Pumunta sa nilalaman

Caligula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 16:04, 2 Setyembre 2009 ni SieBot (usapan | ambag)
Caligula

Si Gaius Julius Caesar Augustus Germanicus (Agosto 31, 12Enero 24, 41), mas kilala sa kanyang palayaw Caligula, ang ikatlong Emperador ng Roma at nabibilang sa Dinastiyang Julio-Claudian na namuno mula 37 hanggang 41 AD.

Talambuhay

Si Gaius ay ipinanganak bilang Gaius Julius Caesar Germanicus noong Agosto 31, 12, sa Antium. Siya ang ikatlong anak nina Germanicus at Agrippina na Nakatatanda. Ang mga kapatid ni Caligula ay sina Nero at Drusus. Ang kanyang mga kapatid na babae ay sina Julia Livilla, Drusilla at Agrippina na Nakababata. Siya rin ay pamangkin ni Claudius(ang sumunod na emperador).

Ang ama ni Gaius na si Germanicus, ay isang kilalang miembro ng pamilya Julio-Claudian at tinitingala bilang isa sa pinakamamahal na heneral ng Imperyong Romano. Siya ay anak nina Nero Claudius Drusus at Antonia Minor. Si Germanicus ay apo nina Tiberius Claudius Nero at Livia at inampong apo ni Augustus.

Si Agrippina na Nakatatanda ay anak na babae nina Marcus Vipsanius Agrippa at Julia ang Nakatatanda. Siya rin ay apo nina Augustus at Scribonia.

Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA