10 Downing Street
Number 10 Downing Street | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Estilong arkitektural | Georgian |
Bayan o lungsod | Westminster |
Bansa | United Kingdom |
Mga koordinado | 51°30′12″N 0°07′40″W / 51.503396°N 0.127640°W |
Kasalukuyang gumagamit | First Lord of the Treasury (Punong Ministro ng United Kingdom) |
Sinimulan | 1682 |
Natapos | 1684 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Sir Christopher Wren |
Websayt | |
http://www.number10.gov.uk/ | |
Listed Building – Grade I | |
Takdang bilang | 1210759[1] |
Ang 10 Downing Street, na pangkaraniwang tinutukoy sa United Kingdom na "Number 10", ay ang punong-tanggapan ng pamahalaang Briton at tirahang opisyal at tanggapan ng First Lord of the Treasury, isang posisyong kasabay na hinawakan din ng Punong Ministro.
Matatagpuan ang Downing Street sa lungsod ng Westminster sa London, ang Number 10 ay isa sa pinakatanyag na pahatiran sa buong mundo. Mahigit na 300 daan taon gulang, ang gusali ay naglalaman ng isang daang silid. May pribado itong tirahan sa ikatlong palapag at kusina sa basement. Sa iba pang palapag matatagpuan ang maraming tanggapan, kumperensiya, sala at kainan kung saan nagtratrabaho ang Punong Ministro, at kung saan ang mga ministro ng pamahalaan, pambansang lider at dayuhang dignitaryo ay tinatagpo at nililibang. Mayroon din itong patio sa loob, sa likod ay may balkonahe na tumatanaw sa hardin na may sukat na 2,000 m². Katabi ang St. James's Park, ang Number 10 ay malapit sa Palasyo ng Buckingham, ang opisyal na tirahan sa London ng monarko ng Britanya, ang Palasyo ng Westminster, kung saan nagpupulong ang parehong kapulungan ng parlamento.