Dagat Mediteraneo
Ang Mediteraneo[1], Mediteranyo, o Mediteranea[2] ay isang dagat ng Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga anyong-lupa. Kabilang na dito ang Europa sa hilaga, Aprika sa timog at Asya sa silangan. May sukat itong 2.5 milyong km² (965,000 mi kuw). Ang tanging koneksiyon nito sa Atlantiko ay ang Kipot ng Gibraltar na 14 km² (9 mi) lamang ang lawak. Sa oseanograpiya, tinatawag itong Dagat Europea-Mediteranea para matukoy ito sa iba pang uri ng dagat sa Mediteraneo.
Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at paglalakbay noong sinaunang panahon. Ang mga kulturang nakinabang sa dagat ay ang Mesopotamiya, Ehipto, Semetiko, Persa, Penisyano, Kartago, Griyego, Lebantino at mga Romano.
Mga pangalan at etimolohiya
Ng mga sinaunang Ehipto ay tinawag ang Dagat Mediteraneo na Wadj-wr/Wadj-Wer/Wadj-Ur. Ang itong termino (lit. na 'dakilang berde') ay pangalang ibinigay ng mga sinaunang Ehipto sa rehiyong semi-solido, semi-akwatiko na may mga gubat ng papiro sa hilaga ng nilinang na delta ng Nilo, at naman, sa dagat sa lampas.
Ng mga sinaunang Griyego ay simple na tinawag ang Dagat Mediteraneo na ἡ θάλασσα (hē thálassa; "ang Dagat") o minsan ἡ μεγάλη θάλασσα (hē megálē thálassa; "ang Dakilang Dagat"), ἡ ἡμετέρα θάλασσα (hē hēmetérā thálassa; "Ating Dagat"), o ἡ θάλασσα ἡ καθ'ἡμᾶς (hē thálassa hē kath’hēmâs; "ang dagat sa paligid natin").
Ng mga Romano ay tinawag ito na Mare Magnum ("ang Dakilang Dagat") o Mare Internum ("ang Dagat na Panloob") at, habang Imperyong Romano, Mare Nostrum ("Ating Dagat"). Mamayang lumitaw ang terminong Mare Mediterrāneum: parang ginamit ni Solinus noong ika-3 na siglo, pero ang pinakamaagang nananatiling saksi sa pangalan ay noong ika-6 na siglo, kay Isidro ng Sevilla. Ang ibig sabihin ay "sa gitna ng lupa" sa Latin, isang timplada ng medius "gitna", terra "lupa", at -āneus "na may ilang katangian".
Ang modernong Griyegong pangalang Μεσόγειος Θάλασσα (mesógeios; "sa gitna ng lupa") ay isang kalko ng pangalang Latin, mula sa μέσος (mésos, "sa gitna") and γήινος (gḗinos, "ng Daigdig"), from γῆ (gê, "lupa, Daigdig", cf. Gaia at Heo-). Ang orihinal na ibig sabihin ay parang "ang dagat sa gitna ng lupa", imbes na "ang dagat na kinukulong ng lupa".
Ng mga sinaunang Iraniyo ay tinawag ito na "Romanong Dagat", at sa mga tekstong Persang Klasiko, tinawag na Daryāy-e Rōm (دریای روم), baka mula sa Gitnang Persang pormang Zrēh ī Hrōm (𐭦𐭫𐭩𐭤 𐭩 𐭤𐭫𐭥𐭬).
Ng mga Kartahines ay tinawag ito na "Siriakong Dagat". Sa mga sinaunang Siriakong teksto, mga Penisyang epiko, at Hebreong Bibliya, ito ay pangunahing kilala bilang "ang Dakilang Dagat", הים הגדול HaYam HaGadol (Aklat ng mga Bilang, Aklat ni Josue, Aklat ni Ezekiel) o simple na "Ang Dagat", הים HaYam (1 Hari). Gayunman, tinawag din na "ang Dagat sa Likod" dahil sa lokasyon sa kanluraning baybayin ng Kalakhang Sirya o Banal na Lupain (at kaya sa likod ng mga humaharap ng silangan), na minsan isinasalin bilang "Kanluraning Dagat". Ang ibang pangalan ay "Dagat ng mga Filisteo" (Aklat ng Exodo), mula sa mga tao na tumira sa isang malaking bahagi ng mga baybay sa malapit ng mga Israelita. Sa Modernong Hebreo, tinatawag ito na הים התיכון HaYam HaTikhon "ang Gitnang Dagat".
Sa Modernong Pamantayang Arabe, kilala bilang al-Baḥr [al-Abyaḍ] al-Mutawassiṭ (البحر [الأبيض] المتوسط) "ang [Puting] Gitnang Dagat". Sa panitikang Islamiko at panitikang mas lumang Arabe, ito ay Baḥr al-Rūm(ī) (بحر الروم o بحر الرومي) "ang Dagat ng mga Romano" o "ang Romanong Dagat". Noong una, tinukoy lang ng pangalang iyon ang silanganing Mediteraneo, pero mamayang nilaparan ang termino para sumaklaw ang buong Mediteraneo. Ang ibang mga makasaysayang Arabeng pangalan ay Baḥr al-šām(ī) (بحر الشام) ("ang Dagat ng Siria") at Baḥr al-Maghrib (بحرالمغرب) ("ang Dagat ng Kanluran").
Sa wikang Turko ito ay Akdeniz "ang Puting Dagat", at sa Otomano ﺁق دكيز, na minsan nangahulugan lang ng Dagat Egeo. Di-tiyak ang pinagmulan ng pangalan, dahil hindi mahahanap sa maaagang pinagmulang Griyego, Bisantino, o Islamiko. Siguro sa kaibahan sa Dagat Itim. Sa wikang Persa isinalin ang pangalan bilang Baḥr-i Safīd, na ginamit din sa mamayang wikang Otomanong Turko. Gayon din, sa Griyego ng ika-19 na siglo, ang pangalan ay Άσπρη Θάλασσα (Áspri Thálassa; "Puting Dagat").
Ayon kay Johann Knobloch, sa klasikong antiguwedad, gumamit ang mga kultura sa Lebante ng mga kulay para tukuyin ang mga direksyong kardinal: tinukoy ng itim ang hilaga (na ipinapaliwanag ang pangalang Dagat Itim), ng dilaw o asul ang silangan, pula ang timog (kumbaga ang Dagat Pula) at puti sa kanluran. Ipinapaliwanag nito ang Bulgarong Byalo More, ang Turkong Akdeniz, at ang Arabeng nomenklaturang inilalarawan sa itaas, ang lahat ng ito ay nangangahulugan ng "Puting Dagat".
Kasaysayan
Mga sinaunang kabihasnan
Nasa paligid ng Mediteraneo may mga pangunahing sinaunang kabihasnan. Ibinigay ng dagat ang mga ruta para sa kalakalan, kolonisasyon, at digmaan, pati na rin ang pagkain (mula sa pangingisda at pagtitipon ng ibang pagkaing-dagat) para sa iba't ibang pamayanan sa paglipas ng mga taon. Ang pinakamaaagang abanteng pamayanan nasa Mediteraneo ay mga Ehipto at Minoano, kung sinu-sino malawak na nagpalitan. Ang ibang mga makatuturang kabihasnan na mamayang lumitaw ay mga Heteo at ibang mga Anatoliyo, mga Penisyo, at Gresyang Myceneo. Sa paligid ng 1200 BK ang silanganing Mediteraneo ay lubhang naapektuhan ng Pagguho ng Panahong Bronse, na nagdulot ng pagsira ng mararaming lungsod at ruta ng kalakalan.
Ang pinakamakatuturang kabihasnan sa Mediteraneo habang klasikong antiguwedad ay mga Griyegong siyudad-estado at mga Penisyo, kung sinu-sino malawak na kumokolonisa ng mga baybayin ng Mediteraneo.
Si Dario I ng Persiya, kung sino sumakop ng Sinaunang Ehipto, ay gumawa ng isang kanal na nagdugtong ng Dagat Pula sa Nilo, at kaya sa Mediteraneo. Ang kanal ni Dario ay sapat na malapad para sa dalawang trireme na dumaan ng isa't isa na may mga sagwan na pinalawig at kinakailangan ng apat na araw para tumawid.
Pagkatapos ng mga Digmaang Puniko noong ika-3 at ika-2 na siglo BK, natalo ng Republikang Romano ang mga Kartahines para maging dominanteng puwersa sa Mediteraneo. Kapag itinayo ng Augusto ang Imperyong Romano, tinukoy ng mga Romano ang Mediteraneo bilang Mare Nostrum ("Ating Dagat"). Sa susunod na 400 taon, ganap na kinokontrol ng Imperyong Romano ang Dagat Mediteraneo at halos lahat ng mga rehiyong baybayin nito mula sa Gibraltar hanggang sa Lebante. Ito ang tanging estado sa kasaysayan na kailanman gawin ito, kaya ang dagat ay binigyan ng palayaw na "Lawang Romano".
Gitnang Kapanahunan at mga imperyo
Bumagsak ang Kanlurang Imperyong Romano noong 476 AD. Muling dominante ang silangan dahil nabuhay ang puwersang Romano sa Imperyong Bisantinong itinayo noong ika-4 na siglo mula sa silanganing kalahati ng Imperyong Romano. Bagaman ang Silangang Imperyong Romano ay patuloy na humawak sa halos lahat ng Mediteraneo, lumitaw ang ibang kapangyarihan noong ika-7 na siglo, at kasama nito ang relihiyong Islam, na hindi nagtagal ay kumalat sa buong silangan. Ang kapangyarihang ito ay ang Imperyong Islamiko, at sa pinakamalaking lawak nito, ang mga Arabe, sa ilalim ng mga Umayyad, ang kumokontrol sa karamihan ng rehiyon ng Mediteraneo at nag iwan ng pangmatagalang bakas ng paa sa silangang at timog baybayin nito.
Nilansag ng maaagang Muslim na pagsakop ang mga kaugnayang pangkalakalan sa pagitan ng Kanlurang at Silangang Europa habang nilansag din ng mga kaugnayang pangkalakalan sa mga imperyong Asyatiko. Bilang isang indirektang epekto, gayunman, itinaguyod nito ang kalakalan sa tapat ng Dagat Kaspiyo. Ang pagluluwas ng mga butil mula sa Ehipto ay inilihis patungong silanganing mundo. (Noong panahong iyon, ang Ehipto ay breadbasket ng Imperyong Romano, at samakatuwid ng Imperyong Islamiko.) Ang mga produkto mula sa mga imperyo sa Silangang Asya, tulad ng sutla at espesya, ay dinala mula sa Ehipto hanggang sa mga daungan tulad ng Venice at Constantinople ng mga marino at ng mga mangangalakal na Hudyo. Mas nilansag, at sa wakas tinigilan, ng mga salakay ng mga Viking ang kalakalan sa kanluraning Europa. Gayunman, napaunlad ng mga Nordiko ang kalakalan sa pagitan ng Noruwega at Dagat Puti, habang nagpalitan din ng mga paninda mula sa Espanya at natira ng Mediteraneo. Ang mga barko ng Venecia noong ika-9 na siglo ay nagdala ng mga armas para kontrahin ang yamot ng mga Arabe habang ang kalakalang Asyatiko ay nakatuon sa Venecia.
Nagpanatili ang mga Fatimid ng kaugnayang pangkalakalan sa mga Italyanong siyudad-estado tulad ng Amalfi at Genova bago ng mga Krusada, ayon sa mga dokumento ng Cairo Geniza. Tinukoy ng isang dokumento mula noong 996 ang mga komersiyanteng Amalfi na tumira sa Cairo. Sumabi ang ibang liham na mga taga-Genova ay nagpalitan sa Alehandriya. Pinayagan nng kalipa ni al-Mustansir Billah ang mga komersiyenteng Amalfi tumira sa Herusalem noong 1060 sa Lating hospisyo.
Ang mga Krusada ay nagdulot ng pagpapaunlad ng kalakalan sa pagitan ng Europa at mga estado ng nagkrusada o mga outremer. Lumikha ang Genova, Venecia, at Pisa ng mga kolonya sa mga rehiyong kinontrol ng mga Krusador, at sa huli nakontrol nila ang kalakalan sa Silangan. Bagaman ang pagbagsak ng mga estado ng nagkrusada, at saka ang mga pagtatangka ng mga Papa para ipagbawal ang pakikipag ugnayan sa mga Muslim na estado, ay pansamantalang nakagambala sa kalakalan sa Silanganan, nagpatuloy pa rin ito.
Nagsimulang muling buhayin ang Europa, gayunman, habang ang mga mas organisado at sentralisadong estado ay nagsimulang mabuo sa kalaunang Gitnang Kapanahunan pagkatapos ng Renasimiyento ng ika-12 na siglo.
Patuloy na lumaki ang puwersang Otomano sa Anatolya, at noong 1453 napatay ang Imperyong Bisantino. Nakuha ng mga Otomano ang kontrol sa karamihan ng silangang bahagi ng dagat noong ika-16 na siglo at pinanatili rin ang mga base ng hukbong dagat sa timog ng Pransya (1543–1544), Algeria, at Tunisia. Si Hayreddin Barbarossa, ang Otomanong kapitan, ay sagisag ng itong dominasyon sa pamamagitan ng tagumpay sa Labanan ng Preveza (1538). Minarkahan ng Labanan ng Djerba (1560) ang taluktok ng dominasyong Otomano sa silanganing Mediteraneo. Habang lumaki ang ang kahusayan ng mga hukbong dagat ng mga kapangyarihang Europeo, hinarap nila ang Otomanong paglawak sa rehiyon, kapag nalimitahan ng Labanan ng Lepanto (1571) ang puwersa ng Otomanong Hukbong Dagat. Ito ang huling labanan sa hukbong dagat na pangunahing nakipaglaban sa pagitan ng mga galera (Kastila: galera, Ingles: galley).
Sinalakay ng mga Barbaryong pirata ng hilagang-kanlurang Aprika ang mga Kristiyanong pagpapadala at baybayin sa Kanlurang Dagat Mediteraneo. Ayon sa Robert Davis, mula sa ika-16 hanggang sa ika-19 na siglo, dinakip ng mga pirata ang 1–1.25 milyong Europeo bilang mga alipin.
Ang pag-unlad ng pagpapadala sa karagatan ay nagsimulang makaapekto sa buong Mediteraneo. Bago ito, ang karamihan ng kalakalan sa pagitan ng Kanlurang Europa at Silangan ay pinagdaanan sa rehiyon, pero pagkatapos ng dekada 1490 ang pag-unlad ng isang ruta sa pamagitan ng karagatan patungong Karagatang Indiyo ay pinayagan ang pag-aangkat ng mga espesya ng Asya at iba pang kalakal sa pamamagitan ng mga daungan ng Atlantiko ng kanlurang Europa.
Pagdating sa estratehiyang pangmilitar, mahalaga pa ang dagat, ngunit sa ibang mga papel. Ang Britanikong pagsakop ng Gibraltar ay tiniyak ang kanilang impluwensya sa Aprika at Timog-kanlurang Asya. Lalo na pagkatapos ng mga labanan sa hukbong dagat ng Abukir (1799, Labanan ng Nilo) at Trafalgar (1805), sa mahabang panahon pinaigting ng mga Britaniko ang kanilang pangingibabaw sa Mediteraneo. Kabilang ang mga digmaan ay Digmaang pandagat sa Mediteraneo habang Unang Digmaang Pandaigdig at Teatrong Mediteraneo ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkatapos ng pagbubukas ng Kanal Suez (na walang esklusa, Kastila: esclusa, Ingles: lock), pundamental na bumago ang daloy ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya. Ngayong tumawid ang pinakamabilis na ruta ng Mediteraneo patungong Silangang Aprika at Asya. Ito ay humantong sa isang kagustuhan para sa mga bansa sa Mediteraneo, kaya ang kanilang mga daungan, tulad ng Trieste na may direktang koneksyon sa Gitnang at Silangang Europa, ay nakaranas ng isang mabilis na pag-aalsa ng ekonomiya.
Noong ika-20 na siglo, ang Unang at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at saka ang Krisis ng Suez at ang Digmaang Malamig, ay humantong sa paglipat ng mga ruta ng kalakalan sa mga daungan sa hilaga ng Europa. Ito ay muling lumipat patungong mga daungan sa timog sa pamamagitan ng pagsasama ng Europa, ng pagpapagana ng Daan ng Sutla, at ng malayang kalakalang pandaigdig.
Ika-21 na siglo at mga migrasyon
Noong 2013, inilarawan ng punong ministro ng Malta, ni Joseph Muscat, ang Mediteraneo bilang isang "sementeryo" dahil sa malaking dami ng mga migrante kung sinu-sino nalunod doon matapos itinaob ang kanilang mga bangka. Noong 2014 sumabi gayundin ang pangulo ng Unyong Europeo, si Martin Schulz, na ang polisiya ng Europa tungkol sa migrasyon ay "pinalitan ang Mediteraneo sa isang libingan". Inilarawan ng isang Aserbayaning opisyal ang dagat bilang "isang libingan ... kung saan namamatay ang mga tao".
Pagkatapos ng shipwreck ng mga migrante patungong Lampedusa ng 2013, ang pamahalaan ni Letta nagpasya na palakasin ang pambansang sistema para sa pagpapatrolya ng Dagat Mediteraneo, sa pamamagitan ng "Operasyong Mare Nostrum", isang militar at makataong misyon para sagipin ang mga migrante at arestuhin ang mga mangangalakal ng mga imigrante. Noong 2015, mahigit isang milyong migrante ang tumawid sa Dagat Mediteranto patungong Europa.
Ang Italya ay partikular na naapektuhan ng krisis sa migrante sa Europa ng 2015, dahil sa kakaibang heograpiya at kalapit nito sa Tunisia. Mula noong 2013, mahigit 700,000 migrante ang dumaong sa Italya, pangunahin mga sub-Saharanong Aprikano.
Mga sanggunian
- ↑ "Mediteraneo," mula sa "Ang mga Gawa ng mga Apostol". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gaboy, Luciano L. Mediter(r)anea - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.