdang bahagi ng [[Lansangang N170 (Pilipinas)|N170]], habang bahagi naman ng [[Lansangang N150 (Pilipinas)|N150]] ang nalalabing bahagi ng abenida patungong Bulebar Roxas. |
Itinakdang bahagi ng [[Daang Palibot Blg. 1]] (C-1) ang bahagi ng abenida mula Kalye Pananalapi (''Finance Drive'') hanggang Bulebar Roxas. Isa ring bahagi ng [[sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas]] ang abenida: ang bahaging mula Tulay ng Quezon hanggang Abenida Taft ay itinakdang bahagi ng [[Lansangang N170 (Pilipinas)|N170]], habang bahagi naman ng [[Lansangang N150 (Pilipinas)|N150]] ang nalalabing bahagi ng abenida patungong Bulebar Roxas. |
||
Hinango ang pangalan ng lansangan mula kay [[Jose Burgos]], isa sa mga tatlong |
Hinango ang pangalan ng lansangan mula kay [[Jose Burgos]], isa sa mga tatlong paring martir (na tinaguriang [[GOMBURZA]]). Ang bahaging C-1/N150 ng lansangan ay dating tinawag na '''''Calle Bagumbayan'''''. |
||
==Tingnan din== |
==Tingnan din== |
Pagbabago noong 19:27, 6 Marso 2023
Abenida Padre Burgos Padre Burgos Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.5 km[1] (0.9 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | mga sangandaan ng mga Tulay ng MacArthur, Jones, at Quezon sa Ermita |
| |
Dulo sa timog | N120 / AH26 (Daang Bonifacio at Bulebar Roxas) sa Ermita |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Padre Burgos (Ingles: Padre Burgos Avenue) ay isang mahalagang lansangan ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas, na may labing-apat na linya at haba na 1.5 kilometro (0.93 milya).[2] Nasa pusod ng lungsod ang lansangan na nagbibigay-daan patungo ng ilang mga mahahalagang lansangan tulad ng Abenida Taft, Abenida Rizal, Bulebar Roxas, at Bulebar Quezon. Nagbibigay rin ito ng daan patungong Gusaling Panlungsod ng Maynila, Liwasang Rizal, at Intramuros.
Nagsisimula ito sa katimugang dalampasigan ng Ilog Pasig sa may Liwasang Bonifacio, kung saan nagtatagpo ang mga tulay ng MacArthur (patungong Abenida Rizal), Jones (patungong Daang Quintin Paredes/Binondo), at Quezon (patungong Quiapo at Bulebar Quezon/Espanya). Pagdaan sa harapan ng Munisipyo, hahati sa dalawa ang Abenida Padre Burgos–Abenida Taft (sa pamamagitan ng Lagusang Lagusnilad, patungong Ermita, Malate, at Pasay) at Ekstensyong Padre Burgos (patungong Bulebar Roxas sa kanluran, kung saan ito nagtatapos).
Itinakdang bahagi ng Daang Palibot Blg. 1 (C-1) ang bahagi ng abenida mula Kalye Pananalapi (Finance Drive) hanggang Bulebar Roxas. Isa ring bahagi ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas ang abenida: ang bahaging mula Tulay ng Quezon hanggang Abenida Taft ay itinakdang bahagi ng N170, habang bahagi naman ng N150 ang nalalabing bahagi ng abenida patungong Bulebar Roxas.
Hinango ang pangalan ng lansangan mula kay Jose Burgos, isa sa mga tatlong paring martir (na tinaguriang GOMBURZA). Ang bahaging C-1/N150 ng lansangan ay dating tinawag na Calle Bagumbayan.
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ "Padre Burgos Avenue southbound". Google Maps. Google. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Padre Burgos Avenue southbound". Google Maps. Google. Nakuha noong 13 Disyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)