Pumunta sa nilalaman

Abenida Paterio Aquino

Mga koordinado: 14°39′35″N 120°57′19″E / 14.65972°N 120.95528°E / 14.65972; 120.95528
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Abenida Paterio Aquino
Paterio Aquino Avenue
Daang Letre
Letre Road
Rizal Avenue Extension
Abenida Paterio Aquino mula sa sangandaan nito sa Daang Samson.
Impormasyon sa ruta
Haba1.6 km (1.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N120 / AH26 (Daang C-4) sa hangganan ng Kalookan at Malabon
Dulo sa kanluranRotonda ng Gusaling Panlungsod ng Malabon sa Malabon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Paterio Aquino (Ingles: Paterio Aquino Avenue) ay ang pangunahing daan ng Malabon sa hilagang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ito ay bumabagtas mula sangandaan ng Daang C-4 sa Lungsod ng Kalookan at nagtatapos sa Bulebar F. Sevilla sa rotonda ng Gusaling Panlungsod ng Malabon. Anim ang mga linya nito at may haba na 1.6 kilometro (1.0 milya). Kasama ito sa talaan ng MMDA ng mga pinakabahaing lugar sa Kamaynilaan.[1]

Ipinangalan ito mula kay Paterio Aquino na alkalde ng Malabon 1946-1951 at 1956-1959.[2] Tinatawag din itong Daang Letre (Ingles: Letre Road), mula sa dating baryo sa Malabon kung saan dumadaan ito. Ang bahagi ng abenida sa kanluran ng Tulay ng Tonsuya (sa mga baranggay ng San Agustin and Tañong) ay tinatawag ding Rizal Avenue Extension.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "MMDA's list of flood-prone areas in Metro Manila". MyCars.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Politics, Elites and Transformation in Malabon". PhilippineStudies.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°39′35″N 120°57′19″E / 14.65972°N 120.95528°E / 14.65972; 120.95528