Pumunta sa nilalaman

Antiochus I Soter

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gintong stater ni Antiochus I na ginawa sa Ai-Khanoum, c. 275 BCE.
Pilak na barya ni Antiochus I.

Si Antiochus I Soter (Sinaunang Griyego: Αντίοχος Α' Σωτήρ, i.e. Antiochus ang Tagapagligtas, hindi alam– 261 BCE) ang hari ng Imperyong Seleucid. Siya ay namuno mula 281 BCE hanggang 261 BCE. Si Antiochus I ay kalahating Persa (Persian) at ang kanyang inang si Apama ang isa sa mga silanganing prinsesa na ibinigay ni Dakilang Alejandro sa kanyang mga heneral noong 324 BCE. Noong 294 BCE bago ang kamatayan ng kanyang amang si Seleucus I Nicator, kanyang pinakasalan ang kanyang inain na si Stratonice na anak ni Demetrius Poliorcetes. Ang kanyang nakatatandang ama ang nag-udyok ng kasal pagkatapos matuklasan nitong ang kanyang anak ay nasa panganib ng kamatayan sa sakit ng pag-ibig. Si Stratonice ay nanganak ng limang anak kay Antiochus: Seleucus (pinatay dahil sa paghihimagsik), Laodice, Apama II, Stratonice ng Macedon at Antiochus II Theos na humalili sa kanyang ama bilang hari.