Pumunta sa nilalaman

Acheulean

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Paleolitiko

bago ang Homo ([paleothic]])<

Mababang Paleolitiko (c. 2.6 Ma–300 ka)

Oldowan (2.6–1.8 Ma)
Acheulean (1.7–0.1 Ma)
Clactonian (0.3–0.2 Ma)

Gitnang Paleolitiko (300–30 ka)

Mousterian (300–30 ka)
Aterian (82 ka)

Itaas na Paleolitiko (50–10 ka)

Baradostian (36 ka)
Châtelperronian (35–29 ka)
Aurignacian (32–26 ka)
Gravettian (28–22 ka)
Solutrean (21–17 ka)
Magdalenian (18–10 ka)
Hamburg (15 ka)
Ahrensburg (13 ka)
Swiderian (10 ka)
Mesolitiko
Panahong Bato
Isang palakol na dalawang mukha ng Acheulean, Haute-Garonne France – MHNT

Ang Acheulean ( /əˈʃliən/ o Acheulian) ( mula sa wikang Pranses na acheuléen na isang katagang batay sa pangalang Saint-Acheul na isang suburb ng Amiens na kabisera ng departamentong Somme sa Picardy kung saan ang mga dalawang mukhang ay natagpuan noong 1859),[1] ang pangalan na ibinigay sa industriyang arkeolohikal ng paggawa ng kasangkapang bato na nauugnay sa genus na Homo noong Mababang Paleolitiko sa buong Aprika at karamihan ng Kanlurang Asya, Timog Asya at Europa. Ang mga kasangkapang Acheulean ay karaniwang natagpuan sa tabi ng mga fossil ng Homo erectus. Pinaniniwalaang ito ay umunlad mula sa mas primitibo o sinaunang teknolohiyang Oldowan ng Homo habilis noong mga 1.76 milyong taong nakakaraan. Ang Acheulean ang nananaig na teknolohiya para sa karamihan ng kasaysayan ng tao mula pa noong higit sa 1 milyong taong nakakaran. Ang kanilang natatanging hugis obal at hugis peras na mga palakol na may dalawang mukha ay natagpuan sa isang malawak na lugar at ang ilang mga halimbawa nito ay nagpapakita ng napakataas na lebel ng sopistikasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Oxford English Dictionary 2nd Ed. (1989)