Frederic Francois Chopin
Si Frederic Francois Chopin (Polako: Fryderyk Franciszek Chopin, minsan Szopen; Pranses: Frédéric François Chopin; apelyido bigkas: /ˈʃoʊpæn/ sa wikang Ingles; Pagbigkas sa Pranses: [ʃɔpɛ̃]; 1 Marso 1810[1] – 17 Oktubre 1849) ay isang kompositor at birtuosong piyanista mula sa bansang Polonya.[2][3] Isa siya sa mga dakilang manlilikha ng musikong Romantiko.[4]
Isinilang siya sa bayan ng Żelazowa Wola sa Dukado ng Varsovia, sa isang dayong Pranses at sa isang inang Polako, at itinuring na isang batang henyo.[5]. Noong ikalawang araw ng Nobyembre 1830, sa gulang na dalawampung taon, nilisan niya ang Varsovia at nagtungo ng Austria, sa pagnanais na makarating ng Italya. Ang pagsiklab ng Pag-aalsa ng Nobyembre (November Uprising) sa Polonya pitong araw ang makalipas, at ang pagsupil nito ng Imperyo ng Rusya ang nagtulak kay Chopin upang mapabilang sa napakaraming nandarayuhang Polako sa Dakilang Pangingibang-bansa ng mga Polako (Great Polish Emiration).[6]
Sa Paris, nagkaroon ng maginhawang buhay si Chopin bilang isang kompositor at guro ng piano, habang malimit na nagbibigay ng mga pagtatanghal. Bagama't itinuring niya ang sarili bilang isang makabayang Polako [7][8], ginamit niya sa Pransiya ang Pranses na salin ng kanyang pangalan at, upang hindi siya umasa lamang sa mga dokumentong ipinagkakaloob ng pamahalaan ng Imperyo ng Rusya, siya ay naging isang mamayang Pranses.[9][10][11] Pagkatapos ng ilang mga masalimuot na relasyon sa ilang mga kababaihang Polaka, nagkaroon siya ng isang masidhing relasyon sa Pransesang si George Sand. Isang sakiting tao, binawian siya ng buhay sa Paris noong 1849 sa edad na tatlumpu't siyam, sa sakit na pulmonary tubercolosis.[12][13]
Pagkabata at Maagang Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Chopin ay nag-aral ng piano sa ilalim ni Wojciech Zywny at nag-aral naman ng counterpoint kay Jozef Elsner. Nang siya'y nakapagsagawa ng una niyang konsorte noong walong taong gulang, siya'y kinonsidera bilang isang magaling na musikero. Naging sikat si Chopin sa labas ng Poland noong edad 17, ito ay dahil sa tagumpay ng kanyang mga variations tulad na lang ng kanyang mga variations sa "La ci darem la mano" ni Mozart at kalauna'y ang tutuging ito ay pinuri ni Robert Schumann noong 1830. Dahil sa kanyang tagumpay bilang kompositor, ninais ni Chopin na umalis ng Polonya noong Nobyembre 1830 papuntang Vienna at pagkatapos ng walong buwan na naandun, pumunta naman siya sa Paris.[14]
Nang mabalitaan ni Chopin ang kalunos-lunos na pag-aalsa sa Polonya, naging malungkot si Chopin dahil sa pag-alis ng kanyang matalik na kaibigan na si Titus Woyciechowski at sinubukang pumunta muli sa Polonya pero hindi na niya tinuloy ang kanyang plano sapagkat hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang.[15]
Hindi ko nais na maging pabigat sa aking ama; kung hindi sa takot na ito ay uuwi sana ako agad. Madalas akong nasa kalooban na isinusumpa ko ang aking sandaling pag-alis sa aking matamis na tahanan. Maunawaan mo sana ang aking sitwasyon, at dahil sa pag-alis ni Titus, napakaraming nangyari sa akin nang sabay-sabay
— Frederic Chopin, mula sa liham para kay Matuszynski
Sa Paris
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kalagitnaan ng 1830s, si Chopin ay naging isa sa mga mahahalagang tao sa panahong Romantiko. Pagkatapos ng kanyang debut sa Salle Pleyel noong Pebrero 1832 ,kasama sina Franz Liszt, Felix Mendelssohn, at Luigi Cherubini bilang kanyang mga tagapanood, si Chopin ay naging isa sa mga sikat na artista sa Paris. Dito nakita ni Chopin ang kanyang sarili na naging usap-usapan ng larangan at naging mas pabor na guro sa ilang mga indibidwal. Nagkaroon siya ng desenteng buhay at nagkaroon ng mga pagkakaibigan sa ilang mga sikat na artista katulad nina Eugene Delacroix, kung saan ipininta niya ang isang larawan ni Chopin noong 1838, at kay Franz Liszt, isa ring pyanista katulad niya. Noong 1836, nagkaroon si Chopin ng pagkagusto kay Maria Wodzinski pero hindi siya pinayagan ng pamilya ng babae.[14]
Paglala ng Karamdaman at Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang musika ni Chopin ay umabot sa bagong kabanata nang makilala niya ang manunulat na si Aurore Dudevant, George Sand kung ibabase sa kanyang penname. Sa panahong ito, naging masyadong emosyonal ang kanyang musika kung saan dito isinilang ang kanyang mga obra maestra. Sa kalagitnaan ng pagniyebe noong 1838 hanggang 1839, nagsama ang dalawa sa magkalapit na kuwarto sa abandonadong Kartusong monasteryo.[14]
Sa yugtong ito ng buhay niya, palala nang palala ang kalagayan ni Chopin dahil sa kanyang nararanasang pulmonary tuberculosis. Minsan na lang siya nagkokondukto ng mga konserto at ang kanyang mga kaibigan ay unti-unting nag-aalala sa kanyang karamdaman.[16]
...ang kanyang kondisyon ay unti-unting lumalala, karamihan na sa kanyang mga tinutuluyang hotel ay nagsimula ng magsingil ng danyos para sa kanyang mga ginamit na higaan at matres, kung saan susunugin nila ang mga ito pagkatapos...
Noong 1848 ng Abril umalis si Chopin sa Paris at pumunta sa England at Scotland. Pagod sa paglalakbay bumalik siya sa Paris noong Nobyembre ng parehong taon. Kalaunan, hindi na nakaya ng kanyang katawan at namatay noong Oktubre ng taong 1849.[14]
Musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Chopin ay kakaiba sa karamihan ng mga klasikal na kompositor. Marahil ang dahilan nito ang kanyang malakas na deboto sa pagtugtug ng piano. Lumilikha siya ng mga solo pieces o mag-isahang tugtugin para sa piano o mga kombinasyon ng mga instrumento kasama ang piano. Karamihan sa kanyang mga musika ay mga maiikling solo pieces na may halong kakaibang lasa. Kabilang dito ay 20 na nokturno, 25 na mga prelude, 58 na mga mazurka, 17 na mga waltsa, 15 na mga polonaise, at 27 na mga etude.[14]
Sikat rin si Chopin sa pag-imbento ng sarili niyang ballad gayundin sa kanyang mga sonata. Ang kanyang apat na Ballade pati na rin ang kanyang mga Sonata sa B-flat major at B-minor ay isa sa mga nagpapakita ng drama at pagkadalisay kung saan ang mga tagapakinig ay matatandaan ang kanyang musika.[14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Some sources give 22 February; please see Life for details.
- ↑ (sa Ingles) Michael Kennedy, pat. (2004). The Concise Oxford dictionary of music. Oxford University Press. ISBN 0-19-860884-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) p. 141 - ↑ (sa Pranses) Rey Alain (1993). Le petit Robert 2 : ( dictionnaire universel des noms propres, alphabétique et analogique ). INIST-CNRS, Cote INIST : L 22712: Le Robert, Paris, FRANCE. ISBN 2-85036-210-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ Arthur Hedley et al., "Chopin, Frédéric (François)," Encyclopaedia Britannica, p. 263.
- ↑ Gerald Abraham, "Chopin, Frédéric," Encyclopedia Americana, p. 627.
- ↑ "Chopin - biography". www.chopin.pl. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2009. Nakuha noong 30 Agosto 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David Ewen, p. 164.
- ↑ Tad Szulc, Chopin in Paris, pp. 12, 404.
- ↑ Tad Szulc, Chopin in Paris, p. 69: "Chopin of course had not been deported and was not a political refugee, but the French granted him permission to stay in Paris indefinitely 'to be able to perfect his art'. Four years later, Frédéric became a French citizen and a French passport was issued to him on 1 August 1835."
- ↑ French passport: http://diaph16.free.fr/chopin//chopin7.htm Naka-arkibo 2017-07-13 sa Wayback Machine.
- ↑ Encyclopaedia Britannica, http://www.britannica.com/eb/article-9082338/Frederic-Chopin
- ↑ Smolenska-Zielinska, Barbara. "Chopin — Biography". Fryderyk Chopin. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-23. Nakuha noong 2006-09-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A more recent theory about Chopin's death is reported in a 23 June 2008 Times of India article: Polish cystic fibrosis specialist Wojciech Cichy says that the symptoms Chopin suffered throughout his life were typical of cystic fibrosis, a genetic illness which clogs the lungs with excess thick, sticky mucus. "From childhood he was weak, prone to chest infections, wheezing, coughing." As an adult weighing 40 kg at a height of five feet, seven inches, Chopin was chronically underweight—another symptom of cystic fibrosis. It has been proposed that Chopin's heart be retrieved from its alcohol-filled crystal urn, which reposes inside a pillar at Warsaw's Holy Cross Church, and be tested for the CFTR gene that is a marker for cystic fibrosis.[1]
- ↑ 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 14.5 "The Life And Music Of Frederic Chopin". NPR.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-02.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frederick Niecks (1902) , Frederick Chopin, as a Man and Musicain (Third Edition)
- ↑ Franz Liszt (1852), The Life of Chopin
- Mga artikulo na may wikang Pranses na pinagmulan (fr)
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with RSL identifiers
- Articles with KULTURNAV identifiers
- Articles with BMLO identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Mga kompositor
- Ipinanganak noong 1810
- Namatay noong 1849